
Episode 39
Episode 39
ADI's
"Tell me, messy girl." Namulsa si Rogue sa kanyang jogger pants. "Why did you lie about you being the real author of the book?"
Napatingala ako sa kanya. Napalunok nang malalim. Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. Napayakap ako sa laptop na aking hawak-hawak.
Kung bakit naman kasi ang tanga ko. Nakalimutan kong nag-type ako kagabi ng para sa book sequel at naiwan kong nakaopen ang mismong file sa laptop. Nakalimutan ko ring i-shutdown ang laptop kagabi dahil sa nabigla ako nang dumating siya.
"So tell me the truth, messy girl."
Kailangan kong kumalma at mag-isip ng paraan kung paano lulusot. Hindi pwedeng malaman ni Rogue ang totoo dahil tiyak na sa maghihimas ako ng rehas 'pag nagkataon. Legal documents ang pinirmahan ko kay Hazel bilang ghostwriter. Ganoon talaga ang buhay ng isang ghostwriter, wala ka talagang habol kahit pa ikaw mismo ang gumawa. Intellectual property rights ang ibinenta at parang bagay lang iyon na agad malilipat sa iba. Kapag may nakalaam ng totoo dahil sa aking kapabayaan ay magiging breach of contract iyon sa part ko. At alam kong hindi magdadalawang isip si Hazel na idemanda ako dahil malaking kasiraan niya ito lalo na at si Rogue pa mismo ang nakadiscover ng katotohanan.
Lumunok muna ako saka pilit na ngumiti. "A-ano bang sinasabi mo, Idol?" Pasimple akong umiwas ng tingin. "L-laptop ni Hazel 'to. Ine-edit ko lang yung gawa niya." Kanda-utal ako sa pagsisinungaling. Pero sana kumagat siya.
"Huh?"
"D-di ba nga, editor niya ako? Natural lang na mabasa mo sa laptop na 'to ang i-tina-type niyang story."
May pagdududa sa kanyang mga mata pero hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya sa akin kaya naman ilang na ilang ako. Grabe ang mga mata ng lalaking ito, tumatagos!
Pilit pa rin ang ngiti ko. "K-kung gusto mo, ipakita ko pa sa 'yo, e." Yumukod ako at binuksan ang ilalim na drawer ko kung saan naroon ang mga resibong itinabi ko. Madali ko namang nakita ito nang mapansing pati iyon ay nakatupi nang maayos. "H-heto. Malinis 'yan at walang alikabok."
Inabot ko sa kanya ang resibo na tinanggap niya naman.
"N-nandyan ang pangalan ni Hazel sa resibo for warranty. Expired na nga lang dahil matagal niya ng binili ang laptop na ito."
Totoo naman. Bigay ni Hazel sa akin ang laptop na ito para makapag-type ako ng novel. Ito iyong time na ginawa na niya akong ghostwriter niya. At dahil siya ang bumili nito ay sa kanya nakapangalan ang warranty card. Makakalusot ako nito kay Rogue kapag nakita niya na kay Hazel nga ito nakapangalan.
Bumagsak ang balikat ng lalaki habang nakatitig sa resibo. Bakit parang bigla siyang nalungkot? Ano naman kung hindi nga ako ang author? May inaasahan ba siya? Wala siguro.
"O-okay na, Idol?" Binawi ko na ang resibo sa kanya.
"Where are you going?"
"Nagtext sa akin si Hazel. Kailangan ko ng ibalik sa kanya 'tong laptop dahil tinatapos niya ang sequel ng book na nandito."
"You can't leave me here." Napangiwi siya. "Baka pagsamantalahan ako ng dawalang lola mo. Look how dirty they are!" Inginuso niya ang dalawang matanda na kanina pa pasilip-silip sa kanya.
Napakamot ako. "Kung gusto mo, Idol, mag-lock ka ng pinto dito sa kwarto ko."
"Paano ako maliligo? Walang shower room itong kwarto mo!"
"Idol, relax."
"Huh?"
"Hindi mo ba napapansin, nakakalapit ka na sa akin nang walang takot?"
Nang ma-realize niya iyon ay bigla siyang humakbang palayo sa akin.
"See, Idol? Hindi mo napapansin ay unti-unti ng nawawala ang takot mo sa germs." Lumapit pa ako sa kanya. "Ang kailangan mo naman subukan ay lumapit sa dawalang matanda." Inginuso ko ang dalawang matanda na nasa di kalayuan. Busy ang mga ito sa pagtitig nang malagkit sa kanya.
"That would be the hardest test I must take, if ever. But no, I can't. Can't you see how gross they are?"
Napapailing ako habang nakatingala sa kanya. "Focus lang, Idol. Isipin mo na lang na wala sila diyan. Mag-yoga ka nalang ulit para makatipid kami sa ulam."
"Huh?"
"Sorry, Idol, pero kailangan ko na talagang umalis." Nanakbo na ako palabas ng kwarto. Doon lang ako tumapak sa mga pages ng magazine na nakalatag sa sahig hanggang sa makalabas ako ng pinto ng apartment.
"Wait!" habol niya sa akin.
Hindi ko na siya pinansin hanggang sa makalabas ako papunta sa maliit naming gate. Baka may itanong pa siya sa akin na hindi ko masagot ng tama. Hindi kasi ako sanay magsinungaling kaya mabilis akong nahuhuli, at ayokong mahuli niya ako. Hindi pa pwede.
"Wait, messy girl!" habol pa rin sa akin ni Rogue. Hindi siya makalabas ng bahay dahil ayaw niyang marumihan ang mamahalin niyang tsinelas.
Papara na ako ng tricycle nang matigilan ako.
"Hindi ka pa naliligo!" sigaw niya.
Natapik ko ang aking noo. Oo nga pala, maliligo pa pala ako. Saka ko lang namalayan na may nakasampay na towel sa balikat ko.
Bumalik ako papasok sa pinto nang nakayuko. Umiiwas ako kay Rogue dahil hindi ako makatingin sa kanya. Baka kasi may itanong na naman siya sa akin kaya basta ko na lang siya nilampasan papunta sa banyo.
"Tell me when you're done, messy girl," wika niya sa seryosong boses.
"B-bakit?" Nilingon ko siya.
"Pagkatapos mong maligo... gusto sana kitang suklayan."
...
ROGUE's
I looked down at my hands and I was still shaking. I freaked out at the thought that Adi might be the real author but it turned out she was not. I forgot that she's the editor, so it was reasonable to find the sequel of the book on that laptop. Ang akala ko rin ay sa kanya ang laptop na nakita ko sa kuwarto niya, but it turned out na hindi. Kay Hazel pala.
She could be Jane if she's the real author. No one could ever write that kind of story plot but Jane. I read the book a hundred times and I could tell how the author used the point of view of the protagonist. Walang ibang makakagawa ng ganoon kundi si Jane lang.
I slapped my forehead with my palm. Even it turned out that Hazel is the real author, I couldn't help myself to suspect Adi. Alam kong mali na umasa ako sa maling akala, pero hindi ko mapigilan ang aking sarili.
Isa-isa kong sinilip ang drawers ng cabinet ni Adi at pinakialaman ang mga dokumento na naka-folder. Karamihan sa mga ito ay test papers.
Did she go to school?
Nagbusisi pa ako. I have to find her birth certificate. Ito lang ang makakapagpatahimik sa akin kapag nakita ko na legit ang birth certificate niya. Or at least she had some pictures of her childhood.
Nagbubungkal pa ko sa kailaliman nang mapatingin ako bintana.
May sumilip doon mula sa labas. "Eluw. Ano. Gawa. Aydol?"
Napabalikwas ako sa pagkakaupo kaya natumba ako sa sahig. Nagsisigaw ako sa takot at nagtatakbo palabas ng kwarto.
Sinalubong agad ako ni Granny J. "Anyare, aydol?"
"D-doon sa bintana!" Nanginginig ako sa takot. "M-may enkanto sa bintana!"
"Baka si Imang lang yun, Aydol. Mas pangit kasi yun kapag umaga."
"Huh?" Sinilip ko ulit iyong bintana sa kwarto. Lumusot ang isang matandang babae na maitim papasok sa bintana.
"Nakow, e si Imang nga." Nasa likuran ko na pala si Granny J kaya lumayo ako sa kanya. Amoy patis kasi siya.
Napahawak ako sa aking dibdib. She almost gave me a heart attack.
"Ano. Ikaw. Hanap. Aydol?" Napalingap sa paligid si Lola Imang na nakapasok na galing sa labas ng bintana. "Bakit. Dito. Kalat?"
Maitim ang kulay ng balat niya at kulubot. Nababalutan pa rin ng trash bag ang katawan niya maliban sa kanyang ulo, mga kamay at paa. Ang maputi lang sa kanya ay ang kanyang mga mata kaya mukha siyang maligno.
"N-nothing. I'm just cleaning, that's all," pagdadahilan ko.
"Klening? E bakit ang kalat?" sita ni Granny J. Mukhang hindi naniniwala.
Inirapan ko ang matanda. "Fine. I'm looking for something."
"Panty ko, ano?" Kumindat siya sa akin kaya umuga ang kanyang eyebags.
She's wearing a lose sleeveless shirt kaya nakalitaw ang braso niya na parang punong-kahoy. Long see-through skirt sa pag-ibaba naparang kulambo at rainbow socks sa paa. Kulay puti ang kanyang mahabang buhok at halos lahat ng hibla ay nakatikwas. Meron yata siyang libag sa leeg na kung mahuhulugan iyon ng buto ng monggo ay siguradong tutubo.
So gross!
"Baka. Panty. Ni. Ako," singit ni Imang na napahagikhik sa kanyang nasabi.
Mukhang siyang sanggol na kumain ng dinuguan. Wala na ngang ngipin, ang itim pa ng gilagid niya.
"I-I'm looking for Adi's birth certificate," pag-amin ko.
Nagkatinginan ang dalawang matanda bago humarap sa akin. "Bakit mo naman hinahanap ang birt sertipikeyt ng apo ko?" tanong ni Granny J. Kunot na kunot ang noo. Bat biglang seryoso naman nito?
"I-I need it as a requirement," I lied to them. "You know, I'm not just an actor and a singer... I'm also a producer. I might recommend her to the other directors. T-that's why I need her birth certificate."
Kuminang ang mga mata ng dalawang matanda. "Nakow, e sandali, hijo." Nanakbo si Granny J sa kanyang kwarto at paglabas nito ay may dala na itong envelope. "Heto ang birt sertipikeyt ni Adi."
Kinuha ko ito agad at pinagmasdan. Her name is Adelyn Tumubol on this certificate. This paper seemed legit. May logo pa ito from PSA office. So, maybe Adi was telling the truth. Maybe she's not really Jane and I should stop right here.
"Heto rin ang birt sertipikeyt namin ni Imang." Inabot sa akin ni Granny J ang dalawa pang papel. "I-rekomend mo rin kami sa mga direktor."
Binasa ko ang isa. "Imangeline Tumubol?"
"Pangalan. Ito. Ako," sagot ni Imang.
So what's the J stands for in Granny J's name? Is it Jamod?
Binuklat ko pa ang papel. My eyes grew wide as I read her name on the certificate. "Jacqouline Tumubol?"
"Yis, aydol. Ako yun!" she proudly answered.
I can't believe there's such a name like this. Jacqouline? Seriously?
May isang sobre na nahulog sa sahig pagbuklat ko pa. Dinampot ko nang makitang hospital bill iyon.
"Sinong naka-confine sa hospital?" tanong ko sa kanila habang binabasa ang bill.
Nagkatinginan muli ang dalawa. "Best prend ni Adi," si Granny J ang sumagot.
Adi's best friend? May best friend si Adi?
Binasa ko pa ang statement letter kasama ng bill. "Her best friend is in coma?"
Tumango ang matanda. "Apat na taon na, Aydol."
Five years? Nagbasa pa ako.
My heart beat hard against my chest when I read the patient's name. "C-Cassandra?"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro