Kabanata I
Kabanata I
The Beginning
"Yumie, nakapag-aral ka na ba sa research?" Napalingon ako sa kaklase kong biglang nagtanong sa akin.
Hindi ko na maalala ang pangalan niya pero alam kong magkaklase kami dahil pareho kami ng disenyo sa uniporme.
"Ah oo, ikaw ba?" Sagot ko rito, tinigil muna ang pagsusulat. Trying hard not to be rude on her even though I kinda know why she approached me.
Pero sa kabilang banda, pinag-aralan ko na talaga ang lahat ng subjects ko sa bahay noong isang araw. Kaya ngayon ay sulat-sulat at review na lang ang ginagawa ko.
Kasalukuyan akong na sa taas ng gymnasium, tahimik lang na pinapanood ang nag-eensayong seniors sa baba.
"Mabuti ka pa, hmp..." ngumuso siya.
"My boyfriend got home from Amsterdam kasi. All weekend kaming nag-date! We even stayed in Okada with my friends, that's why hindi ako naka-study." Pagku-kuwento niya sa maarteng boses sabay lapag ng christian dior na bag sa tabi ng notebooks ko.
Alinlangang tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. Hindi alam kung anong ire-react sa mga pinagsasabi niya. As if may paki-alam ako.
I don't even know why she's telling me that eh hindi naman kami close.
Naramdaman niya atang wala akong balak magsalita kaya nagpatuloy siya.
"Next time you should join us. We're going to Tagaytay next weekend. You can also bring your friends. Like, you know... Zyrell." Tama nga ang hinala ko, tsk.
"Yeah..." walang ganang sagot ko at inayos na lang ang nagkalat ng notebooks sa lamesa. Dahil sa pag-aayos ay natabig ko pa talaga ang bag niya na naging dahilan ng pagkahulog nito sa sahig.
Halatang nagulat siya hindi lang sa sinabi ko pero pati na rin sa nangyari.
"Oh, i'm sorry..."
"No, it's okay! It's okay! Don't be sorry, maliit na bagay. Bibili na lang ako ng bago." She said while picking up her bag.
Wow! Okay...?
"Pero, really?! Sasama kayo? Can you also bring Theo?" Pag-iiba niya sa usapan nang ma-proseso ang sagot ko.
'No! Kung gusto mo silang sumama, huwag mong idaan sa akin.' Ito talaga sana ang gusto kong sabihin pero hindi ko na nasabi dahil sa nangyari.
"No I can't, marami akong gagawin. But I can ask Zyrell if you want?" sagot ko.
Nanlaki ang mata niya sa isinagot ko.
Kalmahan mo lang te, masyado kang nagpapahalata. May taga-Amsterdam kanang boyfriend di 'ba?
Kahit noong nagpaalam na ako ay 'di pa rin siya makapaniwala. Gulat na gulat!
Farillion supremacy, I guess?
Kung alam lang nila kung gaano ka gago ang hayop na 'yon. You'll even be puke in disgust to fall in love for that jerk.
But whatever, their life... their choice.
Ibinalik ko ang lahat ng gamit ko sa locker. Bago naisipang pumunta na lang sa library.
I hope wala ng manggulo sa akin doon.
Naglalakad kong tinali ang mahaba kong buhok at inayos ang nalukot na uniporme.
Maraming bumati sa akin habang naglalakad sa hallway at tipid na ngiti lang ang naging tugon ko roon.
Nang tuluyan ng makarating sa silid aklatan ay hinanap ko ang romance section at nagpasyang ipagpatuloy na lang binabasang kuwento kaninang umaga.
"Pst..."
Hindi ko pa nga natatapos basahin ang kalahating talata ng binabasa ko ay nabaling na ang tingin ko sa biglang pag-upo ng dalawang lalaki sa harapan ko.
Speaking of...
"Ginagawa niyo rito? Wala na ba kayong pasok?" tanong ko, itiniklop muna ang librong hawak ko.
"Syempre naman, mukha ba kaming hindi pumasok?" Natatawang sagot ni Theo. Tahimik naman si Zyrell sa tabi niya, pinagmamasdan akong mabuti.
"Ikaw? Ba't ka mag-isa rito? Sad girl ka rin? Sad boy kasi ako ngayon eh." Napairap ako nang napansin ang paghawak ni Theo sa dibdib niya, umaarte na para bang nasasaktan.
"Huwag mo nga akong igaya sa 'yo Mr. Theodore Garcia Marquez." Halos masuka siya nang sinabi ko ang buong pangalan niya na ikinatawa ko.
"Saya ka na niyan? By the way, kain tayo. Ginutom ako kakadaing eh..." wala talagang preno ang bibig ng hayop na 'to.
"Kayo na lang..." pinagtitinginan na kami ng ibang istudyante sa kabilang table. Hindi ko alam kung dahil maingay kami o dahil ba sa dalawa kong kasama.
Napasinghap ako at naisipang umuwi na lang. Tutal hindi naman alam ng eskwelahang ito ang salitang 'katahimikan' ay mabuti pang umuwi na lang ako.
Wala naman na akong klase, matutulog na lang ako sa bahay o 'di kaya tatapusin ang sinusulat kanina.
"Bakit? Tapos na exam mo ngayong araw ah. May pupuntahan ka pa? Sama na lang kami!" pangungulit ni Theo. Ang daldal talaga kahit minsan.
"May date ako! Ano kayo do'n chaperone?" Ang totoo, wala talaga akong date ngayon. Sinabi ko lang 'yon para tumigil na sila.
"Date? Sino na naman 'yang ka-date mo? Bago na naman ba 'yan?" Kumunot ang noo niya.
Hindi ako sumagot.
Binalingan ko si Zyrell dahil kanina pa siya tahimik. Ang walang paki-alam niyang mukha ang bumungad sa akin. Kanina pa siya nagse-selpon at mukhang hindi nakikinig sa usapan namin.
Well, what's knew? Palagi naman siyang tahimik. Kaya laking gulat ko talaga nang bigla na lang siyang nagsalita.
"Brint Lopez..." aniya sa mababang boses, hindi man lang inalis ang kunot-noong tingin sa selpon.
"Lopez? Lopez... akala ko ba ex muna 'yon?" Singit naman ni Theo na para ba na isang kasalanan ang ginawa ko.
"Binalikan..." muling singit ni Zyrell. Lumipat na sa akin ngayon ang tingin.
"Tumahimik nga kayo, hindi naman kami nagbreak eh," depinsa ko kaagad sa sarili.
Hindi naman talaga kami nag-break eh. Madalas lang kaming mag-away pero wala kaming official break up, like duh!
"Sabing hiwalayan muna ah. Manloloko nga 'yon!" Napalakas na ang sigaw ni Theo kaya sinaway na kami ng librarian.
"Iyang bibig mo talaga Theo..."
Ang kukulit!
"At ikaw, paano mo nalaman?" tanong ko kay Zyrell na nakibit-balikat lang.
"Bahala nga kayo, uuwi na ako!" pabulong na sigaw ko at naglakad na palabas.
Mabuti na lang at wala ng sumunod para mangulit kaya payapa akong dumiretso sa parking lot.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga kasambahay namin. Hindi naman ganoon kalayo ang byahe kaya nakauwi rin kami kaagad ng driver ko.
"Maliligo po ba kayo Ma'am o kakain muna?"
"Mamaya na lang ako maliligo. Nasaan si Mama?" tanong ko.
"Nasa kusina po, nagme-merienda" tumango ako sa kasambahay namin bago nagtungong kusina.
"Ma," bati ko nang maabutan ko itong nakaupo sa hapag kainan. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umikot sa kabila.
"Kamusta exam?" tanong nito habang iniikot-ikot ang hawak na wine sa kamay.
Akala ko ba nagme-merienda?
"Okay naman po," magalang na sagot ko sabay upo sa bakanteng upuan na kaharap niya.
Habang kumakain ay nanonood si Mama ng balita. Ako naman ay tahimik lang habang nagme-merienda.
"Sir, totoo po ba na hiwalay na kayo ni Doktora Drena?" Naudlot ang pagsubo ko ng pagkain sa biglang narinig.
Napalingon ako kay Mama na wala pa ring mababakas na emosyon sa mukha sa kabila ng narinig. Napabalik ang tingin ko sa telebisyon sa sagot ni Papa.
"Oo... inalok niya ako ng divorce, pumayag ako." Nabitawan ko ang hawak kong kutsara na lumikha ng ingay sa tahimik naming silid-kainan.
Anong divorce?! Napapansin ko nga na lagi silang nag aaway nitong mga nakaraang buwan. Pero 'di ko naman inakala na aabot sa ganito. What are they even thinking?!
"May kinalaman po ba ang paghihiwalay niyo sa pagkalugi ng ibang negosyo niyo?" muling tanong ng reporter.
"Sigu---" hindi makapaniwala akong napalingon kay Mama dahil sa biglang pagpatay niya sa telebisyon.
"Huwag mo ng pakinggan, pumasok ka na sa kwarto mo." Tugon niya sa malamig na boses, biglang tumayo at walang imik na umalis.
Naiwan akong gulat, tulala at walang masabi.
Gusto kong sumigaw pero wala akong lakas na loob.
Naiiyak ako!
Naiinis!
Pero hindi ko alam kung paano ilalabas lahat ng hinanakit ng puso ko.
Tumayo ako, magulo na ang isipan.
What the hell was that?
--------------------- -------------------- -----
---------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro