Chapter 106
CHAPTER ONE HUNDRED AND SIX
NALULUNGKOT ako dahil madaming umalis na tauhan. Sabi nila'y 'di nila kayang maghintay lang dahil kelangan nilang kumita para sa mga pamilya nila. Pinanood ko ang ilang tauhang naiwan na inilalagay ang closed sign sa itaas ng gate ng resort.
Hinawakan ako ni Ate sa braso ko.
"Don't be sad Zene, mabilis lang ang araw. Kapag na-renovate ang buong lugar ay mas dadami ang turista and mga staff natin," pagpapagaan niya sa loob ko.
Tipid akong ngumiti kasabay ng pagtango.
"You're right, Ate, pero 'di ko maiwasan kasi the resort is gift for me nila Papa and Kuya. Nakaka-disappoint lang na feeling ko napabayaan ko ang buong resort."
"Hindi ah! Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan. Nasa business world tayo. Minsan nasa taas minsan nasa ibaba, gano'n."
Nagpakawala ako ng mahinang hininga. Tumayo ako sa gilid at hinila si Ate papunta sa loob. Kung dati'y tahimik ang lugar mas doble ang tahimik ngayon. Pumasok kami sa lobby ng hotel. Wala ng nakatao sa front desk.
"Ate, pwede bang pahingi ng sales report ng Resort for the last years? Aaralin ko lang."
She smiled at me.
"Okay. Saan ko ihahatid?"
"Sa may pool area na lang po."
"'kay, wait me there," she said and then winked. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa wala na. Lumakad ako papunta sa pool area, 'di gano'ng mainit kaya okay lang na do'n na lang ako magbasa.
"OKAY! OKAY! OKAY! Let them go here, madaming gagawin. I need three pairs of team, okay? Sige na. Yes, yes!"
Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na 'yon. Sa lobby. May hawak na ipad Klyzia, habang nakasuot ng high waist black jeans, with a pink blouse na hukab sa katawan nito. Ibinalik ko ang tingin ko sa dagat.
Hindi ko alam kung umalis na ba si Kuya. 'Di pa rin kasi ito bumababa or tumatawag sa kwarto ko.
"Klyzene Black!"
"What?!"
Narinig ko ang papalit na yapak ni Klyzia. Tinabihan niya ako ng upo at humawak sa bewang ko at sumandal sa balikat ko.
Damn! She's not this clingy before!
Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa bewang ko pero 'di ko matanggal kaya pinabayaan ko. Sabay kaming tumingin sa payapang dagat.
Walang nagsasalita sa'min basta dinadama lang ang pagkakataon. Payapa kami pareho.
Napalingon lang ako ng makarinig ng yapak. Sumunod sa'kin si Klyzia. Nakita namin si Kuya Jake na papalapit sa'min. Mukhang nasa good mood ito.
"You look so handsome when smiling, Kuya!" puna ng katabi ko.
"Want me to treat you?"
"YES!!! LET'S EAT OUTSIDE!!!"
Hinilot ko ang tenga ko, napakalakas ng boses ni Klyzia. Hinawakan niya ako sa braso.
"Bonding tayo. Say yes please?" nag-puppy eyes pa siya sa'kin.
"Madami akong gagawin eh. I need to study—"
"Wala siyang gagawin and she's free to go."
Napalingon ako.
Nakatayo sa may entrance si Ate Riley, yakap-yakap ang mga files na hinihingi ko. Pinandilatan ko siya pero kinindatan niya lang ako.
"Sige na, minsan lang naman 'yan," dagdag pa nito.
Lahat tuloy ng mata ay nakatuon sa'kin. Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Yumuko ako at hinilot ang nose bridge ko.
****
SAKAY kami ng itim na Raptor ni Kuya, papuntang City. Walang masyadong kainan dito sa lugar kung nasa'n kami. Iilan lang din ang bahay at magkakalayo pa ang agwat. Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakakatuwa ang payapang dagat. Ang ganda ng scenery.
Pag dating namin sa City ay nag-park kami sa pinaka-malapit na restaurant. Pumasok kami sa Mall. Nakahawak sa braso ko si Klyzia at kasabay kong naglalakad si Kuya sa kanan.
Pumasok kami sa Max' Resto-Bar. Madaming tao pero may napansin na akong uupuan. Lumakad kami do'n. Agaw pansin si Kuya ng pumasok kasunod namin. Who wouldn't? I mean, my brother is a good looking man. A blue eyed man, his eyes can drown you.
Magkatabi kaming umupo ni Klyzia, si Kuya ay sa harapan namin.
Mayroon ng menu sa table na pingatigisahan naming tatlo para mamili ng kakainin.
"I want to try their grilled pork chop and their mango shake."
"Hmmm. I want spicy butter shrimp."
Lumingon silang dalawa sa'kin.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Kuya.
Ibinaba ko ang menu. "Ramen and coffee jelly for me."
Tumango ito at tinaas ang kamay para tumawag ng waiter. Lumingon kami sa may counter may lumapit sa'ming isang waiter, hinanda ang panulat. Si Kuya ang nagsabi ng order namin. Mabilis tumalima ang lalaki.
After thirty minutes of waiting dumating na ang pagkain namin. Mainit-init pa. Yummy.
"Where do you want to go after here?" tanong ni Kuya.
Tumingin ako dito. Naka-gloves ito at kumakain ng shrimp with rice, same ni Klyzia, Ako lang 'yung naka-Ramen.
"Let's go shopping, Kuya! Libre mo kami ng new clothes and bag," ani Klyzia.
"Kung saan kayo do'n rin ako," sagot ko.
"Hmm... edi, punta tayo sa boutiques and check kung may magugustuhan kayo then we'll buy it."
Inuma sa'kin ni Zia ang isang cut ng pork chop. Tiningnan ko 'yon bago tumingin kay Zia na naka-tingin sa'kin. Para bang nahihiya at... natatakot? Umirap ako sa isip ko bago kinain ang binibigay nito.
Hindi ko napansin ang kakaibang ngiti ng kasamahan namin na nanunuod pala. Mabilis kong tinapos ang pagkain, pinagtuunan ko ng pansin ang coffee jelly ko. Humigop ako.
"Yummy..."
"Daan na rin tayo ng NBS, kuya, need ko ng new materials."
"Okay. Alam ba ni Henry na kasama ka namin ngayon?"
"Of course, 'di ako makaka-alis ng 'di niya alam kung saan ang punta ko."
"Is he a controlling husband?"
"Nah! It depends."
"Kapag sinaktan ka niya, tell me. Ako ang gugulpi do'n."
Napa-irap ako sa sinabi ni Kuya. Siya dapat ang ginigulpi dahil nanakit rin siya ng babae. Kaya 'di na ako nagtaka kung ayaw magpakita ni Alex. She's already away from pain, 'di na siya babalik.
Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa pinakamalapit na boutique. We watch Klyzia choosing her new dress or whatsoever she'll buy. Tumingin-tingin rin muna ako dahil baka may magustuhan ako, pero wala. Lahat ng meron dito ay meron na ako.
"Matagal pa ba?" bored kong tanong habang nakatingin sa sariling reflection sa salamin.
I heard Klyzia and other sales lady having a soft laugh. Tiningnan ko sila ng masama.
"We've been here for almost two hours, and you only have chosen two clothes!" reklamo ko.
Kuya is busy scrolling on his phone. Sa mukhang 'di naman bored ang lalaki. Zia gives me peace sign before heading to the cashier. She pay for her clothes. I roll my eyes.
Nauna akong lumabas ng boutique, nakasunod sila sa'kin. Nakaka-inip. Wala naman akong masyadong magawa dito. Gusto ko ng magpahinga na lang kesa gumala pa.
"Ihahatid ko na muna kayo pauwi. Dad called, there's an emergency meeting in the company," ani Kuya nang nasa parking lot na kami.
Nag-aalalang tumingin si Zia dito.
"What happened? Do you need help?"
Umiling si Kuya. "I can handle this, Blue. Ihahatid ko—"
"We can take a cab na lang or magpasundo sa van ng hotel. Malayo pa ang byahe baka ma-late or 'di ka na umabot sa meeting," pagpuputol ko sa sasabihin nito.
Naninigurado siyang tumingin sa'kin.
"Are you sure?"
"Yes, I'll call Ate Riley." Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Ate. Medyo matagal itong sumagot, before pa siya makapag-salita ay inunahan ko na. "Can you pick us here at the Mall?"
"W-what?' medyo disoriented nitong tanong.
Tumingin ako kay Kuya, he's looking at me.
"Pick us here at the Mall. Kuya had an emergency he needs to go back to Manila."
"Huh? Ah... okay. Wait me."
I put my phone back in the bag when the call ended. I look to the both of them, giving them an assuring smile.
"She'll be here in no time. You can go now, Kuya. We're going back inside to wait," ani ko.
"Okay! Okay! If hindi lang importante 'to 'di ko kayo papabaya—"
"It's okay. Go now," utos ko. Hinawakan ko sa braso si Zia at hinila pabalik ng Mall. Hindi ko na nilingon si Kuya, si Zia ay nagpatiaanod na lang hanggang sa makabalik kami sa loob.
****
HUNTER'S P.O.V.
I LET a loud sigh while looking at her grave. It's been months since the last time I go here. Naging madumi na tuloy ang puntod ni Divine, may mga damong nakatakip sa lapida nito. Inalis ko 'yon ng marahan. Malungkot akong ngumiti sa kanya.
"Sorry kasi ngayon lang ulit ako nakadalaw," pagka-usap ko dito kahit alam kong walang sasagot sa'kin.
Sinindihan ko ang kandila sa itaas ng lapida nito. Nilagyan ko rin ng fresh flowers sa kanang bahagi nito.
"It's been four years since she left, Di. Since I hurt the girl who break the ice in my heart." Pagkwe-kwento ko. Saglit akong nag-iwas ng tingin. "Gusto ko siyang puntahan at kausapin kaya lang pinapangunahan ako ng takot. Sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti at masayang-masaya naduduwag ako."
Huminto ako sa pagsasasalita.
"Dati pinupuntahan ko pa siya sa New York, sa Spain para lang makita kung okay lang ba siya o kung masaya ba siya. Kahit makita lang siya sa malayuan ay okay lang basta makita ko lang siya. Miss ko na siya... miss na miss."
"Kung sana'y naging malinaw agad ang pag-iisip ko no'n. Kung 'di sana ako nagsinungaling sa kanya ay 'di siya mawawala. Di siya magagalit sa'kin o aalis. Kung mababalik ko lang 'yung oras..."
Umihip ng malakas ang hangin kaya ako napatingala sa kalangitan. Hindi masyadong mainit pero hindi rin makulimlim. Okay lang ang panahon.
"Sorry kung nagmahal ako ng iba, Hindi ko napigilan. Hindi ko rin namalayan."
Magsasalita pa sana ako ng marinig ang papalapit na yapak. Napatingin ako sa likuran. Nakita kong papalapit ang kaybigan ni Divine. Ang tagal na rin ng huli ko siyang nakita. Tumayo ako at sinalubong ang babae.
Malapad siyang ngumiti sa'kin.
"Hunter, ang tagal nating hindi nagkita ah!" ani Bea.
Tipid akong ngumiti sa kanya. Ipinasok ko sa suot kong pants ang kanan kong kamay. Ang kaliwa ay ginamit ko para hawiin sa likod ang buhok ko.
"How are you, Bea? It's been a while."
She smiled at me, then, lumapit sa puntod ni Divine, tiningnan niya 'yon kaya tumingin na rin ako. Napansin ko ang pagiging malungkot nito ng makita 'yon.
"I'm okay naman. Working in a company. Ikaw?" nilingon niya ako.
"I have my own agency. I build it after her death," humina ang boses ko, "and after many years I already found someone who I want to be for the rest of my life."
Nagtama ang mata namin. Nung una'y naguguluhan siyang nakatingin pero nagbago ang paraan nito ng pagtingin ng ma-realize kung anong sinabi ko.
Bumuka ang bibig nito at sumara rin.
Iniwasan niya ang tingin ko at tumingin sa lapida ni Divine bago galit na tumingin sa'kin.
"Gano'n na 'yon?"
Kumunot ang noo ko.
"Anong gano'n na 'yon?" kunot noong tanong ko. Ang mga mata nito ay napuno ng panibugho.
Nagbuga ng hininga ang babae saka yumuko. Ilang segundo siyang nasa gano'ng posisyon ng mag-angat ulit ito ng tingin.
"Aalis na ako. Let's meet some other time." Malamig ang boses nito.
Hindi na niya ako hinintay makasagot dahil mabilis itong tumalikod para umalis. Naiwan akong naguguluhan sa inasta nito.
Ilang taon rin siyang naging kaybigan ni Divine, kahit hindi kami madalas magkita ay alam kong naging mabuti siya sa kasintahan ko noon. Madalas niyang samahan ang babae kapag may mission ako.
Iilang bses lang kami nagkita ni Bea pero sa tingin ko ay mabait ito. Ang huli naming pagkikita ay nung burol ni Divine.
Bumaba ang tingin ko sa lapida nito at saka nagpaalam. Naglakad ako papunta sa kotse ko. Sumakay ako sa loob at pinaadar 'yon paalis para maka-uwi sa condo. Nang makarating ako sa condo ay sumakay ako sa lift. Pinindot ko ang floor ko, ilang sandali ako naghintay. Lumabas na ko ng bumukas ang lift.
Pumasok ako sa loob ng condo ko't nagtuloy sa kusina. Hinanda ko ang gamit ko sa pagbe-bake saka nagsuot ng apron.
Hinalo ko ang dry mixture sa isang malaking bowl. Ginamit ko ang hand mixer para paghaluin ang dry and wet ingredients. Nang matapos ako ay kinuha ko ang isang mini bowl ng chocolate, naglagay ako sa mixture ko.
Inabot ko ang isang tray, pinahiran ko ng butter para 'di dumikit sa ilalim. Since Klyzene left I started to bake cookies. When I'm eating this I always remember her. Pinasok ko sa oven ang tray na naka-set na sa twelve minutes and 'yung heat ay three hundred and fifty degrees.
Niligpit ko ang mga nagamit ko habang naghihintay. Nagtimpla na rin ako ng gatas, nilagyan ko ng yelo para masarap inumin. I'm not fun of milk but... it's okay. Nahawa na ko kay Klyene.
Napatigil ako sa ginagawa ko ng mag-beep ang phone ko. Umilaw 'yon at lumitaw sa screen ang text message ni Jake.
Jake
Let's meet tomorrow night in the BAR. We have a lot to talk about.
About what?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro