Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 100


CHAPTER ONE HUNDRED

Three years after...

NAPAHINGA ako ng malalim ng langhapin ko ang hanging sumalubong sa'kin. As usual, mausok, mainit at siksikan ang tao sa NAIA Terminal One. Sinuot ko ang shades ko saka bored na tiningnan ang wrist watch ko. It's already twelve in the afternoon, dapat ay nandito na siya. Hinila ko ang maleta ko papunta sa may gilid.

My phone rang so I took it out to answer it.

"Tell me your exact location right now 'cause I'm getting annoyed," malamig kong tanong sa kausap ko.

Tumawa ito sa kabilang linya, "Huwag ka ng magalit, malapit na ako."

Napairap ako.

"Make it sure na malapit ka na dito sa airport hindi malapit na sa banyo!"

"Hahahaha, oo malapit na talaga ako. Just wait a second," pagkasabi niya ay pinatay na nito ang tawag.

Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko pagkatapos ay lumakad papunta sa may waiting area. Dahil naka-shades ay hindi ako na-alangang pumikit. Dumilat lang ako ng makaramdam ng may umupo sa tabi ko. I stay still. Dumaan sa pang-amoy ko ang pamilyar niyang amoy.

Napadilat ako.

I know that woody and manly scent. Ilang beses ko ng naamoy ang scent na 'yon. Sa tuwing dumaan sa pang-amoy ko 'yon ay siya ang naalala ko. It reminds me of him. So much that it hurts sometimes.

Lumingon ako para makita kung sino 'yon.

Nalaglag ang panga ko ng makita kung sino 'yon. Pasimple kong kinurot ang sarili ko para magising sa panaginip na ito. Panaginip o bangungut? I don't know anymore.

Si H-Hunter... naka-upo sa tabi ko.

He is not looking at me, nakatuon ang mata nito sa hawak na cellphone pero—damn. Napa-ayos ako ng upo.

Nakilala kaya niya ako? Nakilala ba niya ako?

I hope no—wait!

Why I'm nervous? Wala akong ginawa sa kanya. Huminga ako ng malalim pagkapatapos ay tumayo na. Sa ibang lugar na lang ako maghihintay.

Hindi pa ako nakakalayo ng may tumawag sa'kin. Natuod ako sa kinatatayuan ko pagkatapos ay dahan-dahang lumingon. Si Hunter, nakatayo ilang dipa ang layo sa'kin.

"Miss, wait!!!"

There's no voice coming out from my mouth. He raise his hand, letting me know he's holding my handkerchief.

"I think this is yours."

Lumakad siya palapit sa'kin, huminto pagkatapos ay inangat ang kamay para iabot ang panyo. Nanginginig ang kamay ko ng inabot 'yon.

Nang makuha ang panyo ay tumalikod ako at mabilis na naglakad paalis. Pumara ako ng taxi para dalhin ako sa pinakamalapit na coffee shop. Tamad kong tiningnan ang panyo na nasa ibabaw ng lamesa.

Hindi ko alam kung itatapon ko na ba 'yon o itatabi pa. Nag-sip ulit ako sa Light Caramel Frappuccino ko.

"Tunaw na 'yang panyo kakatitig mo."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo sa likuran ko si Kuya Ivan habang nakangisi. He's wearing a white t-shirt and a khaki shorts, bumaba ang tingin ko sa paa nito. Tumaas ang kilay ko dahil naka slippers lang while wearing a shades.

Sinimangutan ko siya.

"Why are you so tagal?! Sana pala nag-take na lang ako ng taxi para maka-uwi," masungit kong ani.

Lumakad siya palapit sa'kin tapos ngumiti.

My face went poker. He took my Frappuccino.

"Sorry, may pinabili pa kasi si Papa sa'kin kaya ako natagalan," anito saka uminom.

Inirapan ko siya. "Let's go na. Gusto ko ng magpahinga," bored kong aya. Hindi ko namalayang nahablot ko ang panyo.

Nauna akong maglakad palabas. Kaagad kong nakita ang kotse nitong kulay puti. Lumapit ako papunta do'n. Binuksan ko ang passenger seat at pumasok sa loob. Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakita kong lumabas si Kuya habang dala ang Frap ko and sa left hand niya hila-hila ang maleta ko.

Binuksan nito ang pintuan at ipinasok do'n ang maleta ko. Isa lang naman ang dala ko dahil hindi ako magtatagal dito sa Pilipinas, babalik rin ako ng New York after my work here. After malagay ni Kuya ang maleta ko ay umikot ko papunta sa driver seat.

Nilingon niya ako.

"Are you ready?"

"Yeah, I'm just waiting for yah." Ikinabit ko ang seatbelt ko pagkatapos ay umayos na ng upo. Nilingon ko siya.

"Pwede kang matulog if gusto mo. Mahaba pa ang byahe," anito habang binubuhay ang makina.

Sinabi naman na niya kaya natulog muna ako. Nagising na lang ako na nasa tapat na kami ng bahay namin. I yawned. Sa four years namin sa ibang bansa ay nagpasya sila Papa at Kuya na magpatayo ng bahay dito sa Pilipinas para daw hindi na kami sa condo nags-stay.

Nag-inat ako pagkatapos ay binuksan ang pinto sa gilid ko. Bumaba ako kasabay ng pagbukas ng main door ng bahay. Malawak akong napangiti ng makita si Papa na naka-suot ng pambahay nitong dami.

"Sweetheart!" malambing na tawag ni Papa.

Patakbo akong lumapit sa kanya at binigyan ko siya ng mahigpit na yakap. Hinalikan niya ako sa noo tapos inilayo sa kanya.

"I miss you, hija! Kumusta ang byahe?"

Humawak ako sa braso nito.

"Good, Pa! I'm just a bit tired but I'm okay!" nilingon ko si Kuya na dala-dala ang bag ko.

Hinila ko si Papa papasok ng bahay. Nagpunta kami sa kusina. May nakahanda ng pagkain. Madaming Pilipino dish na pagkain. Ngumiti ako ng mamataan ko ang shang-hai.

"Tulo laway 'yang anak mo nung nasa byahe kami!" sumbong ni Kuya.

Inirapan ko siya. "At least ako kapag tulog lang, eh ikaw mukha kang amoy laway!"

"Ang bango ko naming amoy laway!" aniya saka ngumisi.

"Kaylan pa nagkaroon ng laway na mabango?" Inirapan ko siya.

"A—"

"Tama na ang away. Ngayon lang ulit kayo nagkita pagkatapos ay ganiyan pa?" pagpapagitna sa'min ni Papa saka umupo sa may kabisera.

Inirapan ko si Kuya saka nag-bleh.

Nakaka-inis siyang tumawa.

"Pa, dapat palayasin mo na 'yan dito!" tinuro ko pa si Kuya.

"Bakit hindi ikaw na lang ang palayasin? Tatay ko kaya 'yan!"

Inirapan ko siya. "Anak din naman ako ah!"

"Stop! Nasa harap tayo ng pagkain!" seryosong ani Papa.

Ngumiti ako dito samantalang kay Kuya ay inirapan ko siya. Kumuha ako ng shang-hai at kumain.

Yes, they can speak Tagalog. After four years naturuan ko na rin silang magsalita ng Tagalog. Nakakatuwa lang dahil kaya na nila and of course me, I can speak Spanish fluently. After that night ni Seville. I started to learn more Spanish words. I take classes.

Abuela became my favourite grandmother. She always sent me gift. We always talk in Skype and when the vacation came, nagpupunta ako ng Spain para maglibot-libot do'n pero nakakapunta rin ako sa iba pag lugar.

I'm not yet done with my studies. One more year and I'm going to graduate. I'm just finishing my degree and then I'm going in Spain to live there permanently.

"Dapat talaga ay magkaroon na ng boyfriend 'yang si Klyzene—"

"Ba't hindi ikaw ang mag-asawa para lumayas ka na dito sa bahay ng Papa ko!" pang-aasar ko sa kanya.

Ngumiwi ako ng tingnan niya ako ng masama. Pikon talaga ang mga lalaking 'to. Kapag siya nag-aasar malakas pero kapag inasar pabalik maiinis.

"Let's start eating," ani Papa, ipinaglagay niya ako ng pagkain.

"Thank you."

Nag-start akong kumain.

"Kumusta nga pala ang pag-aaral mo?" tanong ni Kuya.

Lumingon ako sa kanya.

"Good but tiring. Ngayon kasi magi-start na rin kaming mag-OJT," pagsasabi ko ng totoo. Kaya nga after this problem ay babalik rin ako sa N.Y. to study again.

And oh. I already have my own apartment. It's near in Manhattan, I got the best view of Brooklyn Bridge. Malapit din siya sa mga grocery and city kaya hindi ko na kaylangan mag-alala kung maubusan ako ng pagkain.

"Saan daw?" tanong naman ni Papa.

Napanguso ako. "I don't know yet. Pag-uusapan pa namin nina Linda and Carl kung saan kami papasok."

"Okay. You take care," bilin ni Papa.

Ngumiti ako saka tumango. Brunch na ang kinain namin kanina kaya ng mag-lunch ay hindi na ako sumabay sa kanila dahil busog na ako. Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatitig sa kisame.

Bigla kong naalala 'yung panyo.

Kaagad akong napabangon at napalapit sa laundry basket ko. I took my pants and kinuha do'n ang panyo. Pinakatingnan ko 'yon.

No. I should be open minded. What's wrong kung nahawakan niya 'to? Ano naman ngayon? Hawak lang naman. Hindi ako mag-aaksaya ng pera para bumili ng new hanky. Papalabhan ko na lang 'to.

Patapon ko 'tong ibinalik sa laundry basket tapos ay lumapit ako sa study table ko at umupo do'n. Kinuha ko ang laptop ko saka binuksan. Wala naman akong ginagawa, edi tatapusin ko na lang 'yung mga activity naming sinend sa'kin ni Linda.

It's already one in the afternoon here in the Philippines while in New York its twelve am there. May excuse letter naman ako na mga two months na ang hindi makakapasok pero syempre, ayokong ma-late, gusto kong pagbalik ko do'n ay magtra-training na lang din ako.

Madami akong tinapos na activity kaya ng lumabas ako ay madilim na. Bumaba ako sa kusina, naghanap ako ng pagkain sa may ref. I saw a fries. Kinuha ko 'yon at inilagay malapit sa sink, tapos kumuha ako ng chicken nuggets.

Inilagay ko sa air fryer ang fries and chicken nuggets at hinintay ko 'tong maluto.

Habang naghihintay ay gumawa na muna ako ng dressing na mayo and ketchup, after twenty minutes ay naluto na rin ang pagkain ko. Isinalin ko 'yon sa isang plato tapos umakyat na ako sa kwarto, nanuod muna ako ng movie pampalipas ng oras.

KINABUKASAN ay bumiyahe ako papunta sa Resort na iniregalo sa'kin noon ni Papa at Kuya. Nagkakaroon daw kasi ng problema sa loob ng mga taong wala kami do'n para mag-supervise kaya need ako dito.

I'm wearing a violet crop top, it's one sided, and then, a high waist jeans, crocks ang suot kong pam-paa. That's beach. I want to be comfortable, 'no.

Minani-obra ko ang koste ng makita ko ang sign ng resort namin. Huminto ako isang metro ang layo do'n at tiningnan ng mabuti ang signage namin. Damn. It's already dirty, mukha siyang hindi naalalagan tapos meron pang mga halamang tumutubo.

What happened here?!

Pinaandar ko ulit ang sasakyan papunta do'n. Pagpasok ko pa lang do'n ay lumaglag na ang panga ko. Walang masyadong tao, iilan meron. Pumarada ako sa may parking area at kinuha ang bag ko. Lumakad ako papasok sa loob ng hotel.

Naningkit ang mata ko ng makita ang mga tauhan na nakahiga sa receiving area. Tamad na tamad ang hitsura nito. Wala namang kaso sa'kin if magpapahinga sila. People need rest but this is so inappropriate.

Bumaba ang tingin ko ang isang receptionist do'n. Mabilis akong lumapit. Gulat itong napatingin sa'kin saka natatarantang tumayo.

"Ms. Klyzene!"

Malakas nitong tawag sa pangalan ko, nagsilingon ang ibang tauhan, mabilis na nagsikilos ang mga ito.

"M-ma'am Klyzene..."

Lumapit sa'kin ang isang tauhan at ngumingiwing ngumiti.

"M-ma'am... a-ano hong ginagawa niyo dito?"

Kinakabahan niyang tanong sa'kin habang nakatingin sa likuran ko tapos ay ibinalik rin niya sa mukha ko.

"W-wala po ba kayong kasama? Gaano po kayo katagal dito?"

Tiningnan ko siya ng masama. "Sa hanggang kelan ko gusto, bakit? May problema ba do'n?"

Sunod-sunod na umiling ang lalaki pagkatapos ay ngumiti sa'kin.

"W-wala po... ipapahanda ko po ang kwartong gagamitin ninyo," pagkasabi niya no'n ay mabilis itong tumalikod sa'kin.

Tumingin ako sa receptionist.

"Tell to the in charge manager here. Now!" madiin kong wika bago tumingin sa ibang tauhan. "Move now! I want this resort to be clean as soon as possible!!"

Dahil sa lamig ng boses ko ay mabilis silang nagsikilos. Naiwan akong mag-isa sa lugar dahil lahat ng tauhan ay umalis para kumuha ng mga gamit panlinis. Damn. Ang dating masiglang Resort ay nagging malungkot na ang hitsura ngayon.

What happened? Ang huling balita sa'kin ay maayos pa 'to. Maganda ang takbo ng business kaya nga hinayaan ko nang sila ang mag-ayos dito. Bumili pa nga kami ng mga new Cottages dahil madaming nagpupunta.

Lumakad ako papunta sa may beach. May iilang nagsu-sun bathing, 'yung iba ay nags-swimming pero hindi sila kasing dami ng dati. Narinig ko ang nagkukumahog na yapak sa likod ko.

Lumingon ako.

Nag-aalangang ngumiti sa'kin si Riley, ang manager ng lugar. She's my Kuya Ivan's best friend for the last three years. She became close to our family that's why I let her handle the resort.

"Klyzene! Andito ka p-pala! Anong ginagawa mo dito?!" maaliwalas nitong tanong sa'kin na kaagad ring nawala ng makita ang mukha ko.

"Hehehe... a-anong ginagawa mo dito?"

"What happened, Ate Riley? Bakit nagkaganito?" walang kangiti-ngiting tanong ko.

Nginiwian niya ako pagkatapos ay inipit ang ilang buhok sa likod ng tenga. Hinawakan niya ako sa braso at hinila papasok ng hotel. Naglakad kami papunta sa may elevator. Sumakay kami at pinindot nito ang penthouse.

Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin at hinarap ko siya. Nag-cross arm ako.

"Ate Riley, I'm asking you what happened to the resort. Bakit wala ng tao? Bakit bumaba ang income natin?" sunod-sunod kong tanong.

She pouted her lips then she let a sigh.

"There's a new Resort near here. They said it's more beautiful there, more accommodating, there's a lot new activities there na wala dito kaya wala ng masyadong nagpupunta. Sinubukan ko namang pabalikin 'yung mga tao, madami na akong ginawang ads, mga new activities pero wala talaga eh," nahihirapan niyang pagpapaliwanag sa'kin.

Napakagat ako sa labi ko.

Tumunog ang elevator tanda nan aka-penthouse na kami. Last-last year ay pina-ayos ni Kuya ang Resort, ang dating iilang roms ay ginawang hotel na. Madami ng rooms ngayon dito and may penthouse na rin kami. This is where I'm going to stay hanggang sa matapos ko ang problema.

Lumabas kami at binuksan ang pintuan ng penthouse. I need security kaya ginawan ng door bukod na pinto ang penthouse, pagbukas ng elevator, pinto ang bubungad hindi ang mismong sala. And I have a locked here.

Pumasok kami sa loob at umupo ako sa may sofa. Si Ate Riley ay pinaglalaruan ang daliri niya.

"Who's the owner of the resort?"

Yumuko ito at hindi nagsalita. Naningkit ang mga mata ko.

"Ate Riley, who. Is. The. Owner?" seryosong tanong ko.

Nag-angat ito ng tingin sa'kin.

"It's Hunter Winchester." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro