Chapter 111
CHAPTER ONE HUNDRED AND ELEVEN
NASA loob kami ng sasakyan ni Kuya Jake. Nasa may backseat ako katabi sina Henry and Benjamin, si Kuya ang driver at nasa passenger seat si Hunter. Tunog ng aircon ang maririnig mo dahil tulog ang dalawang lalaking katabi ko.
Tumingin ako sa labas ng bintana sa kaliwa. Naka-upo kasi ako sa may kaliwang pinto.
Papunta kami sa Vista Mall para kumain.
Sumandal ako sa upuan ko at nilibang ang sarili sa pagbibilang ng mga kotse sa labas, pati na rin ang brand ay sinusubukan kong alamin.
"Kaylan ka pa natutong makipag-race?" pagpuputol ni Kuya sa katahimikan.
Tumingin ako dito mula sa rear view mirror.
"Year after kong makapunta sa New York. My friends introduce this sports to me," sagot ko sabay nag-iwas ng tingin dahil tumingin din do'n si Hunter.
Kinuha ko ang gamit kong earphones at kinabit sa tenga ko. Nakinig na lang ako sa music para hindi na nila ako kausapin.
Nang makarating kami sa parking lot ng Vista Mall ay agad akong bumaba. Hindi ko hinintay pagbukas ako ni Kuya ng pintuan. Sinuot ko ang facemask at naglakad papunta sa entrance ng mall.
Alam kong nakasunod sa'kin ang mga lalaking 'yon dahil ramdam ko ang mainit na titig niya sa likuran ko.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Kuya ng mahabol nila ako.
"Max's na lang siguro."
"Okay, sa Max's na lang daw tayo," pagpapaalam ni Kuya sa iba.
Um-oo naman sila.
Humawak si Kuya sa braso ko saka naglakad papunta ng Max's. Malakas ang dating ng mga kasama kong lalaki dahil nagtitingnan sa'min ang mga babaeng nakakasalubong namin o kahit 'yung mga sales lady ay nababali ang leeg kakalingon sa kanila.
Pumasok kami sa loob. Naglakad kami sa may bakanteng pwesto.
Sa tabi ako ni Kuya na-upo pero gano'n na lang ang pagtutol ko nang tumayo ang lalaki para kumuha ng isa pang silya.
"Diyan ka na umupo, Hunter," ani Kuya sa kaybigan.
Mabilis akong tumingin dito.
"What?! Kaya nga ako umupo dito kasi ikaw ang katabi ko!" may pagre-reklamo kong saad.
Nginitian lang ako ni Kuya.
"Sorry, magkatabi pa rin naman tayo ah," ani 'to saka umupo sa tabi ni Hunter. Napa-irap na lang ako.
Pasimple kong inilayo ang upuan ko sa lalaki.
"Anong gusto niyo?" tanong ni Benjamin habang tinitingnan ang menu. Nag-angat ito ng tingin sa'kin, "my treat dahil sa panalo mo," ani pa nito.
"Naks! Kelangan pala palaging manalo si Klyzene para makapaglabas ng pera 'tong si Benjie boy!!" hirit ni Henry.
"Tss! Gagaya mo kasi ako sa'yong pakawala!" sagot naman ni Benjamin.
Namilog ang mata ni Henry.
"Anong pakawala?! Inaalagaan ko ang puri ko ha!!" anito.
"Gago!"
"Tangina mo!"
Sinapo ko ang noo ko. May sira talaga sa ulo ang mga kaybigan ni Kuya.
"Magtigil na nga kayo. Pareho naman kayong gago!" ani Hunter.
"Tsk!"
"Di na kita lab!"
Umiling ako saka kinuha ang menu sa table. Tiningnan ko na lang kung anong makakain ko. I think I'll go for Kare-kare and Halo-halo na lang.
"I want siningang na hipon, lechon kawali with rice," ani Henry.
"Hmm... sa'kin lumpiang shanghai lang saka halo-halo," ani Benj.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Nakatunghay lang sila sa'kin kinataka ko. Ibinaba ko ang menu na hawak ko.
"What do you want to eat, Black?" tanong ni Kuya kaya sa kanya ako napatingin.
"Kare-kare with a cup of rice then halo-halo for dessert—"
"Gano'n na rin 'yung akin," ani Hunter kaya bumaling dito ang ibang lalaki. May kakaibang ngisi si Henry pero agad ring nawalan ng mapasin nakatingin ako sa kanya.
"Okay... spring fried chicken na lang 'yung sa'kin," ani Kuya.
"Crispy pata gusto ko, Jake," ani Henry.
Napa-iwas ako ng tingin.
Tumawag ng waiter si Kuya at sinabi ang order naming lima. Tumingin ako sa labas ng restaurant, malapit kasi kami sa may entrance kaya naririnig ko ang mga impit na tilian ng mga kababaihan.
I rolled my eyes.
"Wait na lang po ng mga ten minutes," rinig kong ani ng waiter.
Di ko alam kung anong reaction o kung may sinabi ba ang mga kasamahan ko ngayon. Kinuha ko ang phone ko saka nag-scroll-scroll sa Instagram.
Matagal na pala 'yung last post ko. Need ko na mag-update.
Napangiti ako nang may pumasok na message galing kay Zia, sinabi nitong nag-eenjoy ang kapatid at father niya do'n sa beach. Kumain daw sila ng inihaw na seafoods.
Mabilis akong nag-type ng reply.
Me: I wish I was there too! I want to eat sea foods!
Klyzia: Uwi ka naaaaaaa!
Naputol ako sa pagre-reply ng dumating ang waiters na may hawak ng tray na order namin. Imbis na mag-reply ay ibinalik ko sa bag ko ang cellphone saka nag-start kumain.
Nakipag-share sila ng kare-kare kay Hunter pero they never dare to asked for mine. Parang may kumakaing isang barangay dito sa loob dahil sa ingay ni Henry at Benjamin, nakikisali naman sa usapan sina Kuya Jake at Hunter pero madalang.
Pagkatapos naming kumain ay nagyaya akong magpunta sa grocery para bumili ng supplies ko. Bukas or sa makalawa pa kasi ako uuwi, walang lamang supplies 'yung condo kaya kaylangan ko pang bumili.
Pumayag naman silang samahan ako.
Agaw pansin talaga ang ka-gwapuhan nilang apat. Paano ba naman kasi, si Kuya ay may hawig kay Ian Somerhalder na gumanap bilang Damon Salvatore sa palabas na The Vampire Diaries. Si Benjamin naman ay hawig si Zac Efron kapag may balbas, si Henry ay kahawig ni Keanu Reeves nung bata pa siya, si Hunter... kamukha nung bidang lalaki sa palabas na The Vampires Academy na si Danila Kozlovsky.
Kumuha ako ng isang basket at do'n inilagay ang kinukuha ko.
Kumuha ako ng isang pack ng tissue, alcohol, sabon and some dishwashing soap, pati na shampoo and of course feminine wash. Naka-sundo sa'kin si Hunter, 'yung iba ay bibili daw ng beer.
"Ako na magbuhat!" maagap na sabi ni Hunter ng makitang medyo mabigat na ang basket.
Hindi na ko umangal pa at pinabayaan na siya. Nagpunta naman kami sa may food area. Kumuha ako ng bread, junk foods and chocolate, next stop is, drinks. Kumuha ako ng sofa, milk and chocolate drink.
Pagkatapos kong kunin ang mga kaylangan ko ay nagpunta na kami sa cashier. Kinuha ko ang gold card ko't ginamit 'yon pambayad dahil wala naman akong dalang cash na sasakto sa price ng pinamili ko. Mula sa gilid ng mata ko ay napansin ko na sina Kuyang papunta na rin sa cashier habang may hawak na alak at mga pagkain.
Nang makapagbayad na ako ay kinuha ko ang card at mga pinamili ko. Humarap ako kay Kuya dahil sila ang nakapila sa likod namin.
"Mauuna na ako." Hindi ko sila hinintay makasagot dahil mabilis akong tumalikod. Naglakad ako palabas ng grocery.
"Klyzene!!"
I heard them shouted my name but I didn't look back. I took the elevator to go in the third floor. I know they have exit there too. And I'm right, may exit nga do'n ay may mga taxing nag-aabang. Lumapit sa'kin 'yung taxi. Sumakay ako.
"Saan po tayo?" tanong ng Driver.
"Sa Circle Condominium po," sagot ko saka sumandal sa upuan.
The driver nod and he started to drive. Naging maikli lang ang byahe namin at nakarating kaagad ako sa condo. Nagbayad ako saka umakyat sa unit namin. Binuksan ko ang pintuan ng condo at pumasok sa loob. Sinarado ko ang pinto gamit ang paa ko at ini-lock.
Nagpunta kaagad ako sa kusina.
Ibinaba ko ang mga dala ko sa may island counter. Lumapit ako sa ref at kumuha ng isang tubig, binuksan ko agad 'yon saka inubos ng isang inuman lang.
Halos maubos ko ang tubig dahil sa uhaw. Lumayo ako sa ref at binalikan ang mga pinamili ko. Inilabas ko sila sa paper bag saka inilagay sa ref. Nang matapos akong mag-ligpit ay lumakad na ko papunta sa kwarto ko.
Nagbihis lang ako saka nahiga na sa kama para makapagpahinga. Mamaya na lang siguro ako babangon kapag nagutom ako.
KINABUKASAN ay tanghali na akong nagising. Nagmamadali akong inayos ang mga dadalhin kong gamit pauwi. 'Yung foods ay iiwan ko dito sa condo para next time na bumalik ako ay may stocks ako.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng damit ko sa duffle bag nang marinig ko ang pagtunong ng doorbell sa pintuan. Nagtatakang binitawan ko ang hawak kong damit at lumakad palabas.
Binuksan ko ang pintuan ng hindi tumitingin sa peephole. Agad akong sumimangot sa napagbuksan ko.
"What are you doing here?!" mataray kong tanong.
He smiled at me.
"I came here to talk about my offer for you," he sounds serious but there's still a smile in his face.
I raised my brows.
"What offer?"
Itinaas nito ang hawak na folder at pinakita sa'kin. Ipinaling ko ang ulo ko. I don't trust this guy.
Nagtatanong akong tumingin sa kanya pero imbis na sagutin ako ay walang paalam siyang pumasok sa loob ng unit ko. Namilog ang mata ko dahil sa walang habas nitong pagpasok. Padabog kong sinarado ko ang pintuan.
Sinundan ko ang lalaki sa sala.
Naabutan ko siyang nakatayo sa gitna ng sala habang naglilibot ng tingin sa paligid. Namewang ako sa harapan niya. Tiningnan ko siya ng masama.
"Can you please tell me what the offer you were saying a while ago is? My time is important,"mataray kong tanong.
Lumingon ito sa'kin.
"I didn't know you're that busy." Umupo ito sa sofa.
Inungusan ko siya.
"Leave my unit now," madiin kong utos.
Nginisihan niya ako.
"But give me this day. I promise, this is worth your time," pangungumbinsi niya pa sa'kin.
Nauubusan ng pasensya akong tumingin dito bago sinenyasan na magsalita. Mukha rin namang hindi aalis ang taong 'to kapag hindi napakinggan.
Nag-iwas ako ng tingin ng kinindatan niya ako. Ikinuyom ko ang kamao ko. Seryoso akong tumingin sa malayo.
Huwag ang magpapadala. Remember what he did to you. Kaya lang naman siya mabait sa'yo dahil inakala niyang nasa iyo ang mata ng namatay nitong girlfriend.
Inilabas nito ang mga documents at inilatag sa ibabaw ng mesa't pinakita sa'kin. Inabot ko ang mga 'yon at binasa.
"I know you know about my resort that rivals your resort. I want us to have an agreement for the betterment of our resorts." Sumandal ito ng upo.
Binasa ko ang documents at inilipat sa ibang pages.
"So what do you suggest?" curious kong tanong.
"I want us to be business partner."
"A what?"
"Business partner," pag-uulit ng lalaki. "Mahirap maging magkalaban ang mga resort natin. Tingnan mo ang nangyari sa resort mo, bumagsak. And I don't want that to happen to mine kaya imbis na maging magka-kumpetensiya, mag-tulong na lang tayo."
"Ano naman ang mapapapala ko dito? Like what you said, bagsak na ang Resort ko."
Nginisihan niya ako.
"Makikilala ulit ang resort mo. Hindi masasayang ang pagpapa-renovate mo and add the fact that magkakaroon ulit ng tao do'n. Kapag walang space sa resort mo, pwede silang magpunta sa'kin kapag may vacant pa. Basta hindi tayo maging magkalaban."
Ibinaba ko ang hawak kong dokumento at nag-cross arm. Tiningnan kong mabuti ang lalaki bago bored na nagsalita.
"Why?"
He frowned.
"W-why?"
I nod. "Yes, why. Why are you asking me to be your business partner? If you're in your right mind, you will not ask me because my Resort is closed. It's not making money as of now."
"I know. That's why I'm asking you now para kapag nagbukas ang resort mo hindi ka na mahirapan kundi madalian na. Summer is coming, tourist will stay to relax. They need hotel rooms, of course. I know na magkukulang ang mga kwarto sa hotel, I need extension pero hindi na ako magpapagawa because of yours."
Umiling ako.
"It doesn't make sense, Hunter. If puno na ang hotel mo talagang sa'kin pupunta ang mga tourist para mag-check in."
"You are right. Pero think of it, iikot ang pera sa'ting dalawa."
"So you'll make my resort as an extension to yours?"
"Yes pero ang kaibahan, ikaw ang may control sa Resort mo. Ikaw pa rin ang may-ari dahil kapag binili ko 'yon, mawawalan ka na ng karapatan do'n."
I laugh without humor and mockingly look at him.
"Don't you think I will sell my resort? The resort that my father gave me?!" madiin kong tanong.
Inilingan niya ako.
"I know you will not kaya nga I'm just asking for partnership." Pinasadahan nito ng hawak ang buhok at seryosong tumingin sa'kin. "Accept it, Klyzene. This is for our own good. Madami ka ring makukuha dito."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at saka tumayo.
I walk back and forth. Pinag-iisipan kung anong tamang gawin sa pagkakataong ito. I cannot trust this man. Maybe I trusted him before but now? It's a no.
"I'm sorry but I'll decline your offer." Tipid ko siyang nginitian. "If my business will fail, then it fail but I'm not going to have a partnership with you."
Hindi makapaniwalang tumingin siya sa'kin pagkatapos ay umiling saka tumayo. Nginitian niya ako.
"Think about it, Klyzene Black. Think of it carefully. We can benefit from this." Naglakad 'to papunta sa pintuan at bago tuluyang lumabas ay nilingon niya ako. "I will give you enough time to think. Call me if your mind changes," mahinahon nitong paalala bago binuksan ang pinto at umalis.
Matagal nang nakaalis si Hunter pero nakatayo pa rin ako sa gitna ng sala. Bumaba ang mga mata ko sa documents na naiwan ng lalaki.
Isang bahagi ng isipan ko ay gustong sumang-ayon sa lalaki pero fifty percent rin ang ayaw at gusto na lang umiwas.
What he offer is a good deal. Tama siya. I can benefit from it too.
I will lose my rival and tourist will go to my Hotel, and vice versa.
Napapikit ako.
"Think carefully, Klyzene... what will you do?" bulong ko sa sarili ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko saka ikinuyom ang kamao.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro