Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 50

Episode 50


ADI's


"Kuya, hindi ko yata kaya." Napakapit ako nang mahigpit sa cell phone ko na nasa aking tainga.


Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya Lion sa kabilang linya. "You have to, Jane."


Umiling ako kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. "H-hindi ko kayang manloko ng kapwa."


"But he abandoned you!" asik niya. "You suffered because of him, don't you fucking dare to forget that!"


Napahikbi ako. Sa tuwing maririnig ko ito, nanunumbalik ang sakit na pinagdaanan ko noong mga panahong ipinagbubuntis ko ang anak ko.


Sumilip muli ako sa labas ng pinto ng shower room dahil baka nasa labas na si Rogue. Sinigurado ko munang mahimbing na ang kanyang tulog bago ako nagtago dito para tawagan si Kuya Lion. Pinili ko na dito sa shower room gumawa ng tawag dahil baka raw may bug ang aking kwarto at ma-record ang lahat ng mapag-usapan namin. Kailangan namin maging maingat.


"Did you see her?" biglang kumalma ang boses niya. "Did you see Clio?"


Impit na akong napahagulhol nang marinig ko na naman ang pangalan ng anak ko. "O-oo, Kuya. Nakita ko siya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi naman pwede, di ba?" namalat ang aking boses. "M-miss na miss ko na siya, Kuya..." tuluyan ng nabasag ang tinig ko.


"You have to be strong, Jane. This method is the only way."


"P-pero nahihirapan ako... hindi ko kayang lokohin ang anak ko–"


"Do you think this is easy for me? You think it's easy for me na hayaang walang ina si Clio? Clio is my niece, for Pete's sake!"


"K-kuya..."


"And Rogue is my friend, Jane." Biglang nanginig ang boses niya sa kabilang linya. "He's like a brother to me but I have to sacrifice him. And I am doing this to save you and your daughter!"


Matagal bago ulit siya nagsalita.


"Listen, Jane." Napabuga siya ng hangin. "Rogue is the only one who can protect your daughter from Panther. Habang nasa kanya si Clio at habang hindi alam ni Panther na buhay ka, ligtas kayo. But once Panther discovered that you're alive and you've got a daughter, you and your daughter will be dead!"


Napahagulhol na ako.


"Pero anong ginagawa mo? Sinusuway mo ako! Nagpapakalat-kalat ka pa! Gusto mo pang maging writer at artista! Alam mo ba kung gaano kahirap na pagtakpan ka? The reason that you're still alive is because I'm covering your tracks, and you don't know that, you spoiled woman!"


"S-sorry..." Napayuko ako matapos muling mapakapit sa aking cell phone.


Namayani ang sandaling katahimikan sa amin.


"Kuya... hanggang kailan ako magtitiis na hindi kasama ang anak ko?"


"I'm still processing all the papers to get you both out of this country. I have to be careful. It's not easy to do that when Panther's eyes are all over. For now, you have to be patient, Jane. I promise you, we'll all get out of this country... together."


Hindi na ako kumibo, basta ko na lang pinatay ang linya. Ilang beses ng ipinangako ni Kuya Lion sa akin ang pagtakas. Na kailangan kong maging patient, magtiwala at maghintay lang ng tamang pagkakataon.


Ano ba ang dahilan kung bakit umabot sa apat na taon ang paghihintay na yun? Ang alam ko lang ay nahihirapan siyang kumilos dahil tila raw butas ng karayom ang maialis niya kami sa bansang ito. Mahirap daw lusutan ang kapangyarihan at koneksyon ni Kuya Panther. Kaya habang nandito pa kami sa bansa, kailangan niya munang ihiwalay sa akin si Clio para sa kaligtasan naming pareho. At wala akong ideya kung saan niya itinago ang anak ko.


Bago ko pa man makita si Clio kanina, tinawagan na ako ni Kuya Lion. Sinabi niya sa akin ang buong detalye kung ano ang sitwasyon dito. Ipinaliwanag na niya sa akin ang lahat kung bakit nandito ang anak ko.


Noong una ay halos hindi ako makapaniwala nang malaman kong nasa poder pala ni Rogue si Clio. Pero nang isalaysay niya na sa akin ang lahat, naliwanagan na ako. Ilang minuto pa siguro ang lumipas bago unti-unti kong naunawaan ang lahat. Hindi ganoon kadaling intindihin na dito niya pala itinago ang anak ko ngunit sinikap ko iyong tanggapin. Nandito na ako e, kaya nawalan na ako ng choice kundi unawain na lang ang plano ni Kuya Lion.


Gusto niyang palabasin ko na hindi nage-exist si Clio. Hindi ko alam kung paano niya na-manage ang ganitong set up kay Rogue, pero ang mission ko ay panatilihin ang paniniwala ni Rogue na hindi nga talaga nage-exist ang anak namin.


Kailangan kong palabasing baliw si Rogue. Para kung dumating ang araw na umalis kami kasama si Clio palabas ng bansa, at kunin namin ni Kuya Lion si Clio sa poder niya, hindi na siya maghahabol sa amin. Lalabas lang sa side niya na sadyang naglaho na sa imagination niya ang kanyang anak.


Walang rason para hanapin niya pa si Clio kapag kinuha na namin sa kanya ang bata. Hindi na siya maghahabol sa amin dahil iisipin lang niya na gumagaling na siya sa sakit niya.


Kailangan kong gawin ito kahit labag man sa loob ko. Ito lang ang paraan para magtagumpay ang aming plano ni Kuya Lion na ligtas na magkasama-sama kami kasama ang anak ko.


...


Napaunat ako ng aking mga braso paglabas ko ng aking kwarto. Nanakit kasi ang mga ito dahil sa pagkakatulog. Sino ba naman kasi ang makakatulog nang maayos kung nababalutan ka sa katawan ng trash bag?


Papunta ako sa kusina nang mapahinto ako. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang pares ng malulusog at maiiksing binti ng kung sino mang nangangalikot ngayon sa loob ng ref. Nang lapitan ko ito ay saka ko lang napagtanto na mga binti ito ng isang bata.


Si Clio!


Napalunok ako habang papalit sa kanya. Natatakpan siya ng pinto ng ref at ang tanging nakalitaw lang ay ang punggok niyang mga binti.


"Ehem." Tumikhim ako.


Sumilip mula sa pinto ng ref ang mala-anghel na mukha ng bata. Tumalbog pa ang kanyang pisngi sa pagsilip niya sa akin. "Could ju help me?"


Itinuro ko ang aking sarili bago ko nilingon muna ang paligid. Mahirap na at baka may makakita na kinakausap ko si Clio.


"You're ja virus, right?"


Virus? Ako?


"Chon't worryyy. Dad chold me everytching abowt you."


Hinayupak na lalaking yun. Virus ang pakilala sa'kin sa anak namin!


"So come. Help me, plishhh."


Tumango ako bago ako lumapit sa kanya.


Tumingkayad ang maliliit niyang mga paa at pilit itinuturo ang freezer sa itaas. "I want ice cream, plishhh. But I can't reachh it."


Binuksan ko ang freezer at may ice cream nga ito sa loob. "A-alin dito?" Hindi ko alam kung bakit natataranta ako.


"The shocolate one, plishhh."


Kinuha ko ang isang gallon ng chocolate flavor na ice cream at iniabot ko sa kanya.


"Tenk you." Kinuha niya ito at inilagay sa balikat niya.


Nang umalis siya sa loob ng ref ay saka ko lang siya napagmasdan nang maigi.


Curly ang kanyang buhok na hanggang balikat. Nakasuot siya ng sleeping attire na long sleeveless at bloomer shorts. Kulay pink ito na may disenyo ng bees at flowers. Chubby siya kayang mukha fitted sa kanya ng suot niyang pantulog.


Wala sa sariling nakatitig lang ako sa kanya habang papunta siya sa mesa. Humila siya ng upuan at ipinatong doon ang isang gallon ng ice cream. Binuksan niya ito at sumungkit sa loob gamit ang kanyang palad. Naglusak tuloy pati sa kanyang pisngi ang ice cream na kinakain niya.


Nang may pumatak sa ice cream sa sahig, namroblema siya. "Oopsh! Dad will probawbly get mad."


Napahugot muna ako nang malalim na paghinga bago ko siya nilapitan. Kumuha ako ng tissue sa mesa at pinunasan ko ang sahig na natuluan ng ice cream. "Nasaan ang Dad mo, bata?"


"Am not bata. Am Clio."


Napatitig ako sa magkaibang kulay ng kanyang mga mata. Napangiti ako sa kanya. Gustung-gusto ko siyang pisilin sa pisngi at halikan. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit pero pinigilan ko ang aking sarili.


"Sorry. Nasaan ang dad mo?"


"He went outchide."


"Ano ang ginawa niya sa labas?" Bahagya akong umupo upang pumantay sa kanya.


"I jon't know. Maybe to kill germs and bacteria again." Lumabi siya.


Pigil na lang akong natatawa sa sinasabi niya.


"Dad hash a gun, you know. It shpray alcohol."


Tumango-tango ako. "Astig nga ng dad mo."


Napahinto siya sa pagkain ng ice cream. "Do you like my Dad?"


Mahina akong napahalakhak. "Di naman kami pwede."


"Why not?"


"Dahil virus nga ako, di ba?"


"That'sh sad." Huminto siya sa pagkain at lumapit pa sa akin. "Oww." Namilog ang mga mata niyang bilugan matapos niyang titigan nang malapitan ang aking mukha. "A-are you my mom?"


"H-ha?" Napatayo ako at napaatras sa sinabi niya.


"Cosh your eyes... they're grey."


Napakurap ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko pa lang isuot ang contact lens ko.


Tigagal pa rin si Clio na nakatingala sa akin. May namumutawi ng mga luha sa kanyang mga mata.


Napalunok ako nang malalim. "A-ah, kasi..."


"M-my Dad told me... that my Mom had gray eyesh." Pigil ang pag-iyak niya habang nakatingala sa akin.


Hindi ko rin namalayan na may namumuo na palang mga luha sa akin mga mata. Napapikit ako at napahugot ng paghinga. "C-Clio, kasi..." Napakamot ako. Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo, sira ang mga plano namin Kuya Lion.


"M-Mom?" Nagtubig na ang kanyang mga mata.


"M-makinig ka. Ganito kasi yun–"


Bigla siyang nanakbo palapit sa akin at yumapos sa aking mga binti. "M-Mom..." umiyak na siya.


Bigla na lamang naglandas ang mga luha ko at wala akong nagawa kundi ang mapaupo para yakapin siya. "C-Clio..." Napapikit ako.


Wala na.


Wala na.


Bumagsak na ang depensa ko.


Hindi ko na kayang magtiis.


Sorry, Kuya Lion...


Hindi ko kayang tiisin ang anak ko.


"Y-you are really my Mom..." hagulhol niya.


"B-baby, ako nga ito." Gumaralgal ang boses ko.


"W-what took you sho long..." Sumiksik siya sa dibdib ko.


"P-patawarin mo ako, baby. Patawarin mo si Mommy, ha?" Napahagulhol na rin ako.


Niyakap ko siya nang mahigpit. Pagkatapos nang apat na taon, sa wakas ay nayakap ko na siya. Walang oras o araw na hindi ko pinangarap ang pagkakataong ito. Sa buong apat na taong nagkawalay kami ay wala akong ibang inasam kundi ang mayakap siya nang ganito.


Kumalas siya sa akin para lang titigan muli ang aking mukha. "W-why did you leave us, Mommy?"


Umiling ako. "H-hindi, baby. Hindi ko kayo iniwan." Pinunasan ko ang mga luha niya. "M-may inasikaso lang si Mommy kaya umalis lang ako sandali..."


"I-I waited for you, don't you know jat." Napahikbi siya. "P-plish don't leave me again..."


"H-hindi na." Hinila ko siya para yakapin ulit. "H-hindi na kita iiwan, baby ko..." Isinubsob ko siya sa aking dibdib.


"I-I mish you so much po..."


Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. "I-ikaw rin, baby... miss na miss ka ni Mommy..."


"Plish don't ever leave us again, okay?" Tumingala sa akin ang mukha niyang naiipit ko mula sa aking pagkakayakap sa kanya.


"H-hindi na kita iiwan, promise." Isiniksik ko muli ang kanyang mukha sa aking dibdib. "H-hindi na kita iiwan, baby ko..." Napatingala ako sa gitna ng aking paghagulhol.


"I-I love you cho much, Mommy..." Umuga ang balikat ni Clio.


Hinagkan ko ang kanyang noo bago siya muling niyakap.


"What the hell is going on?" Isang baritono ngunit nanginginig na boses ang nagsalita mula sa aking likuran.


Si Rogue!


"Dad!" Humaba ang leeg ni Clio para silipin si Rogue na nasa aking likuran. "Why did you tell me that the virush is my mom?!" Humiwalay siya sa akin at pumamewang pa na parang sinesermunan ang kanyang ama.


Narinig ko ang paghugot nang malalim na paghinga ni Rogue.


"She's my Mom!" Niyakap ulit ako ni Clio.


"Can you explain to me what's going on?" Halos basag na ang boses ni Rogue nang muli siyang magsalita.


Napayuko ako at hindi makalingon sa kanya. 


"Tell me..." Narinig ko ang papalapit niyang mga yabag papunta sa akin. "Are you literally seeing... my daughter?" mahina ngunit mariin niyang tanong.


Napapikit muna ako bago sumagot. "O-oo, nakikita ko siya."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro