Chapter Four
Mapapasipag ata ako sa pag-uupdate mga people. Keep reading!
Vote/Comments?!
-Cassandria-
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang mala 5 star hotel na room.
Grabe, nahiya naman ang Supreme Mistique dito.
Para ka nang nakapasok sa office ng CEO na sikat. Ang ganda dito.
Nakaupo sa bonggang swivel chair yung guro na nakita ko nung pumunta ako dito.
So wait? Ibig sabihin ba nito, siya ang headmaster ng academy na'to. Pero ang bata pa n'ya. Nahiya yung kutis ko sa kutis n'ya.
"Welcome in Zarcanian Academy, Ms.--?" tanong niya sa'kin.
"C-cassandria E-eliana po." tinuro ko ang kwintas na suot ko para ipaalam na doon galing ang pangalan ko. Inutal-utal ko pa ang pagsaaabi nito para magmukha akong kawawa.
"What's your surname Ms. Cassandria" tanong nito sa'kin. Napaghandaan ko na'to kaya easy na lang 'to.
"E-eh kasi p-po wala po a-akong maalala eh. S-sabi po nung healer b-baka daw nagka-amnesia ako." yumuko ako pagkasabi ko nun.
Mukhang naniwala naman ang headmaster. Napatango pa nga siya pagkasabi ko e. Mukhang may narealize.
"Well,'di na yon kataka-taka. So, sa palagay mo ba, mayroon kang matutuluyan?" tanong nito. Kaasar 'to ah. Alam naman na may amnesia ako tapos itatanong pa kung meron, syempre wala no!
"Ah h-heheheh wala po e" kinamot ko pa ang batok ko.
"Ganoon ba? Halata namang may magiz ka, pwede ka naman ditong mag-stay sa Academy."
"Pero po, ang alam ko po, dapat po naka-enroll muna para makapasok dito."
"Wag kang mag-alala ako nang bahala doon. The day after tomorrow, pwede ka nang pumasok. Wag kang mag-alala sa mga gamit mo, kami na ang bahala. Okay ba yon?"
Tumango-tango ako sa sinabi n'ya. Effective plan nati ahh!
"Sya nga pala, ano ba ang magiz mo ija? Malakas kasi ang nakapalibot na aura sa'yo kaya paniguradong malakas ka. Di ko rin mabasa ang naisipan mo."
"P-po?"
"Nevermind. Tatawagan ko lamang si Austin para maihatid kana sa dorm mo."
Austin? Hindi ba yun yung sinasabi ni Maximus? O baka iba?
Pumasok ang isang lalaki na matikas. Halata mong alagang-alaga ang katawan. Mas matangkad din siya sa'kin. Nakasuot siya ng slacks na itim at polong kulay asul. May cloak dun siyang kulay puti.
"Mr. Austin, pwede mo bang maihatid si Ms. Cassandria sa Crystal Fox. Doon ko na siya isasama dahil mukang malakas naman siya."
"Sige po,masusunod." yumuko muna ito bago ako binalingan at niyaya nang lumabas.
Pagkalabad namin ay umuna siya ng kaunti at nakasunod lang ako.
'Ikaw si Goddess Phoebe di'ba?'
Nabigla naman ako sa nagsalita sa utak ko. Nalaman ko na si Austin yon ng tumingin siya sa'kin at tumango.
'Oo ako nga. Nasabi na siguro sayo ni Maximus kung ano ang kailangan ko dito'
'Mm. Madali lang naman yon, pwede mo naman sigurong ipakita sa kanila ang iyong aura kapag nagpakilala ka sa kanila hindi ba? Ako na ang bahala sa iba.'
'Okay'
Pagkatapos sabihin ang plano ay tinour na ako ni Austin. Sinabi din niyang nahahati sa 4 na pangkat ang mga estudyante dito. Ang cloak na suot-suot nila ang palatandaan nila.
Light brown ang kulay ng mga taga Phoenix's Wings. Sila yung binansagang mahihina. Sa kanila kasi napupunta ang mga mahihinang mages and wizards. Meron namang mga senior na bihasa na sa paggamit ngunit wala pa sa kalhati ang mga yon.
Dragon's Ice. Kulay light blue naman na parang kupas na ang kulay ng sa kanila. Sila naman yung sumunod sa PW. Di katulad ng PW, may improvement naman dito. Sila ang may pinakamaraming bilang ng myembro.
Violet and Green naman ang sa Crystal Fox. Dito ako kabilang. Mas kaunti ang bilang na kasali dito kaysa sa PW at DI. Dito yung mga may kakayahan ng ipagtanggol ang Academy. Mga bihasa na sa paggamit ng magiz.
Royalties. Black and red ang sa kanila. Hindi lahat ng kasali sa Royalties ay anak na ng hari at reyna. Ang iba daw dito ay mga estudyanteng kaya nang gumawa ng mga mission. Wala daw makakapantay sa kanilang kagalingan.
Habang tinotour ako ni Austin ay di ko maiwasang mamangha sa itsura ng Academy. Kung titingnan mo sa labas ang hitsura nito, mala kastilyo ang iisipin mong nasa loob din nito. Pero pagnakapasok ka na ay ibang iba ang makikita mo. Para kang nasa ibang lugar.
Puro din mga puno at bulaklak ang nasa paligid kaya naman masarap dito magpahinga.
Sabi ni Austin magkakaiba daw ang dorm ng bawat pangkat. Hapon na ng ituro niya sa'kin ang mga building at mga rooms ng school. Sa dami ng facilities ng school ay inabot na kami ng hapon.
Nakasalubong din namin ang leader daw ng Crystal Fox. Ipinakilala ako ni Austin sa kanya. Sinabi niyang ako ang bago nilang myembro. Iniwan na ako ni Austin kay Jacob. Matangkad. Magulo ang kulay abo niyang buhok.
May matangos ding ilong at mapupulang labi.
Masasabi kong mahangin ito base sa mga kinikwento nya sa'kin habang naglalakad kami papuntang dorm. Mahangin pero mabait. Madali din siyang pakisamahan.
Natapos ang pagkukuwento niya ng nasa tapat na kami ng malaking gate.
Para daw kaming nasa village pero apat lang daw ang matatanaw mong mga bahay.
Kilala si Jacob ng tagabantay dito kaya pinapasok na kami. Sumalubong sa'kin ang mga maliliwanag na bahay--mansion. Para na ngang mga castle ang mga ito. Magkakalayo sila ng pagitan. Naka pangalan ang bawat bahay sa mga pangalan ng mga pangkat.
★︎★︎★︎
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro