Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 102


CHAPTER ONE HUNDRED AND TWO

KINABUKASAN ay maaga akong gumising para bumili ng mga gamit sa hotel, kasama ko si Ate Riley na siyang nagmamaneho ng sasakyan na ginagamit sa hotel. Malaki kasi 'to at kasya ang bibilhin namin.

Sumandal ako sa upuan ko.

"Kumain kaya muna tayo?" paanyayang tanong ni Ate Riley.

"Nah, I'm good. kumain naman tayo before kanina." Pinanood ko ang pagliko namin.

Hindi na siya sumagot, I think nakuha na niyang gusto kong tahimik.

Last night, napag-isipan ko ng kumuha ng interior designer at enginner para makatulong sa pagre-renovate ng hotel. Hindi ko kasi kakayanin if ako lang mag-isa or kapag kasama namin ang mga tauhan. I need experts to deal about this.

Nai-budget ko naman na ang pera, pasok pa naman kaya ipu-push ko na. Pag nakabawi naman ang resort ay mababawi ko rin ang pera kaya okay lang. Saka dapat matagal ng ipina-renovate ang resort dahil may katandaan na rin ang hitsura.

To start new beginnings.

Sa ngayon, bibili muna kami ng supplies namin like foods, soaps for clothes, cleaning materials and 'yung ibang needs pa for the mean time. Nakakahiya sa mga iilang nagbabakasyon sa hotel if kulang-kulang ang gamit namin.

Napahikab ako saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi ako halos nakatulog kanina dahil sa pag-iisip tungkol sa hotel at kung paano namin 'to maiaayos--sinungaling.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip kay Hunter. Pumapasok sa isip ko lahat ng mga pinaggagawa niya. Naalala ko pa 'yung pagkikita namin sa airport.

'Di ko ma-iwasang itanong sa sarili ko kung nakilala ba niya ako, kasi kung oo, bakit hindi niya ako kina-usap? Dont get me wrong, nagtataka lang ako kung bakit dahil 'yung huli naming pag-uusap ay 'di maganda.

Siguro hindi, kasi kung naalala nga niya ako ay baka kina-usap niya ako. Yes, tama. 'Di nga siguro.

Paano ko kaya mahihigitan ang resort ng lalaki?

Kung madami siyang new activities and facilities dapat ay kami rin. Hm... maybe they have their website like us, so people can see what they offer. Titingnan ko mamaya 'yon.

"Ate, may kilala ka bang interior designer then engineer?"

Nilingon ako ni Ate.

"Yaz! May kilala ako. I'll call her later," anito.

"Okay. What's her name?" nilingon ko si Ate.

She pouted her lips. "I forgot her name but I remember their surname. Minsan ko lang kasi sila nakilala and 'yung asawa pa niya 'yon but I think its Evans... yes. Evans nga yata."

Tumango ako. Evans? Bakit parang pamilyar sa'kin ang apilidong 'yon? Pumikit ako ng mariin. Sa dami ng tao sa mundo malamang madaming magkaka-apilido.

Isang oras ang naging byahe namin papunta sa market. Bumaba ako at sinuot ang cap ko, si Ate Riley ay kumapit sa braso ko saka ako hinila papasok. Madaming taong namimili, idagdag mo pa ang kakaibang amoy dahil sa mga paninda. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok.

Una kaming nagpunta sa bilihan ng manok, nakahilera sa kanan at kaliwa ang nagtitinda ng manok at baboy.

Magkasama na sila? I thought magka-iba 'yung nagbebenta ng mga pork and chicken?

Naunang lumapit si Ate sa isang stall, tapos ay tiningnan nito ang manok.

"Suki! Sariwa 'yan! Bili na!" ani ng tindera.

"Gaano kasariwa? Baka naman mamaya eh hindi pala!" ani Ate habang tinitingnan ang manok.

For me, mukha naman siyang sariwa dahil sa kulay ng skin niya, tapos ay may blood pang lumalabas sa neck ng chicken. Kinilabutan ako.

"Nako! Sariwa! Kakakatay lang niyan kanina! Mura pa!"

"Magkano po ba?"

"One-seventy ang kilo."

Hmm... one-seventy is okay. Mura.

Nanlaki ang mata ni Ate. "One-seventy? Baka naman. Talaga ba? Wala ng tawad? Marami akong bibilhin!"

Mabilis kong nilingon si Ate, kunot ang noo nito at mukhang ayaw sa presyo ng tindera.

"Sagad na 'yon, Ineng. Wala na akong tubo do'n."

"Ay, one-fifty na lang? Limang kilo ang bibilhin ko," pagtawad ni Ate.

Hinawakan ko ang braso ni ate. Lumingon siya sa'kin.

"Ate, that's okay! Bilhin mo ng one-seventy," bulong ko.

Inilingan niya ako at kinunutan sa noo, tapos binawi ang braso niya.

"Klyzene, shh ka lang. Ako ng bahala dito. Chill ka lang," paninigurado nito saka ibinalik ang tingin sa tindera. "Ale, one-fifty na lang ta's limang kilo bibilhin ko?"

"One-sixty? Wala na akong tutubuin kasi."

"One-fifty-five? Last ng tawad 'yon, Nay."

Nag-isip naman sandali ang tindera tapos ay tumango.

"O siya! Basta sa susunod sa'kin ulit kayo bibili ha?" tumingin sa'kin ang tindera at nginitian ako bago kumuha ng manok. "Kahit anong parte ba?"

"Oo, tapos pwedeng huwag mo ng katayin? Sa bahay ko na lang hihiwain," ani Ate habang kumukuha ng pera sa bag.

Inilagay na sa plastic bag ang mga chicken. Mga six na whole chicken 'yon. Dinoble pa ang plastic. Nagbigay ng one thousand pesos si Ate sa tindera tapos kinuha na nito ang plastic. Tiningnan ko lang siya tapos ay ang tindera. Hindi ba nakaka-awa naman 'yung tindera? Wala na siyang tubo.

Gano'n ba talaga talaga dito?

Hinila ako ni Ate papunta naman sa bilihan ng karne. Nakanguso akong tumingin dito.

"Ate, bakit mo pinababaan 'yung price ng chicken? Affordable naman 'yung price ah," nalilitong tanong ko.

Tinawanan niya ako ng mahina.

"Hindi ka pa ba nakakapamili sa palengke?" tanong niya na inilingan ko.

"Sa supermarket lang ako bumibili and kapag bumibili naman ako ng raw foods do'n hindi ganiyan," sagot ko.

Napatawa na naman ito. Sa pagkaka-alam ko hindi naman ako clown para tawanan niya ng tawanan.

"Magka-iba kasi dito sa palengke saka sa supermarket, do'n naka-fixed na 'yung mga price samantalang dito ay hindi. Matatawaran mo pa, kaya nga karamihan ng mga tao ay dito namimili kasi mas nakakatipid sila."

"Really?"

"Yes, look around. Ang daming tao, 'di ba?"

Tumingin ako sa paligid gaya ng gusto nito, at tama nga siya. Madaming tao dito kahit 'yung smell is hindi gaanong maganda.

"Sa susunod lagi na kitang isasama dito para matuto kang makipag-tawaran sa mga tindera," ani pa nito na hindi ko na kinibo.

"Ale, pabili po ako ng baboy. Limang kilo."

"Two-hundred eighty ang kilo, ineng."

"Hindi po ba pwedeng two hundred na lang? Limang kilo naman bibilin ko," ani Ate habang dumudukot ng pera sa bulsa.

Umasim ang mukha ng tindera.

"Two fifty?"

"Two twenty-five po?"

"Sige, basta limang kilo ha," paninigurado ng tindera.

Tumango si Ate, "opo, puro laman po ha. Hindi po gaano kaming mahilig sa taba eh."

Tumango ang tindera sa'min habang nagtitipak ng baboy, hindi na ako nagtanong kay ate ng kung ano-ano tungkol sa mga ginagawa niya. Inoobserbahan ko na lang kung anong gagawin niya do'n. Pagkatapos naming magpunta sa palengke ay nagpunta kami sa grocery para naman do'n bumili ng mga stocks.

Ako ang nagtutulak sa cart habang si Ate ang naglalagay ng pinamili sa loob. Minsan ay tinitingnan ko kung anong mga pinamimili niya dahil halos mapuno na an g cart namin kahit na iilang items pa lang ang nando'n.

Napamaang ako ng magbayad na kami sa cashier. Nakamura nga kami sa palengke pero mukhang dito kami sa grocery mas-short. Paano ba naman kasi, almost five cart ang nakuha namin. Gamit lang 'to sa resort kung saan may mga tao ha. What if pa kapag talagang buong hotel na.

I should not worry about it, I will contact some groceries or company who can send us supplies para hindi na kami ang magpunta sa kanila. Yeah I'll do that.

Dumaan kami sa NBS bago tuluyang umalis. Bumili ako ng ilang gamit na gagamitin ko pansamantala tapos ay umuwi na kami. Sa dami ng dala namin ni Ate ay nagpatulong na kami sa isang tauhan at nanghiram na ng cart, puro pareho ang kamay namin at pareho ring namumula dahil sa mga dala.

"Thank you ha," pasasalamat ni Ate sa lalaki.

Sumilip ako sa kanila bago ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng mga binili namin para magkasya silang lahat sa kotse.

Nilapitan ako ni Ate.

"Hm... kumusta? Nag-enjoy ka ba sa pamimili natin?" tanong nito saka kumuha ng isang plastic at naglagay sa loob.

"Yeah, nakaka-enjoy naman," sagot ko.

"Sa susunod kaya mo na bang mag-isa magpunta sa palengke?"

Napatingin ako dito sandali tapos nag-isip.

"I don't think so. Not yet. Siguro ilang sama pa sa'yo bago ako tuluyang matuto. Hindi pa rin ako marunong makipag-tawaran like what you did."

Tinawanan niya ako ng mahina, "don't worry. Tuturuan kita. Kuya mo nga naturuan ko ikaw pa kaya?" may halong pagmamalaki sa boses niya.

Tumaas ang kilay ko.

My brother? She teaches my brother about pakikipag-tawaran in palengke? Really? My brother? Ivan? Damn, I didn't know that.

"Naturuan mo si Kuya?"

Nginitian niya ako. "Oo naman. Anong akala mo? Makakapalag sa'kin 'yung Kuya mong 'yon? Charot. Madali naman kasing matuto ang Kuya mo, ta's dito pa siya nagbabakasyon kaya gano'n."

Umikot kami para sumakay sa sasakyan para maka-uwi na. Sa byahe ay nakatulog ako dahil na rin siguro sa pagod. Nang magising ako ay nasa resort na kami, naunang bumaba si Ate para magtawag ng magbubuhat.

Bumaba na rin ako at pinanood ang mga tauhan na kumuha ng pinamili sa likod.

"'Yung iba diyan ay paki dala sa stock room sa kitchen at 'yung iba ay sa stock room ng groceries and supplies. Alam ko nando'n sina Jekha kaya alam na nila ang gagawin diyan," bilin ni Ate sa mga tauhan.

Kinuha ko ang mga pinamili ko sa backseat saka nilapitan si Ate. Nginitian niya ako.

"Mauuna na ako sa kwarto ko. Call me if something happened here, and please, call that interior designer para mabilis na mapa-ayos ang Resort pati na ang hotel."

Nag-approve sign siya sa'kin. "Okay. I'll update you later! Babush!"

Naunang tumalikod sa'kin si Ate, papunta ito sa beach. Hindi ko alam kung bakit siya pupunta do'n at wala na rin akong pake. Pumasok ako sa loob ng hotel saka sumakay sa elevator papuntang penthouse.

Lumabas ako ng bumukas na ito, binuksan ko ang pinto saka pumasok. Idinoble lock ko ang pintuan bago naglakad papuntang kitchen, nagpadala na ako ng ilang supplies dito para hindi na ako bumaba sa kitchen at makigulo do'n.

Kumuha ako ng tubig saka nagsalin sa baso, uminom ako hanggang mapawi ang uhaw ko tapos ay nagpunta na sa sariling kwarto. Ibinaba ko sa gilid ng kama ang mga pinamili ko. Pumasok ako sa banyo para maglinis ng katawan.

PAGKATAPOS kong maligo ay nagpasya akong bumaba ulit sa beach. Naka-suot ako ng see-through black dress, magkaterno ang suot kong bra and t-back na nabili ko sa Victoria's secret. Hindi naman masyadong malaswa ang suot ko kaya okay lang, and plus, nasa part ako kung saan walang masyadong nagpupunta.

Inilipat ko sa sumunod na pahina ng magazine.

Maganda ang panahon ngayon, maaraw pero hindi masakit ang sikat ng araw sa balat. Tumingin ako sa dagat na medyo maalon. Gusto kong magpalamig. Ibinaba ko ang hawak kong magazine saka tumayo.

Hinubad ko ang suot kong see-through, ihinagis ko 'to sa may sun longer. Patakbo akong nagpunta sa dagat, nang nasa malalim na ako ay saka ako sumisid.

Tama nga ang hinala ko, malamig ang tubig.

Umahon ako ng kapusin ako ng hininga.

Ngumiti ako kasabay ng pagkagat ko sa pang-ibabang labi ko. Hinaplos ko ang buhok ko papunta sa likod. Tumingin ako sa tubig, malinaw ang tubig. Nakikita ko sa ilalim ang mga isda pati na mga corals.

Muli akong sumisid sa ilalim papunta sa corals. Ayokong hawakan ang mga 'yon dahil baka mamaya ay masira ko. Napa-kuyom ako ng kamao dahil may napansin akong basura. Kinuha ko 'yon at saka umahon.

Suminghap ako ng hangin. Tiningnan ko ng masama ang hawak na plastic.

"Damn! Bakit meron dito?!" inis kong tanong.

Tumingin ako sa ilalim saka tiningnan kung meron pa bang natira. Sumingkit ang mata para makita ang ilalim, mukhang wala naman na.

Muli sana akong sisisid ng may tumawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa pangpang.

"Klyzene, natawagan ko na 'yung interior designer! Mamayang gabi ay pupunta sila!" sigaw ni Ate Riley.

Lumangoy ako paahon, nang nasa malapit na ako ay ngumiti siya sa'kin. Ipinakita niya ang hawak niyang telepono.

"I already called him."

Tumango ako at pinakita ang hawak na basura.

"I saw it down there. We need to make new rules again, tapos magpa-punta ka ng mga tauhan sa dagat para linisin 'yung kalat sa ilalim. Meron siguro diyang natira sa ilalim na kalat," wika ko.

Inabutan niya ako ng towel na kinuha ko naman. Lumapit ako sa isang sako malapit sa may puno ng niyog at tinapon do'n ang hawak kong basura. Nag-punas ako ng katawan saka lumingon kay Ate na nakatingin rin sa'kin.

"Anong oras daw dadating 'yung interior designer, Ate?"

"Mga six pm or seven. Malapit lang daw siya dito pero dahil may ginagawa siya kaya hindi makapunta kaagad," pagpapaliwanag niya.

Tumango ako.

"Okay, magre-ready na ako para maka-usap sila. Magbabanlaw muna ako." Tinigil ko ang pag-pupunas, kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad na. Sumunod sa'kin si Ate.

"Kumusta ang pags-swimming? Nag-enjoy ka ba?"

"Yes pero nakaka-inis 'yung mga kalat sa ilalim."

She pouted her lips.

"Sasabihan ko 'yung mga tauhan natin. Eat your food na ipapadala ko sa kwarto mo. I'll call you kapag dumating na sila," aniya saka hinawakan ako sa braso.

Tumango ako.

"Okay. See yah later!"

Nauna na akong naglakad pabalik sa hotel. May iilan akong nakakasalubong na bisita na mukhang magsw-swimming. Pagkapanik ko sa penthouse ay dumeretso ako sa banyo para maligo. Binuhay ko ang shower at tumapat sa ilalim no'n.

Pumikit ako para damhin ang tubig. Tumingala ako. Ginawa ko lahat ng mga ritwal na ginagawa ko sa pagligo tapos nagpunas ako gamit ang towel na nakasabit sa may towel rack, sinuot ko ang robe sa gilid. Ang towel ay pinalibot ko sa ulo ko.

Lumabas ako ng banyo.

Napalingon ako sa pintuan ng may mag-doorbell, lumabas ako at binuksan ang pintuan sa labas. Sumalubong sa'kin si Janna, may dala siyang trolley.

"Pinapadala mo ni Ms. Riley 'yung pagkain niyo," anito.

Tipid akong ngumiti. "Okay. Thank you." Kinuha ko ang trolley na hawak nito tapos. "I'll take it inside, tatawag na lang ako sa baba kapag ipapakuha ko na dito."

"Okay po, thank you! Enjoy!" masiglang anito bago tumalikod.

Sinarado ko ang pinto tapos patulak na nagpunta sa kusina. Kinuha ko ang plate at inilipat sa mesa. My mouth watered when I saw what they sends me. It's a green mango and bagoong with asin na may sili.

Hinila ko ang upuan para maka-upo. Kinuha ko ang manggang talop na and sinawsaw sa bagoong. Manggang kalabaw ang pinadala nila kaya maasim.

Napapikit ako ng mariin ng makagat ko ang manga. Hmmm!

Magana akong kumain hanggang sa maubos ko ang nasa plato ko. Salitan akong nagsasawsaw sa bagoong at sa asin.

Yum! Ang asim! This is want I want!

Siguro maganda rin 'tong pahinugin para gawing mango shake. Yes! That's right! Sasabihan ko silang magpahinog para makagawa ng mango shake.

Niligpit ko ang pinagkainan ko, tapos pumasok ako sa banyo ko para makapag-toothbrush. Nag-gargle pa ako para ma-sure na wala ng amoy ang bagoong sa bibig ko. Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng banyo.

Kinuha ko ang phone ko na nasa may side table. Naalala kong hindi ko pa nga pala nahahawakan 'to simula kanina. Tiningnan ko muna kung sino-sino ang nag-send sa'kin ng message, tulad pa rin ng datin. Sila Carl, Linda, Kuya and Dad lang naman naga-ask kung kumusta ako and kung kaylan ako babalik. How nice.

I didn't bother to reply, later na lang siguro kapag sinipag na ako.

Ibababa ko na dapat 'yon ng mag-ring and mag-register ang name ni Ate Riley. Napatingin ako sa side table para tingnan ang oras. It's already six pm. Matagal rin pala akong kumain sa kitchen. Sinagot ko ang call.

"Hello?"

"Hey, kumusta ang meryenda?"

Napangiti ako sa tanong ni Ate. Humiga ako sa kama.

"Masarap! I like the mango! Ang asim niya! I hope meron pang-midnight snack later," ani ko.

I heard her laugh in the other line.

"I'll ask you brother muna, baka mamaya kapag sinakitan ka ng tiyan magalit pa siya sa'kin pero get down here in the Resto. Nandito na 'yung interior designer na sinasabi ko sa'yo with her husband," she said.

"Okay. Wait me there."

I drop the call then get up from my bed. I put my lip tint before going out. I push the down button in the elevator and get inside. I hit the fist-floor button and waited it to open. Minutes after, I already heard the 'ting' sign that I'm already here.

Lumabas ako ng elevator at naglakad papunta ng resto.

"Good evening po, ma'am!"

"Hello po!"

"Magandang gabi, ma'am."

Nginitian ko ang mga bumati sa'kin.

"Good evening too!"

Dumeretso ako papunta sa restaurant. Malawak ang ngiti ko ng makita ko ang likod ni Ate Riley na may kausap na mga tao. Lumapit ako sa kanila.

Unti-unting napawi ang ngiti ko ng makilala ang kausap nito. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang Malaki nitong ngiti pati na rin ang kumikislap nitong mga mata. Katabi nito ang lalaking hindi ko inaasahan.

Tumigil ang paligid ng nagtama ang mga mata namin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Dumadaan ang lahat ng alalaa sa isipan ko. Lahat ng mga alaalang gusto ko ng kalimutan...

Napawi ang ngiti nito ng makita rin ako.

"Black..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro