Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 14 : blue skies



"Huwag ka namang umiyak . . . Nagkuwento ako para kumalma ka, hindi para paiyakin ka."

"S-Sorry . . . Naiisip ko lang kasi ang mga kaibigan ko. Alam kong puro kabulastugan lang kami palagi, pero ayokong may masamang mangyari sa kanila . . . kahit sa isa man sa kanila, ayoko."

"It's okay . . . Just cry it out."

"Ipagpatuloy mo na nga ang kuwento!"


✦ ✦ ✦


Awkward. There was only one way to describe the breakfast we had at the beach after the entire campfire situation that ended up with Blueberry's secret blowing up right in front of the twin's faces. Carri too.

Nakokonsensiya ako dahil alam kong hindi iyon ang gustong paraan ni Blueberry para magsabi ng katotohanan sa mga kaibigan niya. At hindi rin dapat gano'n natuklasan ng kambal ang lahat. We had a plan—Blueberry had a plan. They were supposed to have a conversation, not a confrontation.

Meanwhile, Carri and I spent the entire night consoling Braylee who did nothing but cry her heart out. As Blueberry's family, Braylee has full knowledge about Blueberry's condition . . . but also as family, I know her heart is torn apart by what her brother is going through.

"Ayokong mawala ang kuya ko!" — Halos umukit sa utak ko ang mga palahaw ni Braylee habang inaalo namin siya ni Carri. Kahit si Carri na alam kong napakaraming katanungan, hindi na nagawang makapagtanong dahil umiiyak na rin siya kasabay ni Braylee.

"Oh, ba't parang ang tahimik n'yo naman yata?" Lumapit sa amin ang ginang na nagsisilbing waitress ng restaurant at naglatag ng dalawang menu sa bawat bahagi ng mesang kinauupuan namin.

Carri grabbed the first menu and placed her arm around Braylee, asking her what she wants to eat. I was sitting at Braylee's other side kaya naman nakisali na rin ako sa pagpili.

Habang pumipili kami ng makakain, pasimple kong inobserbahan ang mga kilos ng tatlo.

Nasa tabi ko si Janus, samatalang katabi naman ni Carri si Jasper. Sa gitna ng kambal, nakaupo si Blueberry na namamaga ang mga mata at may tipid pa ring ngiti sa labi. Dahil parehong nakasuot ng sunglasses ang kambal at tuwid na tuwid sa pag-upo, mukha tuloy napagigitnaan si Blueberry ng mga bodyguard.

Blueberry cleared his throat and tried to laugh off the awkward air as he grabbed the menu. "Sana may sabaw."

"Kuya, may sinigang." Braylee smiled at Blueberry. Her eyes were filled with sadness, but her smile was the sweetest toward her brother. 

"Shrimp o Pork?" Blueberry nodded and flashed the same sweet smile to Braylee.

"Both!" Braylee grinned. 

Carri looked up at me and pointed the menu. "Bulalo ka?"

"Bulalo ka rin," walang emosyon ko namang pagtataray sa kanya.

Sinamaan agad ako ng tingin ni Carri at narinig ko namang bahagyang nagtawanan ang mga Emanuel. It felt good that the air became less awkward, pero tahimik pa rin ang kambal kaya mabigat pa rin. 

Iba talaga kapag ang pinakamaingay ang tumatahimik.

"Hoy, anong gusto mo?" Siniko ko si Janus.

Sandali akong namangha nang hindi man lang gumalaw si Janus sa kinauupuan. In fact, ako 'yong medyo naalog. For what it's worth, the twins got really great guns. 

"Pssst! Ano raw gusto mo?" tanong pa ni Carri kay Janus.

Pareho-pareho kaming napatingin kay Janus, at pare-pareho rin naming nakita ang pagtuwid ng mga labi niya na para bang pinipigilan niya ito sa paggalaw, pero sa huli ay tuluyan na itong nangatog hanggang sa nagpakawala ito ng mahinang hikbi.

"Kuya Janus?" Braylee asked, worry written all over her voice.

"Gusto kong mabuhay nang matagal si Bryan!" Bigla na lamang umiyak nang malakas si Janus, bagay na ikinagulat naming lahat.

Bryan closed his eyes shut, while the rest of us could only watch in shock and sadness. Jasper on the other hand, quickly took off his sunglasses and slammed it on the table. "Lintik ka talaga, Janus! Sabing wala nang iyakan! Wala namang mangyayaring masama kay Bryan! Lumabas ka nga do'n!"

Janus took off his sunglasses and also slammed it on the table angrily. "Lumabas ka rin! Tingnan mo, o! Tumutulo na ang sipon mo!"

Sa gitna ng sigawan ng kambal, nagulat kaming lahat nang bigla na lamang tumawa si Carri. Tuloy, napunta ang atensiyon naming lahat sa kanya.

"Ba't ka tumatawa?" Nakunot agad ang noo ko. "Umepekto na ang tubig-dagat na nalunok mo?"

Carri, shook her head. Her lips trembled as she tried her best to stop herself from laughing but still failed miserably. "Sorry, pero 'yung mga mata ng kambal!"

Napatingin ako kay Jasper na nasa tapat ko at nakitang magang-maga ang kanyang mga mata. Sa sobrang pamamaga, parang lumobo na ang talukap ng kanyang mga mata at halos isang manipis na linya na lang ang butas ng mga ito. 

Napatingin naman ako kay Janus na halos mag-isang linya na rin ang butas sa mga mata. Ang labi niya naman, para nang isang bangkang gumegewang-gewang dahil sa malalakas na alon ng kalungkutan.

Biglang tumawa si Braylee, kaya kahit ako ay tawang-tawa na rin.

"Huwag n'yo nga kaming pagtawanan!" sigaw ni Jasper.

"Oo nga! Namamaga rin kaya ang mga mata ninyo!" giit naman ni Janus.

"But look at the two of you! Can you guys even see us with your eyes? Ilan to?" Carri asked, raising four of her fingers.

All of a sudden, Blueberry started laughing, silencing all of us. Pare-pareho kaming napatingin sa kanya at nakitang naka-krus na ang kanyang mga braso habang taas-baba ang kanyang mga balikat. His head was down like he was trying so hard to hide his laughter, but as moments passed by, it just got louder and louder.

Carri, Braylee, and I . . . the three of us unconsciously looked at each other as Bryan's sole laughter loomed over the table. Before any of us could even say anything, Jasper started laughing . . .  and then Janus.

The twins' laughter started off low and slow, until it got louder and louder. The next thing we know, all three of them—Janus, Jasper, and Blueberry—were laughing their assess off while pointing at each other. Well, it was more like nakaturo si Jasper at Janus sa isa't isa, habang nakaturo sa kanilang dalawa si Blueberry.

Dahil sa pinggagawa nila, kahit kaming tatlo nina Carri at Braylee ay nagtawanan na rin.

"Tanginang mga mukhang 'yan!" bulalas ni Blueberry.

"Lalo ka na! Ang panget!" Dinuro ni Janus si Jasper.

"Nakalimutan na naman ng bobo na kambal kami!" Duro naman ni Jasper sa kakambal.

"Ikaw ang panget na version ko!" sabi pa ni Janus.

"Kung magmumurahan kayo, lumabas na lang kayo!" sigaw bigla sa amin ng waitress, tuloy, natahimik kaming lahat.

Pagkatapos ng ilang segundo, pare-parehong nagkatinginan ang tatlo at parang mga tangang naghagikgikan habang pilit na hinihinaan ang mga boses nila. 

***

Habang abala kaming lahat sa paghahakot ng mga gamit at paglalagay ng mga ito sa sasakyan, bigla akong inakbayan ni Jasper. "Hanapin mo nga si Bryan. Biglang nawala, e."

Agad akong napangiwi. "Sira ka ba? Mamaya jumi-jingle 'yon."

"Hindi, ah! Doon banda ang CR, tapos doong banda naman siya naglakad-lakad," aniya at saka tinuro ang magkaibang direksiyon.

"I know what you're trying to do, Jasper." I glared at him. 

Jasper sighed and looked at me like he was so done with me. Napairap na lamang din ako at marahas na ipinasa sa kanya ang mga bag na dala ko. "Siguraduhin mong hindi madudumihan 'yan!"

He replied with some light banter but I was too tired to give a damn kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

I looked around everywhere for Blueberry kahit na iika-iika na ako dahil sa paglubog ng mga tsinelas ko sa buhangin.

"Nandiyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap!" sigaw ko nang matanaw si Blueberry na nakatayo sa hanggang binting tubig-dagat. Dahil sa suot niyang blue cargo pants at white t-shirt, mukha tuloy siyang kumikinang sa matingkad na sinag ng araw at dagat.

Kumaway siya sa akin at ngumiti nang pagkalawak-lawak. He looked like a star that came down from the sky with how bright and warm he felt at that very moment. Pakiramdam ko tuloy ay nakikita ko na ang Blueberry na akala ko'y sa litrato ko lang masisilayan—ang Blueberry na totoong masaya at wala nang ulap ng kalungkutan sa mga mata.

Hindi ko napigilang ngumiti at lumapit sa kanya. Natawa pa ako nang kaunti habang humahakbang sa tubig dahil lumulubog ang mga paa ko. Mabuti na lang talaga at naka-shorts ako kaya hindi ako takot mabasa ng tubig. Medyo over-sized nga lang ang band shirt ko kaya tinupi ko pa ito nang kaunti upang huwag matalsikan o sumayad sa tubig.

"What are you doing there?" A giggle came out from my mouth. He was just too adorable that I couldn't help it.

Ngumiti si Blueberry at pinagmasdan ang tila ba kabuuan ng dagat. "Baka ito na ang huling pagkakataong kaya kong tumayo sa gitna ng tubig dagat."

Nanlumo ako sa narinig, pero para sa kanya, pinilit kong magpakatatag at manatiling nakangiti. "How about you make this a weekly thing? Say, visit the beach every weekend? You can take turns bringing your friends and family. I might even come with you if you invite me?"

He looked at me over his shoulder and flashed his sweet smile. With the way the sun glazed over him, it felt as if his smile was a gift from heaven shining down on me. "Hey, do you want to know a secret?"

I shrugged. "Shoot."

"Do you know why I had all those rules between us? The way I didn't want us to call each other's names, exchange numbers, or even take photos with each other?" he asked.

"Because you don't want me to get attached to you?" I guessed, grinning like a fool. Well, a fool for him.

He pressed his lips together and shook his head, his soft black hair shaking a little.

"Then why?" tanong ko na lamang.

He smiled faintly. "I didn't want to get attach to anyone anymore. I didn't want to say goodbye to one more person."

Awtomatikong naglaho ang ngiti sa mukha ko. That never crossed my mind before.

"Im sorry . . . " I felt incredibly bad. "I had no—"

"Pero wala akong pinagsisisihan. Sa tingin ko nga, ang paghingi ng tulong sa 'yo ang isa sa mga pinakamagandang desisyon ko sa buhay. Masaya akong makilala ka kahit sandali lang." His words felt bittersweet, but from the way he smiled warmly at me, I found myself smiling again.

Standing side by side with him and hearing him openly express his feelings for me . . . it was euphoric. Euphoric enough to give me the courage to say the words I never thought I'd ever say to any guy in this world.

"Hey, I just realized something . . . " I swallowed hard and faced the vast, blue ocean ahead us. For the love of God, I couldn't stop grinning and it felt like my heart was going to burst.

"Ano 'yon?" he asked, and even if I wasn't looking at him, I could picture his sweet smile in my mind.

"Since I like you a lot, and you said you like me too . . . Shouldn't we just, I don't know, date each other?" I shrugged, trying to act all cool and chill about it even if deep inside, my heart was fluttering like crazy.

"Tree, my days are numbered. Masasaktan ka lang," paalala niya, natatawa pa nang kaunti at alam kong dahil lang ito sa kanyang pagkabigla.

Tumingala ako sa langit at dinama ang malamig na simoy ng hangin. "I already like you a lot, Blueberry. Whether I date you or not, may feelings na ako sa 'yo at masasaktan pa rin ako kung may mangyari nga sa 'yo."

Before he could say anything, I tilted my face to look at him and raised my thumb followed by my pointing finger. "We already have feelings for each other, so we're technically trapped and left with two choices. Option A: We stay as friends, get hurt from burying our feelings for each other, part ways and get hurt again, and feel regret over the time we wasted when we could've been happy together. Option B: We date each other, be happy for a while, part ways and get hurt, and feel sad or happy over the memories we shared. Which option would you choose?"

Blueberry looked at me with pure amusement in his eyes. His smiling lips were even parted a little like he was trying to say something but he just couldn't find the words.

I shrugged and playfully let out a loud sigh as I looked up at the bright blue sky above us. "I don't know about you, but I'm definitely going for Option B. And hey, don't get me wrong, I'm not forcing you o anything. It's completely up—"

"Option B," putol niya sa pinagsasabi ko, bagay na lihim kong ipinagpasalamat dahil para nang sasabog ang puso ko.

"Ba't parang napipilitan ka?" pabiro akong tumagilid at tinaasan siya ng kilay.

"Nag-aalala lang ako sa 'yo . . . " He sighed, but he couldn't stop his lips from stretching into a smile. 

"Hindi, eh. Parang napipilitan kang piliin ang Option B," pabiro ko pang pagtataray sa kanya.

He cleared his throat, trying his best to use his serious voice to express his qualms. "Tree, nag-aalala lang ako na baka pagsisihan mo ang oras mo sa akin."

"Mas magsisisi ako kung palalampasin ko ang pagkakataong makasama ang taong gusto ko." I scoffed.

Bigla siyang tumahimik kaya hindi na rin muna ako umimik. Ilang sandali kaming walang ginawa kundi tumayo sa gitna ng tubig at tumitig lamang sa dagat na nasa karagatang nagniningning sa harapan namin.

"Gusto kong hawakan ang kamay mo ngayon pero hindi ko magawa dahil nanghihina na naman ang mga kamay ko. Gusto mo pa rin ba ako?" basag niya sa katahimikan.

Ramdam ko ang lungkot at agam-agam sa kanyang bawat salita kaya naman ako na mismo ang humarap sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamay niyang tila ba lupaypay at nanginginig. "Sa tuwing hindi mo kayang hawakan ang kamay ko, ako ang hahawak sa mga kamay mo."

Itinaas ko ang mga kamay namin upang makita niya ito nang maayos. "Hahawakan kita nang mahigpit at bibitiw lang kung sasabahin mong ayaw mo na."

Napatingin ako sa kanyang mga mata at nang magtagpo ang mga tingin namin, doon ko lang napansing nanunubig na ang kanyang mga mata. "Tree, makasarili ako. Paano kung hindi ko 'yon sabihin?"

Pabiro ko siyang sinimangutan. "Huwag mo talagang sabihin! I'll hold your hand as long as I want to, and let go of you only when I want to."

"M-Mangako ka. Kung nahihirapan ka na, bibitiw ka," aniya, tila ba nakikiusap at kasabay nito ang tuluyang pagpatak ng kanyang luha.

"Mangako ka rin." I smiled at him.

"Ano?" Napuno bigla ng pagtataka ang kanyang mga mata.

"Tanggalin na natin 'yong mga rules! Gusto ko nang may picture tayong dalawa na magkasama!" bulalas ko sabay tawa. Tuloy, kahit siya'y natawa na rin.

"Pwede 'wag lahat? Gusto ko yong tinatawag mo akong Blueberry." He looked like a total fool as he laughed while there were tears streaming down his cheeks. My kind of fool.

"Hoy! Umahon na nga kayo diyan! Mabasa pa 'yang mga damit n'yo!" 

Pareho kaming napalingon ni Bryan at nakita si Janus sa dalampasigan, nakapamewang at todo-simangot. Kulang na lang ng tsinelas sa kamay at magmumukha na siyang nanay ko.


//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro