chapter 16 : the line i still couldn't cross
"Hindi ka na galit?" Pangiti-ngiting tanong ni Blueberry nang pagbuksan niya ako ng pinto.
Para akong tangang bumalik sa bahay niya ilang oras lang pagkatapos akong mag-walk out, pero mas pipiliin kong magmukhang tanga kaysa sa mag-aksaya ng araw na hindi kami okay.
"Nasa bahay ang mga co-worker ni mama. Naiilang ako kaya dito na muna ako. Susunduin lang niya ako mamaya." I rolled my swollen eyes and handed him the little box of veggie pizza that I got for him.
Nilagpasan ko si Blueberry at naupo sa kama niya. Kumuha pa ako ng libro mula sa backpack ko, kunwari magre-review. Habang ginagawa ito, pansin kong nakatingin pa rin si Blueberry mula sa bahagyang nakabukas na pinto at tinitingnan ako. Gusto ko mang malaman kung ano ang ekspresiyon ng mukha niya, ayokong makita niya ang mga mata kong namamaga na.
"'Di ba may kuwarto ka? Papasok ba sila doon?" May pang-aasar sa tono ni Blueberry kaya nainis ako bigla.
"You know what? Doon na lang pala ako kay Carri." Isinalampak ko pabalik ang libro sa loob ng bag ko at agad nagmartsa patungo sa pinto, hindi alintana ang zipper ng bag kong nakabukas pa.
"Joke lang, joke lang . . . " Patawa-tawang sabi ni Blueberry at bigla akong hinarang. "Huwag ka nang magalit," panlalambing niya sabay hawak nang marahan sa kamay ko.
I couldn't help but look up at him and glare. "Siraulo ka alam mo 'yon?"
Blueberry grinned and nodded. He then took a step closer and pulled me into a warm hug. He even slouched a little just to make me feel more comfortable. "Sorry na . . . "
As my jaw rested on his shoulder, my eyes pooled up with tears again. Napatitig na lamang ako sa kisame at napasimangot, umaasang maagapan nito ang muling pagpatak ng mga luha ko. "Sorry saan?"
"Sorry hindi kita hinabol . . . " Naramdaman ko ang banayad niyang pagtapik sa likod ko. Naalala ko bigla ang yakap ni papa sa tuwing pinapatahan niya ako. "Dapat hindi kita hinayaang umalis nang gano'n."
"'Yon lang?" Napataas ang kilay ko. Wala ba siyang balak na bawiin ang mga pinagsasabi niya kanina?
"Kuya, parating na raw si Kuya Janus! Siya na ang magda-drive para sa 'yo—oh! Ate Tree, you're here! Kuya cancel ko na ba ang oplan ipagpatawad mo?"
Pareho kaming napalingon ni Blueberry at nakita si Braylee na bumubungisngis habang nakasilip sa bahagyang nakabukas na pinto.
"Labas!" sigaw ni Blueberry sa kapatid at akmang pupulot ng kung ano para ibato sa kapatid.
"Nasa loob ako ng bahay! Labas your face!" Braylee stuck her tongue out and ran out away.
Natawa na lamang ako sa kabaliwan nilang magkapatid.
"Patingin nga," ani Blueberry kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya. Bago pa man ako makapagtanong, bahagya siyang yumuko. Mabilis akong napapikit sa takot na baka titigan niya ang namamaga kong mga mata.
"Tree, sana hindi ka na nakipag-away dahil lang sa akin." His voice was racked with guilt and worry as he gently traced the scratch on my face with his thumb.
Agad akong kumawala mula sa kanya at humakbang paatras. I opened my eyes and just tried to laugh it off. "Hey, don't feel bad. Sumugod si Janus kasi nadehado si Jasper. Humabol lang ako para umawat kaso nadamay lang din."
Blueberry looked at me flatly, clearly not buying my story.
I scratched my head and looked around, my eyes instantly landing on the little microphone on his desktop. "Oh! Pagpatuloy natin ang pag-re-record ng book?"
***
Halos naging daily routine ko na ang pagpunta sa bahay ni Blueberry. Aside from enjoying each other's company, he also began teaching me the ropes of recording audiobooks. Pinapasali niya pa ako company na kinabibilangan niya para raw hindi na ako masyadong ma-stress sa pagiging Goodbye Girl.
I also gave myself the role of being Blueberry's study buddy as he continued to take online classes. Kahit ang kambal ay lagi ring bumibisita at minsan ay tumatambay pa sila sa kung saan. Si Carri naman, dumadating lang kung may dapat ichismis kay Blueberry—she said it was a good thing to keep him in the loop, so he wouldn't feel so left out. Lubos ang pasasalamat sa amin ng mga magulang ni Blueberry dahil raw ang nagpapagaan ng kalooban ng anak nila, pero kung tutuusin ay wala naman silang dapat ipagpasalamat. Gusto talaga naming makasama si Blueberry.
At first my mama didn't like how I was spending too much time with him at his house, but as soon Blueberry's parents invited her for a little family dinner, Mama understood the situation and just made me promise to abide by the curfew. Hindi man ako sigurado, malakas ang kutob kong kinausap siya ng mga magulang ni Blueberry.
"Wait, you went to the orphanage without me?" Isang araw, nagulat ako nang biglang pinakita sa akin ni Blueberry ang mga litratong kuha sa orphanage kung saan kasama niya ang kambal. Puno ng decorations ang buong orphanage na para bang may piyesta.
Blueberry smiled and nodded. Mula sa kanyang desk, lumapit siya sa kama kung saan ako nakaupo at saka ako tinabihan. Sabay naming pinagmasdan ang mga litrato sa camera niya.
"Puyat ka kasi no'n sa projects mo kaya hindi na kita niyaya. Hindi ka pa naman tatanggi," paliwanag niya.
"Sabagay." Napabuntonghininga na lamang ako. "Nga pala, how about 'yong competition ng batang si Kaloy? Pinanood mo rin ba?"
"The three of us coached him and he ended up winning first place. Celebration 'yan ng panalo niya," masayang paliwanag ni Blueberry at patuloy na ipinakita sa akin ang iba pang mga litrato.
We were both sitting on his bed as he talked about what happened and how fun it was. Seeing how his eyes sparkled in happiness, naging napakasaya ko na rin.
"Nakakapanlumo lang dahil umiyak siya nang todo dahil sa akin pagkatapos niyan . . . " Nagbaba ng tingin si Blueberry, at sa pagkakataong ito'y puno na ng kalungkutan ang kanyang mga mata.
"You said goodbye to him . . . " mahina kong sambit.
Marahang tumango si Blueberry. "You think I made a bad timing? I should've said goodbye the day after he won, right?"
Imbes na sumagot, niyakap ko na lamang siya nang mahigpit. "I know it wasn't easy saying goodbye again. I'm proud of you."
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. Ilang sandali siyang natahimik hanggang sa unti-unti kong narinig ang kanyang paghangos.
"Hey, you okay?" Dali-dali akong napabitiw sa kanya at napaatras. Masyado akong malapit sa dingding kaya bumangga pa rito ang likod ko.
Blueberry looked at me as he continued to chase his breath. There was a faint smile on his face but I could tell the situation was serious. "S-Si Papa—t-tawagin si Papa please . . ."
Tumango-tango ako at agad na kumaripas ng takbo patungo sa home office ng papa niya.
Kasama ang papa niya, pagbalik ko sa kanyang kuwarto, parang nanlambot ang mga tuhod ko nang makitang todo na ang pamumutla at hirap niya sa paghinga.
"Umuwi ka na . . . " Hirap na hirap man sa paghinga, nagawa pang masabi ito sa akin ni Blueberry sa pinto. "Tree, um—"
"Oo, anak, uuwi na si Tree," tarantang sambit ni Tito kay Blueberry at saka napalingon sa akin. "Hija, uwi ka na muna, ha? Magpapahinga lang si Bryan."
Napako ako sa kinatatayuan. Napapansin ko na noon na pasimple akong pinapauwi ni Bryan sa tuwing nagsisimulang sumama ang pakiramdam niya, pero ito unang beses na nakita ko siyang sumpungin nang ganito.
"Tree!" Bryan screamed, saliva dripping from the side of his lips as he continued to pant out loud.
Bago pa man ako makagalaw, biglang may humila sa akin palabas ng pinto at pababa ng hagdan. It was Braylee.
Braylee had a cold look on her face but her eyes were already filling with tears. As soon as we reached the living room, Braylee let go of my hand and smiled faintly. "A-Ate, pasensiya ka na talaga, pero puwede bang umuwi ka muna? Mas gusto kasi ni Kuya na hindi mo siya nakikitang gano'n . . . Promise! Promise, I'll call you kapag ready na si Kuya na makipag-usap ulit."
Tumango ako at kasabay nito ang tuluyang pagpatak ng mga luha ko.
It was hard to understand Blueberry but I know in my heart that I had to respect his wishes.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro