
Episode 37
Episode 37
ROGUE's
Malalim na napalunok muna si Phoenix Laz Sandoval bago siya nagsalita. "Hindi mo na ba ako mahal?"
"Mahal na mahal kita. Pero kailangan kong umalis. Hindi ito ang mundo ko." My voice cracked as I said those lines.
"Wag kang umalis." Sadness was all over PL's face.
"Mahal mo rin ako, di ba? Kung gayon ay sumama ka na lang sa akin, Abari. Iwan mo ang mga katribo mo at sumama ka sa akin paalis sa islang ito."
Napayuko siya para tingnan ang script na hawak niya. "Hindi ko alam, Apollo. Hindi ako makakapagdedsisyon ngayon."
"Bakit hindi?! Mahal mo ako, di ba?"
Kandaduling siya sa pagtingin sa papel na hawak niya. "Kailangan ako ng ka-tribo ko."
"Pero mahal mo ako, Abari. Sabihin mong mahal mo ako."
Napakamot si PL sa kanyang ulo. "Mahal kita. Mahal na mahal."
"Kung ganun..." Umalon ang aking lalamunan. "Halikan mo ako."
"Man, this is bullshit!" Naibato niya ang script na hawak niya. "I can't do this anymore, Rogue!"
PL was wearing a white shirt and a dark blue cardigan. Fitted maroon pants naman sa kanyang pang-ibaba at blue sneakers.
"Come on, bro!" reklamo ni Ryder Vito Deogracia na kanina pa nanonood sa amin. Mukhang dalang-dala na. "Nasa climax na e saka ka pa mag-iinarte!"
Ryder was wearing a turtle-neck sleeveless shirt and drop-crotch pants.
"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" Yamot na napasandal sa sofa si PL. "You know I can't kiss Rogue!"
Napahalakhak si Ryder. "You two were just rehearsing the script, you idiot."
"What the hell did you just call me?"
"That's enough!" awat ko sa kanilang dalawa. Alam kong pagmumulan na naman ito ng away. "Ryder, get your ass up. It's your turn, take that script."
"No way!" His eyes darted to Lion Foresteir who was leaning on the wall quietly. "Why don't you ask Lion instead? He's been there for hours!"
Lion crossed his arms and looked away when he heard Ryder mentioning his name. Ah, kanina pa pala siya nandito. Ni hindi ko man lang napansin kasi bigla na lang siyang lumitaw na wala man lang kaingay-ingay.
He was wearing a black trench coat, fitted ripped jeans, and black boots. I should wear those clothes, too, next time. I think those would fit better on me.
"That guy can't talk. How could he read the script?" biro ni PL.
Kahit ako ay bihira lang din na marinig ang boses ni Lion. He was always distant. They said he was a man of few words, pero nasobrahan na yata. Para kasing wala na siyang dila.
"Forget it." I sighed.
"I thought you were kicked out of this movie project. Why do you still have to rehearse?" Ryder asked me. "You have been replaced, right?"
Ngumisi ako. "Yeah, and Rix already fixed it."
Gulat na gulat si PL sa kanyang narinig. "No way, man. You got kicked out of the movie?" He shook his head. "Damn, I should praise whoever did that."
My jaw tensed up every time I remembered that guy. "His name is Hermes." Pinalagutok ko ang aking kamao.
"The Director of the movie?" Ryder grinned. "We should teach him a lesson. Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya."
"Rix told me that we cannot touch him until the movie ends. I don't have a choice but to wait 'till that time comes."
PL burst into laughter. "Seriously? You mean you have to work under him? Keri mo?"
"Shut up, Sandoval!" singhal ko na pikon na. "I'm gonna send him to hell after this movie. I will make sure of that!"
"I think that guy doesn't know who you are," Ryder said as he clasped his hand under his chin.
"He's fearless," mariing sambit ko. Wala pang nakakapag-angas sa akin nang ganoon, maliban sa miyembero ng Red Note Society. Hanggang sa makaharap ko ang Hermes na iyon na isang simple lang naman na direktor. Gusto kong halughugin ang buong pagkatao nito.
Marami akong tanong pero busy na si Rix para sagutin ako. He said that he'll give me the full details once he finds an extra time. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan ng lalaking iyon at pati ang pagma-manage sa band ay hindi niya na maharap nang maayos. Ang balita ko lang ay may binili siyang coffee shop. Hindi ko alam kung para saan ang coffee shop e hindi naman siya nagkakape.
Anyway, back to Hermes. The fact that Hermes appeared to be not afraid of me, lalo akong nasasabik na pataubin siya sa kahit anong klase ng laban. I can't lose to him! Lalo na't mukhang attracted siya kay Adi. He treated her so special. Huh! Kung alam niya lang na idol ako ni Adi.
Bumalik tuloy ang pag-iisip ko kay Adi. I just couldn't help thinking about her two ugly grannies. Alam kong mali na bigyan na naman ng pag-asa ang sarili ko. Pero hindi rin tama na tuldukan ko na lang ito agad pagkatapos kong ma-meet ang kamukha nina Jamod at Durat.
I think I'm gonna need a plan. I will call my doctor.
Napatingin ako kay Lion na kanina pa pala nakatingin sa akin. God, how I hate his gray eyes!
...
ADI's
"Adi, check this part. Hindi pa masyadong tuwid." Itinuro ni Hazel ang buhok niya sa likod.
Sinuklay ko iyon at ginamitan ng pantsa sa buhok. Nakaharap kami sa salamin habang plinaplantsa ko ang kanyang buhok.
"Just make it slowly," utos niya pa.
Nakasuot siya ng orange one shoulder dress kaya nakalitaw ang isa sa makinis niyang balikat. Beading hoops earrings ang nakasabit sa kanyang tainga at collar beads necklace naman sa kanyang leeg. Namumula ang kanyang pisngi dahil sa kapal ng kanyang blush on.
Casual lang ang pag-uusap namin ni Hazel na para bang walang nangyari. Tuwing i-o-open niya ang tungkol sa nangyari sa script ay sinasabi kong ayaw kong pag-usapan namin iyon. Katulad lang ng ginawa niya sa akin sa audition, umiiwas din ako sa nagawa ko sa kanya.
"That's enough." Pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang buhok sa salamin. "Pakiligpit na lang ng kalat dito. Ayokong marumi itong dressing room ko."
Tumango lang ako sa kanya.
"Do you really have to go on rest for a week?"
"Wala akong choice. Utos ni Direk na magpagaling daw muna ako," paliwanag ko habang dinadampot ang nagkalat na tissue sa paahan niya.
"Parang masyado ka yatang bini-baby ni Direk."
"Mabait lang talaga si Direk, hindi lang sa akin. Kung mahulog ka rin sa hagdan, siguradong babantayan ka rin niya sa medical room."
"Really?" May naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
"May iuutos ka pa?" pag-iiba ko ng topic. Hindi ko gusto ang pagngiti niya sa akin.
"Here." Inabot niya sa akin ang kanyang cell phone. "Click my shopping app there."
Nag-tap ako sa screen ng shopping app na sinasabi niya.
"Tap My Cart, and Check Out button to confirm."
Nanlaki ang mga mata ko sa mga item na nasa basket niya. Puro ito mamahaling branded bags at shoes. Bakit niya ba sa akin ito pinapagawa? Ano bang gusto niyang iparating sa akin? "L-lahat ba?" tanong ko.
"Yes. Lahat ng items." Pinagmamasdan niya lang ang reaction na para bang nang-aasar.
"Okay na."
"How much is the total?"
Napalunok ako. "Eight hundred thousan pesos..."
"Confirm it to process the transaction."
Napapailing na lang ako.
"Why it's taking so long?" Inagaw niya sa akin ang cell phone.
"Okay na, bukas daw ang delivery sa address mo."
Natawa siya. "You still don't get it, do you?" Lumapit siya sa akin at bumulong. "The book royalties, the advance payment in the adaptation movie, and your salary from writing the script, iyon ang perang laman ng bank account na connected sa app na 'yan. It means, wala ka nang sasahurin sa akin."
Nanlumo ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, ibinili niya lang ng mamahaling bag at shoes ang lahat ng kita ko sana?
"Finally, na-gets mo rin ang ibig kong sabihin, Adi." Tinalikuran na niya ako at dinampot ang kanyang bag. "It looks like wala na akong maibibigay na pera sa'yo. But thank you for the bag and shoes, though. Bye."
Bago siya lumabas ng pinto ay nilingon niya pa ako.
"Just a reminder – ikaw ang pumindot sa shopping app, hindi ako." Pagkuwan at nginisihan niya pa ako.
Naikuyom ko na lang ang aking kamao.
...
ADI's
"Nakow, bakit hindi ka pa nagtatanggal ng kontak lins mo? Malalim na ang gabi, ah" puna sa akin ni Granny J nang madatnan niya akong nakatanaw pa rin sa binata.
"May iniisip lang po ako."
"Ikaw. Problema. Ba?" ani Lola Imang na nasa likuran lang ni Granny J. "Ikaw. Kanina. Pa. Tulala."
Napayuko ako bago ako humarap sa kanila. "Nalulungkot lang po ako."
Hindi ko masabi sa kanila iyong ginawang pambu-bully sa akin ni Hazel kanina. Kilala ko ang dalawang ito, ipaglalaban kila ako nang patayan kapag naapi ako. At ayokong mangyari na ma-involve pa sila sa silent war namin ni Hazel.
"Bakit ka naman malulungkot, hija? Ayaw mo bang mapahinga ng isang linggo?" Pinandilatan ako ni Granny J.
"Mas gusto ko pong nagtatrabaho para makalimutan ko pong nalulungkot ako."
Napailing siya. "Maswerte ka nga at nakikita mo si aydol Rug, eh."
"Hindi. Lang. ikaw. Rin. Pogi. Direktor." Napahagikhik pa ang dalawa.
Ibig sabihin, na-meet nila kanina si Rogue? Kaya pala ang daming likes ng post nila kanina sa social media dahil sa picture ng lalaki.
"Pero mas mabait si Direk. Mantakin mo ba namang maya't maya ka niya binibisita kung maayos ba kalagayan mo."
"Granny J, ganun po talaga si Direk. Mabait po siya kahit kanino."
"Talaga lang ha! E nagpanggap nga rin akong napilayan kanina, anong ginawa niya? Nagpalaga lang siya ng dahon ng ipil-ipil at pinainom sa 'kin. Inumin ko lang raw yun araw-araw at gagaling ang pilay ko."
"P-po?"
"'Kita mo na, hija. Ibig sabihin iba ang trato niya sa'yo kumpara sa iba."
Umiling na lang ako at hindi sinang-ayunan ang sinabi niya.
"Oh, siya, hija. Tanggalin mo na yang kontak lins mo at matulog ka na."
"Opo." Papunta na ako sa aking kwarto para mag ali ng lense nang may biglang kumatok sa pinto.
"Ow! Sino naman ang kakatok sa ganitong dis oras ng gabi?" Napatingin si Granny J sa orasang nakasabit sa dingding.
"Ako na po ang magbubukas." Nanakbo ako sa pinto at binuksan iyon. Napatigagal ako nang mapatingala sa lalaking bumungad sa akin.
Si Rogue Saavedra!
"I-idol, anong ginagawa mo dito? P-paano mo nalaman na dito ko—"
"Dito ako matutulog," pagkasabi niya niyon ay nilampasan niya ako agad para pumasok.
Nakasuot siya ng itim na fitted long sleeves at meron siyang sliver dog tag sa kanyang leeg. May bitbit siyang bagpack sa kanyang likod at kamuntik na siyang mauntog sa hamba ng pinto dahil sa tangkad niya.
Tulala lang ang dalawang matanda na hindi rin makapaniwala sa lalaking kapapasok lang ng pinto.
"Ipaghanda mo ako ng matutulugan," utos niya pa.
"H-ha?"
Inabutan niya ako ng dalawang trash bag. "And would you mind putting those two grannies in these trash bags?"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro