Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 64

Episode 64

ROGUE

THE LOUD MUSIC greeted me as I entered the glass door of this underground bar in Taguig. I went straight to this place after my plane landed an hour ago. This bar was an elite bar kung saan ang nakakapasok lang ay iyong mga elite members with high economic status in the society.

Dito sa bar na ito na minsang tinatambayan ng aking brotherhood kapag nagsasawa kami sa Black Underground Bar na sariling pagmamay-ari ng Black Omega Society Fraternity.


Maraming tao sa loob ng bar na ito, at karamihan ay mga babaeng halos maghubad na habang sumasayaw. Napahinto lang sila nang makita akong padaan. The hungry look on their faces was disgusting. They were looking at me like they wanted to eat me whole.


"Saavedra, baby!" Isang magandang babae na naka-fitted red dress ang lumapit sa akin.Bago niya pa ako mahawakan ay nilampasan ko na siya.

Hindi na ako gaanong nandidiri sa mga tao pero hindi pa rin bumabalik ang gana ko sa mga babae.


Nakasunod na sa akin sina PL at Ryder na parehong kararating lang.


"Bro!" Naunang lumapit si PL dahil napagkaguluhan na ng mga babae si Ryder sa likod.

Saglit lang ay nakasunod na rin sa amin si Ryder. Magaang sinikmurahan niya si PL.

"Fuck you! Bakit mo ako iniwan?!"

"What? Malay ko bang hanggang sa elite community ay may fans ka? Di yata nila alam na dami mo nang naanakan!"

"Gago, isa lang! Di pa sure!"

Naiiling na iniwan ko na sila para hanapin sina Damon and Rix. Nauna na rito ang dalawa kanina pa. Si Damon ay nagmaaga talaga dahil maaga rin daw siyang uuwi mamaya. May curfew raw siya.

Ang sakit sa mata ng ibat ibang laser lights at ang patay-sinding neon lights. Kung gaano kasakit sa tainga ang beat ay ganoon din sa mata ang mga  ilaw, at sa ilong ang amoy ng halo-halong alcohol, usok at expensive perfumes. I felt dizzy before I saw the table reserved for us.

Sa dulong table ay kinawayan kami ni Damon. Beside him was Rix.

"Welcome back, brod." Sinalubong ako ni Damon at sinuntok ako nang magaan sa dibdib. He was wearing blue jeans and a button-down white poloshirt na nakatuck in ang harapan pero hindi ang likod.

Hindi ko alam na uso na pala ang ganoon ngayon, astig pero mukhang malinis. I'm gonna try that fashion tomorrow. Sa tingin ko, mas babagay sa akin ang ganoon kaysa kay Damon since mas guwapo at mas maganda ang katawan ko compared to him.

Humakbang ako papunta sa mesa para lapitan ang bunso ng brotherhood at ang batang-batang manager ng aming banda, si Rix. Siguradong namiss niya ako kaya ako na ang unang babati sa kanya.

Palapit pa lang ako nang bigla siyang tumayo. May tumatawag sa phone niya na agad niyang sinagot. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. What the hell?!

"Hindi man lang siya nag-welcome back sa akin? Hindi niya ba ko na-miss?" reklamo ko habang sinusundan pa ng tingin si Rix na papalayo.

Nilingon ko sina Damon but they just shrugged their shoulders.

Rix may be the youngest member of BOS, he's just in his early twenties, and he may be the genius manager of our band, but still wala pa rin siyang karapatang i-ignore ako. Ako pa rin ang leader ng BOS!

Aalma pa sana ako nang hilahin na ako Damon papunta sa mesang naghihintay sa amin.

"Chill, Rogue. Kailan ka ba masasanay kay Rix?"

"Hindi ko lang matanggap na hindi niya ako namiss!" nakasimangot na naupo ako sa leather couch.

"It's okay, brod," nakangising sabi ni Ryder habang kumakaway ng waiter. "Di ka man namiss ni Rix, na-miss ka naman namin."

Mayamaya ay may lumapit na sa aming waiter at naglapag sa table namin ng exclusive alcohol drink concoctions.

"What is this?" PL asked the waiter after taking a sip of his glass.

"Tequila plus Bloody Mary Mix, Sir."

Dumampot din ako ng glass at tumikim sa mga sinerved na inumin. Muntik na akong masuka nang malasahan ang mint sa blended whisky.

"Just bring me a Remy Martin Cognac with ginger ale."

"Copy that, sir." Tumalikod ang waiter para sundin ang utos ko.

In just three minutes, my order arrived. PL took it from the waiter for me. "Pwede na ba sa 'yong magwalwal?" he asked me, concerned.

"Of course."

Alanganin pa siya nang ilapag ang glass sa harapan ko.

"So you're really okay now?" nanunubok na tanong ni Ryder sa akin.

"I'm better now," maiksing sagot ko. I swished my drink and took a gulp.

I was still recovering from my schizophrenia and OCD. I still have a series of therapies and medications that I need to continue even after I return to the country.



PL tapped me on my back. "Does that mean you're not afraid of germs anymore?"

"Seriously?" I gave them an annoyed look. "Tungkol sa germs ang pag-uusapan natin?"

"Come on, Rogue!" paungol na wika ni Ryder sa tabi ko. "We're just happy na hindi ka na amoy Isopropyl alcohol."

"By the way, Rogue," mayamaya ay walang kangiti-ngiting nagsalita si PL. "Now that you're back, may plano ka na ba para kay Lion?"

"Do you have plans on kicking him out of the band and the fraternity?" Damon quietly asked.

I slightly shook my head. "He's still one of us."

"Are you serious?" Hindi naman makapaniwala si PL sa sinabi ko.

"Yeah, Rogue." Ryder gave me a weird look. "He ruined your life with his lies. He's a motherfucking traitor."

"He's just... a victim of pain." Marahas na nagbuga ako ng hangin. "Just like me."

I turned to find Damon grinning at me, his eyes were full of amusement. What the fuck?

"Let's not talk about him," inis na sabi ko.

Nakasimangot na sumandal ako sa sandalan ng leather couch.

"I'll deal with him soon. Ako nang bahala sa kanya."

Hindi pa kami nagtatagal nang biglang magka-tensyon at umugong ang bulungan ng mga tao sa paligid. Nang lingunin namin kung ano ang dahilan ay nanlaki ang mga mata ko. Papasok sa bar ang anim na matatangkad na lalaki.

"The Red Note Society," paungol na sabi ni PL.



"What the freakin' hell are they doing here?"

Without a warning, the bar's loud background music stopped and all the lights dimmed, including the neon lights.

Nagtagis ang mga ngipin ko nang magtama ang paningin namin ni Panther Foresteir, the leader of Red Note Society. Siya ang nangunguna sa mga kasama niya.

Bumaba ang mga mata ko sa pulso niya kung saan kumikinang ang relo na naroon.

Nanulis ang nguso ko. "Looks fake."

And his suede low cut boots, I think mas bagay sa akin iyon kaysa sa kanya.

Sa tabi ni Panther ay nakatayo ang lalaking katulad ko ay green din ang mga mata. It was Xerxes Batalier, a hotel magnate.

How dare this Xerxes? Bakit green din ang mga mata niya? Huh, no originality!

Sa kaliwa naman ni Panther ay ang batang mayor ng QC, the great Mayor Jackson Cole. I didn't know why the girls loved this man e iyong itsura niya parang itsura ko lang pag bagong gising ako.

Naglakad sila papasok sa bar kaya nabistahan ko rin ang tatlo pang lalaki sa likod nila. Ang pang-apat ay si Roosevelt Sanvictores. May hikaw sa tainga at may ahit sa gitna ng kaliwang kilay. Nakalimutan ko na ang ano ba ang kabuhayan niya basta ang alam ko lang mas bagay sa akin ang leather jacket na suot niya.

Ang panglima ay si Alamid Wolfgang, tadtad ng tattoo mula braso hanggang leeg. Mukha na lang yata walang tattoo sa kanya. Naka-all black shirt and pants. Feeling malakas ang dating e balita ko psycho siya. Ew, psycho. Baliw. Tililing.

Sa huli ay si Acid Tunderwood, a real estate tycoon. The good boy yet the most mysterious member of their fraternity. He's wearing a white long-sleeve button-down polo and denim. Napansin ko rin ang suot niyang gold bracelet.

"Sus, meron din ako niyan," naka-ismid ang mga labing bulong ko.

Wait! I just noticed somthing. Bakit nang tamaan sila ng natitirang ilaw ay parang kumikintab ang mga balat nila? Like they all had a glass skin? Napahimas tuloy ako sa aking pisngi. I think kailangan kong malaman ang skin care nila.

Nagulat ako nang doon sila pumuwesto sa katabi lang naming table. Really? Di sila takot tumabi sa mas nakakaangat sa kanila?

Nang makaupo ang Red Note Society sa table nila ay tuluyan nang umalis ang ibang customers sa bar. Maski ang mga waiter ay isa-isa na ring naglaho. Well, well. It seemed like everyone was giving us the space we needed.

Hindi na bago sa mga pinupuntahan naming bar ang ganitong eksena. Nangyari na rin ito noon nang minsang magsanga ang landas ng BOS and RNS.

Iyong mga guards and bouncers naman sa entrance and exit ay ini-lock na ang mga pinto para wala nang makapasok na iba.

"What now?" pabulong na tanong ni Ryder. Pinapalagutok niya ang mga mahahaba niyang daliri sa kamay.

There was no avoiding whatever was about to happen... again. Tumayo ako para harapin ang table nila Panther.

Tumayo din si Panther at humarap din sa amin. Nakapamulsa siya sa suot na jeans. "Fancy meeting you and your brotherhood here, Rogue."

"Panther," I said his name with disgust.

"'My brother?" si Lion Foresteir ang tinutukoy niya.

"He's not with us," matabang na sagot ko.

"Good," he grinned.

Isa-isa nang tumayo sina PL, Ryder at Damon sa likod ko.

Sa likuran ni Panther ay isa-isa na ring tumayo sina Xerxes, Jackson, Acid at Roosevelt. Their faces were void of emotions. What a bunch of psychos.

Si Alamid lang ang hindi tumayo sa kanila. Mukhang tulad nang dati ay makikisali lang siya pag umatras na si Acid. Masawain kasi ang good boy nila. Bigla-bigla na lang naatras nang walang pasabi.

"How about the damages?" Pinalagutok ni Panther ang mga daliri niya.

Inunat ko ang aking mga braso. "I'll take care of it."

"Weapons?"

"Baka may baril na naman ang bebe niyo riyan," patutsada ni Roosevelt na alam kong ang tinutukoy ay si Rix.

"Just fists." Pinalagutok ko na rin ang mga kamao ko. "Just a brawl."

Mula sa kung saan ay bumalik na si Rix. Ni hindi siya nagulat sa nadatnan niya. Just like the RNS, wala rin siyang ka-emo-emosyon. Bigay ko na kaya siya sa kanila?

Hawak-hawak niya pa rin ang phone niya sa kaliwang kamay. Mukhang wala siyang balak bitiwan iyon kahit pa habang nakikipag-basagan ng mukha.

"Xerxes is mine," Voss Damon said. Hinubad niya ang suot niyang relo at ipinatong sa mesa.

"Okay. The mayor of QC is mine." Nangingiting sabi naman ni PL. "I don't care if he's a mayor."

Walang imik lang naman si Jackson habang nakapamulsa. Medyo kabado ako sa isang ito. Kapag kasi tahimik ay nasa loob ang kulo. Pero tingin ko ay kakayanin naman siya ni PL.

Dinampot ni Ryder ang goblet na nasa malapit sa kanya at ini-straight. "Acid is mine."

"Panther is mine," sabi ko sa kanila. "Do not interfere with us."


"So the bebe is mine," nakangisi nang nakakaloko si Roosevelt habang maangas na nakatitig kay Rix. Sa pagsalita niya ay nasilip ang kanyang silver na hikaw sa dila.

Ang angas akala mo hindi tanga mag-drive. Balita pa nga noon na nabulag siya dahil sa katangahan niya. At nang gumaling na siya, nagpalit siya agad ng asawa. What a bastard.

"Let's do this," sabi ko at inalis ang suot kong relo. Baka kasi magasgasan. Limited edition pa naman.

Nauna nang lumapit ang Black Omega Society. See? Patience is not one of the Black Omega Society's virtues.

Alright, show time in three, two, one...

Ngumisi sa akin si Panther. He had a dangerous glint in his grey eyes. "I've been waiting for this all my life," pagkasabi ay inilang hakbang niya ang pagitan namin para suntukin ako.

Ngumisi ako kay Panther bago ko siya sinalubong ng suntok.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro