Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 36

Episode 36


ROGUE's


I'm one hundred percent sure who these grannies are. They are from the Isla Potanes and I couldn't be wrong! Itong mukhang puyat na unggoy ay si Jamod, at ang isang ito na mukhang engkanto ay si Durat!


Ngayon ay nagising na naman ang natutulog kong pagdududa. I know it's too early to jump to a conclusion, but I can't help it. I'm already freaking out! How come these two ugly grannies are with Adi? Could it be Adi is the Jane I know? And what happened in the island was real?!


It's a lot to take in to see that they exist. Or I should say – they're not extinct!


"A-are you guys Adi's grandparents?"


Tumango si Jamod kaya nauga ang kanyang eyebags.


"I-ikaw ba yung lider ng Black Omega Gang, hijo?" tanong ni Jamod matapos mangulubot ang mukha sa pagkakatingala sa akin.


One of my brows arched in an instant. "It's Black Omega Society, and we're not a gang."


"Ikaw si Rug?!" Namilog ang mga mata niya kaya may pumulandit na muta mula sa kanya.


"It's Rogue, not Rug," I corrected her.


Damn, she's still gross.


Nagkatinginan ang dalawa at sabay nagtatalon sa tuwa. Parang mamamatay sila sa kilig dahil nasa harapan nila ako.


Wait a minute! It seemed that they didn't know me. I mean, they only know me as Rogue Saavedra, who is the vocalist of a famous band and a celebrity. Hindi talaga sila sina Jamod at Durat, katulad ng hindi rin si Adi si Jane! 


Damn me for giving another hope to myself! Now I'm so confused!


But I have to pull myself together. I need to know who they really are.


"Pans mo kami, aydol!" Tuwang-tuwa si Jamod habang nakatanga at nakatingala sa akin. "Pede magpa-utograp?"


Sinimangutan ko siya at iniba ang usapan. "A-anong pangalan niyo?"


"Ako si Granny J," Jamod introduced herself first. "Ito naman si Imang, sistir ko."


Granny J? Is her "J" stands for Jamod? And Durat's name is "Imang"? Are those really their names in this real world?!


Napahilot ako sa aking sentido. Mababaliw na yata ako kakaisip sa mga nangyayaring ito!


Kamukha ni Jamod itong si "Granny J" at ganun din si Durat na "Imang" naman ang pangalan. Then si Jane naman ay "Adi", and who else will I meet in the future? Cassandra? Kreed? What would be their names in this real world?


Tigagal lang sa akin si Granny J habang nakatingala sa akin. Tumulo na tuloy ang laway niya at hinangin agad kaya naging panis na laway.


"I think you two should check on Adi. She's inside this room," I said to them matapos akong umatras palayo sa kanila.


Kung titigan kasi nila ako ay mukha na silang manggagahasa.


"Aydol. Ayaw. Pa-utograph. Picture. Na. lang." si Imang. "Ako. Pikturan. Tabi. Aydol."


"Why the hell does she talk like that?" I asked Granny J. "Is she a robot?"


Napangisi ang matanda. "Nakow, aydol, hindi. Ganyan lang talaga masalita yang si Imang, nakakalibang."


"She's annoying and not entertaining. She talks like an alien or something," reklamo ko.


"Ako. Hindi. Alien." Lumabi si Imang kaya nagmukha siyang bakulaw. "Ako. Gusto. Piktur. Kasama. Aydol. Ikaw."


"That's not gonna happen." Bahagya pa akong umatras palayo sa kanya. "I don't take pictures with anyone."


Can't she see herself? Mukha siyang prinitong talong!


"Pwede pa-kiss na lang, aydol," singit ni Granny J.


"Do you want me to sue you?"


Nalungkot ang mukha ng dalawa kaya nagmukha silang basagulerang impakta.


Bakit nga ba nakokonsensya ako? O baka naiirita lang ako sa pagmumukha nila? "Fine." Napamulsa ako. "If you want, picturan niyo na lang ako. Para naman may magamit kayong theme sa cell phone niyo, or pwede niyo rin akong i-tag sa social media para ma-like ko."


Natuwa ang dalawa kaya itinutok nila sa akin ang camera ng kanilang cell phone. "Pows ka, aydol."


Seriously?


Hinawi ko ang aking buhok at sumandal sa pader habang nakapamulsa.


"Smile nang konti, Idol," utos ni Granny J. Para siyang professional photographer na payuko-yuko pa habang pini-picture-an ako.


"I don't smile." Sinimangutan ko sila.


"Labas abs na lang," request niya pa.


"'Not gonna happen."


"Tek-off shirts."


"Nope."


"Kita brif."


"Never."


"Hubo pants."


I should definitely bring my gun next time, so I can shoot them.


...


ADI's


Nasapo ko ang aking ulo pagbangon ko mula sa aking pagkakahiga. Nakatulog ba ako? Ang huling natatandaan ko ay nandito kanina sila Granny J at Lola Imang sa tabi ko. Busy sila kanina sa kanilang cell phone dahil meron daw silang ipo-post sa social media nila.


Siguro may na-picturan na namang artista ang dalawang yun?


"Are you feeling all right, Adi?"


Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang gulat nang magsalita ang isang lalaki na nasa gilid ko lang pala. "H-Hermes?"


Plain white v-neck shirt lang ang suot niya at ripped blue jeans. Mukha siyang bagong ligo dahil sa wet-look niyang buhok. Palagi namang wet look ang hairstyle niya. Ang linis-linis niya talagang tingnan.


"Are you hungry? What do you want to eat?" Inaayos niya ang kumot ko.


"A-ah, anong oras na?"


Napatingin siya sa kanyang suot na gold wrist watch. "It's almost eleven."


Malalim na pala ang gabi. Bakit kaya nandito pa siya? Hindi ba siya napagod kanina? Marami siyang shoot na nagawa kahapon pa.


"Masakit pa ba ang balakang mo?" tanong niya.


Bahagya kong iginalaw ang balakang ko para pakiramdaman kung masakit pa nga ba ito. "O-okay na ako."


"Good. I think magpahinga ka muna ng isang linggo."


"P-pero—"


"That's what your doctor suggested."


Tumawag din siya sa doctor?


Napanguso ako. "Wala namang masakit sa akin. Tingin ko kaya ko na ulit magtrabaho bukas."


Tumayo siya at may kinuha sa ibabaw ng drawer. Dumampot siya ng prutas doon at bottled water. "You have to take rest for a week." Inabot niya sa akin ang mga ito. "That's an order, Adi."


Kinuha ko ang mga inabot niya sa akin.


Inabutan niya rin ako ng sandwich na ininit niya muna sa microwave. "Now eat."


Mali ba na isipin kung meron siyang special treatment sa akin? Kapag in-open ko naman sa kanya kung ano itong iniisip ko ay baka mapahiya lang ako. Baka naman kasi ganito talaga siya kabait sa lahat. Sa tingin ko mali talaga na bansagan siyang The Terror Director.


"I'm gonna make a cup of coffee."


Akma na siyang tatayo nang awatin ko siya. "W-wag na. Nakakahiya na masyado."


"It's fine." Hindi ko na siya naawat nang magtimpla na siya ng kape. "You know it's my fault kaya ka nahulog sa hagdan."


"H-hindi mo naman kasalanan kung tatanga-tanga ako."


Hindi ko alam kung natawa siya sa sinabi ko dahil nakatalikod siya sa akin. Pero narinig kong mahina siyang napahalakhak.


"Here." Inabot niya sa akin ang isang tasa ngkape. Meron din siyang hawak na tasa at sumimsim muna siya dito bago siya umupo ulit sa upuan malapit sa akin.


Napayuko ako. "N-nakatulog ba ako?"


"Yup."


Napapikit ako. Nakita niya kaya kung gaano ako kalikot matulog? Nakakahiya talaga.


"N-nasaan iyong dalawang lola ko?"


"They're outside. Magha-hunt lang raw sila ng artista."


"I-ibig sabihin may shooting pa rin sa labas?"


Humigop siya sa kanyang tasa. "We'll not sleep 'till tomorrow, I guess. We need to finish some scenes here."


"Bumalik ka na roon, baka kailangan ka na nila."


"Nandoon ang assistant ko and co-director. They know what to do even without me."


Lalo akong napayuko. Ano na lang ang sasabihin ng ibang staff kapag nalaman nilang nandito si Direk sa akin para bantayan ako?


"If you're feeling well, I can take you home. Isabay na rin natin yung dalawang lola mo bago pa nila masira ang set ko."


Napakamot ako. Mukhang may ginawa na namang kalokohan ang dalawang yun.


"Ibig sabihin ba ay hindi sila nakapasa sa audition?"


"Of course, they did pass. Actually, sila talaga yung kailangan ko sa set. They have the experience and they really fit to the role. Especially yung hitsura nila."


"S-salamat." Humigop na ako sa tasa ko.


"Be careful, it's hot," babala niya sa akin.


Napaihip tuloy ako sa kape ko. Mayamaya ay napangiti ako.


"Why are you smiling?" sita niya.


"Maswerte siguro kung sino man ang mapapangasawa mo."


"Huh?"


"Masyado kang maalaga kahit kanino. Maasikaso ka, mabait at maalalahanin. Ang swerte kung sino man ang makakatuluyan mo."


Nakakapagtakang bigla na lang nagdilim ang kanyang mukha. Hindi na siya kumibo pagkatapos ng nasabi ko.


"O-okay ka lang. Baka kailangan ka na sa set," sabi ko para basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.


"I think so, too." Tumayo siya at naglakad palabas ng pinto.


May nasabi ba akong masama? Nagalit kaya siya sa nasabi ko tungkol sa pag-aasawa?


Lalabas na sana siya ng pinto nang bigla siyang may naalala. "By the way..." Lumapit siya sa akin matapos siyang may hugutin sa kanyang bulsa. "You didn't mention to me that you're wearing these." Inabot niya sa akin ito.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano sa nasa palad niya.


Iyong contact lense ko!


"Your doctor gave these to me. Make sure you're not wearing lenses before you go to sleep."


Kinuha ko ito sa kanya.


Pinungayan niya ako ng kanyang mga mata. "I'm surprised to see... that you have gray eyes."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro