
Episode 45
Episode 45
ROGUE's
Today was just another boring day here in Isla Deogracia. It's been a month since we started to shoot here and everyone was having a great time – except me. For me, every day sucks.
Napahilot ako sa aking sentido. I think I'm having a headache again.
"Another insomnia?" asked Voss Damon Montemayor.
He was lying on the wooden bench, wearing a navy blue trunks and nothing else. He's holding a horror book while looking at me. Kailan pa siya nahilig magbasa ng horror book? So matapang siya? Ugh, ako ang leader ng BOS and I am not scared of ghosts.
Gusto ko rin ng binabasa niya. Saan kaya niya iyon nabili?
At bakit ba nandito siya? Sa kalayuan naman ay natatanaw ko rin sina Ryder, Phoenix, Damon at Rix. Seriously? Anong ginagawa nila rito?
"Rough night, huh?" Damon arched his brow at me.
"Yeah." I massaged my neck.
"That's why we're here, Rogue. Aside from the fact na nandito rin kami para makapag-practice kasama ka." May VIP suite ang band namin sa hotel. We have our own floor here. May studio and bar lounge. "We are also here to support you." Ngumisi siya.
I shrugged. "Whatever, Montemayor."
Lalong ngumisi si Damon saka bumalik sa binabasang libro.
Ever since na tumungtong ako sa islang ito, wala akong ibang nasa isip kundi si Adi. Si Adi, si Adi at si Adi. It's only been a month, but it felt like it's been years since the last time I saw her.
Paano ba naman? Sa tuwing makakakita ako ng suklay ay siya ang naaalala ko. Lagi kong naiisip kung gaano kagulo ang buhok niya. Napapangiti ako sa isiping baka buhol-buhol na naman ito.
Kapag nakakakita ako ng kalat ay naaalala ko naman kung gaano siya kaburara. Napapangiti akong mag-isa kapag naalala ko kung gaano kakalat ang kanyang kuwarto, kung gaano siya kalikot matulog, kung gaano siya kaingay humilik, at kung gaano kabaduy ang kanyang pananamit.
God, am I missing her so much?
I doubt it. Baka iniisip ko lang siya dahil nasa isla ako? Nagbabalik lang siguro sa alaala ko ang Isla Potanes at siya ang naiisip ko since kamukha niya si Jane.
Pero bakit hindi siya mawala sa isip ko? I'm having a hard time sleeping every night because of her. Ano bang naipakain sa akin ng babaeng yun at siya na lang lagi ang laman ng isip ko? I tried so hard to get myself very busy, pero singit pa rin siya nang singit sa isip ko. Papansin siya.
Hindi rin ako makapag-concentrate nang maayos sa mga shoots ko. I made a lot of retakes because I always forgot my lines. Kahit sa mga rehearsals ko sa mga songs na kakantahin para sa concert namin ay nawawala ako sa tono.
And aside from that, bumabalik na naman ang takot ko sa germs. Actually, parang mas lumala pa ako ngayon. I thought I already figured out how to overcome my disorder after staying in Adi's house for days, but I thought wrong. Maybe Adi was really my cure. Dapat yata talaga ay lagi kaming magkasama hanggang sa tuluyan akong gumaling.
Napailing ako sa naisip ko.
And now I have to wait for another month or more before we finish all the scenes. I don't understand why it's taking so long for every shoot. Sometimes it takes days. Mukhang sinusulit ng mga staff at director ang pag-stay nila dito sa isla kaya binabagalan nila.
Napabaling ako kay Phoenix Laz Sandoval na naglalakad sa buhanginan habang kaakbay ang dalawang babae. Those women were in bikinis and I think they're models.
Phoenix was wearing black sando and white trunks. Meron nakasabit na DSLR camera sa kanyang leeg. Feeling photographer habang pinipicturan ang dalawang babaeng kasama niya.
Damn, I'm gonna buy that camera, too. Astig pala kapag may ganun.
Si Ryder Vito Deogracia naman ay nasa tubig. Nakasuot ng life vest na orange. Nagsi-senti siya. Hmn, I think the life vest will look better on me.
Anyway, thanks to Ryder. Siya ang dahilan kaya kami nakakapag-shoot ngayon dito sa Isla Deogracia. Bawal kasing mag-shooting dito. Even concerts ay bawal. Only our band, the Black Omega Society ang puwede. Kami pa lang ang nakatugtog dito. Masyadong metikuloso, pribado, at mahigpit ang isla na ito.
And since natuloy nga ang shoot dito ay maraming mga staff na tagalabas ang nakapasok sa island. Mas mahigpit ang security ng place na ito ngayon dahil nandito rin ang Black Omega Society. Our bodyguards were around the perimeter for our security. Sa itaas naman namin ay may lumilipad na mga camera drones na nagmamatyag sa amin live para bantayan kami.
"Do you mind if I ask you something?" pukaw sa akin ni Damon.
"What?"
"Why in the hell are you wearing those clothes?"
"Huh?" Napatingin tuloy ako sa suot ko.
"We're in a beach, Rogue. Bakit balut-balot ka?"
"What's wrong with my romper?"
"Long sleeve romper? And high boots? Seriously?" He sighed. "It's summer. We're in front of the ocean and you look like a fireman."
"Inggit ka lang siguro sa suot ko." Tumulis ang nguso ko. "E sa ayaw kong marumihan, pakialam mo ba?"
Bumagsak ang balikat niya. "Could you at least... take off your helmet please?"
...
ADI's
"AMEYSING!"
Tuwang-tuwa si Granny J nang ilagay niya ang suklay sa buhok ko at hinayaang bumagsak ito sa sahig. "Astig na ng buhok mo, hija. Tuwid na tuwid! Walang sabit!"
"Ni-rebond po kasi." Lumabi ako.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ba ako aayusan ng professional make-over artist ni Cassandra. Apat na beses sa isang linggo ay dinadala ako nito sa isang mamahaling parlor at skin clinic. Kung minsan naman ay sa isang fashion lesson. Marami akong natutunan sa tamang pananamit at kung anong dress ba ang trending ngayon. Iyong style ba na nababagay sa panahon ngayon.
Kapag weekend naman ay pumupunta kami sa mall para ipamili ako ng mga dress at ipinapasuot sa akin. Kulang na lang ay parampahin nila ako sa isang stage at gawing model.
"Hindi mo ba napansin, hija? Pati ang kutis lalong gumaganda?"
Napakamot ako. "M-may ibinigay po kasi sa aking vitamins ang dermatologist ko na kailangan ko raw inumin araw-araw." Bukod pa ito sa injection na itinuturok sa akin para sa skin ko raw.
"Saka ano ba yang ginawa sa kilay mo? Paki-plex nga. Sobrang perpek e."
"Microblading daw po ang tawag."
Dinampot ni Granny ang suklay sa sahig at sinuklayan ulit ako. "Natutuwa ako para sa'yo, hija. Para ka ng artista."
Isang buwan na ang nakakalipas nang ipa-make over ako ni Cassandra. Hindi man niya ako masamahan dahil nasa therapy pa rin siya, meron naman siyang inuutusang P.A. para samahan ako. Kahit ako ay nagulat nang malamang may natatabi siyang milyones sa kanyang bank account. Hindi ko naman magawang tanggihan siya dahil magagalit siya. Gusto niya raw bumawi sa akin since ayaw kong magpabayad sa lahat ng nagastos ko sa kanya sa hospital noong nasa coma pa siya.
"Kaya lang may napapansin ako sa 'yo." Biglang lumamlam ang mga mata ni Granny J.
"P-po?"
"Parang hindi ka masaya."
Napakurap ako sa tanong ng matanda. "M-masaya po." Dinampot ko ang isa sa mga damit na binili sa akin ni Cassandra. "Tingnan niyo po ang isang ito. Mamahalin po ito. Bagay na bagay po sa akin." Ipinatong ko pa iyon sa katawan ko para ipakita sa kanya.
Ngumiti siya sa akin pero agad din na napalitan ng lungkot ang kanyang mukha. "Nitong mga nakaraan kasi, parang ang lungkot ng mga mata mo, hija."
Napayuko ako. Hindi ko pala kayang itago ang lungkot na nararamdaman ko. "K-kasi po... tumawag sa akin ni Direk Hermes."
"Anong sabi ni Pogi?"
Napahugot ako ng paghinga. "K-kinukuha niya po akong assistant niya sa shoot."
"Pumayag ka?"
Umiling ako.
"Bakit ka tumanggi?"
"E wala naman po akong experience sa pag-a-assist sa isang direktor."
"Iyon ba talaga ang dahilan, depungas ka?"
Napakapit ako sa laylayan ng damit ko. "A-ayoko na pong makita si... Bathala."
"Ayown!" Lumapit sa akin ang matanda at hinimas ang aking likod. "Mahal mo pa rin, ano?"
Bigla na lang may tumulong luha mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit napakababaw ng mga luha ko pagdating sa ganitong paksa.
"O ano 'yang mga luhang 'yan?" Sinilip niya ang aking mukha. "Mahal mo pa rin siya? 'Yun ba ang ibig sabihin niyan—"
"Mas mahal ko po ang anak ko."
Namutla si Granny J. Ang maitim niyang balat ay naging grey.
Mapait akong ngumiti. "Mas mahal ko ang anak ko," ulit ko. "Mahal na mahal ko."
Napalunok siya at saka ako niyakap. Mahigpit na yakap.
"P-pasensiya ka na, hija. Wala akong magawa..."
Lalong bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. Naramdaman ko na naman ang sakit na ayoko na sanang maramdaman ulit.
"Pasensiya ka na... Hanggang ngayon, mahihina pa rin tayo..."
Napahagulhol tuloy ako sa balikat niya. "H-hirap na hirap na po ako... Ang sakit-sakit na po kasi..." Lalong naglandas ang mga luha ko. Sobrang sikip ng paghinga ko. Napakasakit ng nararamdaman ko.
"G-gusto ko na lang pong makalimot... gusto ko na lang pong lumayo." Kumalas ako sa kanya. "P-pero hindi ko po alam kung bakit parang hindi ko magawa... Bakit hindi ko kaya!"
"A-ano ang plano mo?"
"N-naguguluhan po ako."
Pinupunasan ni Granny J ang mga luha ko. "A-anuman ang desisyon mo, dun kami ng Lola Imang mo... Basta ang gusto ko lang ay mawala na 'yang sakit na nararamdaman mo..." May luha na siya sa kanyang eyebags.
Biglang tumunog ang aking cell phone. Nang makita ko sa screen ang pangalan ni Hermes ay nagdalawang isip akong sagutin ito. Napatingin ako kay Granny J.
"Ikaw na ang magdesisyon, hija." Hinawakan niya ang kamay ko.
...
ROGUE's
TAPOS na ang shoot. Maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga lamppost at natitirang shooting lights. Kalat-kalat pa rin ang mga tent dahil dito ulit ang scene para sa susunod na shoot tomorrow.
"You did great." Ngumiti si Hazel habang nakatingala sa akin. Ang tinutukoy niya ay iyong shoot kanina. Na-perfect kasi namin ang mga lines at wala kaming retake sa scene na iyon.
She's wearing a dark red sundress and high stilleto. Red pear shaped earrings ang nakasabit sa kanyang tainga at red gems naman sa kanyang necklace na nasa leeg niya. Everyone was enjoying their dinner except me. Nilapitan niya ako nang mapansin niyang wine glass lang ang hawak ko habang nag-iisa.
"Come on 'Wag kang magmukmok dito. Sabayan mo ako sa dinner."
"Not gonna happen." Sumisim ako sa aking wine.
"How about a rehearsal later para sa shoot natin tomorrow? Remember na heavy drama tayo bukas."
Hindi ko siya kinibo. Nilagok ko lang ang laman ng wine glass.
"Rogue, dun tayo sa suite ko, if you want."
Namulsa ako at inirapan ko siya. "Stay away from me." Pagkatapos ay naglakad na ako para lampasan siya.
"Suplado talaga," bulong niya na narinig ko pa.
I went for a walk to take some fresh air. Pinakinggan ko na lang ang alon ng dagat kahit madilim na ito para tanawin. Tumingala ako sa kalangitan at humanga sa liwanag ng buwan at mga bituin. Ah, those stars... they're stunning.
Mayamaya ay napahilot ako sa sentido. Another headache, huh? I had a dream last night that it made me so hard to go back to sleep. Nagulat daw ako nang bigla akong lapitan ni Adi. Nandito raw siya sa Isla Deogracia at nagkita kami.
Actually, that's my dream every night. Paulit-ulit iyon at parang totoo. Nalulungkot ako sa tuwing nagigising na ako at nalalaman na panaginip lang ang lahat. Siguro dahil nami-miss ko siya kaya ganun lagi ang panaginip ko.
Napayuko na lang ako at napamulsa.
"Good evening, Idol."
Huh? Boses ni Adi 'yun, ah?
Baka gunu-guni ko lang.
"Idol?"
Boses nga ni Adi 'yun! Nang lingunin ko ito para mapagsino ay namilog ang mga mata ko.
Si Adi ba talaga 'to?
The woman in front of me was so gorgeous, I could cry!
"Idol?" tawag niya ulit sa akin.
It's Adi's voice! This woman is really her!
But wait! What happened to her? Ang laki ng ipinagbago niya?!
Ang dating magulo niyang buhok na ngayon ay tuwid na tuwid at makintab. Mamula-mula rin nang bahagya ang kanyang cheeks at lips dahil yata sa make up. She's wearing an ear cuff diamond earrings in both ears. Iyong necklace niya sa kanyang leeg ay kumikinang. May hawak siyang paperbag.
Even the way she dressed had changed. She's wearing a pastel color chiffon hanging blouse. Oh, and it was off-shoulder too!
Speaking of the shoulder, ang kinis ng shoulder niya!
And the way she carry herself, mas confident kaysa noon. Seriously? What really happened to her? Bakit bigla siyang naging into fashion? Bakit biglang nag-iba? Bakit sobra-sobrang ganda niya?
Ah, right. Kulang ako sa tulog because of my insomnia. And I must be dreaming at this moment.
Nagsalubong ang mga kilay ni Adi habang nakatingala sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit naestatwa ako sa pagkakatitig sa kanya. Ang galing naman ng panaginip na ito. Siguro kapag hindi pa ako nagising ngayon ay sasampalin ko na ang aking sarili.
"O-okay ka lang ba, Idol?" Bahagya siyang lumapit sa akin.
Now I really have to slap myself. I need to wake up!
Sinampal ko nga ang aking sarili at hindi ako nagising. Hindi ako nagising kasi gising talaga ako. What the fuck?!
"Idol, lasing ka na, ano?"
Nasapo ko ang aking pisngi. Goddammit! Sinaktan ko ang sarili ko!
"Idol?"
Kinusot ko ang mga mata ko at napatitig kay Adi. "I-is that really you?!"
"Kumain ka na?" Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Ibinigay niya sa akin ang paperbag na hawak niya. "Gutom lang 'yan, Idol."
"H-huh?"
"Alam ko kasing hindi ka pa nagdi-dinner dahil imposible makisalamuha ka sa kanila para kumain kaya dinalhan kita ng sarili mong pagkain."
I could hear her voice so clearly. So this was real? She's really here?!
"W-what are you doing here in Isla Deogracia?" Tigagal pa rin ako sa kanya.
"Ah, kinuha akong assistant ni Direk Hermes kaya ako nandito." She pouted her lips. "Kanina lang dumating ang chopper na sumundo sa akin sa Maynila."
Darn, she's so cute!
"Sabi niya, baka magshoot pa raw ng isa pang buwan kaya–"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bitawan ko ang paperbag na ibinigay niya sa akin. Then I abruptly took her wrist and pulled her to me.
"I-idol..." Nagulat siya sa ginawa ko.
Ikinulong ko siya sa aking mga bisig. I was literally shaking right now.
"O-okay ka lang ba?" Tumingala siya sa akin kahit nakasiksik ang pisngi niya sa dibdib ko. "N-nanginginig ka..."
Umismid ako. "H-hindi naman sa pa-fall ako ha, pero gusto ko lang malaman mo na..." Bahagya akong natigilan. "N-namiss kita..."
Natigilan siya sa sinabi ko. Wala siyang imik nang ilang minuto pero naramdaman kong lalong sumiksik ang mukha niya sa dibdib ko.
And all of a sudden, naramdaman kong umangat na rin ang kanyang mga braso para gumanti ng yakap sa akin. "N-namiss din kita... sobra..."
God, I thought my heart fell out of my chest at that moment.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro