Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 12 : the line between you and i



It sucks to be a complete loser for someone. I learned it the hard way.

I knew where I stood with Blueberry, but at the same time, I didn't. It was weird. I've never been put in such situation before, probably because this was the first time I ever really liked someone.

I've had crushes before, but toward Blueberry, something just felt different. In just a short amount of time, I managed to like him more than I ever liked anyone else.

"Shuta . . . . " Napabuntonghininga na lamang ako at nahiga sa kama ko. I felt too drained to even change my clothes or even take off my socks. I was bringing all kinds of dirt and pollution into my bed, but at that point, I couldn't care less.

All of a sudden, I heard my phone rang. As I lazily grabbed it from my bag, I saw Braylee's name on the screen.

I was about to answer it, but then I remembered the last and only time she called. It was not her, but Blueberry.

I thought about rejecting the call or ignoring it completely . . . but part of me felt it was too cruel. After all, Blueberry didn't do anything wrong to me. 

I took a deep breath and answered the call, trying to act as cool as I could. "Yow?"

Yow?! Seryoso?! Gusto ko biglang sakalin ang sarili ko.

As expected, I heard Blueberry's voice from the other line. "Guess who successfully said goodbye to his ex?"

It was his ex.

Blueberry's voice sounded so happy that I couldn't help but smile.

"Someone sounds happy. Nagkabalikan kayo, no?" I asked jokingly, but deep inside, I was dying to know the real score between them. At least that way, I will know where I truly stand.

"Hindi, ah!" Mabilis niyang pagtanggi, natatawa pa. "Nag-sorry lang ako sa mga kalokohang nagawa ko at nagpaalam na rin. Biruin mo 'yon? Gumana talaga si Elsa!"

"You gave him Elsa?" Natatawa man, ang totoo'y bigla akong nanlumo. Pinaghirapan ko 'yong makuha bago ibinigay sa kanya, pero binigay niya lang iba.

"Sinunod ko ang payo mo. Mabuti na lang at gumana. Kinabahan talaga ako," masaya niya pang kuwento.

Hindi ko napigilang mainis sa sarili ko. I was the one who suggested to give it away, and there I was, upset when he really gave it away.

"Tree? Okay ka lang?" Blueberry suddenly asked, snapping me back to reality. Napansin niya siguro ang bigat sa pananalita ko.

"Y-Yeah . . . " Napabuntonghininga na lamang ako at napatitig sa kisame. 

"Nag-away ba kayo ng mama mo?" tanong niya pa, at sa pagkakataong ito'y may pag-aalala na sa kanyang boses.

Tumango na lamang ako at muling bumuntonghininga. "I'm a really horrible person. I don't know why I'm like this . . . "

"You? Horrible? Come on!" He chuckled. "You have no idea how amazing you are. Speaking of amazing, puwede bang humingi ulit ng pabor?"

"Pabor?" Napakunot-noo ako at unti-unting naupo sa kama. "Ano 'yon?"

"Ano kasi . . . " He chuckled, sounding shy and hesitant. "Nadulas si Braylee at nabanggit ka niya kay Mama at Papa. M-Medyo gusto ka nilang makilala?"

"You want me to meet your parents?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Dinner sana sa makalawa? Puwede ka ba?" I heard him sigh deeply. "I know I'm asking too much, but they really really want to meet you."

Napakamot ako sa ulo ko at napatingin sa kaliwa't kanan, litong-lito. The idea of meeting his parents felt very awkward. However, at the same time, I felt bad because Blueberry was already pleading.

"Pangako, hindi awkward kasi nasa bahay din si Braylee," he said it like he already knew what I was worried about. "Please, Tree. I just really—"

"Okay fine! But you owe me for this!" bulalas ko na lamang at agad nang pinatay ang tawag.

As soon as the call ended, hinagis ko na lamang ang cellphone sa gilid ko at muling napahandusay sa kama.

"What the heck did I get myself into . . . " bulong ko sa sarili at napatitig na lang ulit sa kisame.

***

"Ba't parang tahimik ka ata, lunchmate?" sabi ni Janus habang nakatingin sa akin.

Nahinto ako sa pagnguya ng pagkain nang mapansing nakatingin na silang lahat sa akin. At nang magtama ang mga tingin namin ni Blueberry, tuluyan akong napalunok.

"I'm thinking." Napangiwi na lamang ako kay Janus. "Hindi mo 'yan ginagawa, no?"

"Owww!" Napuno kaagad ng tawanan at kantyawan ang mesa, except kay Janus na agad akong tinapunan ng masamang tingin.

"Tatandaan ko 'to, lunchmate," pagbabanta niya.

"Makakalimutin siya. Hindi niya 'to matatandaan." Umiling-iling naman si Jasper.

"Like when I asked Kuya Janus kung kailan ang birthday ni Kuya Jasper, pero wala siyang nasagot," Braylee chimed in, giggling like it was the funniest thing in the world.

"Ba't mo rin naman kasi tinanong si Janus kung kailan ang birthday ni Jasper? Nakalimutan mo rin?" pang-aasar naman ni Blueberry, dahilan para mahinto sa pagtawa ang nakababatang kapatid.

Habang nagtatawanan at nag-aasaran kaming lahat, nagulat ako nang bigla na lamang nilagay ni Blueberry ang isang piraso ng chicken drumstick sa plato ko. Literal akong natigilan at napatitig lamang sa plato ko. 

"Ang daya! Kanina ko pa hinihingi sa 'yo 'yong drumstick tapos sa kanya mo lang binigay?!" madramang bulalas ni Janus at may pahawak-hawak pa sa dibdib. "Bro, why have you forsaken me?!"

Nang mga sandaling 'yon, gustong-gusto kong isaksak sa bunganga ni Janus ang drumstick para matahimik siya . . . pero huli na.

Napatingin silang lahat sa akin at gaya ng inaasahan, kami agad ni Blueberry ang naging sentro ng asaran. Kahit si Carri na 'todo lecture sa akin tungkol kay Blueberry, tawang-tawa rin sa amin.

"Nga pala, sino ang magda-drive sa sabado?" Blueberry asked, obviously trying to change the subject.

Jasper raised his hand, grinning. "Man, don't try to change the—"

"Walang magdadala ng alak!" bulalas ni Blueberry at sa puntong iyon ay kaagad siyang umani ng protesta mula sa kambal at kay Carri.

Safe to say, the subject was changed in an instant.

***

"Huwag kang kabahan. Chill lang ang mga magulang ko," Blueberry assured me while were inside the taxi, on the way to his house. Sinundo niya pa talaga ako sa bahay kahit makailang ulit kong sinabing huwag na.

"Ako? Kinakabahan?" I scoffed and jokingly rolled my eyes. Kunwari hindi ako nagbihis ng ilang beses para lang masigurong desente at presentable ang suot ko. Kunwari hindi ako nakipagdebate sa sarili ko kung maglalagay ba ako ng makeup o hindi. Kunwari hindi nagpuyat para lang mag-practice kung ano ang mga sasabihin.

Nang dumating ang taxi sa tapat ng bahay nila, doon na halos sumabog ang puso ko. Kulang na lang ay magtawag ako ng mga santo.

Naunang bumaba si Blueberry sa taxi at nang mga sandaling iyo'y natuon na sa kanya ang atensiyon ko. Pansin kong may mga pagkakataong para bang nawawalan ng balanse si Blueberry sa sarili niyang mga paa kaya naman gusto kong maging alerto sa bawat pagkakataon.

Habang naglalakad kami patungo sa gate nila, nakita kong mabagal ang paglalakad niya kaya sinadya ko ring bagalan ang bawat hakbang ko.

Pagpasok namin sa gate ng bahay nila, bumungad agad sa amin ang isang malawak na hardin. Sayang dahil gabi na, hindi ko masyadong maaninag ang mga bulaklak sa paligid.

"Tambay tayo diyan mamaya. Masarap magpahangin diyan," Blueberry said and suddenly pointed at an enclosed outdoor shed made of metal, which was just at the corner of the garden. 

"You have your own waiting shed?" biro ko.

"Gumagalaw yan na parang swing. Hindi mo maaninag pero may mahahabang upuan diyan na nakaharap sa isa't isa. Alam mo ba? Muntik na yang gumuho dahil sa experiment naming tatlo nina Janus at Jasper," kuwento niya pa.

"Experiment? Anong experiment?" Bahagya akong natawa. 

"Gusto naming tingnan kung sino sa amin ang unang masusuka at mahihilo sa loob kaya nagkulong kami at ipinaindayog yan nang pagkalakas-lakas. Halos isang oras 'din yata namin 'yong ginawa. Huminto lang kami kasi para nang maghihiwalay ang mga bakal sa paligid," aniya, halatang napakasaya habang nagbabaliktanaw sa nakaraan.

"So, sinong unang nasuka?" Tawang-tawa rin ako lalo na nang ma-imagine ko ang mga hitsura nila.

"Si Braylee! Siya 'yong nasuka kahit nanonood lang sa amin," aniya, dahilan para lalo kaming magtawanan.

Sa isang iglap, bigla na lamang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang ginang na nakasuot pa ng apron at oven glove. Pansin ko kaagad ang ngiti niyang may malaking pagkakahawig sa ngiti ni Braylee at Blueberry. "Anak, nandiyan na pala kayo! Pasok na kayo nang makapaghapunan na!"

Parang huminto bigla sa pagtibok ang puso ko't awtomatikong nagtago ang pagkahaba-haba kong sungay. 

***

"Anak, ako na diyan! Masugatan ka pa!" bulalas ng mama ni Blueberry nang pagdating namin sa kusina ay nadatnan namin si Braylee na nagbubukas ng bote ng toyo gamit ang isang kutsilyo.

"Hindi 'yan. Madali lang 'yan," paniniguro naman ng papa nila na abala pa sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa.

Sa kabila nito, mabilis pa ring lumapit kay Braylee ang mama niya at kinuha mula sa kanya ang kutsilyo at ito na mismo ang nagbukas ng toyo. Nang magtagpo ang mga mata namin ni Braylee, ngumiti siya na para bang nahihiya.

I was about to smile back at Braylee when Blueberry suddenly cleared his throat. "Ma . . . Pa . . . "

Their parents both turned to look at us, so I flashed my polite smile once again.

"Si Tree po pala, girlfriend ko," anunsiyo bigla ni Blueberry, bagay na nagpalaki sa mga mata ko. Awtomatiko akong napatingin sa kanya, hindi makapagsalita at hindi halos makahinga.

Hindi tumingin sa akin si Blueberry, nanatili lang siyang nakaharap sa mga magulang niya habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha.

"Nice to meet you, hija!" Agad na lumapit sa amin ang mama niya, pati na rin ang papa niya. They were both so warm and welcoming that I ended up flashing my sweetest smile and accepting the role Blueberry suddenly thrown at me.

"N-Nice to meet you rin po!" 

Kill me now!

***

At first I felt very uncomfortable to the point that I was cursing out Blueberry in my mind, but the more time I spent with his parents, the more I began to feel at ease as we had our dinner.

"Naku, Hija, mabuti naman at natitiis mo 'tong ugali ng panganay ko," biro ni Tito.

"Ugali? Ang bait kaya nitong si Bryan," pabiro namang pagtatanggol ni Tita kay Blueberry. "Alam mo ba? Noong bata pa sila, napaniwala niya si Braylee na nangingitlog ng ginto ang mga manok, kaya hayun! Nanghahabol ng manok 'tong si Braylee noong bata pa!"

"Dahil sa kanya, marami akong kaaway na manok noong bata pa." Nakangiwi namang dagdag ni Braylee. "I have scars to prove it."

Tawang-tawa ako habang si Blueberry naman ay iling nang iling. Sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, pero sa huli ay puro tawa na rin ang lumalabas mula sa bibig niya.

"Nakita mo rin ba 'yong swing na parang karwahe sa labas, Hija?" pahabol ni Tito na pulang-pula na ang mukha sa kakatawa. "Noong bata-bata pa sila, ayaw maligo nitong si Bryan kaya nagkulong siya sa loob ng halos buong araw!"

"Pa!" saway ni Bryan na pulang-pula na rin ang mukha.

"Ayaw na ayaw niyang maligo noong bata pa," panlalalag naman ni Tita sa kanya.

"Ma!" Halos mangisay na si Bryan sa kinauupuan.

"He liked eating dog food when we were kids, and I have proof!" buong lakas na anunsiyo ni Braylee dahilan para agad mapatayo si Blueberry sa kinatatayuan, akmang susugod kanya.

Agad kumaripas ng takbo si Braylee at humabol naman kaagad sa kanya Blueberry. Lahat kami ay tawa nang tawa, pero nang kaming tatlo na lamang nina Tito at Tita ang natira sa kusina, napansin ko ang biglang pagluha ni Tita.

"Shhh . . . " Tito quickly tried to console her, patting her back lightly. "Makikita ka ng mga bata."

He was consoling his wife, but he was also close to tears. 

"P-Pasensiya ka na, Hija." Napatingin sa akin si Tita habang nagpupunas ng kanyang mga luha. "Nagiging emosyonal na talaga ako ngayon."

Tumango na lamang ako at ngumiti. 

***

"Pasensiya na, ginabi ka na naman ng uwi dahil sa 'kin," wika ni Blueberry habang nasa labas kami ng bahay nila at nag-aabang ng masasakyan ko pauwi. "Ayaw mo talagang magpahatid?"

"Hindi mo na ako kailangang ihatid. May taxi naman," paniniguro ko sa kanya. Bukod sa kaya kong umuwi nang mag-isa, ayoko na rin siyang abalahin lalo't alam kong kailangan na niyang magpahinga.

"Sigurado ka?" he asked, looking all worried and hesitant.

Bahagya akong natawa at tumango na lamang. "Promise."

"Okay . . . " He sighed. "Just text me when you get home."

I smiled with lips pressed together and nodded again. Humarap ako sa kalsada at tinanaw ang dulo ng daan kung may paparating bang taxi o kahit na anong sasakyan.

"Siya nga pala, salamat at pumayag kang magpanggap na girlfriend ko kahit biglaan."

Dahil sa sinabi ni Blueberry, bigla akong natigilan. Bumalik sa akin ang lahat ng kasinungalingang sinabi niya sa mga kaibigan namin, sa mama ko, at pati na rin sa mga magulang niya. Bumalik din sa akin ang mga sinabi ni Carri.

Muntik ko nang makalimutang kunwari nga lang pala ang lahat para sa kanya. 

"I don't like this anymore . . . " Wala sa sarili akong nakapagsalita.

"A-Anong ibig mong sabihin?" aniya, bakas ang kalituhan sa boses.

Humarap ako sa kanya at bahagyang tumingala upang magtagpo ang mga tingin namin. "Can we stop doing this? I mean, whatever this is?"

"Ayaw mo na akong tulungan?" Mahina niyang sambit, bakas ang pag-aalala sa boses.

Umiling naman ako kaagad. "I will still help you with your goodbyes . . . I just want all the pretending to stop. I admit that it was at fun and it made my heart flutter a lot, but the more I think about it, the more I realize how wrong it is . . . You lied to my mother that you're courting me, and now you lied to your parents that we're dating? But you know what's worse? I'm getting getting confused with our real score too."

Blueberry didn't say anything. He just looked at me like he was some dear in the headlights. In the end, I decided to use it as my chance to speak my truth. 

"It happened, Blueberry . . .  I broke one of our rules. I got attached to you, and I think I've even fallen for you. But don't get me wrong, I'm not expecting anything at all. You don't have to like me back. Heck, you can even pretend like this whole conversation never happened. All I want is to draw the line between us. I'll be The Goodbye Girl, and you'll be the client that I'll be helping. We can even be friends, but no more stuff and words that could give me the wrong idea."

I waited for his response, but still, all he did was look at me like he was lost in his own thoughts.

I took a deep breath and smiled. It was mortifying to talk about how I truly felt about him, but somehow, it felt liberating. It felt like a huge weight had been lifted off my chest.

"Looks like my ride is here." I smiled when I noticed a taxi heading our way. Tamang-tama dahil para na akong matutunaw.

As the taxi stopped right in front of us, I entered and sat at the backseat. 

"I'm sorry . . . " Blueberry finally said something as he turned to look at me. "I really am."

I smiled at him reassuringly and nodded. "Wala 'yon . . . Nag-enjoy din naman ako kahit nakakalito. Don't worry, about me. 'Tong feelings ko . . . mawawala rin 'to."


//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro