chapter 13 : pushing daisies
"Pambihira . . . "
"Bakit?"
"Pahingi nga ng lakas ng loob para masabi ko rin 'yan sa taong gusto ko!"
"Bro, in my defense, I was mortified afterward too! Hindi ako nakatulog at todo sipa lang ako sa iallim ng kumot ko."
"Pagkatapos? Ano nang nangyari? Awkward ba nang mag-lunch ulit kayo."
"He didn't show up. Braylee too. For the rest of the week, the siblings didn't show up at school. The twins told me they were on some family trip or something."
"Pero paano 'yong roadtrip n'yo?"
"Siyempre tuloy. After all, that trip wasn't about Blueberry and I . . . it was about him and his friends."
✦ ✦ ✦
"Tita, payagan n'yo na ho si Tree. Ako naman po ang kasama," todo pangungumbinsi si Carri kay Mama habang ako naman ay nakatayo lang sa isang tabi, kunwari isang maamong tupa.
"Kaya nga ako nag-aalala kasi kayong dalawa ang magkasama," giit ni Mama na halatang nagpipigil na magtaas ng boses dahil si Carri ang kaharap. Kung ako lang mag-isa, siguradong abot-langit na sermon na ang natanggap ko habang nagpapaalam pa lang.
"Naku, Tita . . . Don't worry, ako po ang bahala sa anak n'yo. Hindi kami lalangoy, at sa dalampasigan lang kami at all times. Ibitin n'yo pa po kami nang patiwarik kung—"
"M-Ma, sa akin na ho kayo makinig," taranta kong putol sa pinagsasabi ni Carri, mamaya kasi mabitin pa talaga kami nang patiwarik. "I swear, we'll be careful. Responsable naman po ang mga kasama namin. Wala rin pong iinom kasi isa 'yon sa kundisyon ng kaibigan naming nag-arrange ng lakad."
"Si Bryan ba pupunta?" tanong ni Mama, naniningkit pa ang mga mata.
"Oo naman po Tita! Kasama pa ang little sister niya kaya hinding-hindi sila magkakaroon ng chance na maglandian!" confident na sagot ni Carri, akala mo talaga isang promodiser.
Ilang sandaling tumahimik si Mama, tila ba nag-iisip, hanggang sa bigla na lang niya akong tinuro. "Umayos ka talaga katrielle."
Pareho kaming nagsibuntonghininga ni Carri nang pagkalakas-lakas.
"Ikaw rin, Carri! Umayos ka!" bulalas pa ni Mama sabay turo kay Carri, tuloy nagtawanan kami nang wala sa oras.
***
"Yang white van ba talaga? Baka mamaya kidnapper 'yan ha?"
"Carr, kung kidnapper 'yan baka tanggihan ka lang nila."
"Kapag ikaw naman, mapagkakamalan ka nilang new member ng kidnapping team nila."
Panay ang asaran at tawanan namin ni Carri habang palabas sa 7-eleven kung saan kami naghihintay sa kanila. Kahit papaano, dahil sa ginagawa namin ni Carri, nawawala sa isip ko ang mga pinagsasabi ko kay Blueberry ilang gabi na ang nakakaraan.
Biglang bumaba ang bintana sa driver's seat at nakita namin si Jasper na naka-cap at sunglasses pa.
"Uy! Ito ata yung leader ng kidnapping team!" pabirong bulalas ni Carri, kunwari gulat na gulat. Napataas tuloy ng middle finger si Jasper bilang tugon.
"Sabi nang huwag 'tong white van, e!" Narinig ko namang sigaw ni Janus mula sa loob. Nakaupo siya sa passenger seat, katabi ni Jasper.
Sa isang iglap, bigla na lamang bumukas ang malaking pinto ng van at bumungad kaagad sa amin ang mukha ni Blueberry. Beach 'yong pupuntahan namin kaya medyo nagtaka ako kung bakit nakasuot pa rin siya ng pantalon at makapal na white hoodie.
The moment our eyes met, Blueberry smiled faintly and nodded. I smiled at him and casually nodded back as well. It was awkward as hell, but I was just glad because I could tell that he was trying hard not to make things awkward between us.
"Bryan, beach 'yong pupuntahan. Ba't ka balot na balot? Takot ma-sunburn?" biro ni Carri, hindi na nakapapigil sa kanyang bibig.
Blueberry looked down on his clothes and chuckled, completely taken aback by Carri's bluntness.
"Ewan ko ba diyan kay Bryan, masyadong lamigin." Buntong-hininga ni Jasper sabay lingon sa amin. "Pasok na kayo, medyo malayo-layo pa ang biyahe."
I suddenly began to regret coming with them. Parang napaka-awkward maupo sa tabi ni Bryan, tapos napakalayo pa ng biyahe.
Sa huli, wala akong choice dahil tinulak na ako bigla ni Carri papunta na direksiyon ni Bryan. He quickly slid to the seat next to him, giving me space to sit on. Uupo sana sana ako sa tabi niya, pero nakita kong may huling row pa pala ng upuan sa likod niya kung saan nakaupo ang natutulog na si Braylee.
"Uy! Nandito pala si Braylee!" bulalas ko, kunwari excited na excited para lang magkaroon ng excuse para makalipat sa likuran.
Awtomatikong nagising si Braylee. Naalimpungatan pa nang kaunti, palingon-lingon sa kaliwa't kanan na para bang nakalimutan na kung nasaan siya o anong oras na.
"Nasa Earth ka pa, nasa Earth ka pa," pabiro kong paniniguro sa kanya.
Braylee instantly smiled in relief and scooted over, giving me space to sit on. Akala ko makikipagdaldalan na siya kaagad, pero napansin kong sumandal lang siya sa nakasarang bintana at nagpatuloy sa pagtulog.
Nang maupo ako nang maayos, nagulat ako nang mapansing nakalingon sa akin si Bryan, tila ba maraming katanungan ang mukha.
It was so awkward how he looked at me. Para bang tinatanong niya ako kung ba't hindi ako naupo sa tabi niya—o baka ba assuming lang ako.
I looked away, but I noticed that he was still looking at me. Unsettled, I faced him again, and playfully lifted my chin up. "Problema mo, Emanuel Panganay? Sapakan? Gusto mo 'yon?"
I had to destroy the awkward air with the only way I can—through my cheesy sense of humor.
And it worked! Tumawa bigla si Blueberry, tuloy parang nagningning na naman ang buo kong mundo.
"Sigurado ba talaga kayong hindi kayo magtatabi?" kunot-noong bulalas ni Carri na nakatayo pa rin pala sa pintuan, nakangiwi na parang isang batang hindi alam saan pupunta.
"Just get in the car, Carri!" I sighed and rolled my eyes.
***
"Gusto kong matutong mag-drive!" Pakanta-kanta kami, sinasabayan ang Eraserheads mula sa radyo.
"Kahit na wala akong kotse!" si Janus naman ang nagse-second voice kaya natatawa kami nang wala sa oras.
Sa kabila ng ingay namin, pansin kong mahimbing pa ring natutulog si Braylee habang nakahiga sa hita ko. Kahit sigawan na ang ginagawa naming lahat, wala pa rin itong epekto kay Braylee.
"Nagpuyat ka ba nang todo?" wala sa sarili kong sambit habang marahang hinahawi ang buhok na humaharang sa kanyang pisngi.
"First time niyang mag-roadtrip na hindi pamilya ang kasama. Sa sobrang excited, hindi nakatulog buong magdamag. 'Yan tuloy."
Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakalingon pala ulit sa amin si Blueberry.
"Hindi pinapayagan?" tanong ko na lamang.
Ngumiti si Blueberry, may halong awa sa mukha. "Hindi, e. Muntik na nga ring hindi pinayagan ngayon, buti na lang nasabi kong sasama ka rin."
"Parang si Tree lang din. Muntik hindi pinayagan ng Mama niya, pero mabuti na lang magaling akong mangumbinsi," pagyayabang ni Carri na may kasama pang halakhak.
"Ano ba 'yan! Napaka-strict naman ng mga magulang n'yo. Ano ba kayo? Mga bata?" biro naman ni Jasper kahit na abala siya sa pagda-drive.
"Ang sabihin mo, hindi ka mahal ng nanay mo!" kantyaw ni Janus, tawang-tawa sa sariling pinagsasabi.
"Kambal tayo, tanga!" bulalas ni Jasper.
"Kaya nga, ako lang 'yon mahal! Ikaw, hindi ka mahal ng mama mo!" At pinaglaban pa talaga ni Janus ang hirit niya.
Sa isang iglap bigla na lamang humagikgik si Braylee, pikit-mata pa rin. "Hindi ka mahal ng mama mo..."
Napaangat ako ng tingin at saktong lumingon si Blueberry. Nang magtama ang mga tingin namin, pareho kaming nagbaba ng tingin kay Braylee na mahimbing na ulit ang tulog. Nagkatinginan kami ulit ni Blueberry at hindi na namin napigilang magtawanan.
"Hoy anong nakakatawa diyan?! Share!" sigaw sa amin ni Janus.
"Ha? Anong meron?" Lumingon naman sa amin ni Carri, walang kamalay-malay at pakain-kain lang ng chichirya.
Lalo lang tuloy kaming nagtawanan ni Blueberry.
***
Pagdating sa resort, napansin naming may mangilan-ngilan nang mga tao sa cottage and mga villa. Pero dahil plano na naming mag-camp sa dalampasigan, nagtungo kami sa spot ng resort na para talaga sa mga campers.
Because there was already a designated area for camping, madali naming naitayo at naipuwesto ang mga tent namin. At ilang metro mula sa tent area, mayroong isang malaking mesa para sa isang bonfire. Kumpleto na ito ng mga upuan at iba pang gamit; kami na lang ang bahala sa panggatong.
"Grabe, walang ganito dito noon 'di ba? Puro dagat at buhangin lang," manghang bulalas ni Jasper.
"Oo nga, ngayon meron na talagang camping spot. Magdasal na lang talaga tayong walang ibang magca-camping para tayo-tayo lang sa spot na 'to," sabi naman ni Janus.
Blueberry faced Braylee, Carri, and I as he explained, "Nagkaroon kami ng field trip dito noon noong elementary pa kami. Noon, may pool pa kasi rito at malalaking slide. Ngayon, dagat na lang."
Tumango ako. Kunwari walang alam at hindi pa naku-kuwento ni Blueberry ang lahat.
"Did you know that this guy taught us how to swim that day?" Natatawang umakbay si Janus kay Blueberry at pabiro pang pinisil-pisil ang panga nito. "He fooled us into thinking that we were swimming on some kiddie pool, but it turns out, it was for adults. We almost drowned, but we did learn how to swim."
"Parang nakilala ko yata si San Pedro nang ilang segundo noon," natatawa namang komento ni Jasper. "Our parents almost had a fistfight for what happened, but the three of us just continued riding down the slides like nothing happened."
"Sinubukan pa naming akyatin ang tuktok ng slide mulasa mismong pool," natatawang kuwento ni Blueberry.
"Teka. hindi pa natin alam ang pangalan nang isa't isa noon 'di ba?" Manhang tanong ni Janus.
Blueberry shrugged. "Ang alam ko lang kambal kayong dalawa."
Nagkibit-balikat naman si Janus. "Ang alam lang din namin, si Bryan 'yong may kapatid na sumuka sa school bus."
"Hala oo nga! Malaking scandal 'yon noong elementary!" bulalas naman ni Jasper.
"I ate too much breakfast that day!" sigaw naman ni Braylee at sa isang iglap ay naghahabulan na sila sa dalampasigan.
Tawang-tawa ako habang pinapanood silang tatlo, hanggang sa wala sa sarili akong napatingin kay Blueberry na nakatayo hindi kalayuan mula sa akin. Natigilan ako nang mapagtantong nakatingin pala siya sa akin habang may maliit na ngiti sa kanyang mukha.
My heart fluttered, but for my own sake, I only smiled back and then walked away, trying to find something else to do other than get lost in his eyes again.
***
There was a floating raft in the deep part of the water, and the boys used to jump around and do their crazy antics. As they were busy enjoying themselves, para naman kaming may sariling mundo nina Braylee at Carri habang nagkakantahan sa tubig.
Nang mapansing papalubog na ang araw, saka lang namin naisipang umahon nang makaligo at makapagbihis na para maghapunan. Kaso, natapos na lang kaming lahat sa pagbibihis, hindi pa rin umaahon ang tatlo kaya para kaming mga tangang naghintay sa kanila sa dalampasigan.
"I'm so hungry . . . " Iyak ni Carri habang pare-pareho kaming nakatanaw sa tatlong pa-backflip backflip pa rin mula sa balsa. Parang nagkaroon pa sila ng contest na sila-sila lang ang nakakaalam.
"Just look at the sunset. Ang ganda, oh?" turo ko na lamang sa papalubog na araw na para bang gustong magtago sa kailaliman ng dagat. It looked so good how the sun's orange hues and the sky's blue tones began to mix with each other, and then there were Blueberry and his friends' shadows, happily doing whatever their hearts wanted.
"Naku! Nakalimutan kong mag-update kay Mama!" bulalas bigla ni Braylee at agad na naglibot ng paningin sa paligid. "Hala! Naiwan ko 'yata sa car 'yong bag na kinalalagyan ng phone ko!"
"Just use your brother's phone. Iisa lang naman kayo ng nanay," Carri jokingly suggested. "Ito, o? 'Di ba bag 'to ng kuya mo? Baka nandito phone niya?"
Natawa na lamang ako sa kanila at nagpatuloy sa pagtanaw sa kalangitan. It's not every day I could have the chance to watch such beautiful sunset.
"Found it!" I heard Braylee beamed after searching Blueberry's duffle bag.
"Ang problema, baka 'di mo alam ang passcode," pang-aasar ni Carri.
"Nauutusan ako ni Kuya minsan kaya alam ko," pagmamalaki naman ni Braylee. "It's 1111111 and poof! It became—hala?"
"Teka, si Tree ba 'yang nasa wallpaper? May dress ding ganyan si Tree, e!" bulalas bigla ni Carri, dahilan para agad akong mapatingin sa kanila, kunot-noo.
Bago pa man ako makapagsalita, dali-daling nagsigapang sa buhangin sina Carri at Braylee papalapit sa akin at pinakita ang cell phone ni Blueberry.
Gulat na gulat ako nang makitang ako nga ang nasa wallpaper—isang picture ko na kuha habang nakatayo sa harapan ng claw machine. Sa sobrang likot ko, medyo malabo ang litrato, pero siguradong-sigurado akong ako ito.
My heart raced in an instant . . . but my rational side became more dominant this time. Masayang malaman na ako ang nasa wallpaper niya, pero iba pa rin kung manggagaling mismo mula sa bibig niya ang kumpirmasyong gusto ko.
"Baka 'di 'yan ako," pagmamaang-maangan ko na lang. "Itago n'yo na yan at huwag n'yo na lang sabihin ang nakita natin."
With Blueberry, I learned not to believe anything unless it comes directly from his mouth.
***
Mabuti na lang talaga at pare-pareho kaming pagot na pagod at gutom na gutom kaya naman pagdating sa restaurant, diretso na kami ng hapunan. Ni hindi na kami nakapagkuwentuhan o asaran pa, which I was glad for dahil hindi na naungkat pa ang tungkol sa wallpaper.
"Matutulog na kayo? Magbo-bonfire pa tayo doon, a?" gulat na tanong ni Jasper nang magpaalam kami ni Carri na matutulog na nang makapalik kami sa nagsisilbi naming campsite sa dalampasigan.
"Pakiramdam ko nakalutang pa rin ako. I need to sleep this off," sabi naman ni Carri na akala mo lasing kung umasta. Nalasing sa tubig-dagat, baka.
I felt bad that Carri wasn't feeling well, but on the bright side, I was glad because Blueberry could use that time at the bonfire to say his goodbye to his friends.
"Babysitter duty," sabi ko naman sabay turo sa sarili ko. Kaswal akong napatingin sa bawat isa sa kanila bilang paalam . . . kahit kay Blueberry.
"Ate, I'll massage you!" sumali naman kaagad si Braylee sa amin.
Habang papasok kaming tatlo ng tent, narinig pa naming nag-aasaran sila na para daw kaming pamilya ng sardinas lalo't kulay green ang tent namin.
***
"Sardinas nga," bulong ko sa sarili habang nakatitig sa ibabaw ng tent, hindi makagalaw at halos hindi makahinga dahil nakayakap sa akin si Braylee at nakapatong naman sa sikmura ko ang isang paa ni Carri.
Hindi ko namalayan kung kailan ako nakatulog, ang alam ko lang ay nagising ako dahil sa sikip at init ng paligid.
Dahil hindi na ako makabalik sa pagtulog, naisip kong lumabas na lamang ng tent. Tinanaw ko ang bonfire area at napansin kong walang katao-tao. Bukod dito, may natitira pang baga sa mga kahoy kaya naisipan kong tumambay na lamang dito nang mag-isa. Solong-solo ko ang katiwasayan ng paligid.
"My God ang lamig . . . " Kahit na nakasuot na ako ng sweatpants at cardigan, napakalamig pa rin ng hangin kaya naupo na ako sa harapan ng bonfire at napayakap sa sarili.
May dalang ginhawa ang bonfire kaya hindi ko napigilang pumikit at ngumiti. Masarap sa pakiramdam ang magkasamang malamig na hangin at init na dala ng apoy, idagdag na ang tunog ng mga along naghahampasan sa dalampasigan.
"Ba't gising ka pa?"
Dali-dali akong napalingon at nagulat nang makita si Blueberry na may mga dalang panggatong.
He looked so cozied up with his jacket zipped up and hood hanging over his head. But what caught my attention was his gentle, sweet smile that seemed to sparkle in the glow of the fire right in front of us.
"Ha?" Napakurap-kurap ako't agad na napailing nang bahagya. I almost got lost in his smile again.
"Nangyayakap si Braylee, no?" Natatawa siyang lumapit at naupo sa tabi.
"Kinakarate ako ni Carri habang tulog," sabi ko na lamang at pinanood siya sa paglalagay ng mga karagdagang kahoy sa bonfire.
Sa isang iglap, biglang namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Sobang lakas man ng alon sa dalampasigan, pakiramdam ko'y rinig ko na ang malakas na pintig ng puso ko.
The silence between us felt uneasy, and honestly, the ambiance felt so romantic that I was starting to get all flustered.
"I-Ikaw? Hindi rin makatulog?" tanong ko na lamang para may mapag-usapan kami.
Hindi sumagot si Blueberry, bagkus ay nanatili siyang nakatitig sa apoy habang may malumbay na ngiti sa mukha.
"Hey, is everything alright? How's the talk with the twins? Nasabi mo na ba sa kanila—"
"Gusto kita, Tree. Gustong-gusto."
Pakiramdam ko'y biglang huminto sa pag-ikot ang buong mundo. Kahit ang tunog ng mga alon ay tila ba hindi na rumehistro sa isip ko. Ang buong atensiyon ko lang ay nasa kanya at sa mga salitang binitiwan niya.
"Hindi naman siguro as a friend lang 'di ba?" I just had to ask. Nakakahiya, pero mas mabuti nang malinaw.
Sandali niyang iniyuko ang kanyang ulo at napansin kong lumawak ang ngiti sa kanyang mukha. Napakagat siya nang bahagya sa kanyang labi at muling nag-angat ng tingin sa apoy. "Gusto kitang ligawan. Gusto kitang makasama sa kung saan-saang masasayang lugar. Gusto kong magustuhan ako ng mama mo. Gusto kitang ipakilala sa mga magulang at kaibigan ko bilang girlfriend ko. Ayokong maging kaibigan lang, Tree."
"Ba't di mo sinabi agad? Ba't puro ka kunwari-kunwari?" Uminit bigla ang mga pisngi at mga mata ko. Hindi ko na sigurado kung dahil lang ba sa bonfire na nasa harapan namin.
Unti-unti siyang lumingon sa akin, at doon ko lang napansing nanunubig na ang kanyang mga mata. "Kasi alam kong kakailanganin ko ring magpaalam sa 'yo . . . pero kahit gano'n, gusto ko pa ring pagbigyan ang sarili ko, kahit kunwari lang."
"Kahit kunwari lang?" Wala sa sarili kong naiulit ang kanyang mga salita.
Tumango siya at naramdaman ko ang matinding lungkot sa kanyang ngiti. "Pasensiya ka na, Tree. Masyado akong naging makasarili. Hindi kita inisip . . . Gusto ko lang talagang maging masaya, kahit kunwari lang."
"You're not going to die." I shook my head as I felt tears stream down my face. "I-I mean, yeah, everyone dies . . . but you won't die young. You have your whole life ahead of you. You're going to date lots of girls and break their hearts. You're going to fail classes, go through internship, graduate, and get a job. You're going to beat up Braylee's suitors. You'll be great uncle to Braylee's future babies. Heck! I'm pretty sure you'll even be a great father to your own kids, and be a loving husband to your future wife!"
Bahagyang tumawa si Blueberry at kasabay nito ang tuluyang pag-agos ng kanyang mga luha. "Kung puwede lang sana, Tree . . . Kung puwede lang sana, pero ito ang reyalidad ko. Hindi ko na alam kung hanggang kailan na lang ang itatagal ko sa mundong 'to. Ni sa susunod na taon, hindi ko alam kung makakapagsalita o makakapaglakad pa ba ako."
I shook my head, bursting into tears. I tried to speak, but all that came out from my mouth were cries.
"Okay lang . . . " Tumango-tango si Blueberry at inabot niya ang mukha ko. Napapikit ako nang maramdaman ang marahan niyang pagpunas sa mga luha ko. "Tanggap ko na, Tree. Okay na ako. Tanggap ko nang hindi na talaga ako magtatagal—"
"Anong pinagsasabi mo?! Anong hindi ka na magtatagal?!"
Napadilat ako't pareho kaming napalingon kaagad ni Blueberry. Pare-pareho kaming gulat na gulat nang makitang nakatayo na sa likuran namin sina Braylee, Carri, at ang kambal.
Si Jasper ang nakatayo pinakamalapit sa amin. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at pansin kong rumaragasa na ang mga luha niya. "Hoy, Bryan! Ayus-ayusin mo 'yang mga biro mo! Hindi ka nakakatuwa!"
"Bro . . . 'Yan ba ang dahilan bakit ka umalis ng team? Kung bakit sinasabi nilang lahat na may nagbago sa mga galaw at kilos mo?" Umiiyak namang sambit ni Janus, malayong-malayo sa natural niyang palabiro at masayahing sarili.
"T-Tree, what's going on?" Carri asked, fear and confusion written all over her face.
Dumako ang tingin ko kay Braylee na nakatayo lamang sa isang tabi, umiiyak habang nakatakip ang kamay sa bibig.
"I'll get Braylee away from here. Talk to them," sabi ko kay Blueberry at dali-daling tumayo. Hinila ko kaagad ang mga kamay nina Braylee at Carri, giniya sila palayo.
Habang naglalakad kami palayo mula sa kanila, rinig ko ang pagsisimula ng kanilang sigawan at iyakan.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro