Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 108


CHAPTER ONE HUNDRED AND EIGHT

THE next morning my head is aching, and so are my eyes. My nose is runny. Tumagilid ako ng higa para tingnan ang kakambal ko. Klyzia's sleeping soundly.

May mga buhok na nakatabing sa mukha niya, inalis ko 'yon. Payapa ang mukha nito, nakangiti ang labi. I touches my chest, 'di na masyadong mabigat ang pakiramdam ko. What happened last night was... helpful.

What my brother said help too. I need to forgive to forget.

Letting go of grudges will help other people to move on. And it help me.

"Baka matunaw ako."

Ilang beses akong kumurap sa kaharap ko. Unti-unting nabuo ang ngiti sa labi nito. Ngumiti ako. Dumilat si Klyzene.

"Good morning," she said in a soft voice.

"Good morning too."

Ipinatong nito ang braso niya sa bewang ko. Gano'n rin ang ginawa ko. After years of being away, eto kami ngayon.

"What do you want to do?" tanong niya.

Napa-isip ako. Ano bang pwedeng gawin ngayon? Wala namang masyadong gagawin, manunuod sa workers? Movies? Do my activities?

"I don't know," tumihaya ako ng higa.

Gano'n rin ang ginawa nito.

"Let's eat breakfast na lang? Sa may sea side?"

"Hmm... okay lang. Sige, mag-ayos muna tayo bago kumain," ani ko.

"Oo nga. Baka mamaya ay nag-aalala na sa'kin si Henry, 'di ko pa naman nasabi sa kanyang dito ako matutulog sa'yo."

Tumango ako at tipid siyang nginitian. Sabay kaming bumangon. Naunang lumabas ng kwarto si Zia at naiwan ako. Kumuha muna ako ng damit sa closet bago pumasok sa banyo. Binuhay ko ang shower pati na ang heater, tumapat ako sa ilalim at naligo.

Paano nga ba kami nakapanik kagabi dito sa Penthouse? Parang black out na after naming mag-iyakan. Nagising na lang ako kanina.

Binilisan ko ang paliligo. Ginamit ko ang binigay na shampoo sa'kin ni Ate Riley kahapon. Naka-robe akong lumabas sa banyo, may towel na nakapalibot sa ulo ko. Sinuot ko ang basic tees and a short-short.

Blinower ko ang buhok ko para mabilis matuyo. I put a light tint, magkakulay man lang ang mukha ko kahit papaano. Ayoko namang mapuntla ako. Nilagyan ko ng concealer ang ilalim ng mata ko para 'di halata ang nag-iiyak ako.

Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang phone ko. Dumaan muna ko sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos no'n ay bumaba na ko sa downfloor.

Nakasalubong ko si Ate Riley.

"Wow, ang ganda naman ng gising ng veveh namin!" ngumiti ako sa kanya.

"Good morning to you too," ganting bati ko. Lumapit ako sa kanya.

"May nangyari ba?" nagtatakang tanong niya.

Bago ko pa man siya masagot ay naagaw na ng isang matinis na boses ang atensyon naming dalawa.

"Hi, Riley!" masiglang bati ni Zia sa katabi ko.

Ngumiti ako. Kumapit si Zia sa braso ko na nagpataas ng kilay ni Ate Riley. Nagtataka ito pero saglit lang 'yon at kumislap ang mata ng babae.

"Bati na pala ang kambal!" anito.

Tumawa kami ni Zia, saka magkasabay na tumango. Bumaba ang kamay nito sa palad ko para pagsaklupin 'yon. Hinigpitan ko ang hawak.

"Kakain muna kami sa may seaside, Riley. See you na lang later!" ani Zia saka ako hinila palabas ng hotel.

"ENJOY!!"

Lumingon ako at kinawayan siya. Mabilis akong naglakad para makasabay ako kay Zia na napakabilis maglakad. Napangiti ako ng makita ang isang picnic set up sa may buhanginan. Nagtatakang tiningnan ko si Zia.

"D-did you made this?"

"Yes!! Tumawag ako sa kitchen at nagpahanda ng breakfast dito." humakbang siya palapit do'n.

Namewang ako at pinanood si Zia. Huminga ako ng malalim. Nilapitan ko siya. Umupo ako sa mat.

Inabot ko ang isang ham sandwich at kumagat do'n. Tumango ako ng malasahang masarap ito.

"Who made this?"

Tumingin siya sa'kin. "Me," may halong pagmamalaking wika niya.

"Really?"

"Uh-huh."

Sunod-sunod akong tumango.

"This is nice!"

"Thank you! I learned that from Henry!"

"Henry? Henry the Henry?"

Tumango siya.

"I didn't know he know to do a sandwich." Nang-aasar akong ngumiti. "Sa susunod ay siya ang papagawain natin nito. I want to see if it's true."

Hindi na sumagot ang babae, nag-umpisa na rin itong kumain. Sinuri ko ang mga inilabas niyang pagkain. Saan niluto 'to? Kung sa kitchen lang ay parang ang bilis. Iilan na lang ang natirang tauhan.

Nagkibit balikat na lang ako at nag-umpisang kumain. Malamig ang simoy ng hangin kaya naman kahit medyo mainit ang sikat ng araw.

NANG matapos kaming kumain ay sabay ring dumating si Henry na naka-lock agad ang mata kay Zia. Tinakbo nito ang pagitan nilang dalawa ng babae.

Mahigpit niyang niyakap si Zia at pagkatapos hinalikan ito sa labi na kina-iwas ko ng tingin. Umiling ako at kinuha ang bote ng mineral water at uminom.

Sa tagal kong nawala ay marami akong na-missed sa buhay ng lahat ng naiwan ko dito. Kanina ko lang nalaman na ikinasal na ang dalawa last two years, civil lang daw muna ang kasal nila dahil hinihintay niya ako.

I feel sad about that. Paano na lang kung 'di ako umuwi? Edi matagal pa sila bago ikasal sa simbahan o baka never na?

"How's your sleep last night?" rinig kong tanong ni Zia sa asawa.

"Lonely... I thought 'di na ko makaka-tulog dahil 'di kita katabi," parang batang ani Henry.

Mabuti na lang at nalunok ko na ang iniinom kong tubig. Mabubulunan ako dahil sa dalawang 'to.

"OH! My baby!"

"I miss you, babe!"

"I love you, don't be sad na. Minsan lang kasi kami magkasama ni Black kaya susulitin ko na ha. Sa kanya ulit ako matutulog mamaya—"

"WHAT?!"

'Di pa man tapos magsalita si Zia ay nagkaroon na ng violent reaction ang lalaki.

"Baby! I will not have a good night sleep if you're not in my side! Baby! Don't give me such punishment like this!" reklamo ng lalaki.

"Baby, minsan lang naman 'to! Hindi ka na ba nasawa sa mukha ko, palagi mo naman akong nakakatabi samantalang si Black ay ngayon na lang ulit. Baka bumalik na siya sa New York at matagal ulit bago kami magkita."

Malungkot na tumingin sa'kin si Zia, hindi na ko nakakibo sa sinabi nito dahil totoo naman 'yon. Babalik ako ng New York at walang kasiguraduhan kung babalik pa ko dito sa Pinas.

"By, pwede naman kayong sa kwarto natin matulog or ako ang sasama sa inyo. Kahit sa living room na lang," pamimilit ng lalaki.

Umiling si Zia. "Nope!" Nakita ko ang pag-abot nito ng sandwich kay Henry at sinubuan ang lalaki. "Kain ka na muna, baby."

Sinubo ng lalaki ang binibigay ni Zia, napangiwi ako.

Bakit kaylangan nilang sa harapan ko pa maglambingan? Hindi ba pwedeng mamaya na nila gawin 'yan? Yuck.

Muli kong kinuha ang mineral water para uminom ng tubig. Umiling ako dahil rinig ko ang paglalamupungan ng dalawa. Kita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ng bibig ni Henry sa tenga ng kakambal ko.

Nag-iwas ako ng tingin.

Mabilis akong tumayo na dahilan nang pagtingin nila sa'kin. Tipid akong ngumiti.

"Iiwan ko muna kayo diyan dahil mukhang kaylangan niyo ng quality time. Nasa may resto ako kung gusto niyo kong puntahan," wika ko bago mabilis na tumalikod.

Narinig ko ang pag-aray ni Henry bago ako makalayo sa kanila. Pagpasok ko ng Hotel ay sinalubong ako ni Ate Riley, abot tenga ang ngiti.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa'kin?" nawe-weird-uhan kong tanong dito.

"Ikaw ha! Kelan kayo nagkabating magkapatid?" nakangising tanong niya.

Inirapan ko siya. "Ang Marites mo!"

"Syempre, kelangan madaming sideline! Pero ano nga?! Kelan?!" atat nitong tanong.

"Kagabi lang. Naka-usap kami at nagkapatawaran." Lumakad ako papuntang Resto at nakasunod sa'kin si Ate.

"Ows?! Bilis ah."

Tinawanan ko siya. Mabilis pa ba 'yong four years bago ko sila napatawad? Huminga ako ng malalim at tinulak ang pinto papasok ng kusina. As usual, walang tao pero may laman pa naman. I still can cook.

"But, I'm happy for you, Zene! So happy," ani Ate kasabay ng pagyakap niya sa likuran ko. Ngumiti ako sa kanya at gumanti ng yakap.

"Thank you for some guidance," bulong ko.

Ilang sandali kaming nasa gano'ng ayos ng kusa na 'tong humiwalay sa'kin. Hindi na mabaklas ang ngiti sa labi nito. Ewan ko na lang sa kanya kapag napunit 'yang pisnge niya kakangiti.

AFTER naming magkwentuhan ni Ate ay pumanik na 'ko sa penthouse dahil may mga kaylangan pa kong gawin. Nasa second floor ang mga magre-renovate ng hotel, matagal pa rin bago maabot kung saan ako tumutuloy kaya okay lang.

May pinasukan akong tatlong klase.

"I wish I was there with you, Zene! I want to see how beautiful your resort is!" ani Linda nang sandaling magka-usap kami sa skype.

"Don't worry, Linds, someday I will bring you here!" pagpapagaan ko ng loob nito.

She nodded her head. "I will hold into that!"

"How's life there? I didn't see Carl, where is he?" That's true, 'di ko pa napapansin si Carl since mag-start kaming mag-usap ni Linds.

Sumimangot ang babae.

"Don't mention him, please?" she pleaded.

I frowned. "What happened?"

"That guy is a fucking asshole! I saw him kissing some girl last time! He told me that's an accident but I caught him again with the same girl!" gigil nitong kwento.

Umawang ang labi ko't 'di makapaniwalang tumingin dito.

"Really? He did that to you?!"

"Yes! So please, don't mention his name! I already blocked him in all social media I have, in my phone, and I change my locked already."

I am shocked about what I heard! I can't believe it! Carl Sanders kissed another girl?! Damn that guy! Should I talk to him? I thought he likes Linds?

I let a loud sigh. I don't want to spoil our moment so I change the topic. I can clearly see that Linds are really hurt. Her eyes are sad.

"Let's change the topic, Linds," I said in a cheerful voice.

She forced a smile. "Thanks. I have a chika for you, Zene!" excited nitong sabi.

"Shoot!"

Inipit ni Linda ang buhok nito sa likod ng tenga bago nagsalita.

"You remember Mae?" I nodded. "I heard she's pregnant and now living with her boyfriend's house!"

"Mae as in our Mae?" diniinan ko ang pagkakasabi ng 'our'.

"Yes, baby girl!" she started to curl the lower part of her hair. "That's the reason she's not in class last week."

Wow, shocking news.

Sa ibang bansa naman kasi it's not that conservative like Filipino's. Kung mabuntis ka 'di na masyadong issue but Mae is different. She's our class president, one of the smartest person in our class.

She's a nerdy type of girl na wala sa pakikipag-relasyon ang isip.

Bago ko pa man masagot ang tinanong ni Linds ay napalingon ako sa may pinto ng kwarto ko. There's someone knocking. Humarap ako sa laptop and smiled to her.

"Talk to you later, Linds. Bye!" mabilis kong ibinaba 'yung tawag at pinatay ang laptop. Tumayo ako saka naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at nanlalaki ang matang patakbong yukamap sa bagong dating. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro