Chapter 104
CHAPTER ONE-HUNDRED AND FOUR
PAGBALIK namin galing bayan ay dumeretso kaagad ako sa restaurant para makakain na ng lunch. Nag-post kami ni Ate Riley sa bayan ng mga wanted helper, cook, and staff para habang naka-closed ang hotel ay matre-train namin sila.
Umupo ako sa favorite spot ko sa loob saka binuksan ang laptop na dala ko pati na rin ang phone ko. I have a meeting with my father and brother about what's happening in the hotel. I need to update them.
I open the skype. Typed my password and log in. After a few minutes my brother are calling me. I smile then answer his call.
Wala pang isang minuto ay lumabas na sa screen ang seryosong mukha ni kuya Ivan na katabi si Papa.
"Hello there, people!!" masiglang bati ko. I cannot let them think that something's happening here.
Ngumiti si Papa sa'kin.
"How are you my princess? Are you okay there? Busy? Is Riley helping you?" sunod-sunod nitong tanong.
Tumango ako.
"Yes, Pa. Ate Riley is helping me and everything's fine here. Paano kayo diyan? I heard Kuya is being hard headed," pang-aasar ko.
Inirapan ako ni Kuya.
"I'm not being hardheaded! Ikaw kaya 'yon!"
Dinilaan ko lang siya.
"Nanuro ka na naman!" sumandal ako sa pagkaka-upo ko. "May kina-usap si Ate Riley na Interior designer para mag-ayos ng Resort. I'm thinking na kukuha na rin ako ng Architect to renovate the whole Hotel. Hindi na lang loob. What do you think?"
Nag-suggest kasi sa'kin si Linda and Carl na bakit hindi ko pa ipa-renovate ang buong hotel instead of interior lang.
"Okay lang naman kaya lang kakaylanganin mong mag-stay ng mas matagal diyan kapag ginawa mo 'yon. You will need an Engineer too and that's a lot of money," ani Papa.
"He's right, Zene. Malaking budget ang kakaylanganin mo. Do you already have it?" tanong ni Kuya.
Napanguso ako.
May point rin naman silang dalawa. Wala rin akong perang kaylangan para do'n. Wala pa, as of now.
"We can give you money kung gusto mo naman talaga pero hindi ako makaka-alis dito sa Manila para maka-uwi diyan at i-monitor ang hotel."
"Pwede naman siguro si Ate Riley?"
"Then it's settled? Ikaw lang naman ang magde-decide niyan. We're just here to help and guide you but the decision is yours."
Napahinga ako ng malalim.
Can I leave it this to Ate Riley? How about the staff? Kawawa naman sila kapag naging matagal ang pagsasara ng Hotel. Dapat may ibang maging work muna ang tauhan dito bago ako mag-decide.
I pouted my lips.
"Maybe not now." They nod. "Kapag may license na lang siguro ko para ako na lang ang maging Engineer ng Hotel. Less gastos na rin."
"That's great idea!"
Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Dad. They have been in this kind of business for how many years. Ang mapuri nila patungkol sa business skills ko ay masarap sa pakiramdam.
Magsasalita pa rin sana ako ng may magsalita mula sa likod ko na dahilan ng paglingon ko. I frowned when I saw my twin sister, smiling widely but not for me instead she's smiling in the camera.
Ibinalik ko ang tingin ko sa screen kung nasaan sina Papa at Kuya. They both look shocked. Their lips are slightly open. I let a loud sigh.
Damn, who wouldn't be shock, right?
"S-she's—"
"Hi! I'm Klyzia Blue Anderson-Evans! Klyene's twin!" biglang wika ni Klyzia na hindi ko na namalayang nakatabi na pala sa'kin.
My father laugh because of Klyzia.
"Wow! Kamukhang kamukha mo si Zene," ani Papa. Tumingin siya sa'kin. "Sweetheart, kung magka-same length kayo ng buhok ay mahihirapan akong malaman kung sino ka."
"Pa, they are twins. Magkamukha talaga sila. The only different you can see is their eyes," ani Kuya Ivan.
Sabay kaming natigilan ni Klyzia. She gulped while me, my face hardened. I don't want to remember it. Do'n nag-umpisa ang lahat nang 'to.
Pilit akong ngumiti sa kanila tapos ay nagpaalam na.
"I'll hang up now. I'm going to do something else." Hindi ko na sila hinintay na makasagot sa'kin at mabilis ko ng pinatay ang tawag saka lumingon sa kakambal ko.
Seryoso akong tumingin sa kanya.
Malawak ang ngiti niya sa'kin bago umupo sa katapat kong upuan. Yakap-yakap niya ang ipad and may tote bag sa kaliwang braso.
"Mukhang friendly 'yung father and brother mo," anito habang nakatingin sa binubuhay na gadget.
"Mabait sila but I can't say na friendly dahil hindi," tipid kong wika.
Napatawa ito ng mahina.
"You are happy with them?" mahinang tanong nito pagkaraan ng ilang minutong pananahimik.
Hindi ako nag-alangang sumagot.
"Yes, I am. Napapasaya nila ako. Given na 'yung fact na kaya nilang ibigay sa'kin 'yung material things pero iba pa rin 'yung emotional things na napapadama nila. Sinusuportahan nila ako sa gusto ko, tinutulungan nila akong i-achieve 'yung mga pangarap ko."
Hindi ko namamalayang genuine na pala ang ngiti ko. Napansin ko ang pag-iiba ng hitsura ni Klyzia, para bang naging malungkot 'yon.
"Ikaw? How's life? Married?" tumingin ako sa left hand nito sa ring finger ay merong isang gold ring with diamond in top. Hindi gaanong magarbo pero halatang mamahalin.
Tipid siyang ngumiti.
"Yes, one year and half na rin."
Tumango ako.
"Hindi ko alam na magkakatuluyan rin kami ni Henry, dati ako ang humahabol-habol sa kanya tapos ngayon ay hindi na," nakangiting pagkwe-kwento nito.
Yes, tama siya. 'Di ko akalaing sila rin ang magkakatuluyan.
"After mong umalis ay nagkagulo na dito no'n. Lumayas si Ate Alex, umalis ka rin, tapos ay muntikan ng magkahiwalay sila Mom at Dad. Si Kuya, hindi mo naman na makikilala. Nag-iba ang ugali niya. Buti na nga lang ay hindi na ako nakatira sa bahay natin dahil mahirap silang makasama, lalo na ang parents natin."
Malungkot ang tono nito.
Anong nangyari these past years? Wala na akong naging contact dito tapos 'di na rin ako gumagawa ng paraan para magka-contact sa kanila.
"What happened?" mahinang tanong ko.
She let a sad sigh. "The first months become so hard for the all of us. Sabay-sabay kasing dumating 'yung pagsubok. Nag-away sina Mom at Dad, dumalas ang away nila at naging malalala. Muntikan na silang maghiwalay dahil do'n, hanggang ngayon ay may hindi pa rin sila pagkaka-intindihan."
"Umabot ng years?"
"Yes, may hindi lang sila pagkaka-unawaan pero nagsasama pa rin silang dalawa sa iisang bahay. Buti nga ay nagsasama pa sila. Akala ko maghihiwalay na talaga sila nung nasa Paris ako. Hindi pala."
"Hmm..."
After a few minutes ay may lumapit sa'ming waiter, may dala itong menu.
"Ma'am, ano pong order ninyo?" tanong nito.
Kinuha ko ang isang menu tapos tiningnan ang pagkaing nandoon. Alam ko kasi ay may ilan ditong hindi na pwedeng pang maramihan. One serving na lang dahil nga walang masyadong tao dito sa resort.
"Give me one Paella and a red wine, for dessert is leche plan." Inabot ko ang menu sa waiter.
"For me, pork adobo and juice lang 'yung sa'kin. For dessert is cookies and cream," ani naman ni Klyzia.
Tumango-tango ang waiter habang inililista ang mga in-order namin. Naiwan kaming dalawa do'n dahil tumalikod na ang lalaki papunta sa kitchen. Ibinaba ko ang tingin ko sa laptop dahil may email na pumasok.
Binuksan ko 'yon.
Napangiti ako.
Galing kasi kay Linda ang email, it's a picture of her with Carl. They are on a beach holding a wine glass and smiling. My fingers are fast while I'm typing my response. I tap the sent button and look closely at the image.
Mukhang nage-enjoy ang dalawa sa pamamasyal nito.
Nakalimutan ko sandaling may kasama pala ako. Nakapag-angat na lang ako ng tingin ng may marinig akong ingay galing sa may entrance. A loud music coming out from the girl's pocket. A tourist. Wow. First timer?
Umiling ako.
Paano na lang pala if meron pang ibang tourist ditong kumakain? Edi nagambala sila. I will ask Ate Riley to make new rules. Yes, I will do that.
"Ahm..."
"Hmm?"
"Can I ask you something?" mahinang tanong ni Klyzia. Sandali akong tumingin dito.
"What is it?" bumaba ang tingin ko sa screen ng laptop. Habang nagche-check ako ng emails ay hinihintay kong sumagot si Klyzia but wala akong narinig.
Taas kilay akong tumingin dito.
I saw her gulp before clearing her throat.
"C-can I ask you about what happened to you and Hunter—"
"There's nothing happened to us, Klyzia. Stop it," malamig kong pigil dito. Bago pa man siya makapag-bukas ng topic ay sumali na ako sa online class namin. Yes, sumali na ko dito dahil sayang naman kapag may klase akong pwedeng pasukan.
After fifteen minutes ay dumating na ang order namin. Nasa klase pa rin ako pero naka-off cam na and my mic is muted too. Nasa gilid ko ang laptop at ang gitna ko ang plato pati na rin ang ibang plate ng pagkain.
Sabay kaming kumain ni Klyzia at sabay na rin kaming natapos. May huling klase pa ako mamayang hapon pero sa tingin ko ay makakasali naman ako. Sana.
PUMUNTA kami sa third floor pagkatapos naming kumain at nang matapos rin ang klase ko.
"Wala ng umu-ukupa sa lahat ng rooms dito kaya malaya mong matitingnan ang bawat rooms if you want pero mirror lang naman sila sa isa't isa. Hanggang fourth floor ay mirror lang, pag dating mo ng fifth floor pataas bago may penthouse ay pang VIP's na. Ando'n na rin 'yung mga honeymoon suit, mas malaki ang rooms do'n," pagbibigay alam ko dito habang binubuksan ang isang kwarto.
Itinulak ko ang pinto pabukas, sumilip do'n si Klyzia bago pumasok sa loob. Mula sa ipad ay nag-take down notes ito.
"What do you think?"
"I think kaylangan na talaga ng rooms ng renovations, medyo makaluma na ang dating. Let's make it more aesthetic vibes para calm lang," anito.
"Okay. Make the design, Ate Riley will guide you about the hotel. Kapag wala ako sa kanya ka na lang magtanong."
"Okay. You said mirror lang ang bawat rooms dito. hindi ko na kaylangan tingnan ang iba pa room, not now siguro."
Tumango ako.
"I'll go back to my room. Call Ate Riley if you need something," sagot ko na may tipid na ngiti. Tumalikod ako. Lumakad ako papunta sa may elevator, pinindot ko ang open button bago pumasok sa loob. Pinindot ko ang penthouse, at bago pa man siya magsarado ay biglang pumasok si Klyzia.
Nakangiting tumabi siya sa'kin.
"Wala naman akong masyadong gagawin pwede bang sumama sa'yo?" puno ng pag-asang tanong niya.
"Pag ba tumanggi ako, hindi ka na mangungulit?" bored kong tanong.
Like what she always do, she pouted her lips.
"Hm... maybe? Kapag ayaw mo talaga hindi naman na kita pipilitin."
Mahinang wika nito sa huling salita. I should feel guilty but I don't. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Sorry but I can't. I have a lot of things to do."
Mula sa salamin ng elevator sa harap ay nakita kong naging malungkot ang expression ng mukha nito. Nagbaba ito ng mukha.
Unang huminto ang elevator sa penthouse ko. Lumabas ako at walang lingong naglakad papunta sa pintuan. I open my door and get inside immediately. Sumandal ako sa likod ng pinto pagkasarado ko.
Pumikit ako.
Nakayakap ng mabuti sa'kin lahat ng gamit ko kaya hindi ito nahulog. Ilang minuto yata akong nakatayo do'n bago ako nagpasyang pumasok sa kwarto ko. Humiga ako sa kama, ang huling naaalala ko ay ang pag pagtitig ko sa kisame bago ako nilamon ng antok.
KLYZIA'S P.O.V.
GUSTO ko mang magalit dahil sa pagiging mailap sa'kin ni Black ay hindi ko magawa kasi alam kong isa ako sa mga reasons kung bakit siya nagkaganyan. Kung bakit naging malayo ang loob niya sa'kin.
Nakasunod ang mga mata ko sa papalayong likod ni Black, paliit ito ng paliit hanggang sa magsarado na rin ang elevator. Pinindot ko ang sixth floor kung saan naka-reserve ang room na ibinigay sa'kin ni Riley.
Parang lumulutang ang katawan ko nang makarating ako sa kwarto ko—namin ang asawa ko. Yes, I'm married with Henry Evans.
Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit dahil lalabas naman ulit ako mamaya para maglibot pa sa buong lugar.
Pumikit ako habang nakasandal sa couch dito sa kwarto. I feel sad... mukhang mahihirapan akong ibalik ang dati naming samahan ng kapatid ko.
"Are you tired?"
Dumilat ako at sinalubong ang kulay brown nitong mga mata. Walang expression ang mga mukha nito pero mababasa mo sa mga mata niya ang pag-aalala.
"I-I don't know. Alam ko lang na malungkot ako," walang buhay kong wika sa kanya.
Huminga ito ng malalim bago tipid na ngumiti at lumakad palapit sa'kin. Umupo siya sa tabi ko saka ako pialoob sa bisig niya.
"Klyzene?"
I nod.
"What happened?"
Gumanti ako ng yakap at umunan sa dibdib nito.
"Pakiramdam ko sobrang layo na niya sa'kin. She's so near yet so far," bulong ko sa kaniya. Nag-umpisang uminit ang magkabilang gilid ng mga mata ko.
Humaplos ang kamay nito sa braso ko.
"Nasasaktan ako... I-I understand her b-but ang sakit eh. Almost five years. Almost. I thought kapag bumalik na siya dito she's already healed pero hindi pa rin pala." Nag-umpisang tumulo ang mga luha ko.
"Sige lang. Cry all you want. I'm here," malambing na bulong ni Henry.
Gaya ng sabi niya ay umiyak ako ng umiyak habang nag-susumbong about sa mga nararamdaman ko. The feeling in my chest is so heavy. Hindi ko na kayang ilihim. Since pagkikita namin ulit wala na siyang ibang ginawa kundi ang idistansya ang sarili niya sa'kin, ang sakit na kung kausapin niya ako ay para bang strangers lang. Acquaintance lang.
Natigil lang ako sa kaiiyak ng makita ang pangalan ni Kuya Jake sa screen ng phone ko, tumatawag.
Tumigil sa paghaplos sa'kin si Henry ng mapansing nakatuon ang atensyon ko sa kung saan. Binalingan niya ako ng tingin tapos ay sinundan kung saan ako nakatitig. Bumaba rin ang mata nito sa cellphone ko.
"Sasagutin mo?" pabulong niyang tanong.
Dahan-dahan akong tumango, kapag kasi hindi ko sinagot si Kuya ay baka mag-alala pa siya sa'kin. Minsan ay nagiging protective pa rin sa'kin si Kuya kahit kasal na ako, lalo na nung umalis si Klyzene kasama ang totoo nitong Daddy.
Dinampot ko ang phone saka sinagot ang tawag. Itinapat ko 'to sa tenga ko.
"H-hello..."
"Hey, kanina pa ako tumatawag 'di kayo sumasagot. I'm just checking you."
Anito sa kabilang linya. Bahagya akong lumayo kay Henry tapos ay inilagay sa loud speaker ang tawag.
"Okay lang naman kami dito, Kuya."
"That's good to hear. Ako kasi ang kinukulit ni Mom na tumawag sa inyo para pauwiin na kayo sa Manila."
"Bakit daw? Hindi ko sure kung makaka-uwi kami eh, may ire-renovate akong resort dito in Batangas," pagsasabi ko ng totoo.
"Really? Kaninong resort naman?" curious na tanong nito.
Napalunok ako.
If sasabihin ko bang kay Black na resort 'to anong magiging reaction nila? 'Di kaya mas lalo lang magalit sa'kin si Black kapag sinabi ko 'yon?
Napapikit ako.
"Still there? Kanino ka kong resort 'yan?" pag-uulit na tanong ni Kuya sa kabilang linya.
Kinuyom ko ang kamao ko. Sorry, Black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro