Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 103


CHAPTER ONE-HUNDRED AND THREE

"BLACK..."

Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Ate Riley. Nakangiti siya sa'kin. Inirapan ko siya tapos ibinalik ang tingin kay Klyzia.

Sumeryoso ang mukha ko.

"She's here! Klyzene Black the owner of this resort," may halong pagmamalaking ani to.

Lumakad ako palapit sa kanila at tinabihan si Ate. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin pero nginisihan lang niya ako. Hindi ako makapaniwalang inilaglag niya ako! Bakit hindi ko tinanong kung sino ang kausap niyang interior designer?

"Ahm... hindi ko alam na twin sister mo pala ang asawa ni Henry, nagulat ako ng makita ko siya," ani Ate.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Yeah?"

"Yeah..."

Humina ang boses nito, inirapan ko ulit siya bago humarap kina Klyzia at Henry. Sila na ba?

Pilit na ngumiti sa'kin si Klyzia, ang mga mata nito ay nangingintab at mukhang ma-iiyak na tapos si Henry naman ay laglag ang panga na nakatingin sa'kin. Tinaasan ko 'to ng kilay na mukhang nakapagpabalik dito.

"H-hi..."

Ngumiti sa'kin si Klyzia.

"Hey." Itinuro ko ang upuan. "Let's have a seat." Hinila ko ang upuan saka umupo do'n. Tumabi sa'kin si Ate samantalang ang dalawa ay naupo sa harapan namin.

"Well, you're an interior designer?"

"Yes."

I nod. "Okay. I want my hotel to be renovated but I don't have any idea what should I do. What can you say?"

She gulped then she cleared her throat.

"Oh! Mag-order muna tayo before mag-proceed." Itinaas ko ang kamay ko. "Waiter!"

"Klyzene's right. Mag-order muna tayo bago pag-usapan ang renovation ng hotel." Pasimple akong tiningnan ni Ate pero hindi ko siya pinansin.

Lumapit ang isang waiter sa'min.

"I want cold milk then cheese cake," ani ko saka tumingala sa lalaking naglilista.

"Me like the usual," ani Ate Riley. "Mag-order na kayo. This is on us," ani to sa dalawa.

"Juice na lang then cookies if you have one," ani Klyzia habang nakatingin sa'kin. "You like cookies right?" may pag-asang tanong nito.

Mapait akong tumingin dito.

"Nah, I don't like cookies anymore." Tumingin ulit ako sa waiter ng makapagsabi na ng order si Henry. "That's all. Paki bilisan na lang ang pada-dala dito."

Tumango ang lalaki at tumalikod. Naiwan kaming apat. Walang nagsasalita sa'min. Nakatingin ang dalawang bagong dating sa'kin na para bang hindi pa rin sila makapaniwalang nakikita nila ako ngayon.

Sinong hindi magugulat, right? It's been four years since the last time we saw each other, magka-away pa kami nung umalis ako.

She look matured now. Her long hair is now medium cut na bumagay dito. Nagkalaman din ito ng kaunti but okay lang dahil bagay naman dito.

"Magka-mukhang magka-mukha kayo. Nang makita ko siya kanina na-shookt ako dahil akala ko ikaw! Mas friendly nga lang 'yung awra niya kesa sa'yo!" ani Ate Riley.

Napatawa ng mahina sina Klyzia at Henry. Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"Kaya pala gano'n 'yung hitsura mo kanina," ani Henry.

"Oo, kung hindi ko lang kilala si Klyznene maloloko niyo na talaga ako."

"Kasi si Klyzene, she has this awra na matapang. Parang matatakot kang lumapit," mahinang dagdag ni Klyzia.

Napadako ang tingin ko dito.

"Sa true lang! Kaya nga sa New York walang masyadong kaybigan 'yan!"

"Hanggang sa New York pala nadala, hahaha!" ani Klyzia.

"Pati kamo sa Spain na dala! Buti na lang si Abuela nila gano'n rin ang ugali! Charot! Joke lang! Clout chasing lang po," natatawang ani Ate saka nag-peace sign sa'kin.

Inirapan ko siya.

"Let's start!" tamad kong wika.

Napalunok si Klyzia bago naglabas ng ipad.

"Ahm... Black, I have—"

Itinaas ko ang kamay ko. "Don't call me Black, no one's call me like that anymore."

Sinipa ni Ate ang paa ko sa ilalim. Napahiya namang yumuko si Klyzia. Henry's face hardened.

Why would I feel guilty? Wala naman na talagang tumatawag sa'kin Black. They call me Zene or Klyzene but not Black. She is dead a long time ago and wala na akong balak buhayin pa siyang muli. I forgot her already but here they are.

Bringing back my nightmares.

"Hehehe..." awkward na tawa ni Ate bago masamang tumingin sa'kin.

"Proceed. I have something to do pa, I don't have so much time for this," malamig kong ani.

They all cleared their throats. Klyzia open her ipad again. May kung ano-ano 'tong pinindot before ipakita sa'kin 'yung screen.

"I have a nice idea. Your resort needed to be repainted. Lahat then, need rin i-rearrange ang mga gamit," pag-uumpisa nito.

Tiningnan ko ang pinapakita nito. Mga idea na pwedeng gawin sa hotel.

"I don't like the color. Masyadong maliwanag," ani ko.

She nodded her head before typing what I said.

"What color do you like?"

I pouted my lips. "Hm... maybe, gray? White? Light blue—"

"Can we check the rooms so I can have ideas?" she asked.

I looked at Ate Riley and she smile a bit. Then, okay.

"Okay. Ate Riley will go with you too. She'll be the one in charge—"

"Can you be in change instead? You know me. I don't like working with people I don't know," Klyzia said in pleading eyes.

"Really? In those years—"

"Iilan pa lang 'yung mapapagtrabahuhan ko, then 'yung mga kausap ko and mga in charge do'n is mga friends ko or kakilala kaya confortable ako," pagpuputol na naman nito sa sasabihin ko.

I rolled my eyes in annoyance.

"Paano ka makikilala sa larangan na pinasok mo if hindi ka lalabas sa safe zone mo? Come one! Matanda na tayo para umarteng bata!" may pagka-irita kong ani dito.

She lowered her gaze.

I inhale then exhale.

"I don't want to be rude pero hindi lang naman dito iikot ang mundo ko. I still have classes and activities to do. Sorry but I'm not yet finished with my studies like you. So there's a time na hindi ako makaka-commit sa mga responsibilities kaya nga si Ate Riley ang iiwan ko."

Maahabang pahayag ko.

"You can go with us when you are free para na din makita mo 'yung design and para na rin kung may ipapabago ka magawa kaagad," anito pagkaraan ng ilang minuto.

Damn! She's acting like a kid!

"Fine but now, Ate Riley will show you the hotel rooms. She'll give you my email to send the design to me. I'll review it first. I'm done here." Walang paalam akong tumayo saka mabilis na tumalikod.

I heard them calling my name but, I refused to look back. Now I can feel my knees shaking. I walk to the elevator and went inside. I push the last floor up, then rest my back in the elevator's wall.

Nang marinig ko ang ting ay lumakad ako palabas. Nanghihina akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Umupo ako sa gilid ng kama.

What now?

What should I do?

Can I make them leave?

Napasapo ako sa mukha ko. What's happening now? The first one is Hunter, I saw him at the Airport, and now, I saw Henry and Klyzia, who's next? Makikita ko na rin ba sina Kuya? My parents—no. They are not my parents. Not anymore.

Namaluktot akong humiga sa kama. Nag-umpisang tumulo ang luha ko kahit wala namang dahilan.

Tinawagan ako ni Ate Riley para kumain ng dinner pero hindi ako bumaba at sinabing matutulog ako ng maaga ngayon. Hindi siya namilit. Bago ako nakatulog ay inubos ko muna ang isang bote ng soju para hindi ako mag-overthink.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Parang pinukpuk ng martilyo ang ulo ko dahil sa sakit. Napasabunot ako sa sarili ko bago tumingin sa labas ng bintana.May araw na.

Sandali akong humiga ulit bago tayo para pumasok sa banyo. Ginawa ko ang mga morning rituals ko. Medyo nagtagal lang ako dahil nag-babad pa ako sa bathtub. Lumabas ako ng banyo na naka-robe lang.

Nagpunta ako ng kusina para kumuha ng magiging almusal ko. Ayokong bumaba muna sa resto hanggang hindi ko nasisiguradong wala na sila do'n.

Running away again, huh? Are you frightened?

No I'm not! I'm just protecting my peace!

No, this is running away! You are running away!

Mahigpit kong hinawakan ang sandok tapos ay padabog na binaba 'yon!

Tangina! Kung ano-ano nang nanyari simula ng dumating ako dito! Bakit?! Dapat ba ay hindi na ako bumalik—No, don't think like that, Klyznene. Smile. Breath. You need to do this fast so makakabalik ka na sa New York.

Pinakalma ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko'y sasabog ako sa inis.

Napatingin ako sa phone kong nakapatong sa may lamesa ng mag-ring 'yon. Lumapit ako saka kinuha. Nakita ko ang pangalan ni Linda kaya mabilis kong sinagot.

"Linds!"

"Zenee! I misss you! How are you girl? Are you busy?" sunod-sunod nitong tanong.

Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Sumandal ako sa may mesa saka sumagot.

"I miss you too, I'm fine. Little busy about the Hotel but its okay. How about you? How are you two?" tanong ko dahil naririnig ko sa background ang malakas na boses ni Carl.

"We're okay! We missed you! Kaylan ka uuwi?"

Napangiti ako. They can speak Tagalog 'cause I teach them. Mabilis silang natuto.

"Matagal pa. I'll tell you. How's school?"

"We miss you, Zene—stop! You are so nosy!!"

"Let me talk to her!"

"No! Go away! Alis!"

Napa-iling ako sa kanila. I can't stop them and if titigil man sila ay baka mamaya pa rin dahil sanay sila sa ganoon.

Ibinaba ko na muna ang tawag saka inilagay sa plato ko ang niluto kong omelet. Nagpunta ako sa may table at do'n kumain. Nagi-scroll na ako sa IG habang kumakain ng mag-pop up ang isang request.

Pinindot ko 'yon.

It's Klyzia's account.

Klyz_Blue accept – delete

Should I accept it?

Why not? No. maybe not now. What is she asked you about the renovation? Then she can email me. I told Ate Riley will give them my email address they can contact me there. I put down my phone again to finish my breakfast.

When I'm finally done. I go back to my room to change into decent clothes. I wore a black fitted crop-top and high waist jeans. I tie my hair into pigtail so I can move without hindrance. I also put a Dolce and Gabbana perfume, Kuya Nathaniel's gift to me last time.

Lumabas ako ng penthouse tapos naglakad papunta sa elevator. Pinindot ko ang open button, habang naghihintay ako parang may nagsasabi sa'king bumalik na lang sa loob ng penthouse. Para bang may kakaibang mangyayari. I can feel it but I cannot name what it is this time.

I let a loud sigh before turning my gaze in the elevator. Slowly, nagbukas 'to. Hahakbang sana ako papasok ng mapatigil ako dahil sa sakay nito.

Nagtama ang mata naming dalawa at mukhang pati siya ay nagulat na nakita niya ako. After a few seconds of staring. I step back, giving her way to go out. My expression hardened. Who says she can go here?

Klyzia smile widely at me. I think she's happy. Because of what?

"I don't want to sound rude but what are you doing here? I don't remember asking you to come here," malamig kong tanong.

She pouted her lips and smile, not minding the tone of my voice.

"Black, as you know, I'm your interior designer. I will renovate this hotel kasama na 'yung penthouse mo. Hindi ka kami nakapunta kagabi kasi you said you will sleep na," she answer in a playful tone.

Yeah. How can I forgot?

"Fine. Let's go," I said defeatedly.

In the side of my eyes I saw her smirked. What a witch. Nauna akong naglakad pabalik sa pinto ng penthouse. Isinaksak ko ang susi sa keyhole tapos pinihit ang doorknob. Patulak ko 'tong binuksan na naglikha ng matinis na ingay. Nilingon ko 'to.

"Feel free to roam around," wika ko.

Tumango siya bago pumasok sa loob. Sumunod ako, bago tuluyang pumasok ay sinarado ko na muna ang pintuan. Tapos pinantayan 'to ng tayo.

"O god! I knew it! Your room will be look like this," anito.

Kunot noong nilingon ko siya.

"Huh?"

She proudly looks at me. I saw a hint of longing in her eyes. She gulped and tried to be strong in front of me... like what she used to do. Acting like a grown-up! Acting like she knows everything. Deciding for me.

I want to shout at her right now. I want it.

She knows the truth! She knows it but, she keeps it to herself! I don't want to bring back the past but, I cannot help it. Every time I saw her, a flashback came. I remember how painful that night is. How painful to know that my father is not my biological father. I hate to remember it because I promise to myself that I will move forward. I'll move forward!

But now what I'm doing? Reminiscing the painful fucking memories that they gave me. I balled my fist.

"I missed you, Black... hindi ko alam na dito lang pala tayo magkikita. Akala ko nga never na ulit tayong magkikita," may halong lungkot sa boses nito.

I didn't answer her. It wasn't a question after all.

She cleared her throat, hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa. She run to me for a tight hug.

My mouth opened while my body stiff.

"It's been four years... Masaya akong nagbalik ka na. I missed you so much, Black! I missed you so much! I've always dreaming this day! Hugging you again. Be with you again!" Klyzia is already crying in my neck.

Her shoulder are shaking and I can feel my clothes are getting wet.

"I'm sorry, Black! I'm really sorry! I promise I'll never do that again! I will not keep a secret again, please, forgive me. I don't want you to left me again. My heart aches when remembering the last conversation we have. Please, forgive me? Nag-heal ka na ba? You mentioned before na babalik ka if nag-heal ka na. Nag-heal ka na ba? Are you finally now okay?"

Bahagyang lumayo sa'kin si Klyzia at deretsong tumingin sa mga mata ko.

Hope is written in her face.

"Nung tumawag si Riley kay Henry 'di ko in-expect na nandito ka at ikaw ang mag-ari ng hotel. I thought ibang tao. Maybe destiny are giving us a second chance. Destiny are giving us a chance to—"

"I-I don't want to be rude, Klyzia," mahinang wika ko bago ihiniwalay ang katawan niya sa'kin. Binigyan ko ng espasyo ang pagitan naming dalawa.

"Tapusin mo na lang muna ang pinunta mo dito. I cannot answer you now," walang paalam ko siyang tinalikuran paalis. Napahinga ako ng malalim ng pindutin ang button ng elevator tapos ay pumasok ako sa loob.

Nasa may lobby na ako ng mapansin ko ang likuran ni Ate Riley. Seryoso ang mukhang lumakad ako palapit sa babae. Wala akong ginantihan ng bati sa lahat ng bumati sa'kin, naka-deretso ang tingin ko sa babae.

Nakarating kami sa walang taong part ng beach. Tumigil sa paglalakad si Ate Riley saka siya lumingon sa'kin.

"Bakit mo ko sinusundan?" tanong niya.

Nag-cross arm ako.

"Talagang tinatanong mo ko niyan? You betrayed me!" akusa ko.

Her eyes widened. "Wait a minute. Betrayed you? When? Alam mong kakampi mo ko, Klyznene."

"Last night! Hindi mo sinabing siya pala ang kukunin mong interior designer—"

"Hindi ko nga alam."

"Then you should asked!!" patiling sigaw ko.

She take a deep breath, "Zene, I really don't know. If alam ko do you think sila ang kukunin ko?"

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko malaman ang isasagot ko dahil hindi ko alam. Malay ko ba kung nagsasabi siya ng totoo sa'kin.

Lumapit sa'kin si Ate saka hinawakan ako sa braso.

"Let me explain my side." Umupo kami sa buhangin paharap sa dagat. "Kilala ko si Henry dahil once na akong napunta sa bar niya and then, we had a chat about her girlfriend who's studying in France for interior designing. Kaya nung sinabi mong ipapa-renovate ang hotel sila agad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko talaga alam na kambal mo ang girlfriend niya. He never mentioned his girlfriend's name anyway kaya wala akong idea."

Napahinga ako ng malalim.

"I know you have trust issues but trust me this one. I never planned this. I will never betray you."

Napakagat ako sa labi ko. Nangangalumatang tumingin dito.

"I want to fire her, Ate. Please, palitan mo siya..." may halong pagmamaka-awang ani ko.

"Sorry, Zene, I don't know if I can make that happen. Ano na lang ang iisipin nila if tatanggalin mo siya? Dapat mapakita mo sa kanila na nakapag-move on ka na. You are more braver this time."

I hug her.

I'm not a clingy or a showy person but I just needed this.

"I will try..." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro