Chapter 101
CHAPTER ONE HUNDRED AND ONE
"WHO?!" Nabibinging tanong ko dito.
Hindi siya nagsalita at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Hunter Winchester." Sumandal ito. "Nung umuwi kayo last two year na galing ng Spain ay nag-umpisa ang construction sa kabilang Resort, ang akala ko ay hotel lang ang ipapatayo nila, inisip ko pa ngang magandang idea 'yon dahil dadami ang mga taong pupunta dito pero hindi eh. Resort ang itatayo nila para kumpetensyahin tayo."
Nilingon niya ako.
"Nung nag-open ang resort, 'di pa naman siya gano'n ka-sikat. Na sa'tin pa rin 'yung majority of tourist but this year it didn't go so well. Nag-start tayong mawalan ng tauhan dahil kinukuha ng kabila, dahil do'n ay nawalan din tayo ng mga turista. May new activities sila, mas magagandang promo. Sinibukan kong ilaban pero wala na talaga kaya sinabi ko na sa Kuya mo. Tapos ayon... unti-unti na talagang nawala ang tourist sa'tin."
Napapikit ako kasabay ng paghawak sa batok ko. Huminga ako ng malalim.
"Bakit niyo lang ngayon sinabi sa'kin? Hindi ba dapat nung nag-start na mawalan ng tourist ay sinabi niyo na para mabigyan kaagad ng solution."
"Eh kasi nga akala namin ni Ivan kaya naming palaguin ulit pero hindi naman nangyari."
Napatayo ako at humarap sa kanya.
"Anong ginawa mo? Naka-usap mo na ba si H-Hunter Winchester?"
Umiling siya saka inilabas ang cellphone. Ipinakita niya sa'kin ang sent messages niya sa kung sino. Walang name kaya hindi ko alam.
"He always decline and I don't know why! Narinig ko na 'yung taga kabilang Isla ay kina-usap nito ng harap-harapan."
Ikinuyom ko ang kamao ko.
Why that douchebag don't want to talk to my Manager? Damn!
Huminga ako ng malalim at tinuro ang pintuan. I need to think. I need to be alone.
"Leave for now, Ate Riley. I'll call you if I need something. I need to think." Lumakad ako papunta sa kwarto.
Pumasok ako sa loob at sinarado ang pintuan. Humiga ako sa kama at tumingala sa kisame.
What should I do now? Dapat ko ba siyang kausapin?
Tumagilid ako ng higa. Matagal rin pala akong nawala dito. Madaming nangyari na hindi ko alam at hindi ko rin ginustong alamin. Kinalimutan ko na ang dati kong buhay. Gano'n ang plano pero heto ako ngayon, hinihila pabalik sa kanila.
I need to make a move kung hindi masasara ang resort ko and ayokong mangyari 'yon. This place is special to me. This is my Father's gift and 'di ko siya pwedeng pabayaan.
If gumawa sila ng mga bagong activities, kaylangan ko ring gumawa ng bago. Need kong mag-research ng magagandang activities para sa lugar, and I need to repaint the whole resort, ayusin ang mag sira and pagandahin ang mga naging luma na.
Yes, that's what I need to do. Saka ko na iisipin ang susunod na mangyayari kapag naayos ko na ang lahat. Gusto kong magkaroon ng reopening ang Resort. Media should be there, celebrity and well-known people should be there too.
Bumangon ako at kinuha ang laptop ko. I have a work to do.
****
NAPANGITI ako ng makita ko siyang naglalakad palayo sa'kin pagkatapos kong iabot ang panyo niya. Napahawak ako sa baba ko. She looked matured. Mas pumuti ang balat niya, mukhang mas nahiya siya sa ibang bansa.
Nang makita ko siyang naka-upo kanina sa waiting area ay tumabi kaagad ako sa kanya. Nakita ko kung paano siya natigilan nung makita niya ako. I know she remember me kaya siya tumayo paalis. Hindi ko rin naman siya masisisi.
I hurt her before. I lied to her.
Gusto kong bumawi sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya noon. Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero ayoko siyang biglain. Kaya may naisip akong paraan para siya mismo ang lumapit sa'kin.
Napawi ang ngiti ko ng makita ang paparating na kotse na huminto sa tapat ko.
"Hey! Sorry traffic eh!" anito nang mai-baba ang salamin ng bintana.
Lumakad ako palapit sa kotse at binuksan ang passenger seat. Tiningnan ko siya.
"Sa resort tayo," utos ko.
Inismidan niya ako.
"Oho, boss!" pinaandar na nito ang kotse paalis. "Anong akala mo sa'kin? Driver mo? Papasundo ka tapos papahatid lang sa kung saan at wala man lang ni-hi-mo-ho?" kunwaring nagtatampong ani Henry.
Inilingan ko siya tapos ay sumandal sa upuan.
"Kumusta kayo ni Klyzia?" tanong ko ng makalayo na kami.
Ngumiti siya sa'kin. "Okay lang, gaya pa rin naman ng dati. Madalas kaming mag-away pero nagkaabati rin."
Napatango ako sa sagot niya. Dalawang taon ng may relasyon sina Klyzia at Henry, hindi ko alam ang buong nangyari sa pagitan ng dalawa dahil naging abala ako sa pagsunod at pagbabantay kay Klyzene basta nabalitaan ko na lang kay Benjamin na magkarelasyon na ang dalawa at binugbog ni Jake ang lalaki.
Sinong hindi mgagalit sa gano'n, 'di ba? Kahit ako 'yonpag nalaman kong nilalandi ng kaybigan ko ang kapatid kong babae ay baka nagalit din ako at ipinadala ko pa siya sa Antarctica.
Mahaba ang naging byahe namin papuntang resort. For the last two years ginugol ko ang panahon ko sa pagpapatayo ng resort sa binili kong lupa na malapiot sa dagat. Nung una ko pa lang 'yong makita ay siya agad ang naalala ko.
Naalala ko 'yung una naming pagkikita. How I wish I can still go back in time to my mistakes right. I will make it right this time. Bumaba ako ng sasakyan pag dating namin do'n. Henry and I parted our ways. I know he checked in here with Klyzia to celebrate their monthsary.
Katulad ng dati ay madaming tao ang naririto ngayon. Mukhang puno na naman ang hotel rooms namin. Nag-boost ang Resort ng tulungan ako ni Jake sa marketing nagpadala siya ng isang tauhan para tulungan ako dito.
"Good morning, ser!"
"Good morning po."
"Sir, naka-uwi na pala kayo..."
Lahat ng nakasalubong ko ay binabati ako na ginantihan ko naman ng ngiti, Naglakad ako papasok ng hotel at sumakay sa elevator. Nagpunta ako ng floor kung nasaan ang personal room ko. Hindi na ako nagpagawa ng penthouse dahil hindi naman ako palaging nandito.
Pumasok ako sa kwarto ko pagkatapos ay humiga sa kama. Pagod ako sa naging byahe at inaatake ako ng jetlag.
Hindi na ako nagtaka ng abutin ako ng antok. Naging malalim ang tulog ko kaya hindi ko na namalayan ang oras. Nagising ako dahil sa maingay kong cellphone.
Inabot ko 'yon ang side table at kinuha ang cellphone ko. Nakapikit kong sinagot 'yon. Hinintay ko munang magsalita ang nasa kabilang linya.
"Nasaan ka na? Akala ko ba sasabay ka sa'ming mag-dinner?"
Rinig ko ang background at pagka-inis sa boses ni Henry sa kabilang linya. Napakunot ako ng noo.
Idinilat ko ng kaunti ang mata ko tas inilayo ang telepono sa tenga ko. Binuksan ko ang phone at tiningnan kung anong oras na. Napatiyaha ako ng higa.
Seven forty five in the evening.
Napahaba ang tulog ko. Bumagon ako ng pagkakahiga at ginulo ang buhok ko. Naghigab muna ako bago sumagot.
"Sorry, I just woke up. Mauna na kayong kumain, 'di na ako makakasabay," pagkasabi ko no'n ay binaba ko na ang tawag at hinagis ang phone sa gilid ko.
Pumikit ako kasabay ng pagpapakawala ko ng malalim na hininga.
Bumangon ako at nagpunta ng banyo. Naligo ako para magising ang diwa ko. Habang nasa ilalim ng shower ay hindi ko maiwasang isipin ang hitsura ni Klyzene.
Sayang at hindi ko man lang nakita ang mga mata niya dahil sa suot niyang shades. Is she still wearing a contact lens? Or hinahayaan niya na.
Tinapos ko na ang pagligo ko saka ako lumabas ng nakatapis ng towel ang pang-ibabang katawan. Pinatay ko ang AC ng kwarto habang nagbibihis ako. Nag-suot ako ng simpleng gray t-shirt at isang pants.
Nagpunta ako sa restaurant sa ibaba ng hotel, isa lang ang resto pero malaki 'yon at kasya ang mga guest. Pumasok ako sa loob, kaayusan lang ang dami ng tao kaya kaagad kong nakita ang magkasintahang nasa dulo ng kwarto.
Lumakad ako palapit sa kanila. Hinila ko ang upuan katabi ng kay Henry kaya sila napatigil sa pagkain at napalingon sa'kin. Tiningnan ako ng masama ng lalaki samantalang ngumiti sa'kin si Klyzia.
"Gusto mo na bang kumain, Hunter? Order ka na."
Gumanti ako ng ngiti kay Zia. "Maybe later, hindi pa ako gutom." Humarap ako kay Henry at nang-aasar siyang nginitian.
Nakasimangot ang lalaki.
"You are always late, Hunter! My baby is hungry!"
"But your baby is now eating..." tinuro ko si Klyzia na maganang kumakain
Inirapan ako ni Henry saka nagpatuloy sa pagkain. Itinaas ko ang kamay ko para tumawag ng waiter. Nagpakuha ako ng alak.
Napangalahati ko ang bote, tapos nag-aya si Klyzia na magpunta sa may beach. Nakasunod kami ni Henry dito.
Umupo si Zia sa buhanginan na tinabihan naman ni Henry. Umakbay ang lalaki sa balikat nito, saka sumandal si Zia dito.
Ganito pa lang ang feeling ng third wheel...
Umupo ako sa likod nila, tapos ay niyakap ang sarili ko dahil malamig ang simoy ng hangin.
Dumako ang mata ko sa buwan. Half-moon, nagre-reflect ang buwan sa malinaw na tubig ng dagat. Kaya ko pa binili 'to dahil sa linaw ng tubig. Maganda ang lugar. Nalibot ko na ang lugar. May iilang isla akong nakita with hidden caves na ginawa naming tourist attraction.
Naalalagaan naman namin ang lugar. Mag mga warning kami dito kaya napapangalagaan ang lugar namin na kina-proud ko sa mga nagpupunta dito. Marunong silang sumunod sa rules pero 'yung iba ay hindi na naiintindihannaman namin.
I wish she was here too. She loves the moon, she will like to watch this. Then I will make it special for her. A date outside while star gazing.
Malungkot akong napangiti.
****
NANG bumaba ako ay walang sumalubong sa'kin 'di tulad noon. Madaming tao pero ngayon daig pa nito ang ghost house. Nagpunta ako sa kitchen ng hotel, wala ng chef kaya self-service na ang mangyayari ngayon.
Pagpasok ko sa loob ng kitchen, maydalawang tao ang nandoon. Nakasuot nang uniform. Tipid nila akong nginitian at huminto sa ginagawa.
'Yung babae ay naghuhugas ng mga plato at ginamit na panluto. 'Yung isa namang lalaki ay nagluluto.
"Magandang gabi po, ma'am Klyzene!"
Bati sa'kin ng babaeng naghuhugas ng plato. Tipid ko siyang tinanguan.
"Good evening too. I want to eat something," ani ko kasabay ng paglapit sa may ref. binuksan ko 'to at naghanap ng makakain.
Inilabas ko ang isang pack ng chicken breast. Tumingin ako sa mga tauhan.
"I want to cook this. Saan ako pwedeng magluto na hindi kayo magugulo?"
Lumapit ako sa sink at pinatuluan ng tubig ang chicken breast. Tumingin din ako sa paligid at naghanap ng mga sangkap na pwedeng gamitin. I have many choices, I can cook adobo, kare-kareng manok, chicken curry, chicken barbeque and many more but I want to eat something easy to cook dahil babalik din ako sa kwarto ko.
"Ay ma'am. Pwede na ho kayong sumabay sa'kin sa paglulutu. Paano ho ba ang gusto niyong gawin? Tulungan ko na po kayo."
Alok ng nagluluto sa'kin at saka ako nilapitan. Binuksan nito ang plastic at inilabas ang manok. I tried to stop her pero 'di siya nagpapigil.
"No—I can do it na po—"
"Okay lang ho, ma'am, dapat nga ho kaming tumulong sa'yo—"
"Oo nga ho ma'am, hayaan niyo na pong tulungan namin kayo," gatong pa ng isa.
"Pero may ginagawa na po kayo. Baka makagulo pa ako." Tiningnan ko ang naiwan nilang ginagawa bago ibanalik ang tingin sa kanila.
Nag-approve sa'kin ang naghuhugas ng plato at saka tumawa naman 'yung isa.
"'Wag kayong mag-alala, ma'am, 'yung niluluto naman po namin ay para sa'min lang. 'Yung ibang guest ay ginustong sila na lang ang magluto kaya naman po binigyan na lang namin sila ng maliit na stove kung saan pwedeng magluto."
Napatango ako.
Hmm... okay.
"Sige po. Gusto kong kumain ng easy to cook lang na maluluto sa chicken breast. I want sauce din po pero matamis na may pagka-spicy."
Tumango sa'kin ang cook tapos nginitian ako.
"Ma'am, dadalhin na lang po namin sa penthouse ninyo, o kaya po ipapatawag na lang po namin kayo kapag luto na."
"Ipahanap niyo na lang ako sa labas kapag okay na," pagkasabi ko no'n ay tumalikod na ako sa kanila. Lumabas ako ng kitchen, madali naman akong kausap. Ayokong makipag-talo.
Nagpunta ako sa beach, tumungo agad ang mata ko sa buwan. Half-moon. Hinubad ko ang suot kong slippers para maramdaman ang buhangin sa paa ko. Nakakapunta namanako ng beaches nung nasa New York pa ako and kapag nasa Spain ako kaya lang iba pa rin ang beaches dito sa'tin. Mas pinto ang buhangin.
Umupo ako sa buhangin at niyakap ang mga tuhod ko. Malamig ang hangin pero okay lang dahil naka-sweater naman ako and pants. Naabot ng dagat ang paa ko na animo naglalaro. Napangiti ako.
Gusto kong mag-take dip.
Tumayo ako saka hinubad ang suot kong mga damit, iniwan ko lang ang underwear ko. Patakbo akong nagpunta sa dagat. Sinalubong ako ng alon. Nang hindi ko na maabot ang lupa ay kaagad akong sumisidsa ilalim. Lumangoy ako hanggang sa maubusan ako ng hangin.
Umahon ako patingala. Humigop ako ng hangin pagkatapos ay ihinalamos ang kamay ko sa mukha ko. Inalis ko ang tubig.
Piniga ko ang buhok ko tapos ay tumingin sa tubig. Hindi pa rin nagbabago ang linaw ng tubig nila dito. Sa ilalim ay merong mga isda, madami sila at iba-iba pa ang species.
Muli akong sumisid at tiningnan ang mga corals sa ilalim. May mga fish din do'n.
May nakita akong shell. Inabot ko 'yon bago ako umahon. Medyo malayo na ako sa pangpang kaya naisipan kong lumangoy palapit. Tiningnan ko ang hawak kong shell. Kulay beige 'to na may halong pink sa dulo.
I'll keep this. Ilalagay ko sa may front ng hotel para maging design do'n. Nilangoy ko pabalik ang pangpang saka ihinagis palapit sa damit ko, pagkatapos ay lumangoy ulit ako pailalim para humanap ng ibang mga shells.
Malayo-layo rin ang nalangoy ko matapos kong manguha ng shells. Kumunot ang noo ko dahil hindi na yata 'to sakop ng Resort namin. Dahil malayo ako sa pangpang ay maliit sa paningin ko ang hotel.
Eto yata 'yung sinasabing Hotel ni Ate Riley.
Napamaang ako ng may mapansing tao sa may pangpang. Hindi ko sila masyadong makita dahil maliit. Ipinagkibit balikat ko na 'yon tapos ay lumangot na ulit pabalik sa resort namin. Hindi ko gustong may makakita sa'kin dito.
If you want to restore the sales you need to move now, Klyzene.
Pagbalik ko sa pangpang ay may naka-abang ng tauhan, sinabing handa na ang pagkain ko. I say thank you to him and inabot sa kanya ang mga shells, I told him to put it in somewhere safe.
Kinuha ko ang pagkain ko sa kitchen, saka dinala sa kwarto ko. Habang kumakain ay gumagawa na rin ako ng report kung paano mapapabalik ang dating sigla and status ng resort ko.
I listed the names, new activities and some new things needed to buy para sa resort namin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro