Chapter 107
CHAPTER ONE HUNDRED AND SEVEN
KINAGABIHAN, pumunta ako sa BAR dahil sa napag-usapan namin ni Jake. Nine o'clock pa lang pero puno na ang buong lugar nang mga nagsasayahang tao. Pumasok ako sa loob. Binati ako ng Bouncer na ginantihan ko ng tango. Bumaba ang tingin ko sa dance floor kung saan madaming sumasayaw. Napansin ko ang pamilyar na pigura ni Benjamin na may kasayaw na babae.
Naglakad ako papunta sa hagdan, umakyat ako sa itaas at nagpunta sa VIP Room namin. Pinihit ko ang doorknob, nasa loob si Jake at naka-upo sa may upuan. Lumingon sa'kin ang lalaki, tinaas niya ang baso ng whiskey.
Pumasok ako at sinarado ang pinto gamit ang paa ko. Lumakad ako palapit sa kanya. Umupo sa harapang upuan niya. Inabot ko ang bote ng vodka at nagsalin sa baso ko. Nilagyan ko 'yon ng yelo.
"What do you want us to talk about?"
Nag-angat ito ng tingin.
"It's about my sister." He put down his glass. "Klyzene."
My heartbeat fast just hearing her name. Umaakto ako na parang wala lang sa'kin 'yon.
"W-what about her?"
"She needs help, Hunter. 'Di ba may resort ka sa Batangas? Mukhang malapit lang 'yon sa Resort ng kapatid ko. Can you help her? Mahina ang sales nila do'n."
Sinasapak ko na ang sarili ko sa isip ko. Mukhang mag-iiba ang plano ko ah. Uminom ako ng vodka. Nagsalin ako ng isa pa.
"What kind of help?"
"Ask her to be your business partner. Maganda rin 'yon para sa Resort niyong dalawa. No competition." Nagsalin ito ng alak sa baso.
Tumikhim ako.
"Jake, your sister is mad at me. If she knows na ako ang magiging business partner niya ay baka tumanggi 'yon."
"Hindi 'yon. I'll talk to her, basta ready the things you needed."
Tumango ako. Madami pa kaming pinag-usapan. Mga gagawin para mapapapayag si Klyzene. Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa nai-imagine kong hitsura ng babae.
"Ako na lang ang magsasabi sa kanya na mayroong gustong makipag-usap about her Resort. Give her an offer na 'di niya matatanggihan," ani Jake.
I smirked.
"I will. Kapag hindi pumayag, sabihin mo sa'kin. I will personally talk to her, that's our last resort."
He nod.
Napangiti ako.
Mukhang hindi na ako mahihirapang makipag-lapit sa babae dahil tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita kami. Buong gabi akong masaya dahil do'n.
KINABUKASAN, pagpasok ko sa loob ng office ay sinalubong ako ng tambak na gawain. Lumakad ako paupo sa swivel chair ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Jiggy, ang secretary ko at ang tumatayong Boss kapag nasa field ako. Nginisihan ako ng lalaki.
"Bossing! Kanina ka pa?" tanong nito.
Umiling ako saka hinubad ang suot na flight jacket. Ihinagis ko 'yon sa may upuan sa gilid.
"Hindi naman. May mga cases tayo ngayon?"
"Nakow, Bossing! Matutuwa ka! May dumaang importanteng tao dine kahapon!" anito sa masiyang tono.
Kumunot ang noo ko.
"Sino?"
"'Yung Presidente! Gusto daw niyang pabantayan ang anak niyang babae dahil madaming death threats na siyang natatanggap." Umupo sa visitors chair ang lalaki.
Tumango-tango ako.
"May PSG sila 'di ba?"
"Tsk! Paano, nakakaramdam daw siya na parang may ahas sa loob ng Malacañang pati na sa mga PSG nila kaya natatakot siya para sa anak niya."
"Hmm..."
Binuksan ko ang computer ko at nag-search ng pangalan ng agents na walang ginawa o nakabakasyon sa bansa. Pumasok ang pangalan ng limang agents. Apat na lalaki at isang babae.
"Tawagin mo sina Pineda, Salvador, La Pierre, Antonio at Garcia." Inabot ko ang unang folder sa harapan ko at nakitang 'yon nga na files 'yon ng anak ng presidente.
"Okay, Boss. Gusto mo ng kape?"
"Yeah, no sugar."
Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto. Nang makalipas ang limang segundo ay do'n ako nag-angat ng tingin. Mag-isa na lang ako sa kwarto.
Bumaba ang kamay ko sa handle ng drawer, hinila ko 'yon pabukas. Inilabas ko ang isang picture frame na matagal nang nandoon. It's me and Divine. Tipid akong ngumiti bago ibinalik sa kahon ang frame at sinarado 'yon.
Tiningnan ko ang picture frame sa ibabaw ng lamesa ko.
"How are you, baby girl?" mahinang tanong ko.
Hinaplos ko ang salamin at ang pisnge nito. It's Klyzene's picture, post niya sa Instagram na ini-screen shot ko saka ipina-print. Inilagay ko sa table ko ang picture para may inspirasyon ako.
Pumasok si Jiggy na may dalang kape kaya napa-ayos ako ng upo. Ngumisi sa'kin si Jiggy.
"Bossing, matutunaw 'yan kakatitig mo." Pang-aasar nito. Tiningnan ko siya ng masama. Natatawang ibinaba nito ang hawak sa may gilid.
"Natawagan mo na ba 'yung mga pinapatawagan ko sa'yo?" strict kong tanong.
Tumango ito, "yes, Bossing! Kaya lang 'yung tatlong lalaki 'di pa sumasagot mukhang magkakasama na naman."
"Okay."
Lumakad na palabas ang lalaki, naiwan ako. I-chineck ko ang mga emails ko at pati na rin ang ibang trabaho ng field agents ko at 'yung mga agents na naka-leave.
Madami akong chineck lalo na 'yung mga bagong kaso na aasikasuhin nila. Madaming mga bagong new agents na kaylangan pang i-train. Dapat ko na yatang ipaasikaso 'to sa mga bata ko. Kaylangan nila ng pa-unang interview.
Six pm na pero nasa Office pa rin ako. Naririnig ko sa labas ang murahan at ang yapak paalis ng kanya-kanya nilang pag-alis.
Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas ng bintana ko. Madilim na. Lumingon ako sa pinto ng makarinig ng katok.
Sumilip si Jiggy.
"'Di ka pa uuwi, Bossing?"
"Mamaya na siguro." Tipid ko siyang nginitian. "Mauna ka na't may tatapusin lang ako."
Ngumiti siya sa'kin bago sunod-sunod na tumango.
"Okay, Bossing! Ingat ka na lang po!"
I wave my hand as a goodbye. Nawala na ang lalaki sa paningin ko. Bumalik ako sa pagtingin sa labas ng bintana.
Kinuha ko ang alak sa gilid ng mesa, sinalinan ko ang basong walang laman. Nagpakalunod ako sa trabaho at alak.
KLYZENE'S P.O.V.
TONIGHT is a great night. There's a lot of stars in the sky, full moon. I smile when I see the sea, the calm see and I think the water is cold.
Nasa pool area ako at pinapanood maglabas ng mga gamit ang tauhan ni Klyzia, gabi na pero gumagawa pa rin sila. May pang morning and night shift para mas mapadali ang trabaho.
Kinuha ko ang cellphone ko ng mag-ring 'to. Ngumiti ako ng mabasa ang pangalan ni Papa. Mabilis ko 'tong sinagot.
"Hi, Pa!"
Narinig ko 'tong tumawa ang Papa sa kabilang linya kaya napangiti akong lalo.
"How are you, sweetie?" malambing na tanong nito.
"I'm okay, Papa. I miss you." Tumayo ako.
"I miss you more, hija. You never called," may pagtatampong anito.
Napanguso ako.
"I'm sorry, Pa. Busy lang ng konti." Malungkot akong napatingin sa karagatan. Mahabang katahimikan.
"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong niya.
Napayuko ako kasabay ng pang-iling. Alam kong hindi niya ako nakikita pero pakiramdam ko ay may mata siyang nakamasid sa'kin. Tumingala ako.
Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Papa.
"I saw Kuya Jake, Pa..."
"Ow?"
Napalunok ako. I pouted my lips. I want to cry in his arms and tell him about what happened.
"And what did you feel?" mahinang tanong niya.
Natigilan ako.
What did I feel? Ano nga ba? Scared... mad... shocked...
"I feel scared, Pa... mad and shocked..." nangilid ang luha sa mata ko. "I-I don't know what to feel anymore."
"My sweetheart...."
"Pa, I'm scared... I thought—I'm okay pero hindi p-pala, Papa... s-sometimes, memories are coming back and it's still painful..."
Tumulo ang luha ko kasabay ng pag-upo ko ulit sa upuan. Nawala sa kabilang linya ang kausap ko. Kinagat ko ang labi ko.
Binaba ko ang phone ko at sinapo ang mukha. Galit ba sila Papa sa'kin dahil nakita ko sila Kuya? Iiwan na ba nila ako? What Papa's reaction?
I startled when my phone rang.
It's a video call. Mabilis ko siyang sinagot. Bumungad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Papa. Katabi nito si Kuya Ivan na seryoso ring nakatingin sa'kin.
"Are you okay?" malambing na tanong ni Kuya.
Umiling ako. I bite my lips to stop myself from crying. I closed my eyes.
"I don't know..."
I cried hard.
"I thought I was okay. I thought I can handle it but it's not. I'm not okay. The wounds are still here and still bleeding. I just know how to live with it..."
Tumingin ako sa kanila. Nakamasid sila sa'kin. I look in their eyes, they are pitying me.
Hindi sila nagsalita at hinayaan lang akong umiyak ng umiyak. Ang tagal na nung huling iyak ko dahil sa masakit talaga.
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti.
Kuya smiled at me, "do you want to leave there already? You know I can substitute. Ako na lang ang magbantay diyan at dito ka na lang. Have bonding with Papa," alok niya.
Yumuko ulit ako.
"I-I don't know..."
"That's fine, hija. It's okay to cry." Rinig kong sabi ni Papa. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's smiling at me. "If you want to leave then it's okay. You can leave and go back here. I'll give you a big big hug!!"
Hindi ako makasagot at mabilis na nag-iwas ng tingin.
"Okay ka lang naman if gusto mong diyan na lang. Maybe, you need to forgive to forget. Gumagana 'yon sa ibang tao," ani Kuya Ivan. "We understand if you can't answer right now, Zene."
"Yes, we understand, sweetheart."
Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko. Nagsisikip ang dibdib ko kasabay ng pagsirit ng sakit sa ulo ko.
"I-I—talk to you later..."
Mabilis kong pinatay ang tawag at ibinaba ang phone ko sa gilid. Sinapo ko ang mukha ko at nag-iiyak. Mabuti na lang at wala ng tao dito kung hindi ay pinag-uusapan na ko ngayon.
"G-gaano ka lalim ba ang sugat na naiwan namin sa'yo? Malayo mo na ba k-kaming mapatawad?"
Mabilis akong lumingon sa likod.
Tumutulo ang luha ni Klyzia na nakatayo, hawak-hawak ang isang libro...
Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita.
Pilit siyang ngumiti sa'kin.
Lumakad siya palapit.
"P-paano mo ba kami m-mapapatawad? Paano mo kami mapapatawad...?"
"Ewan ko... hindi ko rin alam..."
Lumakad siya palapit sa'kin, nag-squat sa harapan ko. She hold my hands and feel she's trembling.
"E-eighteen years, Klyzia... Eighteen years... I-I always ask yet no answered me. Alam mo 'yung kayo 'yung inaasahan kong mga taong 'di magsisinungaling sa'kin. Hindi—" huminga ako ng malalim. "P-pero mali ako. You. All. Lied to me! Pati ikaw."
Pumikit ako.
"I-Ikaw... you're my twin sister. We have one heart and yet you—"
"I-I'm sorry!!"
Niyakap niya ako ng mahigpit. Nabasa ang damit ko dahil sa luha niya, pati na rin sa luha ko.
"I-I thought I'm doing the right t-thing!" she tightened her arms around me. "I was s-scared of l-losing you...I'm sorry, Black! I'm sorry! I love you too much, and it scared me to see that you'll go with them! I will be alone if that happens! I-I'm scared!"
"I-I was scared too... scared of knowing what behind my eyes. W-what's going to happen if p-people knew about this! Because I'm different from all of you!" I shout at her.
Lumayo siya sa'kin at hinawakan ako ako sa magkabilang pisnge. Nagtama ang mga mata namin na paniguradong namumula na. Nag-uunahan ang mga luha kong kumawala sa mga mata ko, ang dibdib ko ay nananakit dahil sa sobrang bilis ng tibok na animo lalabas na.
"I'm your twin sister, Klyzia... and you lied to me..."
"F-forgive me, Klyzene... please forgive me. I know now my mistake and 'di ko na uulitin 'yon. P-please, let's start again... I want my sister b-back..."
Sunod-sunod akong tumango. Humawak ako sa pisnge niya at pinagdikit ang mga noo namin. I close my eyes.
"I-I'm sorry too if nagalit ako sa inyo. I'm sorry!"
I hugged her again.
The cold breeze never bothers us. The heat of our bodies is enough for both of us.
"I want to start a new l-life too, w-with you," I whispered.
I heard her chuckle and embrace me.
"I forgive you."
"Thank you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro