Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 113

Malapit ng matapos ang TGED  :)


CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTEEN

A WEEK have passed since the last time I met Hunter, and I'm still here in Manila to finish my work. I cannot leave because I'm attending classes and there are a lot of activities to do that will be due to this coming twenty-eight of the month.

I took out my newly bought notebook and write my notes, before looking back at the screen of my laptop, checking if there was no wrong with my report. It's so hard to be a college student. You cannot have a decent sleep.

Sumandal ako sa may sofa at nag-stretch ng katawan. Nananakit na ang likod ko kaka-upo pati na rin 'yung batok sa kakayuko. Huminga ako ng malalim.

"Ayoko na mag-aral," reklamo ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko.

Ang dami pang mga pending activities. Ganito talaga kapag natatambakan. Procrastinating pa nga.

Napakamot ako sa batok ko. Gusto ko nang magpahinga pero hindi pa pwede. Tumayo ako at nagpuntang kusina. Kinuha ko ang three in one coffee at nagsalin sa tasa ko. After no'n ay nilagyan ko na 'to ng mainit na tubig.

Sumandal ako sa counter at humigop ng kaunti.

Nag-isip ako ng kung anong pwedeng kainin ngayong araw—napatigil ako sa pag-iisip ng marinig kong tumunog ang doorbell. Lumakad ako papunta do'n.

Humawak ako sa sedura at binuksan ang pinto without looking in the peephole.

"ARE YOU SERIOUS?!" bulalas ko.

Malawak na ngumiti sa'kin si Hunter, itinaas pa ang kamay na may hawak na paper bag na hula ko ay pagkain.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" sigaw kong tanong.

"I bring you food. I make this myself," may pagmamalaking wika ng lalaki.

I cross my arm. "I don't need your food. I can make myself or buy my own."

"But this is special," dagdag pa nito.

"I don't—"

"Let me in first so we can eat this."

Walang paalam siyang pumasok sa loob ng unit ko at naglakad papuntang sala. Napahinto pa siya dahil sa dami ng kalat ko sa paligid. Nilingon niya ako.

"You're busy?"

Padabog kong sinarado ang pintuan at sumunod sa lalaki. Binunggo ko ang braso nito para makapunta sa table. Itinabi ko ang mga gamit ko, naglagay ako ng book marks sa bawat gawain para nabalikan ko ng mabilis mamaya.

"Anong pinagkakaabalahan mo?" tanong ng lalaki.

Hindi ako sumagot.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatitig si Hunter sa'kin. Pumuwesto 'to sa gilid ko.

Umupo siya sa tabi ko.

"Tulungan na kita," alok nito at ibinaba ang hawak sa may gilid ng table. Nag-umpisa 'tong magpulot ng lukot na papel.

Natapos kami ng mabilis. Malapad ang ngiti ng lalaki habang nakamasid sa'kin. Kumunot ang noo ko.

"How do you know I lived here?" seryoso kong tanong.

Paano kasi ay wala naman akong sinabihan na nandito ako except kila Papa. And please lang, mahigpit ang security nila dito. kapag hindi member ay hindi pinapapasok so how? Who let Hunter in?

Nag-start mag-unpack ng dala niya si Hunter. Pinanood ko lang ang lalaki. Madaming Tupperware ang dala nito ha. May mga kulay kaya hindi ko makita kung ano 'yon.

Naging pilyo ang ngiti nito nung itaas ang isang malaking lalagyan. Para bang ang saya-saya niya. Naol masaya.

Inalis ni Hunter ang takip no'ng tupperware.

Nagliyab ang mata ko sa galit dahil sa pagkaing dala nito.

"I make your—"

"Throw that away! I don't eat cookies anymore," malamig kong utos sa lalaki.

Tiningnan ko siya ng masama. Padabog akong tumayo at tiningnan mga dala nitong nakatakip pa.

"Umalis ka na dito! Ayoko nang babalik ka pa!"

Tumayo ang lalaki. "Bakit?"

I frowned. "What do you mean 'bakit'?"

"Bakit ayaw mo na sa cookies? I baked this myself because you love this. I even enrolled myself in a baking class para lang maging proud ka sa'kin sa pagbe-bake..."

I laugh without humor.

The flashback of that night is coming back to my mind. It's been years, but it feels like it happened yesterday.

I remember how he pushed me and my cookies and how he shouted at me, full of frustration. I cannot forget that painful night. I clearly remember it all...

How funny that the first man I tried to please is—I shook my head. No—stop it, Klyzene. Stop. It.

Tumayo ako at lumakad palayo sa lalaki. Hindi ko siya magawang sagutin dahil ayoko.

Nag-cross arm ako at tinuro ang pintuan pagkaraan ng ilang minuto. Wala ng emosyon ang mukha ko. I will not give him a satisfaction to see me hurting or—

"Leave. Please, Hunter. Leave. I don't you here!" mahina ngunit puno ng diin kong wika sa kaniya.

Pero umiling lang ang lalaki at prenteng naupo sa upuan.

"Sorry pero hidni ako aalis. I don't want to." Dume-kwarto pa ito ng upo.

Nagpakawala ako ng marahas na hininga.

"Ang kapal ng mukha mo, no!" kumuha ako ng mga crumpled papers sa lapag at binato kay Hunter pero hindi 'to natinag.

"Kumain ka na kapag ready ka na," ani Hunter habang inaalis isa-isa ang mga takip ng pagkain. Una kong nakita ang chicken fillet, sushi and something kulay brown na may pagka-black na hindi ko alam.

"Alis!!"

"Ayaw!!"

Mukhang hindi talaga siya aalis.

Padabog akong umupo sa may gilid at kinuha ang mga notebook ko. Nag-start na ulit ako sa pag-aaral kahit na nakaka-ilang si Hunter.

Mahabang oras ang lumipas at alas tres na pala ng hapon. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom, natapos ko na ang ninety percent nang mga gawain ko. Kaunti na lang talaga at tapos na. Kinuha ko ang cellphone ko. I want to try pizza.

Nag-dial ako ng number ng isang pizza house malapit lang dito sa condo.

"Hey, I want to order a large peperoni and Hawaiian pizza, a large coke."

"Is that all, ma'am?"

"Yes, I will text you the address kung saa nito ide-deliver." Binaba ko ang tawag at saka nag-type.

"You'll order your food? How about this?" ani Hunter at tinuro ang mga pagkaing nasa lamesa.

Nagpanggap akong hindi siya napapasin. Para lang siyang hangin.

Naging busy ako sa pagsagot ng mga message ni Linds and Carl, bati na naman yata 'yung dalawa.

Tumabi sa'kin si Hunter.

"Who are you talking?"

"What are you doing?"

"Can I help you?"

"Kumusta ang buhay mo sa ibang bansa?"

"May naging boyfriend ka ba?"

"Anong—"

Kahit rinding-rindi na ako sa lalaki ay hindi ko siya pinansin. Akma akong magsasalita nang mag-bell ang landline. Nilapitan ko ang phone at sinagot 'yon.

"Ma'am, andito na po 'yung order niyong pizza."

"Okay, papanikin niyo na lang dito." Binaba ko ang telephone. Lumakad ako papunta sa may pinto. Dito na lang ako maghihintay.

"Bakit ka diyan nagwa-wait? Dito ka na lang," sigaw ni Hunter.

Umirap ako.

Ba't ba ang kulit-kulit ng lalaking 'yun? Napaka-daldal, hindi naman siya ganyan noon.

After ng ilang minuto ay may nag-doorbell na. Binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa'kin ang naka-mask na lalaki. Inabot sa'kin ang pizzas.

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang pizza ko, then sinarado na ang pinto saka nagpunta ng sala. Umupo ako sa pwesto ko kanina at nag-start nang kumain. Sumandal ako.

Yummy!

"Hindi healthy 'yang pizza," puna ni Hunter.

"Who cares? Masarap naman." Binuksan ko ang box at kumuha ng isang slice. May kasamang sriracha. Naglagay ako sa ibabaw ng pagkain ko. Nag-umpisa akong kumain.

"Mad at me?"

Mahina at puno ang lungkot na boses nito. Hindi ko makita ang hitsura nito, iniiwasan ko talagang makita.

Inabot ko ang phone ko nang mag-ring ang face time nito. Rumehistro ang pangalan ni Carl. Napangiti ako saka kaagad na sinagot 'yon.

"Hey!!!" masiglang bati ko.

Lumawak ang ngiti Carl sa kabilang linya.

"Hey there, Zene! How are yah?!"

"I'm good! Finishing some of our requirements but all good!" I look in his background. It's Linda's room. "You're with her?"

He nodded.

"Yap! So, how staying there?"

"It's okay. I'm eating pizza right now as my lunch."

"When are you going home?"

"Hmm?"

"K-kaelam kha uuwie?"

Napatawa ako dahil sa accent nito nang magsalita siya ng tagalog. I've been teaching them pero 'yung accent talaga eh.

"Ahm... maybe next month? I'm not sure if third or fourth week of March."

"I'm gonna fetch you at the airport when you arrived," ani pa nito.

"Okay. Bring me a lots of milk," I said.

He laugh, "of course, how can I forget that one?" he bite his lips before smiling like an idiot.

"What?" medyo kinakabahan kong tanong.

"I heard you won at the race last time..."

"Where did you hear?!" manghang tanong ko.

He smiled.

"Secret..." he let a loud sigh. "I miss you already, Zene."

Lumamlam ang mga mata ko. "I miss you too, Carl..."

"EHEM!!!!"

Sabay kaming nagulat ni Carl dahil sa tikhim na narinig namin. Lumingon ako sa katabi ko. Pinandilatan ko si Hunter.

"Who's that?" curious na tanong ni Carl.

Mabilis akong tumingin sa kausap.

"Call you back later." Mabilis kong pinatay ang tawag at humarap kay Hunter.

Madilim ang mukha nito at umiigting ang panga sa pagpipigil ng galit. Galit para saan?

"What the hell is your problem?!" naiinis kong sigaw.

"Who the hell is that?!" balik na tanong niya sa'kin.

Ibinaba ko ang hawak kong pizza. Namewang ako.

"Don't shout at me!"

"Answer me first!" tinuro niya ang cellphone ko. "Why did he miss you? Do you have a relationship with him?" sunod-sunod niyang tanong.

Umawang ang labi ko.

Ilang beses akong kumurap.

"Are you jealous?" malamig kong tanong.

Inungusan ako ng lalaki bago tumayo. "H-hindi! B-bakit naman ako magseselos?" mahina na ang huling binitawan nitong salita.

Mabilis na tumayo ang lalaki.

"I will leave already. Eat that, please."

Hindi na ako nakapag-react dahil halos takbuhin ni Hunter ang pintuan para lang makalabas ng unit ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

What the hell did just happen?

Five o'clock.

Nagliligpit na ako ng gamit ko. Ilang oras na simula ng maka-alis si Hunter. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Nags-scroll ako sa Instagram pampalipas oras habang nagpapahinga pa ako.

Mamaya kasi ay magluluto na ako ng hapunan.

Bumangon ako nang tumunog ang doorbell sa pintuan. Lumabas ako at binuksan ang pintuan. Tumambad sa'kin ang mukha ni Kuya Jake.

"H-hello..."

"Hi, baby sister!" Niyakap niya ako na kina-gulat ko. Nanigas ang katawan ko pero ilang sandali lang 'yon. Gumanti ako ng yakap.

Naghiwalay kami.

Mawala ang ngiti nito. Nilawakan ko ang bukas sa pinto para papasukin siya. Humakbang si Kuya papasok.

"Anong ginagawa mo dito, Kuya?" tanong ko nang nasa sala na kami.

"Let's sit first," anito.

We sat in the sofa, magkaharap kami sa isa't isa. Hinawakan niya ang kamay ko. I don't know what this feeling named but ang sarap sa feeling na nadalaw ako ni Kuya dito kahit na hindi ko naman sinabing nandito ako.

And for sure kaya alam ni Kuya at sinabi ni Zia sa kaniya. Sino pa bukod dito, right?

Naging seryoso ang mukha niya.

Nagtaas ako ng kilay.

"Why are you looking at me like that?" nagtataka kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko. Nag-umpisa akong kabahan dahil sa ginawa nito. Naglaho ang ngiti sa labi ko.

"I—I know, what will I ask to you is a large favor, and you might decline it but please. Don't," he said.

Bahagya akong lumayo sa kanya at tiningnan ito na may halong pagtataka.

"What do you mean?" mabagal at mahinang tanong ko.

Huminga ito ng malalim saka hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"This coming Sunday, three days from now... it's our parent's anniversary and I want you to be there. I want it to make special form them."

Para akong nabingi sa sinabi ni Kuya. Ang tanging naintindihan ko lang ay ang 'parents anniversary' and 'I want you ti be there'.

Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa'kin, ako naman ay napalayo.

"A-ahm..." kinamot ko ang batok ko.

Sunod-sunod ang pagtango niya sa'kin saka tipid na ngumiti. Sumandal ako sa upuan tapos muling umayos ng upo.

"I-I don't know..." mahinang bulong ko.

He nodded.

"I understand. Like what I said a while I ago, you might decline my request but... think it first, please," nangungusap na ani Kuya.

Bumigat bigla ang pakiramdam ko.

Rumagasa ang kaba at takot sa dibdib ko. Nag-umpisang manginig ang mga tuhod ko pero hindi koi to pinahalata sa lalaki.

"Please...?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"I-I will think about it muna..." bulong ko.

Nagtama ang mata namin ni Kuya. His eyes are pleading. Almost begging.

"Sasabihan na lang kita, Kuya... if pu-pupunta—"

"Mom missed you so much, Klyzene. Hindi man niya sabihin pero sobrang miss ka na niya."

Biglang sabi ni Kuya.

Napakapit ako sa braso ko at nag-iwas ng tingin.

"I will text you na lang, Kuya... sorry if hindi ko masagot ngayon." Tumayo ako at saka naglakad papunta sa kwarto ko. Sinarado ko ang pinto at sumandal sa likod no'n.

Napapikit ako.

Am I ready to meet them?

"Klyzene... if naririnig mo ko, please, consider it but if you really can't meet them right now, it's okay. I understand. I will take my leave now. Take care," ani Kuya sa kabilang bahago ng pintuan. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro