Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

-Zandra-

Patuloy pa rin ang pagkain ni Aki habang ako naman ay nagsasalita.

"So ang next naman ay si Cian Kwon. Lightning ang magiz niya. He is a body and time manipulator. He is one of the most powerful students here. Mabait naman yan and friendly. Prankster nga lang. Hahahahha kaya mag-iingat ka din don. Sunod naman ay si Chastille Leighton. He has acid as his magiz. He is an animal summoner and manipulator. Oh di'ba taray! Hahahaha. Mabait din yun pero medyo mahangin. Mahuli ka lang nun na nakatingin sa kanya sasabihin agad nun na may gusto ka dun. Medyo assuming kasi hahahhaha. Nabiktima nga nun si Aki eh. Bwahahhaha. " mala-spongebob kong tawa.

Yun ang hinding hindi ko makakalimutan. Magkakaroon ng world war III kung hindi yun napigilan hahahaha.

"Hoyy, ano yun ha? Bakit narinig ko pangalan ko?" takang tanong ni Aki habang may pagkaing laman ang bibig.

"Eww... Don't talk when you're mouth is full, Aki. Kadiri!"

"Ehh...ano nga kasi yowwnnn?" muntik pang mabilaukan si luka.

"Zandra's just telling me about that Chastille boy, okay? Huwag ka ng maingay at kumain ka na dyan."

Pinaningkitan pa ako ni Aki ng marinig ang pangalan ni Chastille.

Syempre, ano pa nga ba ang ginawa ko. Patay malisya bes! Hahahahaha

"Continue, Zandra"

"So ayun na nga. Next naman ay si Achilles Anderson. Light is his magiz. He has the ability to duplicate your magiz once na nahawakan ka niya. Telekinesis is also one of his ability. Kung pagbabasehan ang mukha, siya na ang pinaka-inosente. Promise! Pero kapag napalapit ka na don, juskoo! A total casanova. Araw-araw ata ay iba ang kasama niyang babae. He is one of a kind. I'm curious tuloy kung virgin pa yon hahahhaha. "

Kahit naman ganoon siya, syempre crush ko pa rin siya no! Ambait kasi niyaa. Kyahh!

"Psh, di nga? If I know, crush mo yun, di'ba?" namula ako sa sinabi ni Aki. Kahit kailan talaga ang daldal niya. Hindi siya marunong magtago ng secrets.

Hmp!

"Pansin ko din yun, Zandra. Lagi kang sumusulyap dun sa grey hair na lalaki. Achilles, right?" owshet, pansin din pala ni Lia. Ganoon na ba ako kahalata.

"Feeling ko nga nararamdaman na din yun ni Achilles eh. Yung may nagmamasid sa kanya. Hala ka! Pag nalaman niya na ikaw yun baka di ka lapitan." pananakot ni Aki.

Akala naman niya matatakot ako.

Pero pano nga kung mararamdaman ni Achilles yun no? Lalayuan niya kaya ako? E? Para namang nilalapitan niya ko? Hahahahaha

"Ako na magtutuloy ha? Ubos na kinakain ko eh." tiningnan ko ang plato niya at goodness ubos na nga.

Ganoon ba talaga siya katakaw. Ilang minuto pa lang kami dito ah.

"Soo......ang panghuli at pinakamalakas......si Jerwick Carlton. Siya ang leader ng Royalties. He has the element of fire as his magiz. His ability are enhance senses, speed and stealing. Stealing ang pinakadelikadong ability ayon sa mga teacher. Pero di pa namang ganoon kagaling si Jerwick sa paggamit non. Minsan 5 minutes lang ang tinatagal ng ability niya. Kusa nang babalik sa may-ari yung magiz or ability. He's the silent type of student. Minsan lang yon iimik. Kapag kailangang kailangan talaga. Si Desmond kasi pati na rin si Dawn ang laging nagpaplano kapag may misyon sila eh. Taga-tango lang ang isang yun. Pero usa yun sa kinatatakutan ng mga estudyante. Wala kasing sinasanto kaya ganoon. Yun ang pinaka-iwasan mo, Lia. Masama magalit yon. "

Tumango-tango ako sa sinabi ni Aki. Mimsan ko nang nakitang magalit si Jerwick. At ayoko nang maulit pa yun.

Ayoko pa mamatay no!

"So bale, sampo lang sila?"

"Mm. Sadyang sampo lang talaga sila. Hindi pa diyan kasama ang mga anak ng mga kaharian ah."

Totoo. Hindi pa kasali doon ang anak ng mga hari't reyna. Wala pa sila e. Di ko alam kung nasan na.

"Teka, ano nga pala ang ability niyo Zandra? Hindi ko pa alam eh." napakamot ako ng ulo ng maalala na hindi pa nga namin nasasabi.

"Si Aki ay isang wizard kung hindi mo naitatanong. Ang weapon niya ay usang bracelet. She can cast a spell kapag suot niya ang bracelet niya." itinaas naman ni Aki ang kanang kamay niya at ipinakita ang kulay lilang porselas. May maliit na pakpak sa magkabilang gilid nito na sa tuwing gagamitin niya ay nagkakaroon ng gold dust.

"Ako naman ay poison ang magiz. Ability ko is teleportation and telekinesis. Ako ang nagpaplano sa tuwing may misyon ang group natin. Si Jacob naman ay Ice ang magiz. He is a telepath and time manipulator. Si Brett ay isang water elementalist. He has the ability to heal and to read minds. Kaya din niyang iblock ang isipan natin para hindi mabasa ng iba pang tao. Ang kanyang kambal na si Brent is a fire elementalist. He is a weather and mind manipulator. Malalakas ang mga nandito sa Crystal Fox pero hindi mapapunta sa Royalties because of our status. You see? Hindi kami mayayaman. Unfair talaga lalo na si HM Eijin. "

Tumigil na ako sa sinasabi ko dahil sa pagkunot ng noo ni Lia. Ang ganda talaga niya. How to be you po?!

Kumakain kaming tatlo ng may kumatok.

Binuksan ko ang pinto dahil halatang tamad na tamad na ang dalawa. Bumungad sakin si Luis, a nature elementalist. Kasama namin siya sa tuwing may misyon kami. Minimum kasi is 8 kapag may misyon kaya nagsasama pa kami ng iba.

"Oy pareng Luis, bakit pawis na pawis ka naman? Anong tinakbo mo ha?"

"Eh.... kasi..... ano..." nagpahinga muna siya bago magsalita.

"Sila Jacob nakikipag-away sa Royalties!!"

"ANOO?!"

★︎★︎★︎

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro