Chapter 110
CHAPTER ONE HUNDRED AND TEN
NAKITA ko si Antony, ang lawak ng ngiti habang kumakatok. Ibinaba ko ang bintana.
"CONGRATS, FUCKER!!!! YOU WONN!!!!" maligayang sigaw niya sa'kin.
Saglit na nag-loading sa utak ko ang sinabi niya pero pagkatapos ng ilang minuto ay na-realize ko 'to!
I won?!
I fucking win!
Mabilis na binuksan ni Tony ang pintuan ng driver seat at hinila ako palabas. Hindi ko na namalayang nakatanggal na pala ang seatbelt ko. Hinila ng lalaki ang braso ko at tinaas sa ere. Naghiyawan ang mga tao.
"THE GREEN EYE DEVIL JUST PROVED TO US THAT HE IS NOW THE KING OF RACING!" sigaw ng MC.
Nagsitakbuhan sa gawi namin ang mga nanunuod at 'yung ibang mga drivers ay lumabas sa kanya-kanya nilang kotse. Inilibot ko ang paningin ko. Kita kong bumukas ang pinto ng driver seat ng kulay gray na sasakyan.
Gusto kong batiin kung sino man 'yon. He is good. Akala ko'y siya ang nanalo.
Naglakad palapit sa'kin ang lalaki. Napakunot ang noo ko ng mag-alis ng helmet ang lalaki. He looks like Italian.
Ngumiti ang lalaki.
"Nice to finally meet you," may accent nitong wika saka naglahad ng kamay sa harapan ko.
Inabot ko ang palad niya at nakipag-shake hands.
Hindi niya nakikita kilala kung sino ako dahil naka-helmet pa ako. 'Di rin ako nag-aalis lalo na kapag bago lang naman ako sa isang lugar. Nabibilang sa daliri ang nakakita na sa'kin.
"Hmm..." binawi ko ang kamay ko saka inilagay sa likuran.
The guy smirked. "You are good! I never thought you can beat me," may halong pang-uuyam nitong sabi.
Tumaas ang kilay ko.
What does he mean?
"Let's have a coffee. I can tell you—"
I didn't let him finish and turn around. I don't like him. Sinundan ako ni Tony.
"Nice talk there!!" sigaw nung lalaki na hindi ko na pinansin.
Umirap ako. I don't like his attitude. It's off.
"Ang galing mo kanina do'n, Devil, sa dami ng gustong puma-una sa'yo at talunin ka ay 'di ka nagpatalo."
Napangiti ako.
"Yeah, akala ko nga natalo na ako dahil magaling din ang lalaking 'yon," medyo may pagka-ilang kong wika.
Tinapik nito ang balikat ko.
"Malaking pera rin ang napanalunan mo ngayong gabi," wika nito.
"Really?" medyo 'di makapaniwalang tanong ko.
"Yes! Karamihan sa mga manunuod ay sa'yo tumaya."
"Wow!"
Nakarating kami sa building namin, dapat ay may awarding pa pero hindi na ako a-attend, sina ang bahalang magpalit sa'kin do'n. Pumunta ako sa locker. I locked the door to be safe. Malay ko ba kung may magpuntang hindi namin ka-team mate.
Kinuha ko 'yung damit kong suot kanina sa locker ko at nagbihis pero bagong tee na ang damit ko, nakakahiya naman kung gano'n pa rin 'yung suot ko 'di ba.
HUNTER
PEOPLE starting shouting and jumping when they saw that The Green Eye Devil won. Napatayo pa sina Benjamin at Henry at napasuntok sa hangin. Pumalakpak kami ni Jake at medyo nakisigaw dahil intense ang laban kanina.
The color gray car almost win kung binilisan pa sana nito ng kaunti pero wala, may nanalo na.
Bumaba ang mata ko sa babaeng bumaba sa green na kotse. Yes, babae. Kitang-kita ang hubog ng katawan nito. She got my respect. Napaka-delikado ng sports na racing pero nakikipag-sabayan siya sa mga kalalakihan.
Itinagilid ko ang ulo ko para kilalanin ang taong 'yon... para kasing kilala—bago ko pa man matapos ang iniisip ko ay humarang ang isang lalaki sa tapat ng babae. Napamura ako sa isip ko.
Hinampas ako sa dibdib ni Benjamin.
Masama akong tumingin sa kanya.
Nag-peace sign ang lalaki, saka tinuro ang ngayong papaalis nang Green Eye Devil, nag-tatanong akong tumingin sa kanya.
"Let's go!!! Follow her!!" atat nitong sabi saka nagmamadaling tumayo't iniwan na kami do'n.
Nagkatinginan kaming tatlo bago sabay-sabay na tumayo para sundan si Benjamin na akala mo batang ngayon lang nakita ang isang mascot.
Naglakad kami papunta sa isang building, sinusundan lang namin si Benj dahil ito ang mas nakaka-alam. Umakbay sa'kin si Henry.
"Bro, look at him. He looks like a child, pfft," natatawang bulong nito sa'kin.
I smirked.
"Yeah, so follow your son dahil baka mamaya ay mabasag pa 'yan," pang-aasar ko.
Sinimangutan niya ako at mahinang tinulak. Humalukipkip ito.
"Hindi mo na ako lab! May iba ka na bang babae?! Hindi na ba ako sapat?!" pagdra-drama nito.
Kinilabutan ako dahil sa sinabi nito.
Sinapak ko 'to bago binilisan ang paglalakad. Narinig ko pa ang pag-tawa nila ni Jake, pare kasing baliw. Nakapasok kami sa building.
Nakita kong naglibot ng tingin si Benj, may hinahanap ang mga mata nito hanggang sa huminto sa pintuan ng locker room.
Malawak ang ngiting lumingon sa'min
Parang batang tinuro ang pintuan. Wala na kaming nagawa ng tumakbo ito papunta do'n. Akma ko siyang pipigilan dahil nakahawak na 'to sa doorknob at mukhang bubuksan ang pinto.
"Benjamin—"
KLYZENE BLACK
NANG matapos na ko sa pagbibihis at pag-aayos ay kinuha ko na ang gamit ko saka humarap sa may pinto. Sa backdoor ako dadaan para walang makakita sa'kin. Yes, tapos daan na rin ako sa mall para bumili ng ilang stocks na gagamitin ko sa condo.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng message kay Kuya. I need to inform him.
Humawak ako sa door knob at hinila pabukas ang pinto. Humakbang ako palabas.
"AHH!" nabitawan ko ang phone ko dahil sa pag bangga sa matigas na bagay. Mabilis kong pinulot ang cellphone ko. Nag-angat ako ng tingin sa nabunggo ko.
Umawang ang mga labi ko.
May narinig pa akong mga singhap sa likod kaya lumagpas sa balikat ni Benjamin ang tingin ko. Unang bumaba ang paningin ko kay Kuya Jake, halatang gulat ito ng makita ako. Sumunod sa katabi nitong naka-itim na si Henry, ang asawa ni Zia, halos huminto ang pagtibok ng puso ko sa katabi ni Henry.
Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. After four years... we saw each other again... this is different from the airport incident, because before, I'm the only one who see him, he doesn't see me... I can walk away like nothing happened but now? I can't.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'ng posisyon. Nagbalik na lang kasi ako sa reality nang lumapit sa'kin si Tony.
"Devil! Aalis ka na agad? Hindi ka man lang nagpa-alam sa'kin," medyo nagtatampong tono nito.
Humarap ako sa kanya.
"I thought you know the drill? I'll leave na kasi may mga gagawin pa ako." Wow! I should be proud of myself because I didn't stutter.
He nod before pinching my cheeks. Mukhang 'di nito napapansin ang mga lalaking kanina pa nanunuod sa'ming dalawa, o sadyang wala lang siyang pake?
"Okay pero ihahatid na kita sa labas baka mamaya may fans na makakilala sa'yo."
Bago pa ko makasagot ay may nauna nang nagsalita sa'kin. Sabay kaming napatingin sa kanila. My brother is frowning like he didn't like what he's looking.
"You can go now, I can handle my sister," malamig na utos nit okay Tony.
Napatingin ako sa lalaki at tumango na lang. Binigyan niya ako ng tipid and assuring smile bago umalis. Sinundan ko siya ng tingin.
"Who's that boy?" my brother asked.
Bored akong tumingin sa kanya.
"He is my friend, Kuya," tipid kong sagot.
Tumingin siya sa'kin na para bang hindi naniniwala. Inirapan ko siya.
"Did he call you... Devil?" pabulong na tanong ni Benjamin na nakatitig sa'kin.
Napapikit ako ng mariin bago dumilat at salubungin ang tingin ng lalaki. Gusto ko mang magsinungaling ay narinig na nila. And ano bang magagawa ng pagsisinungaling, 'di ba?
Dahan-dahan akong tumango.
Napa-atras ako ng bigla na lang itong bumagsak. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa mga kaybigan nito na mukhang nagulat rin sa nangyari sa kaybigan nila. Naguguluhan naman akong tumingin kay Henry ng tumawa ito ng malakas habang tinuturo-turo si Benj.
"HAHAHAHHA, gago!!!! Tangina ka! Laki-laki mong lalaki tapos—apakagago!! HAHAHAHHA"
"Wow! That makes him faint?"
"Damn this asshole!"
Tinulungan ni Kuya Jake si Benj na bumangon na unti-unting nagkakamalay. Nag-aalala akong tumingin dito.
"Are you okay?" marahang tanong ko. Kung mabagok ulo niyan edi kami pa may kasalanan.
Nagniningning ang mata niyang tumingin sa'kin. Mabilis humiwalay sa kapatid ko bago hinawakan ang magkabila kong kamay na kinagulat ko.
Umawang ang labi ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Can you sign this for me?!" mabilis niyang binitawan ang kamay ko para i-abot sa'kin ang isang tee at maker.
Natatanong akong tumingin kay Kuya. He just nod to me. Huminga ako ng malalim saka inalis ang takip ng marker. Sa harap ko pinirmahan ang tee. Tatakpan ko na ulit ang panulat ng magsalita pa si Benj.
"Pwedeng paki-lagay, ang pogi mo Benjamin?" nakangiting favor nito.
Tumango na lang ako at sinulatan ulit ang damit tulad ng sinabi niya. Nilagyan ko pa ng smiley face saka heart sa dulo.
Para itong bata nung mag-smile siya sa'kin ng abutin na 'yung tee. Ibinalik ko rin 'yung marker nito bago humarap kay Kuya.
"I will go now. May pupuntahan pa ako," pagpapaalam ko.
"Ihatid ka na namin," suggest ni Hunter.
Napalingon kami dito. Nakangiti siya sa'kin, tipid. Gusto kong magalit. Bakit parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari? Anong meron? Nakakatuwa ba? Damn! Ano 'yon akala niya napatawad ko na siya?
I was naïve back then. I really was.
Hindi ko man lang nalaman na may ibang intension siya sa paglapit at pagtulong niya sa'kin. Kung sinabi niya lang sana ng mabuti edi sana.... Wala akong heartache and betrayal na naramdaman no'n.
Napalunok ako.
Ayoko siyang makita, sa totoo lang. Gusto kong umalis ng hindi siya nakikita. Ni ayaw ko na ng connection sa'ming dalawa.
Tatanggi na sana ko pero nagsalita si Kuya.
"Yap, ihahatid ka na namin kung saan ang lakad mo, Black," ani Kuya.
Napalingon ako sa kanya.
"Please, gusto pa kitang maka-usap, Klyzene. Sana mapagbigyan mo kami," ani Benjamin.
"But I have my car—"
"I'll call someone to take your car," pangunguna ni Hunter.
Napatawa si Henry.
"Damn! Whipped!"
Napahinga ako ng malalim saka tumango.
"Okay but kay Kuya ako sasakay," ani ko.
Lahat sila ay sumang-ayon. Nauna akong naglakad palabas. Si Benjamin ang panay tanong at kausap sa'kin dahil hindi daw niya inaasahang ako 'yung racer kanina do'n. Ang laki na dawn g pinagbago ko.
Madami pa siyang tinanong at sinabi na hindi ko na maintidihan. Basta sagot na lang nang sagot.
Kahit 'di siya nagsasalita ay ramdam kong nakatitig siya sa likuran ko. Nararamdaman ko.
Ano pa bang gusto niya ?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro