Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 47

Episode 47



ADI's


"KUYA LION?"


Napatingala ako sa lalaking nagmamay-ari ng abuhing mga mata.


"I told you... stay away from him," wika niya sa malamig na boses.


Matagal akong napatitig sa kanya dahil matagal-tagal na rin noong huli kaming magkita. Nakasuot siya ng blue collar jacket, tampered fit jeans at white sneakers. Meron siyang nakasabit na gitara sa kanyang likuran. Oo nga pala, parte siya ng frat at bandang Black Omega Society.


Napayuko ako habang nakasandal sa pader. "N-na-miss kita, Kuya."


Bahagya siyang napaatras sa sinabi ko. Namayani sa kanya ang katahimikan habang nakabaling ang kanyang paningin sa kawalan.


"S-sorry..." Tumingala muli ako sa kanya dahil halos kasing tangkad niya si Rogue.


"What are you doing here?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.


"D-dapat lang na nandito ako dahil ako ang author ng movie na shinu-shoot ngayon–"


Umigting ang kanyang panga. "You know you shouldn't be here. You don't have to be the author of that fucking movie."


Hindi ako nakakibo. Galit na naman siya.


"Go home, Jane. I'll send a chopper for you." Tinalikuran na niya ako pagkatapos.


Napabuntong-hininga ako. "Kuya, ito ang passion ko. Masaya ako sa ginagawa ko."


Napahinto siya sa paglalakad. "Passion? You're just risking our plan." Salubong ang mga kilay niya nang lingunin niya ako. "You are behind enemy lines."


Hindi lang si Panther ang itinuturing niyang kalaban, kundi pati rin si Rogue Saavedra.


"Go home, Jane."


"Kuya, sandali..." Napalunok ako bago lakas-loob na nagsalita. "N-nasaan ang anak ko, Kuya?"


Napakuyom siya ng kamao. Galit siyang lumapit sa akin at mahigpit akong hinawakan sa braso. "Why are you doing this, Jane?" gigil niyang tanong. "I had sent you money, but the hell did you do? You gave it to charities!"


"Sinabi ko na sa 'yo, ayokong ng perang hindi ko naman pinaghirapan! May sarili akong prinsipyo sa buhay–"


"Fuck your principles!"


Nag-ulap ang paningin ko sa sinabi niya. Napaatras ako hanggang isa-isa ng nalaglag ang mga luha ko.


Namulsa si Kuya Lion at napabuga ng hangin. Mayamaya ay lumapit muli siya sa akin at inabutan ako ng panyo. "Here."


Ganito naman siya lagi. Magagalit tapos kapag nakita niya ng umiiyak ako, bigla na siyang mag-iiba ng mood. Hindi ko siya pinansin. Nagsisikip ang dibdib na nagpunas ako ng luha. Tatalikuran ko na sana siya nang hulihin niya ang pulso ko. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin—bagay na ngayon niya lamang ginawa.


Tuluyan na akong napahagulhol nang maramdaman ko ang init ng yakap niya. Ito ang yakap ng pamilya na matagal ko ng gustong madama.


"Kuya..." sambit ko.


Akala ko ay magiging ok na ako sa yakap ni Kuya Lion, pero hindi pa pala. May kulang pa. May kulang pa sa loob ng puso ko. Kulang na hindi na yata mapupunan hanggat hindi nasasagot ang isa sa pinakamalaki kong katanungan.


"Kuya, nasaan siya?"


Nanigas ang katawan ni Kuya Lion.


"Kuya, nasaan ang anak ko...."


"She's in good hands," usal niya sa aking tainga bago niya ako binitawan.


Wala na si Kuya Lion pero umiiyak pa rin ako. Iniiyakan ko pa rin ang katotohanan na hanggang ngayon, wala akong idea kung saan niya dinala ang anak ko.


...


ROGUE's


"WHAT IS WRONG WITH YOU?" Nakasimangot ang mukha ni Phoenix.


Nasa suite ko ang tatlo; sina Damon, Ryder, and Phoenix Laz. Of course wala na naman sina Rix at Lion. Nakakairita na rin ang dalawang iyon sa totoo lang. Kahit gaano pa sila ka-busy, hindi nila ako dapat tinatanggihan kapag pinapapunta ko sila. Like seriously? Sino ba ang leader dito?


"Hey, Rogue!" si Phoenix na nakasimangot pa rin habang nakatingin sa akin.


"What?" I raised an eyebrow.


"I mean, look at you. Elegant coat, skinny jeans and boots. Okay na sana, bro, kaso panira 'yang gloves at face mask mo." Pinaikot niya ang inuupuan niyang swivel chair at humarap sa akin.


Lalo tuloy akong napatitig sa life-sized mirror na kaharap ko. Taliwas sa mga puna ni Phoenix sa itsura ko ang nakikita ko rito.


Everything fits well. I am so perfect.


"And look at your hair, Rogue. Parang ni-ruler, pantay na pantay ang pagkakasuklay!"


"Wait a minute!" Mula sa lazy boy chair ay tumayo at biglang lumapit sa akin si Ryder. Ang mga mata niyang nanlalaki ay sinusuring mabuti ang suot kong wrist watch. "Whoa! I have that watch, too!"



Tumalikod ako sa kanya. "Social distancing, please. Baka mamaya matalsikan ako ng laway mo."


Pero patuloy siya sa paglapit sa akin. "How did you manage to have that signature watch like mine? It's a limited edition."


"So what do you mean, fake 'tong sa'kin?" Sinimangutan ko siya.


"He's a freakin' billionaire, bakit ka pa magtataka?" Damon said. Mukhang alam na niya ang pinagtatalunan namin kahit pa kakalabas niya lang ng bathroom dahil pinaghilamos ko siya since siya ang huling pumasok dito sa suite ko.


"Hey! And look at that necklace!" Phoenix widened his eyes on me. "Meron din ako niyan na nabili ko pa sa Europe. I bought mine on a bid."


Namulsa ako at seryosong hinarap siya. "So what do you mean, ninakaw ko sa 'yo 'to?"


Nagkatinginan lang sina Phoenix at Ryder. At hindi ko nagugustuhan ang palitan nila ng tingin!


Nanlalaki ang mga matang dinuro ko ang dalawa. "Hey! Hey! What are you thinking, huh? Na ginagaya ko kayo?" Napatakip pa ako sa bibig ko na may suot na face mask. "Oh, no freakin way! Anong akala niyo sa akin? Inggetero?!"


"We never said that." Nangingiti si Ryder sa sinabi ko.


"Whatever!" Inis na dinampot ko ang aking alcohol spray sa katapat kong mesa at ini-spray iyon sa hangin. "Anyway, I'm going on a date that's why I summoned you, guys, here. I know I am beyond perfect, but kung may mai-aadvice kayo sa akin, malaking karangalan iyon para sa inyo."


Napahagikhik si Phoenix saka siya nagpatibuwal sa kama ko at gumulong doon na parang bata.


"Seriously?" Damon grinned. "When was the last you had sex?"


"Gross! Too much bacteria and virus na kailangang pagsaluhan." Nag-spray ulit ako sa hangin ng alcohol.


"Rogue Saavedra is going on a date?" Parang hindi makapaniwala si Phoenix. "That is so not you."


"Dude, sino ba 'yang ka-date mo?" Umalis na sa kama ko si Ryder. Mabuti naman. Pero mamaya lang ay papapalitan ko na ang kama ko sa hotel staff. Mahirap na at baka kung anong mikrobyo na ang naiwan doon ni Ryder.


Si Phoenix naman ang naupo sa kama ko. "Saka totoo ba 'yan? Parang panahon pa ng Hapon nung huli kang na-attract sa mga babae, ah? Don't tell me bumalik na ang gana mo sa sex? So paano na ang germs niyan?"


"Shut up! Makikipagdate lang ako hindi makikipagsex!" Humarap ako kay Damon. "Say something. Anything! Advice me!"


"Well." Walang mapaglagyan ang ngiti sa labi ni Damon. "Be straightforward. Tell her that you like her."


Napanguso ako. "Maybe I like her."


Napabulalas ng tawa si Phoenix. "Come on, man! You won't date someone you don't like, that's the rule."


Napalunok ako. "Should I tell her I like her?"


Lalong napahalakhak si Ryder.


But seriously, I never dated anyone before. Even before the coma. Pero marami na akong babaeng naikama noon, pero hindi date para sa akin iyon. At ayaw ko na ring alalahanin dahil nasusuka ako sa tuwing naiisip ko na dumampi ang pawis ng mga babaeng iyon sa balat ko. Ugh! Ew!


Kung may naitulong man sa akin ang pagkaka-coma ko, iyon ay ang mas naging maingat ako sa germs kaysa noon. At mas pinahahalagahan ko na ang sarili ko ngayon. Hello? Napaka-perpekto kong tao, ano na lang ang mangyayari kung may mangyaring masama sa akin, right? Malaking kawalan iyon para sa mundo.


"Listen," ani Damon. "What do you feel about her?"


Napaisip ako. "I feel that... she likes me."


Napabulalas na naman ng tawa si Ryder. "Idiot!"


"Watch your word, Deogracia!"


"All right, leader." Ryder zipped his mouth with his middle finger.


Naiiling na lumapit si Damon sa akin. "Rogue, just tell Adi that you like her."


"Huh?!" Bigla na lang nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. "S-sino naman may sabing si Adi ang tinutukoy ko?" Pinagpapawisang umiwas ako ng tingin sa kanila.


Pigil na ang pagngiti ni Ryder ngayon. "Ngayon lang ako nakakita ng manliligaw na ma-pride."


"Excuse me, who told you na manliligaw ako?!"


Hindi na napigil ni Damon ang matawa.


Lalo akong nafrustrate dahil pinagtatawanan nila ako. Seriously? Ako? Pinagtatawanan? The hell!


"Tama na, guys. Pikon na 'yan." Tinapik ni Damon ang balikat nina Ryder at Phoenix. "Go, Rogue."


Napatingin ako sa wrist watch ko. "Yeah, ayokong ma-late."


"Anong oras ba 'yang usapan niyong date?" tanong ni Phoenix.


"Seven."


Nagkatinginan ang tatlo. "It's only four at may araw pa."


"Wala kayong pakialam!" Pagkasabi ko ay lumabas na ako ng pinto.


Inangat ko ang coat ko para i-check kung complete gear na ba ako. Alcohol, check. Tissue, check. Extra face mask, check. Extra gloves, check. Suklay, check. Nail cutter, check!


I'm ready. Now I have to see Adi.


...


ADI's


Nanakbo agad ako palapit kay Rogue nang makita ko siya sa dalampasigan. Nakapamulsa siya habang nakatingin sa kawalan. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakikita ko ngayon kung gaano kaganda ang kanyang mga matang kulay luntian.


"Idol, kanina ka pa?" Hinihingal ako nang lumapit ako sa kanya. Tiningala ko siya para lang mapangiwi dahil nakasuot siya ng face mask.


Okay na sana e. Ang lakas ng dating niya kahit sa malayo. Ang bango niya rin sa malapitan. Ang tangkad, well built ang katawan, saktong-sakto lang bagay na bagay sa suot na V-neck whit t-shirt na pinapatungan ng black na coat. Itim din ang fitted pants. At ang boots? Yayamanin! Leather kung leather! Ganitong-ganito iyong mga hot young billionaires sa mga novels na gusto kong isulat.


"Bakit ba ang tagal mo, kanina pa ko dito?" Kahit naka-facemask ay alam kong nakasimangot siya dahil salubong ang makakapal niyang kilay.


Napatingin ako sa relo ko. "7:05 pm. Five minutes late ako."


"Oh, see? Late ka! Kanina pa ko dito!"


"Idol, patawarin mo na yung five minutes."


Tinalikuran niya ako. "Akala ko kung ano ng nangyari sa 'yo." Bubulung-bulong siya.


Sinilip ko ang mukha niya. "Galit ka ba?"


"Social distance, messy girl." Bahagya siyang lumayo sa 'kin. "Don't forget that!"


Mukhang mainit ang ulo ni Idol, pero limang minuto lang naman akong na-late, ah?


Dahil tahimik siya at mukhang masama pa ang timpla ay pinagsawa ko na lamang muna ang mga mata ko sa pagmamasid sa kanya. Napakaguwapo talaga ng isang Rogue Saavedra. Guwapong-guwapo kahit pa may takip na mask ang kalahati ng mukha. Guwapong-guwapo kahit pa hindi hinahangin ang buhok niyang pantay ang pagkakasuklay.


"Nagdinner ka na? Kain tayo, Idol. Sagot ko." Nginitian ko siya. Umaasa ako na mababago ko ang mood niya.


"At saan naman tayo kakain? Ano naman ang ipapakain mo sa 'kin? Paano kung hindi ko gusto yung pagkain? Paano kung hindi ko makain?"


"I-idol–"


"Ano, gugutumin mo lang ako? Paano kung hindi mo na mabili 'yung gusto ko? Baka ang ending iwan mo lang ako."


"Idol, kakain tayo ng dinner, hindi tayo magtatanan."


"Well..." Bumaling siya ng tingin sa malayo.


Lumabi ako. "Sorry na kasi, Idol. Promise ko sa 'yo, babawi ako ngayon. May sweldo na ako, kaya hayaan mo naman na gastusin ko ang unang sahod ko sa 'yo."


Tumaas ang isang kilay niya. "Really?"


Tumango ako.


"Before anything else..." May kinuha siyang maliit na notebook sa kanyang bulsa at ballpen. Binuklat niya ito. "Naligo ka ba bago ka pumunta rito?"


Tumango ako.


"Check." Nagsulat siya doon sa notebook niya. "Nagtoothbrush?"


Nangunot na ang noo ko. "O-oo naman, Idol."


"Check." Pinagmasdan niya ang buhok ko. "Nagsuklay naman, so check," nakangiting sabi niya.


Meron siyang sariling checklist?


"Nagupit ka ng kuko?"


Inilahad ko sa kanya ang mga kamay ko pataob. "Oo, Idol."


"Check." Isinara na niya. "All right, we're good to go."


Humaba ang leeg ko sa mga restaurant na nasa malapit lang. "Doon tayo kumain?"


"Are you sure? Masyadong matao dyan, baka halu-halo na mga hininga ng mga taong diyan."


Napakamot ako. "Kung gusto mo, Idol, dun na lang tayo sa buffet ng hotel."


"Sounds good to me."


"Tara." Lalakad na sana ako nang awatin niya ako.


"Messy girl, wait!"


"Ano yun, Idol?" Humarap ako sa kanya.


Napahugot siya ng paghinga. "T-there's something I have to tell you."


"Sige lang, Idol."


Namulsa siya. "I-I want you to know that..."


Pinamungayan ko siya ng mata.


"T-that..."


Kumiling ang aking ulo habang hinihintay ang sasabihin niya.


"T-that..."


Napakamot na ako habang napapatingin sa relo ko.


"T-that..."


"Mamaya na lang kaya, idol. Gutom na ko e." Tatalikod na ako nang awatin niya ulit ako.


"Wait!"


Humarap ulit ako sa kanya at napatingala.


"I-I like you."


Napatigagal ako bigla. "H-ha?" Parang binagyo ang dibdib ko nang magsink in sa akin ang salitang binitawan niya.


"I like you. At kung pwede..." Napahinto siya.


Tigagal lang ako sa kanya dahil napakalakas na ng tibok ng puso ko nang mga sandaling ito.


"K-kung pwede, ligawan..." Napalunok siya. "...mo na ako."


Bumagsak ang balikat ko.


"Ligawan mo na ako, Adi."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro