Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 62

Episode 62


TILA MODELONG nakatayo ang isang napakaguwapo at matangkad na lalaki sa bukana ng nakabukas na sliding door. Kulay puting long sleeve polo at dark jeans ang kanyang suot. Formal na formal na hindi mo aakalaing inakyat niya ang verandah ng kwarto ko.

Si Lola Durat ay na-estatwa na sa gilid ng kurtina. Mistulan na siyang tuyong sanga ng kahoy roon.

Humakbang palapit si Kuya Panther sa akin. "I thought I got a wrong house."

Pumagitna si Lola Jamod at itinago ako sa kanyang likuran. "Anong ginagawa mo rito, Ser? Bakit ka naparito? E sasaktan mo ba ang alaga ko?!"

Pumaling ang ulo ni Kuya Panther. "Huh?"

Napailing ako. Hindi pa nga pala alam ng matatanda na hindi talaga masama si Kuya Panther.

"Nakow, kung ano man ang balak mo, e wag mo nang ituloy. Ako na lang ang saktan mo. Sirain mo ang buhay ko, babuyin mo ako at kunin mo ang aking puri kung iyan ang iyong nais, hijo. Wag mo lang sasaktan ang alaga ko!"

Umikot ang kulay abong mga mga mata ni Kuya Panther. "Sino bang gumutom sa 'yo at nagkaganyan ka?"

"Jane, hija, takbo na! Isama mo si Clio! Ako nang bahala rito!" bulong sa akin ni Lola Jamod.


Nang lingunin ko si Clio ay wala na pala ang bata sa kwarto. Mukhang nang marealized na busy kami ay pumuslit agad ito pababa sa kusina para pumapak ng peanut butter.

"Ano na, Jane?!" bulyaw ni Lola Jamod sa akin. "Sinabi nang iwan mo na kami ni Ser Panther dito! Hayaan mo nang ako na lang ang mapahamak sa kuya mo!"

"Ako. Gusto. Rin. Pahamak!" sabat naman ni Lola Durat habang titig na titig din siya kay Kuya Panther.

"Magtigil ka, Durat!" gigil na baling ni Lola Jamod sa matanda. "Sinabing ako lang ang magsasakripisyo rito! Kaya Ser Panther, saktan mo na ako ngayon!"

"Pero. Ako. Gusto. Rin. Masaktan!"

Nangunot lalo ang kulubot na noo ni Lola Jamod. Tila napipikon na. "Durat, hindi mo naman siguro gustong magbalik sa isla, di ba?! Wala roong disco baka akala mo!"

Nasapo ko ang aking noo.

Si Lola Durat ay tila masamang espiritu na bigla na lang naglaho. Natakot yata na mabalik sa isla kung saan walang disco.

Nilapitan ko si Lola Jamod. "Lola, mali po kayo ng iniisip..."

Dinuro ako ng mala-kikiam niyang daliri. "E baka nakakalimutan mo, Jane. Iyang Kuya Panther mo ang may ari ng Isla Potanes. Siya ang dahilan kung bakit doon tayo nanirahan!"

Umiling ako sa kanya. "Hindi po siya ang dahilan kung bakit po tayo napadpad doon."

"E basta umalis ka na lang, punyeta ka! Gusto kong saktan ako ng Kuya Panther mo. Gusto kong isakripisyo sa kanya ang katawan ko! Gusto kong mapahamak sa mga kamay niya para lang iligtas ka!"

"Lola, hindi nga po siya ang kalaban dito!"

Napapadyak na si Lola Jamod. "Ano bang sinasabi mo diyang lintek ka?! Kahit kailan talaga panira ka! Handa na nga akong magsakripisyo rito!"

Hinawakan ko siya sa kanyang tuyot na balikat na nakalitaw dahil spaghetti ang suot niyang duster. "Lola, huminahon po kayo. Ipapaliwanag ko po sa inyo ang lahat."

"Don't worry about it, Jane," sabat ni Kuya Panther. "May kasama ako na magpapaliwanag sa kanya ng lahat."

Sabay kaming napalingon ni Lola Jamod nang sumulpot sa likuran ng mga hita ni Kuya Panther ang isang maliit na lalaki. Ni hindi namin namalayan na may tao palang nagtatago roon.

Nakasuot ng brown suit at slacks pants si Dr. Fetus. Ang taas niya ay hindi pa lalampas sa baywang ni Kuya Panther. Mukha siyang kabute dahil sa makapal niyang buhok na kulot. Naka-shades ang maliit na lalaki at puno ng gold necklace ang leeg. May hawak na boquet ng red roses na tila ba iyon ang dahilan kung bakit siya pawisan. Halos kasing laki niya lang kasi iyong hawak niyang boquet.

Namasa ang eyebags ni Lola Kamod nang makilala ang lalaking maliit. "Jusmio... F-Fetus... ikaw ba 'yan?"

Napasinghot si Dr. Fetus. "J-Jamod... my forever..."

"B-buhay ka, aking Fetus... B-buhay ka..." nanginginig-nginig pa ang mga labi ni Lola Jamod sa sobrang tindi ng emosyon.

May namutawi na rin namang mga luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan silang dalawa. Sino ba ang mag-aakala na ang dalawang ito na matagal na panahong pinaghiwalay ng tadhana ay muli pang magkikita?

Nalulungkot ako dahil naduwag akong banggitin kay Lola Jamod na nagkita na kami ni Kuya Panther sa Isla Deogracia Hotel, iyon tuloy ay hindi ko rin nasabi sa kanya na nakita ko si Dr. Fetus. Kung alam ko lang na hindi pa siya nakakamove on dito ay sana sinabi ko na lang pala sa kanya ang totoo.

Puno na ng luha at sipon ang mukha ni Dr. Fetus nang bitiwan niya ang boquet na hawak. Nanakbo siya papunta kay Lola Jamod at nilundag ang matanda.

Sinalo naman ni Lola Jamod sa kili-kili si Dr. Fetus nang lundagin siya ng lalaking maliit. Pagkuwan ay iniangat niya si Dr. Fetus sa ere at inikot-ikot. Saka lang sila nagyakap nang mahilo ang matanda at natumba.

Siniil ng halik ni Dr. Fetus si Lola Jamod sa labi. Pagkatapos ay nagpagulung-gulong sila. Walang delakadesa ang mga de pota!

"Well, I guess they missed each other," nakangiwing sabi ni Kuya Panther saka nilaktawan sa sahig ang dalawa para makalapit sa akin.

Tiningala ko siya. "Ano pala ang ginagawa mo rito, Kuya?"

"I just want to see you and my niece." Hinaplos niya ang pisngi ko. "How are you by the way?"

"Ayos lang ako." Napasulyap ako sa dalawang matanda na gumulong na papasok sa ilalim ng kama.

"Hayaan na natin sila," sabi ni Kuya Panther.

"Okay." Tumango ako. "Paano mo pala nalaman na nasa akin na si Clio, Kuya?"

"I've got eyes on you, don't you remember?"

Ngumuso ako. "Si Cassandra ang nagsabi sa 'yo, no?"

"Nope. Hindi na kami nagkita pa after nang mag-usap tayo sa Isla Deogracia Hotel."

Napayuko ako. "Okay naman kami ni Clio, Kuya..."

"I know." Naglakad si Kuya Panther patungo sa kama. Lumingon ulit siya sa akin. "How about you and Rogue?"

Hindi ako kumibo.

Feel at home na umupo siya sa gilid ng aking kama. "It's fine with me if you don't wanna talk about it."

"Salamat..." mahina kong sabi.

"Jane, what about the papers I gave you?"

Ang tinutukoy niya ay iyong mga papeles na ibinigay niya sa akin noon sa suite ng Isla Deogracia kung saan kami nagkita. Ang mga papeles na iyon ay nagsasaad na pumapayag ako nang bukas sa aking loob na tanggapin ang mga ibinibigay niya.

Gusto ni Kuya Panther na maluwag sa akin na tanggapin ang mga ari-arian na matagal niyang iningatan. Pirma ko na lang ang kulang roon at mapupunta na sa akin ang biggest shares niya sa kanyang company at mapupunta na rin sa akin ang lahat ng pag-aari niyang lupain, pera at ginto na inipon niya at pinalago.

"Come on, Jane. It's for you and for Clio."

"Kuya, alam mo namang hindi ko kailangan ng pera..."

"Tss..." Napailing siya matapos mapahagod ng mga daliri sa kanyang buhok. "I wonder kung kanino ka ba nagmana ng pride."

Napabuntong-hininga ako. "Mabuti na rin pala na nandito ka. Gusto ko rin kasing malinawan sa mga baga-bagay."

Ayaw ko na kasing maiwanan ng tanong kaya sasamantalahin ko nang nandito si Kuya Panther para alamin ang mga hindi ko pa alam.

"Pwede ba akong magtanong sa 'yo, Kuya?"

"Shoot."

Tinabihan ko siya sa pag-upo sa gilid ng kama. "Sa 'yo ba talaga ang Isla Potanes?"

Natawa siya sa sinabi ko. "Potanes?"

"Iyong pinanggalingan naming isla ni Lola Jamod kung saan ako lumaki..."

Napailing siya. "Tsk! Talaga 'yang matandang yan."

Kung ganoon ay hindi pala talaga Potanes ang pangalan ng islang iyon.

"Matapos malibing ni Mom ay nagpatuloy kami ni Lion sa pagho-home school. Isang gabi, pagkatapos ng pag-aaral ko ay lumabas ako ng study room. Nagulat ako dahil napakadilim ng paligid." Lumungkot ang mukha niya. "Nagtataka ako kung bakit walang katao-tao sa buong mansiyon. Ang lahat ng katulong, maging kusinera, labandera, hardinera ay nawawala..."

Napalunok ako. Ang mga helper na tinutukoy niya ay sina Lola Jamod, Lola Durat at ang iba pang nakasama ko sa isla...

"Nag-alala ako bilang nakatatanda niyong kapatid ni Lion. Hinanap ko kayo sa lahat ng sulok ng mansiyon, pero si Lion lang ang nakita ko. Hinanap ka naming dalawa. Wala ka sa nursery room mo, wala ka sa mismong crib mo..."

Hinagod ko ang likod ni Kuya Panther. Ang gabing tinutukoy niya ay ang gabing pinaniwala ni Kuya Lion ang mga helper sa mansiyon na ipapapatay silang lahat ni Kuya Panther. Kahit napakabata pa ni Kuya Panther ay kilala na siya bilang "the moody young billionaire" kaya lahat ay takot noon sa kaya. Samantalang si Kuya Lion ay isang maamong bata kaya malabong paghihinalaang ito pala ang tunay na may pinaplanong masama.

Nang gabing iyon ay sumakay ng private ship ang lahat ng helper patungo sa Isla Potanes. Kasama ako sa private ship na iyon dahil binitbit ako ni Lola Jamod.

Doon sa Isla Potanes ay iniwan kami ng private ship at hindi na binalikan. Dahil sa kalungkutan sa isla ay unti-unti nang nasiraan ng bait ang mga helper ng mansiyon. Hanggang sa lumipas ang panahon at niyakap na ng lahat ang bago nilang buhay bilang mga taong isla. Doon na rin nagsimulang magkaroon ng magkahiwalay at magkaaway na tribo. Ang tribo nina Lola Jamod at Lola Durat.

Mapait na ngumiti sa akin si Kuya Panther. "Takot na takot ako nang matuklasan kong nawawala ang mga helper sa mansiyon. Pero mas matindi ang takot ko dahil nawawala ka. Takot na takot ako dahil baka kung ano nang nangyari sa 'yo."

"Wala ka namang kasalanan, Kuya..."

"Ipinahanap kita... Pero lumipas ang mga taon, hindi kita makita. Pero hindi ako sumuko at tumigil sa paghahanap. Ang tanga-tanga ko lang kasi hindi ko man lang naisip na baka nandoon ka lang pala sa islang iniregalo noon sa akin ni Mom."

Nanlaki ang mga mata ko. "Regalo sa 'yo ni Mom ang isla na iyon?"

"Yes... Pero sa dami ng properties ko, hindi ko na iyon maasikaso. Ipinagkatiwala ko iyon sa isang business partner dahil doon niya nga raw balak i-train ang apo niya."

"Si Kreed ba ang apo na tinutukoy mo?" Si Kreed lang naman kasi ang lalaki sa isla.

Tumango si Kuya Panther. "Kreed's grandfather is Don Ybarra Montenegro, my business partner in one of my businesses abroad. Ang alam ko ay ang nasa isla lang ay si Kreed at nagti-training. I don't think na alam ni Don Ybarra na mga helper ko sa mansiyon ang ibang nasa isla. Siguro ang akala ng matanda ay normal na mga taong gubat ang mga ito. Kreed is a part of my underground fraternity, he was a teen ager when he joined. Kahit member siya, never pa kaming nagkausap na dalawa kaya wala talaga akong idea sa nagaganap sa isla."

Bumuntong-hininga ako. "Hindi rin nagkwento si Kreed sa lolo niya tungkol sa nangyayari sa isla."

"Yes. Ang sinabi niya lang ay babantayan niya ang isla in behalf of his grandpa..." Napa-tsk si Kuya Panther. "Siguro na-enjoy na ni Kreed ang pamumuhay niya sa isla. He's a weird guy kaya hindi na ako nagtataka. Ang balita ko pa nga, ayaw niya na talagang umalis doon kahit noong pinapasundo na siya ng lolo niya sa private chopper. Hanggang sa na-stroke na lang ang lolo niya at hindi na talaga siya nabalikan pa."

Nasagot na ang mga tanong ko, ayos na ako roon. Ngayon, kay Kuya Lion na lang ako may mga tanong. Pero hindi ko alam kung maitatanong ko pa ba iyon sa kanya.

Hindi ko alam kung magkikita pa ba kaming dalawa ni Kuya Lion.

Hindi ko rin alam kung makakaya ko pa bang harapin siya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya.
Hinarap ko si Kuya Panther. "Kuya, saka nga pala... Hindi ba talaga sumagi sa isip mo kahit kailan na dalawin ang isla na regalo ni Mom?"

"Sumagi naman. Actually, nagka-plano pa nga ako roon na balak ko iyong gawing bakasyunan. Patatayuan ko sana iyon ng mansiyon na may seven floors dahil doon ko rin plinanong itira ang mga magiging asawa ko." Tumingin siya sa akin. "But I changed my mind."

Humalukipkip ako. "So totoo pala talaga na may pito kang asawa?"

"I had." Lumamlam ang mga mata niya. "But I don't have now."

"Ibig sabihin, nagpa-annul ka na sa pitong asawa mo?" Inirapan ko siya. "Ano bang tingin mo sa sarili mo, si King Henry VIII?"

"Anyway," pag-iiba niya ng usapan. "Please sign the papers. Wala naman akong ibang pwedeng pagbigyan ng kayamanan ko."

Halata sa boses niya na may itinatago siyang lungkot. Katulad din siya ni Rogue, nagpapanggap lang siya na okay para hindi ako mag-alala.

"Nabasa ko ang nasa papeles, Kuya." Humina ang boses ko. "Bakit parang wala ka ng ititira sa sarili mo?"

"W-what?" Lumikot ang kulay abo niyang mga mata. "I-it's not like that." Napakamot pa siya ng ulo.

Tiningnan ko siya nang matiim. "Ano bang plano mo, Kuya? Saan ka pupunta? Magpapakamatay ka ba?"

"Of course not!" Bigla siyang tumayo at namulsa. Hindi siya makatingin sa akin.

"Kuya, kung may problema ka, pwede kang magkwento sa akin..." Tumayo na rin ako para hulingin ang kanyang paningin.

Sa tingin ko ay may problema talaga siya, pero kinikimkim niya. Ganoon siguro kapag lalaki, nahihiya na ipakita na may kahinaan din sila. Nag-aalala ako kay Kuya Panther dahil may case ang pamilya namin ng suicide dahil sa depression. Nagpakamatay ang aming ina dahil sa hindi nito kinaya ang lungkot, at ayaw ko na matulad si Kuya Panther dito.

Alam ko kung gaano kalungkot ang buhay niya dahil namuhay siyang nag-iisa. Mula noong mamatay ang aming ina, mawala ako sa mansiyon at iwan din siya ni Kuya Lion ay mag-isa na lang siya. Nasanay siyang kimkimin ang lahat-lahat. Nasanay siyang maging matatag para panindigan ang tingin ng mga tao sa kanya bilang ruthless billionaire. Walang alam ang mga tao sa tunay niyang nararamdaman.

Hindi man kami sabay na lumaki, kapatid ko pa rin siya. Mahal ko siya. Aalalahanin at aalalahanin ko siya.

"Kuya..." Kinuha ko ang kamay niya para hilahin siya paharap sa akin. "Wala man akong maitutulong para malutas ang problema mo, nandito naman ako para makinig sa 'yo."

Napabuga siya ng hangin. "Ako ang big brother mo. I should be the one to take care of you. Ako dapat ang pumu-protetka sa 'yo, ang makikinig sa mga problema mo at dadamay sa 'yo."

Ngumiti ako sa kanya. "Kapatid mo ako. Bunso man ako, kaya ko ring gawin ang lahat ng iyon sa 'yo. Pwede rin kitang protektahan at alagaan, Kuya."

"Thanks, little sis..." Yumuko siya at itinaas ang aking kamay na nakahawak sa kanya. "But I am okay." Hinalikan niya ang palad ko. "I am okay as long as you're okay..." 

"Mom, who is he?" sumulpot bigla si Clio.

Hindi ko napansing bumalik siya ng kwarto. Ang mga mata na may magkaibang kulay ay inosenteng nakatitig kay Kuya Panther.

Nakangiting lumapit ako sa kanya. "Baby, siya pala ang kuya ko. Siya si Uncle Panther mo."

"Hello there, Clio." Lumapit din si Kuya Panther. Lumuhod pa siya upang pumantay sa bata. "How are you?"

"I'm so owkay poo." Lumingon sa akin si Clio. "Mom, he's handsome, but Dad is more handsome than him!"

Nagbago ang mood ni Kuya Panther sa narinig. "Actually, mas pogi ako sa dad mo." Nakangiti siya pero nagtatagis ang bagang niya.

"No, no, Uncle Panther! My dad is more handsome than youwww," pagpupumilit naman ni Clio.

"That's not true." Naikuyom na ni Kuya Panther ang kanyang kamao. "Mas pogi ako sa dad mo." Nakangiti siya habang umiigting ang kanyang panga.

Umiling ang mukha ni Clio kaya umalog ang kanyang pisngi. "Nopeee. You're not even close."

Humugot si Kuya Panther ng wallet at naglabas ng lilibuhing pera para ilagay sa maliit na palad ni Clio.

"Still not even closeee."

Humugot si Panther ng credit card at inilagay sa maliit na palad ni Clio.

Lumabi ang bata. "Now, you're closeee."

Humugot si Panther sa bulsa at inilabas ang susi ng kanyang kotse para ilagay sa maliit na palad ni Clio.

"Fine poo, mas pogi ka na sa dad kow!" Pagkuwan ay nanakbo si Clio palapit sa akin. "Mom, can I shop chocolates and candies? I've got money and car nowww."

Bumagsak na lang ang balikat ko. Tinitigan ko nang masama si Kuya Panther. "Kuya!"

Nagkibit ng balikat naman siya. "Kids these days, huh?

"JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro