Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 105


CHAPTER ONE HUNDRED AND FIVE

NAPADILAT ako ng maramdaman kong may tumayo sa harapan ko.

"It's nice to see you here, Klyzene," nakangiting bungad sa'kin ni Kuya Jake.

Namilog ang mga mata ko at napabangon ako sa gulat. Hinubad ko ang suot kong shades para makita ng malinaw ang lalaking nakatayo sa harapan. Kinurot ko pa ang braso ko para magising pero nasaktan ako. Damn! I'm not fucking dreaming!

"WHAT THE HELL?!" I almost shouted when I realized what the fuck's happening right now.

My brother! Jake Gabriel is in front of me....

Like? I-I did not tell him or to anyone to Anderson Fam that I'm back except of Klyzia of course, She's my Interior designer—

Jake's face darkened when I cussed.

"Kaylan ka pa natutong magmura Klyzene Black?" strict nitong tanong.

Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil para akong nabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Rumaragasa ang mga isipin sa'kin, napupuno ako ng pangamba and what ifs.

"Klyzene!!"

I'm not yet ready to face them! I'm not! I don't even want to face them yet!!

Nagbalik lang ako sa reyalidad ng hilahin ako patayo ni K-kuya Jake sabay alog-alog sa balikat ko. Ilang beses akong kumurap bago tumingin dito.

"H-how did you know I'm here?" mahinang tanong ko.

Bago pa man siya makasagot ay tumaas na ang tingin ko sa balikat nito. Kumunot ang noo ko pero agad akong nakabawi at na-realize ang isang bagay. Tiningnan ko ng masama ang babaeng dahilan kung bakit nandito si Kuya Jake.

Dammit! I'm not comfortable na tawagin siyang Kuya...

"Pinilit ko si Blue na sabihin kung saan siya nagwo-work. Don't be mad at her," pangunguna ni Kuya.

Tumingin ulit ako dito. Nag-cross arm ako.

"Paano ako makaka-sure? That girl is a—"

"Just trust me," mahinang bulong nito.

Gusto kong tumawa ng pagak. Nag-iwas ako ng tingin dito. Trust them? Really? I don't know if I can trust them again. Not after everything.

Instead of saying anything back. I pick up my things. Kinuha ko ang towel na hinihigaan ko kanina saka pinalibot sa bewang ko, hinawakan ko ang libro at ang shades ko sa kaliwang kamay. Tiningnan ko 'to.

"Lets go somewhere else. I finished sun bathing." Nauna akong tumalikod sa lalaki at naglakad pabalik ng Hotel.

Nasalubong ko si Ate Riley sa may hagdan.

"Hey—"

Nilagpasan ko lang siya. Wala akong panahon para maging mabait ngayon. Kung nalaman ni Kuya na nandito na ako. For sure malalaman na rin ng mga parents nila. Baka mamaya ay guluhin pa nila ako at pilitin akong umuwi.

Wait—pipilitin? Ni hindi nga nila ako pinigilang umalis no'n. Duh.

Natigil ako sa pag-iisip ng may humablot sa braso ko. Napalingon ako. Si Kuya. His face are grim. I gulp.

"W-what?"

"Where are you going? Iniwan mo kami do'n."

"Kuya, baka magsh-shower lang siya."

Dahan-dahan kong binawi ang braso ko tapos ay tinuro ang hotel sa kanila.

"Pumunta kayo sa kwarto ni Klyzia, I'm going there. Magpapalit lang ako ng damit," wika ko bago tumalikod at patakbong nagpunta sa may elevator. Kaagad nagbukas ito kaya pumasok ako. Pinindot ko ang penthouse.

Nang nasa loob na ako ng silid ko ay mabilis akong pumasok ng banyo para makapag-linis ng katawan. Kumuha ako ng damit sa closet ko, damit kung saan ako kompotable. Ayoko namang uneasy na nga ako sa mga kasama ko pati ba naman sa damit ko, 'di ba?

Blinower ko rin ang buhok ko para mabilis matuyo at itinali sa bun. Ayokong may abala sa mukha ko. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kwarto. Pagbukas ko ng pintuan sina Kuya at Klyzia kaagad ang sumalubong sa'kin.

"Paano kayo nakapasok?" nagtatakang tanong ko.

I'm sure hindi nila malalaman ang password ng door ko and wala rin silang susi.

"Riley bring us here dahil inaalis na ang gamit sa restaurant." Si Kuya Jake ang sumagot saka pumasok sa loob. Sumunod naman si Klyzia na tipid na ngumiti sa'kin.

Napa-irap na lang ako dahil do'n. Sinarado ko ang pinto saka ini-lock. Lumingon ako sa'king mga 'bwisita' na nakatayo sa gitna ng sala ko.

Lumapit ako sa kanila.

"What do you want to drink? Coffee? Juice? Water? Beer?"

Tumaas ang isang kilay ni Kuya ng banggitin ko ang beer. I roll my eyes at him.

"Duh! I'm now in my twenties 'wag kang magtaka na marunong na akong uminom," pangunguna ko dito. Lumakad ako papunta sa may kitchen.

My kitchen here is see thru. Ipinaglagay ko sila ng juice sa baso saka bumalik sa sala. Binaba ko ang tray sa may center table.

"Take a sit."

"How are you? It's been four years," tanong ni Kuya na inililibot ang tingin sa buong silid.

"Okay lang."

"Malaki ka na," puri nito habang nakatingin sa'kin. Malungkot ang mga mata nito. "It's been years since the last time I saw you, ang bata ka pa no'n but look at you. You look matured now."

Napatango ako.

"Sayang we didn't see how you grew up into a woman."

Bakas sa boses nito ang panghihinayang. Kinuha nito ang juice at uminom. Ngumiti na para bang walang nangyari.

"Gaano ka na katagal dito?"

"Ilang lingo na rin."

"Hmm... may balak ka bang magpakita sa'min if ever?" nag-iwas 'to ng tingin. "Or aalis ka na lang ng hindi namin nalalaman?"

I frowned. Why do I feel na pinapa-guilty nila ako. Or nakokonsensya lang ako dahil alam kong tama sila. Kung hindi ako nakita ni Klyzia ay hindi naman talaga ako magpapakita sa kanila.

Nagkaroon ng awkwardness sa pagitan naming dalawa ni Kuya. Nag-iba ang atmosphere sa loob ng silid.

"Hehehe, medyo mainit ang panahon ngayon hano?" ani Klyzia habang weird na nakangiti.

"How's life? Sa New York kayo tumira, 'di ba?"

Tumango ako. "Yap, pero nagbabakasyon kami sa Spain kung saan nakatira si Abuela."

"Ow! You met your grandmother."

"Uhuh. She's kind and loving abuela. She loves to spoil me with love and gifts." Napangiti ako ng maalala si Abuela. Damn, iba talaga ang alagang Lola.

"I'm happy to hear that, Klyzene. I'm happy that you're finally happy," sincere na ani Kuya Jake habang nakatingin sa mga mata ko.

Tumikhim ako bago tumayo, "tatawag ako sa ibaba para magpadala ng pagkain dito. Any particular food you want to eat?"

"If they serving street foods, why not. I want to taste it again," ani Klyzia.

"Just whiskey for me," ani naman ni Kuya.

Tumango ako bago naglakad papunta sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tumawag kay Ate Riley para magpadala dito ng pagkain. Tapos no'n ay lumabas ulit ako. Wala naman ng naging usapan sa pagitan naming tatlo hanggang sa inumpisahan ni Klyzia.

"Anong balak mong gawin sa birthday ni Jaime, kuya?" tanong nito.

Kumunot ang noo ko. Who's Jaime?

Inubos ni Kuya ang juice bago sumagot. Sumandal ako sa likod. Nag-iba ang mood ni Kuya, mukhang itong inis.

"Hindi ko alam kay Katherine, siya ang tanungin mo."

"Ihh! Ayokong kausap ang feeling main character na 'yon."

Klyzia pouted her lips. "Four years old na si Jaime, ano kayang gift ang gusto niya?"

"He's not picky, Klyzia, kahit ano namang ibigay mo ay okay lang sa batang 'yon."

"Eh, binilhan namin siya ni Henry ng car last time. Sa tingin mo magugustuhan niya if bigyan namin siya ng airplane?"

Nilingon ni Kuya si Klyzia saka seryosong tiningnan.

"Don't spoil him that much, Klyzia. Give him whatever you can. And please, let's stop talking about him."

"Wait. Who's Jaime?" hindi ko mapigilang itanong.

Sabay lumingon sa'kin ang dalawa. Ngumiti si Klyzia sa'kin at excited akong nilapitan. Tinabihan niya ako ng upo.

"Si Jaime 'yung anak ni Kuya kay Katherine the bitch!"

Tumango ako. Madami pa siyang kinuwento samantalang si Kuya ay tahimik na nakikinig, mukhang ayaw nitong pinag-uusapan ang anak kay Katherine. Wala siyang amor sa bata?

Nag-suggest si Klyzia na manuod kami ng movies at mag-bonding daw para mabawi ang ilang taong nagkahiwalay kaming tatlo. Pumayag si Kuya kaya wala na akong nagawa. Dumating rin ang pagkain namin at nagpadagdag ako ng ilang snacks.

Kumakain kami habang pinapanood ang bagong Disney Movie na Encanto.

Nakatabi sa'kin si Klyzia.

Hindi sadyang napalingon kay Kuya Jake. Nakatulala lang ito habang nakatingin sa screen ng TV.

"Where's Alex? Did you already find her?" tanong ko.

Inilingan niya ako saka malungkot na ngumiti.

"Not yet pero mahahanap ko na rin siya. Malapit na."

Puno ng pag-asa ang boses nito habang nakatingin sa'kin. Sumingkit ang mata ko.

"Paanong hindi mo pa siya nakikita? Madami kang tauhan 'di ba?"

"Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap pero 'di naman ako susuko. Magkikita pa kami ulit tapos hihingi ako ng tawad sa kanya," he said.

"What if patawarin ka niya pero 'di ka na niya balikan?"

Natigilan ang lalaki.

"I-I will... I will accept it? Yeah... accept it even it hurts."

Halos bulong na lang ang huling sinabi nito. Nag-iwas ako ng tingin at binalik ang tingin sa TV.

Napatingin ako sa gilid ko ng makarinig ng sunod-sunod na pagsinghot.

"What the hell?!" bulalas ko ng makitang umiiyak si Klyzia.

Napatingin ito sa'kin. Namumula ang mata't ilong.

"Why are you crying?!" hindi ko maiwasang itanong. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"What happened?" tanong ni Kuya.

I shrugged my shoulders. "Ask her. Nakita ko na lang umiiyak."

Bumaling si Kuya kay Klyzia. "Are you okay?"

"Nakaka-iyak kasi 'yung Encanto plus the fact na magkakasama na ulit tayo," nakangusong sagot nito.

Napa-irap ako sa hangin. Tumayo ako sa pagkaka-upo. Tiningnan ko ang oras, pa-gabi na pala. Tumingin ako sa kanila.

"I will ask some staff na magdala dito ng susi ng suite para sa inyo. I'll give you a room, Kuya."

Tumalikod ako at lumayo ng kaunti para maka-usap ang isang staff sa ibaba. Wala pang ten minutes ay may nagdo-door bell na sa pinto. Lumakad ako papunta do'n. Binuksan ko ang pintuan.

Nakangiting inabot sa'kin ni Janet ang susi.

"Room sixty eight po 'yan. Isa sa mga suite na hiniling ninyo," ani 'to.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay. Thanks." Sinarado ko ang pintuan saka naglakad papunta sa sala. Inabot ko kay Kuya ang susi.

"Room sixty eight 'yan. Nasa sixth floor."

"Okay." Tumayo si Kuya sa pagkaka-upo. "Mauuna na ako sa inyo. I have a meeting later."

"Hmm... kapag nagutom kayo ay Zero ang number sa lobby. You can call them to give you food or other things."

"Okay." Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo.

Nanigas ang katawan ko. Napa-atras ako ng makabawi, 'di ako sanay na may ibang humahalik sa noo ko bukod kay Kuya Ivan at Nathaniel, pati na rink ay Papa.

Tumayo na rin si Klyzia. Nakangiting lumapit sa'kin at hinawakan ako sa kamay.

"Una na rin ako. Naghihintay sa'kin si Henry eh." Nabigla ako ng dambahin niya ko ng yakap. Hindi naman ako nakagalaw. Hinintay ko na lang na matapos ito.

"Usap tayo mamaya?" tanong niya.

Pilit akong ngumiti. "I don't know. Maybe? May mga importante akong gagawin."

Tumango ito. Naka-akbay si Kuya kay Klyzia at sabay lumabas ang dalawa. Sinarado ko ang pinto.

THE next morning I woke up late because I slept late to think about things I shouldn't think at all. The Sun was already high, so I decided to take a bath and eat later. Today is the day when we're going to close our Resort.

They need me downstairs to talk to employees about what will happen after this. I know, Ate Riley can do that, but she's constantly calling me since seven am keep reminding me about today. I don't have a choice, god.

After kong maligo ay nagbihis ako ng isang shorts-shorts at isang white loose t-shirt. Hindi naman kaylangang masyadong formal sa gagawin.

Paglabas ko ng penthouse ay sumakay agad ako ng elevator. Panay ang hinto sa ibabang floors dahil may sumasakay na paalis na Turista. Ngumingiti ang iba sa'kin na ginagantihan ko naman. Huling hinintuan ang ground floor. Sabay-sabay kaming lumabas. Nagtuloy ako sa restaurant kung saan iipunin ang staff para maka-usap.

I'm giving them two choices, those people who want to stay can stay and wait until the renovation is completed. I will give them a cheque with the amount they can start a small business. And the other choice is I'll give them their last salary, and they're free to find a new job.     

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro