
Episode 48
Episode 48
ADI's
Ano raw?
Napakurap ako sa sinabi ni Rogue. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong balewala lang ang sinabi niya dahil ang totoo, para na akong mabibingi ngayon sa lakas ng kalabog ng dibdib ko.
Wala sa plano na magustuhan niya ako bilang si Adi. Ni wala nga sa plano ang magkita kaming dalawa pagkatapos ng mga nangyari sa amin sa isla. Kung nagkita man ulit kami pagkatapos ng apat na taon, tadhana ang may gawa non. Kapalaran na ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon.
Ang akala ko, malabo niya akong magugustuhan bilang si Adi. Ang akala ko, fascinated lang siya sa akin dahil iniisip niyang kamukha ko si Jane, ang pukangkang ng isla. Ang buong akala ko talaga na lilipas din curiosity niya sa akin at magsasawa rin siya, pero heto at sinasabi niya ngayon sa akin na gusto niya ako. Ang tanong ay bakit?
Bakit niya ako magugustuhan? Walang dahilan para magustuhan niya ako. Isa lang akong simpleng babae na nagtatago sa pangalang Adi. Isang babaeng nagpapanggap dahil gusto siyang makasama ulit kahit sa hulig sandali. At oo iyon ang pinaka dahilan ko kaya ako nandito sa isla, pangalawa na lang na gusto kong ituloy ang movie ng ginawa kong libro. Ang pinaka dahilan ko talaga kaya ako naririto ay siya.
Taliwas sa plano ni Kuya Lion at taliwas din sa una kong plano ang nangyayari ngayon. Pero wala akong magagawa. Natalo ako ng puso ko noong unang beses ko palang na masilayan ulit si Rogue sa restaurant. Doon palang ay alam ko ng magiging parte na naman siya ng buhay ko. Kahit masama ang loob ko sa kanya ay gusto ko pa rin siyang makita at makasama. Pero alam ko na hindi pangmatagalan ang kahibangang ito. Alam ko na may hangganan din ito. Kaya susulitin ko ang mga oras. Susulitin ko ang mga sandali na kasama siya bago ako tuluyang lumayo at hindi na magpakita.
Tutuparin ko pa rin ang plano namin ni Kuya Lion na ibabaon ko sa limot ang isang Rogue Montemayor-Saavedra.
"Hoy, Adi? Bat ka tahimik? Sobrang saya mo ba kaya hindi ka makapagsalita?"
Napakurap ako. "Ha?"
"So iyon. Ligawan mo na ako," ani Rogue muli sa akin. "Don't worry, gusto naman kita. So mataas ang chance na sasagutin kita agad."
Napakamot ako sa sinabi niya. "S-seryoso ka ba, Idol?"
Nagsalubong na naman ang mga kilay niya. "Do I look like I'm kidding?"
Napapikit ako at hindi malaman ang gagawin. "T-totoo ba yang sinasabi mo? Gusto mo ako?"
Inalis niya ang kanyang mas kaya kitang-kita ko ang pagka-badtrip niya dahil sumimangot siya. "I don't want to repeat myself, messy girl. You should be attentive! Minus points sa 'yo 'yan!"
Napatikhim ako. "Uhm... P-paano mo naman nasabi na gusto mo ako? Baka gutom lang yan?"
"Well..." Napaisip siya. "I'm happy when you're around. Especially kapag ginugupitan kita ng kuko."
Napahilamos ako ng mukha. "Idol, baka naguguluhan ka lang sa feelings mo. Magkaiba kasi ang mundo natin."
"You mean, nasa ibang planeta ka at ako nasa earth?" Umangat ang isa niyang kilay.
"Hindi ganun. Mayaman ka, sikat, maraming followers, powerful..."
Tumango-tango siya. "Also I am gorgeous, very smart, talented. I understand na nanliliit ka, Adi dahil hindi nga tayo bagay."
Tumango ako. "Oo kaya bakit ako ang nagustuhan mo? Marami namang nagmamahal sa 'yo na mga fans mo. May model, may chairwoman, may doktora, may succesful sa buhay at edukada. Bakit hindi ka na lang mamili sa kanila?"
Nagtataka ang guwapong mukha ni Rogue habang nakatingin siya sa akin. "You should be proud, Adi. Instead na malungkot ka, dapat masaya ka dahil ang swerte mo na nagustuhan kita, di ba?"
Napayuko ako. "P-pero hindi nga ako bagay sa 'yo e. Simple lang akong tao. Simpleng babae lang. Simpleng assitant lang at tagatimpla ng kape." Humina ang boses ko.
"Yeah, tell that to my dad who fell madly in love with my mom who's also a simple woman like you."
"H-ha?" Napaangat ako ng mukha.
Namulsa siya at nagbuntong-hininga. "My dad was the leader of the band like me. He's gorgeous, smart, famous and super rich. A billionaire. But he fell for a simple Cebuana." Namulsa siya at napatingala sa mga bituin. "You know? Simpleng babae lang si Mommy. Sabi ni Dad, masarap lang daw talaga ang sandwich ni Mom and pinupulbuhan siya nito kapag pinagpapawisan siya."
Lumamlam ang aking mga mata habang nakatingala ako sa kanya.
"But depsite of being poor, my mom is the best mom ever." Ngumiti siya habang nakatingin sa alon na humahampas sa dalampasigan. "She's the most selfless person I've ever known. Mapagmahal siyang mommy sa amin ng Kuya Quiro ko, at mapagmahal na wifey kay Daddy."
Naalala ko sa isang column na nabasa ko sa isang sikat na magazine na kung ang mga Deogracia raw ay angkan ng mga palikero at sanga-sangang lahi, ang mga Montenegro ay angkan ng mga maiinitin ang ulo at mahirap pakisamahan, ang mga Foresteir ay may mga saltik, ang mga Montemayor naman daw ay angkan na tila may sumpa dahil halos karamihan sa myembro ng angkan nila ay napapaibig at bumabagsak sa mga dukha.
Sa bagay na iyon ay medyo totoo dahil usap-usapan sa tuwing may ikinakasal na Montemayor. Alam na agad ng madla na simpleng tao na naman ang papakasalan nila.
Ibinalik ni Rogue ang paningin niya sa akin. "Life did not go easy on my parents. They struggled more than you can imagine. But look at them now, they are still happy and contented."
Napalabi ako.
"Kaya wag mong idahilan sa akin na simpleng assitant ka lang at taga-timpla ng kape. Ligawan mo na ko!"
"P-pero kasi–"
"That is not a request, Adi. That's an order. Ligawan mo ko!"
Marahan akong umiling. "H-hindi pwede, Idol."
"Huh?"
"Sorry, pero hindi talaga pwede."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi mo ko gusto? But that's impossible!"
Hindi ako sumagot. Ayokong may masabing hindi niya magustuhan.
"Seriously, Adi? Pwede bang hindi mo ako magustuhan?! Wala ka ng hahanapin sa akin. Jackpot ka na. Pag-isipan mo at baka nabibigla ka lang. Malaking kawalan sa 'yo kung hindi mo ako liligawan." Namewang siya na tila problemadong-problemado.
Napahilot ako sa aking noo. "I-idol, hindi talaga pwede. Sorry pero ayoko..."
Nagdilim na ang kanyang mukha. "I see." Pagkuwan ay tinalikuran na niya ako at naglakad na siya palayo sa akin.
Pinagmasdan ko na lang siya habang papalayo.
"K-kung alam mo lang sana, Bathala..." usal ko. "Kung alam mo lang, miss na miss na kita, pero wala talaga sa plano ko na makasama ka..." naisatinig ko na lang mag-isa habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.
...
GALIT SA AKIN SI ROGUE. Apat na araw na niya akong iniiwasan at hindi pinapansin. Halata sa kilos niya dahil umiiwas siya sa tuwing magkakasalubong kami. Kapag naman tinatanong ko siya ay yes at no lang ang sagot niya palagi.
Napahugot muna ako nang malaim na paghinga bago ako lumapit sa kanya. Kailangan ko kasing iabot sa kanya ang script niya para bukas.
"Idol, ito raw yung script para bukas sabi ni Direk." Kinalabit ko siya. Nakatalikod kasi siya sa akin.
Loose white shirt at ripped fitted jeans ang suot niya. Naka itim na Versace slippers siya at nakalitaw roon ang napakalinis niyang mga daliri at kuko sa paa. At as usual, may suot siyang facemask at gloves.
"Okay." Kinuha niya sa akin ang folder. Pagkatapos ay tinalikuran niya ulit ako.
"Idol..." Kinalabit ko ulit siya.
Humarap siya sa akin. "Hmm?"
"Kumain ka na?" Ngumiti ako sa kanya.
"Yes." Pagkasabi'y tinalikuran niya ulit ako para umupo sa upuan.
Sinilip ko ang mukha niya. "Gusto mo dinner tayo mamaya?"
"No." Abala na ang mga mata niya sa script.
"Gusto mo tulungan kita sa script mo?"
"No."
"Galit ka ba sa 'kin, idol?" Napakamot ulo ako. "Ilang araw mo na kasi akong hindi pinapansin."
Tumayo siya at humarap sa 'kin. "No." pagkuwan ay nagwisik siya ng alcohol at naglakad na siya palayo sa 'kin.
Bakit nga ba ako nasasaktan ngayong iniiwasan niya ako at hindi kinikibo? Dahil sa ginagawa niya, apat na araw na rin akong hindi nakakatulog nang maayos.
"Coffee?" tanong sa akin ni Hermes na nasa likuran ko na pala at may hawak na dalawang tasa. Inabot niya sa akin ang isa.
May suot siyang clear glasses na itim ang rim. Ang suot niyang checkered polo ay pinapatungan ng itim na jacket at sa pang-ibaba niya ay brown jogger pants at white sneakers.
"Salamat." Kinuha ko naman ang kape na inaalok niya.
"Noong isang araw pa mainit ang ulo ng lead actor ko." Si Rogue ang tinutukoy niya habang nakamasid sa lalaki na papalayo.
Humigop ako ng kape. "Baka may pinagdadaanan lang."
"Well, he's better when he's like that. Mas photogenic siya kapag nakasimangot. Besides, mas nakukuha niya 'yung character na gusto ko para sa role niya."
Hindi ako kumibo. Ang totoo kasi ay kasalanan ko kung bakit wala sa mood si Rogue nitong apat na araw.
"Do you like him, Adi?" biglang tanong ni Hermes.
Naiilang na umiling ako. "H-hindi, ah."
Napansin niya yata na nakatanaw pa rin ako kay Rogue kahit malayo na ito.
Mahinang napahalakhak ang lalaki. "Bakit nga ba nagtanong pa ako? Obviously naman na lahat ng mga babae dito ay may gusto sa kanya."
"Bakit, marami din naman may gusto sa 'yo, ah."
"Really?" Namulsa siya at tumitig sa akin.
"Hindi mo lang alam kasi busy ka."
Bigla siyang ngumiti. "I would be happy if you're one of them."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "May gusto ka ba sa 'kin? Noong isang araw ka pa nagpapasaring e."
Natawa lang siya. Kung ibang babae ang makakakita ng ngiting ito, pihadong mahuhulog agad ang loob sa kanya. Pero hindi ang tulad ko. Iba kapag una mong nakita ang ngiti ni Rogue bago ito.
"How about a dinner later?"
Ngumuso ako. "Hindi pwede, may magagalit."
Naalala kong pinagbawalan na ako ni Rogue na makipag-dinner kahit kaninong lalaki. Ewan ko kung bakit nga ba ako pumayag sa gusto niya.
Kitang-kita ko ang pag alon ng Adam's apple niya. "Aw, you mean your boyfriend? Meron na? I thought—"
"Hindi. Wala akong boyfriend."
Tila siya nakahinga nang maluwag. "Iyon naman pala. Wala namang masama kung ililibre kita ng dinner, di ba?"
Humalukipkip ako at pinakatitigan siya. "So may gusto ka nga sa 'kin? Wag mong sabihing aalukin mo rin akong ligawan kita."
"Sorry?"
"Wala. Never mind." Ngumuso ako.
"So dinner?"
"Sorry, pero gusto ko muna mapag-isa."
"I see."
"Wag mong sabihin iiwasan mo na rin ako?"
Nangunot ang noo niya. "Of course not." Natawa siya.
Napansin ko ang isang bote na nakasuksok sa likuran niya.
Hinugot niya iyon nang mapansin niyang doon ako nakatingin. "It's just wine. I'm planning to open this with you, kaya lang–"
Kinuha ko ito sa kanya. "Akin na lang 'to ha?"
"Wait–"
Hindi na niya ako naawat dahil nanakbo na ako papunta sa hotel room ko. Gusto ko munang mapag-isa kasama ang wine na 'to. Gusto kong mawala ang sakit sa dibdib ko kahit isang gabi lang.
...
ROGUE's
I glanced at my wristwatch. It's already five in the morning at medyo nagliliwanag na rin. Napatingala ako nang matanaw ko na ang aking chopper na paparating at papunta sa roof top ng hotel na kinatatayuan ko.
In just a minute, nasa harapan ko na ang chopper ko. Sinalubong agad ako ng mga tauhan ko kaya winisikan ko sila ng alcohol. Kandaduling sila dahil nahagip ko yata sila sa mata.
"This way, Sir," sabi ng isa habang pipikit-pikit na inalalayan ako papasok ng chopper.
Bago ako umupo ay nilatagan ko muna ng papel ang upuan ng chopper. Napalingon sa akin nang dalawang beses ang piloto nang makita niya ang suot ko.
Oh, by the way, I'm wearing a PPE or personal protective equipment in complete set. Nag-umpisa sa goggles, safety glasses, face mask and face shield sa aking mukha. May hood ako sa ulo to cover may head, gloves and second layer gloves sa aking kamay, at impermeable gown na mula leeg hanggang mid-thigh. And lastly, fluid-resistant leg and shoe cover sa aking binti at paa. Mabuti na ang nag-iingat. Hello? Ba-byahe kami sa himpapawid, baka mamaya pagbaba ko sa helipad ay makalanghap ako ng kung anong mikrobyo o polusyon sa hangin.
Nang makaupo na ako sa loob ng chopper ay napansin ko na may tambak ng bags sa tabi ko kaya bahagya akong lumayo doon. Ginagamit ko rin kasing pang-deliver ng food ang chopper na ito kapag nagke-crave ako sa Isla Deogracia.
Mayamaya lang ay lumipad na ang chopper na sinasakyan ko pabalik ng city. Kaunting oras lang ang kailangan. I just have to go home for a while. I'm brokenhearted because of Adi. I felt so down and I suddenly missed my daughter. Kailangan ko siyang makita kahit sandali lang.
After two hours, my chopper landed on my mansion's rooftop. Bago ako bumaba ay nagwisik ulit ako sa hangin ng alcohol especially dun sa dinaraanan ko.
Dumerecho agad ako sa elevator pababa sa floor ng room ko. In a second, pabukas ng elevator ay sinalubong ako ng aking mga bodyguards and maids. Katulad ko ay naka-facemask din sila.
Kinalas ko agad ang suot kong PPE at isa-isa hinubad. Sa bawat floor na hakbangan ko ay may nakalatag ng carpet to make sure na safe itong lakaran.
Nag-spray muna ako ng alchol sa doorknob bago ko ito binuksan. Sinilip ko agad iyong bed kung saan natutulog nang mahimbing si Clio. My lovely daughter.
Marahan akong lumapit sa kanya para pagmasdan ang bata. Tulug na tulog siya at napakaliit ng kanyang mukha. Hinawi ko nang bahagya ang ilang hibla ng buhok na nakapatong sa makinis at maambok niyang pisngi. Nangingiti pa siya na tila nanaginip nang maganda.
"Daddy's here, my sweet," bulong ko sa kanya.
Nagulat ako nang biglang tumunog ang cell phone ko sa aking bulsa. Para hindi ako makagawa ng ingay, sinagot ko ang tawag sa labas ng kwarto.
"What?!" singhal ko agad sa caller.
"Sir, we have a problem."
"Who's this?"
"Your chopper's pilot, Sir."
"You're still on my rooftop?!"
"Yes, Sir. May problema po kasi."
Umigting ang panga ko. "Tell me."
"May babaeng lasing po kasi dito sa loob ng chopper. Pasensiya na, Sir, ngayon ko lang po napansin."
What?! At sino namang gagang lasing ang pumasok at natulog sa private chopper ko?!
"Sir, ano pong gagawin? Lasing na lasing po talaga itong babae."
"Then what the hell are you waiting for?! Dispose her!"
"Sir, nagising po e."
"Huh?"
"Kilala niya raw po kayo?"
"Seriously?!" Napapikit ako. "Fine! Ask her name!"
"Adi raw, sir."
Bigla ay nanlaki ang mga mata ko kasabay rin ng pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Clio.
Nakangiti ang mapulang mga labi ng bata habang pupungas-pungas na nagsalita. "Daddy, you're home. Did you bring mommy with you?"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro