Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 114


CHAPTER ONE HUNDRED AND FOURTEEN

THREE days after Kuya Jake visit me and asked for some favor. I'm not in the nearest mall with my twin sister buying our dress for the party. I said yes to my brother, and now, I'm cursing myself to death because of what I did is stupidity.

"Klyzene, try this one," ani Zia sabay abot sa'kin ng pulang dress halter dress. Kinuha ko 'yon.

Sinuri ko ang dress, medyo revealing at hindi ko masyadong gusto. Isang hilahan lang kasi ay pwede nang mabuhad ang damit.

Tiningnan ko si Zia.

"This is much more like your style, Zia, not mine," natatawang sabi ko saka binalik dito ang dress. Ipinakita ko sa kanya ang napili kong dress wrap dress. Kulay black ito, hanggang gitna ng hita ang haba.

Inilingan ako ni Zia.

"Manang ka pa rin manamit!" panglalait niya sa'kin.

"Don't care," mapang-asar kong sagot saka pumunta sa may fitting room. Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto. Naghubad ako ng damit at sinuot ang napili kong dress.

Malawang ang naging ngiti ko ng makita ang sariling reflection sa salamin. Nakita kasi ang hubog ng katawan ko sa suot ko. Ngumiti ako. Lumabas ako ng fitting room.

Nakita ko sa labas si Zia na namimili pa rin ng isusuot na dress na mamaya. Nag-angat ng tingin si Zia sa'kin nang mapansin niyang nakatayo ako sa labas ng pintuan. Umawang ang labi nito.

"Y-you look pretty," she said.

"Thanks," sagot ko. Umikot ako sa harapan ng salamin tapos tiningnan ko ang sarili ko. I look good in this dress. "I will take this," ani ko.

"Hmmm... I like this one too, let's take it," ani Zia.

Lumingon ako dito. May hawak ulit itong halter dress na kulay blue naman. Bumalik na ako sa loob ng fitting room saka hinubad ang damit ko. Nagbihis ako saka lumabas.

"Where are we going after this?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang cashier.

Inilingkis ni Zia ang braso niya sa braso ko. Ibinigay namin sa babae ang damit namin. Humarap siya sa'kin.

"In my house. We'll wait there until mag-six to get ready na for the party," anito.

Nang marinig ko na naman ang party na mangyayari mamayang gabi ay naghuhumerintado na ang dibdib ko sa kaba. Nag-uumpisang manlamig ang katawan ko sa pag-iisip nang mga maaring mangyari mamayang gabi.

Pumapasok sa isip ko ang mukha ng mga magulang ko bago ako sumama kay Papa papuntang New York.

Naglalakad na kami palabas ng boutique kung saan kami bumili ng dress. Pababa kami sa may parkin' lot para maka-uwi na sa bahay nilang mag-asawa. Yesterday ay nagpunta sa unit ko si Zia at doon natulog, para daw hindi ako makagawa ng dahilan para mamayang gabi.

Sa kotse niya kami sumakay, ako ang nasa passenger seat at nasa driver seat si Zia. Nasa backseat ang mga napamili namin, iilan lang naman 'yon kaya kasya na.

"Daan muna tayo sa fast food bago umuwi para hindi na tayo magluto," yaya ni Zia. Tumango na lang ako kasi tinatamad na rin naman akong magluto.

Nag-drive thru kami sa Mcdo bago umuwi, nag-order ng pang-lunch. Isa't kalahating oras ang tinagal ng biyahe namin para makapunta sa bahay nilang mag-asawa. Sa Golden Gate Subdivision pala sila nakatira.

Malaki ang bahay nila, Klyzia. It's a two story house with eight rooms upstairs and four room downstairs, excluding the maid and guard's house. May malawak itong garden sa likod at isang infinity pool. Kasya ang walong kotse sa garage nila.

"Who build this house?" nasisiyahan kong tanong habang naglilibot ng tingin sa sala nila.

Nilingon ako ni Zia saka tipid na ngumiti.

"Henry build this for me. Dati kasi may two rooms lang 'to but nung ikinasal kami pina-renovate niya for our future family," pagpapaliwanag nito.

Tumango ako. "He is ready na ha," puna ko pa habang pinagmamasdan ang malaking wedding picture na nakasabit sa pader. Mukha silang masaya do'n.

"Come, I'll tour you around..."

Hinila niya ako papanik sa taas at gaya ng sinabi niya ay tinour niya ako do'n.

Exactly five pm ay inaya na ako ni Zia na mag-ayos. Bumangon ako sa pagkaka-upo at tiningnan ang phone ko. There's two missed call from Kuya, and six messages from Carl and Linda. Ibinaba ko ang phone ko.

Bumuntonghininga ako at pumasok sa banyo. Tiningnan ko ang sarili kong reflection. Napahilamos ako ng mukha.

Am I ready to meet them?

Nag-angat ako ng tingin. Ano ba 'tong pinasok ko? Dapat bang umatras na lang ako? Yes, I still can do that... hindi pa naman nag-uumpisa ang party and wala pa kami do'n.

I startled when someone knock on the door. Nagbukas ang pintuan. Sumilip si Zia.

"Taking a bath?"

Yumuko ako imbis na sumagot. Mariin akong pumikit. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Zia saka ang pagpasok nito. Tinabihan niya ako.

"Ready ka na para maka-usap sila?" marahan niyang tanong.

"I-I don't know—no. I am not," mabilis kong bawi. Tumingin ako sa kanya. "I-I can't."

Wala siyang ibang sinabi, bagkus, niyakap niya ako ng mahigpit. Gumanti ako. Ilang minuto rin kaming nasa gano'ng posisyon, humiwalay ako.

"What if you—"

"Do you think they will be happy to see me?" puno ng pangambang tanong ko.

Malawak siyang ngumiti sa'kin. "Of course! Mom and Dad wants to see you and they will be so happy!"

"How can you be so sure?" puno nang pag-aalangang tanong ko.

Hindi siya sumagot sa'kin at bagkus ay niyakap niya ako ng mahigpit. Ewan ko kung gaano kami katagal sa gano'ng ayos basta nagising na lang ako nang mabasa ako ng malamig na tubig. Kalahating oras akong naligo pagkatapos ay lumabas ako ng banyo ng naka-robe lang.

Kinuha ko ang dress na nakapatong sa ibabaw ng kama.

Tiningnan kong mabuti't ngayong lang naalala... I don't have any shoes to partner this one.

Huminga ako ng malalim.

I will borrow na lang kay Klyzia.

Sinuot ko ang dress. Lumapit ako sa may vanity table at kinuha ko ang blower sa ikatlong drawer sa kanan ko at sinaksak sa saksakan. Binuhay ko 'yon at ginamit.

Pinatuyo ko ang buhok ko. After ay kinuha ko ang plansiya at kinulot ang dulo ng buhok ko. Biglang bumukas ang pinto kaya napatigil ako. Mula sa salamin ay tiningnan ko si Klyzia na nakatayo na may hawak na make-up kit.

"Pwede bang huwag na akong mag-make up?" I said in pleading voice.

She laugh before shaking her head.

"Be ready!" tanging sinabi nito bago ako nilapitan at saka binuksan ang make-up kit.

NANLALAMIG ako nang makita ang malaking gate ng bahay ng mga magulang namin. Madaming kotseng naka-park sa labas, at may mga taong pumapasok at lumalabas. Lumingon ako sa katabi ko nang hawakan niya ang kamay ko.

"Are you okay?" mahinang tanong niya.

Imbis na sumagot ay tipid lang akong ngumiti bago naglakad papunta sa bahay. Humihigpit ang hawak ko sa kamay ni Klyzia habang papalapit kami. Para akong hihimatayin sa kaba.

Maraming beses pinisil ni Klyzia ang kamay ko nang makapasok kami sa loob ng kabahayan. Ang daming taong nagkakasiyahan na sa loob, magarbo ang buong lugar.

"Do you want me to leave you two?" tanong ni Henry nang nasa may gitna na kami ng sala.

Lumingon kami sa kanya.

"Sure, baby. I will go with you laterna lang," sagot ni Klyzia.

Nakita kong hinalikan ni Henry sa buhok si Zia bago kami tinalikuran. Hinarap ako ni Zia, may tipid siyang ngiti sa'kin.

"Gusto mo na bang maka-usap or makita sila Mom?" tanong niya.

Umiling ako. "Ayoko," mahinang wika ko.

Nakaka-intindi siyang tumango bago ako hilahin papunta sa kung saan. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid.

"Ay, wait! Magpapakita lang ako kila Mommy at Daddy para masamahan kita buong gabi, okay?" ani Zia.

Tumango ako. Iniwan niya kong mag-isa sa gitna ng mga hindi ko kilalang tao. Wala na akong nagawa. Hindi ko rin naman kasi nagawang pigilan si Zia, kahit gusto ko. Muli akong tumingin sa paligid.

Gusto kong umiyak dahil sa sakit, saya at kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Nasa loob na ulit ako ng bahay kung saan ako lumaki, kung saan ko nalaman ang totoo. Lumunok ako.

Walang masyadong nagbago sa bahay. Gano'n pa rin ito nung umalis ako. Nadagdagan lang ng ibang mga gamit pero gano'n pa rin. Nagpunta ako sa kusina, madaming tao na nagmamadali sa loob.

Napangiti ako.

Bumabalik sa isip ko 'yung masasayang alaala ko dito kahit papaano.

Sumandal ako sa pinto ng kusina, nag-iinit na ang mga mata ko. Patakbo akong nagpunta sa banyo. Pumasok ako do'n at sinarado ang pinto. Pinakawalan ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Napa-upo ako sa lapag dahil nanlalata ang mga tuhod ko.

Nasapo ang mukha ko.

I-I'm here... pumasok sa alalaala ko ang gabing nalaman ko lahat. Biglang nag-flashback sa'kin kung paano ko nalamang hindi ako tunay na anak ni Daddy or Mr. Anderson, kung paano nila sinubukang itago sa'kin ang lahat.

Sumigaw ako pero walang boses na lumabas sa'kin. Ang sikip-sikip ng dibdib ko.

Sinabunutan ko ang buhok ko at yumukyuk sa mga tuhod ko.

Nag-angat ako ng mukha. Huminga ako ng malalim.

"Kaya ko 'to," pagpapalakas ko sa loob ko.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at saka lumapit sa may lababo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, magulo na ang buhok at nagkalat ang make-up ko sa mukha. In short, nasira ang isang oras na pinaghirapan ni Klyzia kanina.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, hinanap ko ang tissue. Kinuha ko ang buong pack ng makita ko 'yon. Binasa ko muna ng tubig ang tissue bago pinunas sa mukha ko. Nag-umpisa ako sa labi at sa mga mata. Hinuli ko ang pisnge at ang lashes.

Now I'm looking at my bare face. My nose are kinda red from crying and my eyes is a bit swollen.

Suminghot ako bago inayos ang buhok ko.

Okay na ako...

Lumabas ako ng banyo at bumalik sa pwesto kung saan ako iniwan ng kakambal ko. Baka mamaya ay naghihintay na ito sa'kin. Tama nga ako. Paglabas ko ng kusina ay nakita ko agad si Klyzia na naglilibot sa buong sala, nag-aalala ang mukha nito. Nilapitan ko siya.

"Klyzene! Where have you been?!" gulat na may kahalong relief na tanong nito nang makita ako.

"Bathroom," tipid kong sagot.

Huminga ito ng malalim at hinuli ang mga kamay ko. Pinagsaklop niya 'yon. Para bang nakahinga na siya ng maluwag nang makita ako. Naglakad kami papuntang garden kung nasaan ang mini stage at ang karamihan sa mga bisita.

"Nasa itaas na ng stage sila Mom. They will have their speech na," ani Zia.

Tumango ako.

Bumaba ang mata ko sa aking Inang nakatayo sa gitna ng entablado. Naka-suot ng isang silver dress na ang haba ay hanggang sa gitna ng hita. And Da—Mr. Anderson grip his wife's waist nang tabihan nito si Mommy.

They both look different.

Tumanda ang hitsura ni Da—Mr. Anderson, bakas ang stresssa mukha nito pero hindi mo maitatangging maayos pa rin ang pangangatawan nito. Si Mommy naman ay malungkot ang mga mata. They are smiling pero hindi naman masaya?

I shake my head. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko.

"Everyone, may I get your attention?"

Nanigas ang katawan ko ng marinig ang boses nito... It's cold. Parang gusto ko nang tumakbo palayo. Sa ilang taong hindi ko sila nakita ay halos nakalimutan ko na ang boses nila. Napayuko ako.

"Thank you for coming tonight to celebrate with us this special night. It is my and my wife's thirtieth wedding anniversary, and you make me happy every single day, my love."

I heard the people say 'aww' for the sweet gesture of Mr. Andreson.

Nag-angat ako ng tingin. I saw him looking at her with so much love. So much affection.

"Thank you for loving me unconditionally, for not leaving me in our hard times. With our battles as a family."

My mother looked at him tearfully. I saw her mouthed 'I love you' to him before she took the microphone out of him.

She smiled widely at their guest who is... I can say, happy for them too.

"Everyone, thank you for coming and enjoy the night." naglibot ng mata si Mom habang sinasabi ang mga katagang 'yon pero huminto yata ang oras nang magtama ang mga mata namin. Nawala ang ingay ng lugar at wala akong ibang naririnig kundi ang kabog ng dibdib ko.

Umawang ang mukha ni Mom at parang nakakita ng multo habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Should I smiled? Wave my hands?

I gulped.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin sa'ming dalawa. Biglang bumalik ang ingay ng paligid. Binitawan ko si Klyzia pagkatapos ay lumakad paalis do'n. I cannot stay their. I feel like I'm running out my breath.

Hindi ko na alam kung anong ginawa ni Mommy after that. Nagpunta ako sa labas ng bahay. Walang tao at hindi masyadong rinig ang ingay. Lumapit ako sa kotseng dala ni Henry at sumandal do'n.

Tumingala ako at pumikit.

Nag-umpisang manginig ang mga kamay ko, hindi ko 'to mapigil. Pumikit ako ng mariin. Nagu-umpisa na akong magka-panic attack dahil sa nangyari.

Humarap ako sa kotse at pinagsisipa ang gulong nito. Ilang sandali kong ginawa 'yon nang makaramdam ng calmness.

Huminga ako ng malalim.

"Buti hindi mo pa nabutas 'yang gulong."

Mabilis akong lumingon sa nagsalita.

Si Kuya Jake. Naka-tayo sa likuran ko habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong itim na slacks. Humarap ako sa kanya at nagkibit balikat. Lumapit siya sa'kin at tinabihan ako ng tayo.

"I saw Mom... she saw you," pag-uumpisa nito.

"Yeah... and I saw her too," sagot ko habang nakatingin sa mga paa ko.

I heard him sigh.

"What do you feel?"

"Fear, anxiety." I said the truth.

Nakita ko ang pag-galaw ng paa ni Kuya at pagpunta nito sa harapan ko. Nag-angat ko ng tingin at nagtama ang mga mata namin. I can see emptiness in his eyes... I know it. Kabisadong-kabisado ko 'yon dahil gano'n ang mga mata ko noon.

"Thank you for saying yes, kahit na alam kong mahirap sa'yo 'to," aniya.

"Wala rin naman akong magagawa. Klyzia stay in my place," sarcastic kong sagot.

"Talk to them, Black... I know they owe you an explanation. We do," dagdag pa nito.

Nag-iwas ako ng tingin bago lumayo ng bahagya sa kanya. Tumalikod ako.

"I don't know anymore, Kuya... I don't know what to do next..." pabulong kong wika.

THE party is already done and the people are gone now. Ako, si Kuya at Zia pati na ang asawa na lang niya ang naiwan sa sala. Naka-upo ako sa mahabang sofa katabi si Zia na nasa kaliwa ko at si Kuya naman na nasa kanan ko at umiinom nang alak. Henry are sitting in one seater sofa.

Tumingin ako sa orasan. Three am. It's late pero nandito pa rin ako. Huminga ako ng malalim.

Ano pa bang ginagawa mo dito?

Tumayo ako kaya sila napatingin sa'kin. Nagtatanong ang mga mata ni Zia.

Sinuot ko ang shoulder bag ko bago tipid na ngumiti sa kanila.

"Maybe I should go now. Late na rin and I still have classes to attend to," wika ko.

Before they even speak out, someone preceded. Napalingon kami. I saw them standing near the door. My Mom's eyes are floppy, it looks like she just came from crying. While Mr. Anderson's face is still stoic.

I'm scared when his eyes landed mine.

His blue eyes...

Nag-iwas ako ng tingin.

"Mommy!!" ani Zia.

Narinig ko ang yapak nang mag-asawa palapit sa pwesto namin. Now my heart beats so fast. Akala mo 'to lalabas na sa dibdib ko sa sobrang bilis. Para akong hihimatayin sa takot. Nag-uumpisang manginig ang mga tuhod ko.

"Y-you can stay here... K-Klyzene... f-for tonight. Its n-not safe to drive or t-to take a c-cab in this hour," ani Mom in nanginginig na voice.

I can't look at her.

I saw someone holding my hands. I look at that person, it's my twin. She smiled at me. Encouraging me to look at our parents... at my mother. So I did. I look at her, she's at the edge of crying.

"P-please?" her tears run down from her face.

My mouth went open, and my eyes wide gaze.

"P-please... just for to-tonight, Klyzene Black... s-stay w-with us."

Something pinched my heart when her voice broke. Maybe I'm mad or sulky about what they did but it's a different story when my mother started to cry. I feel like dying.

"O-okay..."

I don't know if there's any voice that came out of me. I just saw myself walking to my bedroom. I look at my old door when I got there. It's still the same. I'm curious if they change it to one of the guestrooms because no one's using it.

I held the doorknob and twist it to open. My heart almost stop from beating when I saw inside. There's nothing change.

I walk inside and turn on the light. My eyes are looking around, reminiscing memories I have here.

I sat down in my bed and touch it carefully.

My room is clean.

Do they clean it?

Why they didn't change it?

Questions are running into my head, and I want to have answers now. I don't think I can have my peaceful sleep after this.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro