Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 44

Episode 44

ADI's


INABOT ni Cassandra ang isang kamay ko at hinawakan iyon nang mahigpit. "You know, Jane, that's impossible. Bakit hindi ka hinanap ni Rogue—"


"Isang taon na mahigit noon nang makarating tayo sa pampang, pero hindi niya ako hinanap. Lumipas pa ang ilang buwan pagkatapos, p-pero wala pa rin..." Pumiyok ako.


"Baka may nangyari lang kaya—"


"Anong nangyari?" Tumaas na ang boses ko. "Anong pwedeng mangyari para hindi niya ako hanapin agad? Sabi mo nga, marami siyang koneksyon. Marami siyang pera at marami siyang pwedeng gawin, pero hindi niya ginawa. Wala siyang ginawa!"


Nanahimik si Cassandra.


"Kahit pa sabihing nakaratay siya o busy siya, kaya naman siguro niyang mag-utos ng tao para hanapin ako. Marami siyang pera at tauhan kaya mahahanap niya ako kung gugustuhin niya. Pero hindi, Cassandra. Hindi siya gumawa ng paraan. Hindi kahit kailan!"


Inalo niya ako nang magsimula ng manginig ang boses ko.


"Wala siyang pakialam sa akin. Wala siyang pakialam kahit pa nababaliw na ako kakaisip kung paano ako magsu-survive dito sa city! Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga panahong iyon. Bago lang ako sa city at walang kaalam-alam!"


Nang bumalik sa alaala ko ang nakaraan ay nabuhay na naman ulit ang natutulog na sama ng loob sa dibdib ko.


"Nagsikap ako. Pinilit kong makatayo sa pagkakalugmok. Hanggang sa makaahon ako. Lumipas ang panahon na puro galit lang ang nasa puso ko. At mas nadagdagan iyon noong napanood ko siya sa isang screen sa Edsa." Tuluyan ng naglandas ang aking mga luha. "K-kumakanta siya... masayang-masaya siya na pinagkakaguluhan siya ng mga fans niya."


Hinimas ni Cassandra ang likod ko.


"H-habang ako... nangungulila sa kanya..."


Hinarap ko si Cassandra at hinayaan siyang makita ang galit sa mga mata ko na ngayon na lang ulit lumabas at nagparamdam.


"Kahit galit ako, kahit nagtatampo, s-sinubukan ko pa ring makalapit sa kanya. Pinilit ko pa ring makita siya. Pero itinaboy ako ng mga bodyguards niya."


Kinabig pa ako ni Cassandra palapit sa kanya para yakapin.


"Habang natatakot ako sa mga mangyayari sa buhay ko, habang nahihirapan akong mag-isip sa mga bagong impormasyon tungkol sa totoo kong pagkatao, at habang mabaliw-baliw ako kung paano makakaraos sa araw-araw, hayun siya at masaya sa buhay niyang masagana. Maligayang siyang bumalik sa tunay niyang buhay, sa kasikatan at sa karangyaan."


"He's really different in this world, Jane. He's a god here. He's hard to reach."


"A-ang sakit lang kasi, BFF... kasi mahal na mahal ko siya... nangarap ako at umasa na makakasama siya. Naniwala ako sa pangako niya na kapag nandito na sa siyudad ay papakasalan niya ako. Kaya ang sakit na wala na pala lahat ng mga plano namin sa isla. H-hindi ko siya maabot dahil magkaiba pala talaga ang mundo naming dalawa..."


Tandang-tanda ko pa noon. Habang itinataboy ako ng mga bodyguards niya ay saka lang nag-sink in sa isip ko na hindi na siya ang Rogue na nakasama ko sa isla. Na iba na siya dito sa siyudad—na ito talaga ang tunay na siya.


Nang mga araw na yun, siguro ay napagkamalan kaming mga taong-grasa ng mga bodyguards niya, dahil ilang buwan din kaming nagpagala-gala lang sa kalsada. Naging mahirap sa amin nila Granny J at Lola Imang ang unang apat na buwan dahil hindi namin alam kung paano magsisimula. Na-culture shock ako dahil sa isla na ako lumaki. Mabuti na lang at may experience na pala si Granny J sa city dahil dito raw siya lumaki kasama si Lola Imang.


Niloloko ko lang ang aking sarili kung maniniwala pa ako na hahanapin ako ni Rogue. Dahil sino ba naman ako kumpara sa kanya? Isa lang akong mangmang na naging libangan niya sa isla noong mga panahong mabaliw-baliw siya sa kakaisip kung paano makakabalik sa tunay niyang buhay. Nadala lang talaga siya ng emosyon niya noon kaya siguro inakala niyang minahal niya talaga ako. Dahil kung talagang mahal niya ako, bakit hindi siya nag-alala sa akin? Bakit hindi niya ako hinanap?


"I'm sorry, Jane, BFF." Napayuko siya. "Hindi ko alam na magkakaganito. Naniwala rin kasi ako na talagang mahal ka ni Rogue, kahit pa hindi talaga kapani-paniwala na kayang magmahal ng taong iyon."


Napahagulhol na ako sa balikat niya. "B-bakit niya ako kinalimutan? Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya? Minahal ko naman siya nang tunay at higit pa sa sarili kong buhay." Umangat ang aking mukha at pinunasan ko ang aking mga luha. "P-para akong mababaliw noon sa sobrang sakit. H-hirap na hirap ako. Hindi ko alam ang gagawin ko..."


"But you did it." Ngumiti sa akin si Cassandra. "Look at you now, Jane. You look smarter now than before. Nakaka-amaze na natutunan mo na agad-agad ang lahat dito sa syudad."


Mabuti na lang at lihim kong pinag-aralan noon ang pagbabasa nang nasa isla pa ako kaya hindi ako nahirapan na matutunan yun nang mapadpad na kami dito sa city. Unti-unti ay pinag-aralan ko ang English sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga novels. Magaling din na teacher si Granny J kahit mali-mali minsan ang pronunciation niya sa mga words. Tinuruan niya rin ako magsulat kaya siguro nakalimutan na niyang maligo.


At nang mga panahong iyon na kami natagpuan ng taong tumutulong sa amin ngayon. Isang lalaking hindi ko pa pwedeng pangalanan. Hinahanap "niya" pala kami. Siya ang dahilan kaya kami nakapagsimula nila Granny J at Lola Imang. Binigyan niya kami ng pera at pinatira sa isa sa mga condo niya. Siya rin ang sumagot ng mga hospital bills ni Cassandra matapos ipalipat sa private hospital ang babae.


Sinamantala ko ang pagkakataon habang nasa poder niya kami noon. Pinag-aralan ko ang mga bagay-bagay dito sa siyudad at salamat dahil kahit paano ay natuto ako. Pagkatapos ay nahilig ako sa panonood ng mga movies sa TV. Dahil doon, nagka-interes ako na pasukin ang pag-e-extra sa mga pelikula.


At sa buhay pelikula ko nakilala si Hazel dahil sa minsang pagdalaw nito sa set. Mula noon ay naging kaibigan ko na si Hazel. Siya ang unang kaibigan ko sa siyudad kaya pinahalagahan ko siya nang husto.


Si Hazel din ang naging daan para kumita ako ng extrang ng pera mula sa pagsusulat ko ng mga short stories. Hanggang sa kinuha niya na nga ako bilang kanyang ghostwriter. Dahil din kay Hazel kaya nakapag-enroll ako sa ALS program.


Hindi sang-ayon ang tumutulong sa amin sa ginagawa ko pero wala siyang magagawa. Tutol man ay wala siyang nagawa kundi pabayaan ako sa pride ko. Mula nang nagsimula na akong kumita dahil sa pag-e-extra at pagiging ghostwriter ni Hazel ay hindi na talaga ako tumanggap ng pera mula sa lalaking iyon. Umalis na rin kami nina Granny J at Lola Imang sa condo niya at nagsimulang mabuhay sa sarili naming paraan.


Lumipat kami sa maliit na paupahan bago pa kami nakaupa sa medyo mas malaki. Kami na rin ng dalawang matanda ang sumasagot sa mga hospital bills ni Cassandra nang umayos na ang income namin sa pag-e-extra. Hindi ako huminto sa pagbabasa dahil ginawa ko na iyong self-study. Alam kong mabilis akong maka-pick up kaya hindi ako huminto sa pagdi-discover na natutunan ko mula sa mga Internet at books. Kaya ang cheke na ipinapadala sa amin ng lalaking tumutulong sa amin ay idino-donate ko na lang sa mga charity. Kahit naman kasi pigilan ko siya ay nag-i-insist pa rin siya na magbigay sa akin ng pera.


At kahit wala na ako sa poder niya ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagprotekta sa amin.


"You're doing great, BFF." Pinagmasdan ako ni Cassandra mula ulo hanggang paa. "Except the way you dress." Napasimangot siya.


Napakamot lang ako.


"But don't worry, I'm gonna help you with that. I know fashions. All you need is a make up over." Sinuklay niya ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri. Lalo tuloy nagkabuhol-buhol ang aking buhok.


Napangiwi siya. "Oh, damn it."


"F-favor lang, BFF. Wag mong sasabihin kay Rogue ang totoo."


"Of course." Hinimas niya ang braso ko. "I'm on your side. Besides, I'm a bitch. So expect me that I'm good at it, Jane."


"Kaya sanayin mo na rin ang sarili mo na tawagin akong Adi."


"All right, Adi." Napaisip ulit siya. Mukhang ayaw pa rin niyang sumuko sa amin ni Rogue. "But why don't you just tell him the truth? Para lang sa ikakatahimik mo. Para malaman mo rin ang mga sagot sa mga tanong mo. Closure na rin just in case na talaga palang wala na siyang paki sa 'yo."


Umiling ako.


"Why not?"


Kanda-iling ako. "H-hindi na pwede, Cassandra. Komplikado na."


Napabuga siya ng hangin. "May hindi ka na naman ba sinasabi sa akin?"


Hindi ako umimik sa tanong niya. Napayuko lang ako. Pero totoong huli na para sa amin ni Rogue. Kung sana ay hinanap niya na ako noon, sana nakagawa kami ng paraan sa mga problemang kinakaharap ko ngayon. But it's already too late.


Nagkibi-balikat si Cassandra. "The answer to this problem is so simple. Just tell him the truth and everything."


"B-basta, hindi pwede. Sorry, hindi talaga pwede."


Tinitigan niya ako. "Wait a minute!" Umusod siya para silipin ang aking mukha. "You can't tell him because there's something that you are hiding, right? May iba pang dahilan pwera sa galit mo sa kanya, right?"


Napapikit ako nang mariin. Maybe kailangan ko rin sabihin kay Cassandra ang totoo since involved din siya sa lahat ng ito. Isa rin siya sa kailangan kong itago para hindi maisip ni Rogue na totoo ang isla.



"D-dahil may... pinoprotektahan ako," sa wakas ay nasabi ko sa kanya.


"Let me guess. You're protecting those two grannies, please tell me no."


"H-hindi lang sila."


"Then who?"


"Tayong lahat, BFF."


"Kanino tayo mapapahamak kapag lumabas ang katotohanan nanag-eexist tayong lahat? Sino ang magtatangka sa buhay natin?"


Napalunok ako.


Napabuga siya ng hangin. "I get it. It's Panther Foresteir, right? Your goddamned psychotic brother."


Tama si Cassandra. Lahat kami mapapahamak kapag natuklasan ng taong binanggit niya na buhay kaming lahat.


Malungkot na napatingin sa ibang direksyon si Cassandra. "Papatayin tayong lahat ni Panther kapag nalaman niyang buhay tayo so we need to hide from him. Kaya hindi rin pwedeng malaman ni Rogue ang tungkol sa atin ay dahil magiging way iyon para malaman din ni Panther na nandito tayo sa city."


Tumango ako.


"Good thing at may pumo-protekta sa atin. We should be thankful to him kung sino man siya."


Oo at gagawin ko ang utos niya. Susundin ko ang kanyang plano na paniwalain si Rogue na ako ay si Adi at hindi si Jane. Dapat isipin ni Rogue na hindi totoo ang isla at ang lahat ng naganap doon. Sinabi niya sa akin na gagawin niya ang lahat para maprotektahan kami basta sundin ko lang ang utos niyang ito. Kailangan ko siyang sundin kung gusto kong protektahan ang mga mahal ko sa buhay.


Hindi ko hahayaang mapahamak ang kahit sino kina Granny J, Lola Imang at Cassandra. Lalo na ang isa pang buhay na nakataya sa pagtatagong ito.


Bahagyang pinisil ni Cassandra ang kamay ko. "Naiintindihan ko na. Para sa kaligtasan nating apat ang pagtatagong ito."


"Hindi lang tayong apat..."


Kumunot ang noo niya.


"Meron pa akong isang pinu-protektahan, BFF."


"Sino?"


Napahugot ako ng paghinga bago nagsalita. "Ang anak ko."


Namilog ang mga mata ni Cassandra.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro