Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 35

Episode 35

ADI's


GALIT SI HAZEL.


Alam ko. Ramdam ko. Pero wala akong balak amuhin siya ngayon. As in wala akong kabalak-balak. Nasa isip ko ngayon ang mga problema ko sa pera dahil sa maraming responsibilidad na nakapatong sa akin. Kikita ako ng pera, kakayanin kong kumita kahit wala muna ang tulong niya.


"Here." Nagulat ako nang ilapag ni Hermes ang isang plato ng menudo na may rice at isang mangkok ng kare-kare sa mesa ko.


"D-Direk?" Tiningala ko muna siya bago ako napabalikwas ng tayo.


"Please, take a seat." Inawat niya ako at muling pinaupo.


Walang nagawa na umupo na lang ulit ako.


Umupo siya sa tabi ko. "It's lunchtime. I'm kind of wondering why are you still not eating."


Green Lacoste poloshirt ang suot niya. As always ay nakaglasses siya na katulad ni Clark Kent ng Superman. Medyo hawig nga siya sa last actor na gumanap ng role, ngayon ko lang napansin.


Dinampot niya ang pitchel sa harapan ko at sinalinan ng juice ang aking baso.


Napayuko ako. Nahihiya ako sa kanya kapag naaalala ko ang last na usapan namin. "H-hinihintay ko lang po maubos yung pila sa catering."


"So it means I did the right thing. You don't need to fall in line because I already got you food."


"S-salamat po, Direk."


"How many times should I tell you na ialis mo na yung word na po kapag nakikipag-usap ka sa 'kin?" Pinungayan niya ako ng kulay tsokolate niyang mga mata.


"S-sorry, nakalimutan ko."


"And please don't call me Direk. Just call me Hermes."


"Naku, Direk, hindi yata tama yun. Ikaw ang direktor dito sa set na 'to. Baka mapagalitan din ako ng mga co-director mo at ng ibang staff."


Pinunasan niya ang kutsara't tinidor ko ng tissue at saka inilagay sa tabi ng aking pinggan. "I'm not telling you to call me by my name, Adi." Sumeryoso ang mukha. "I'm ordering you."


Hindi ko alam kung paano makikipagtalo sa kanya. Siya kasi iyong tipo ng lalaki na hindi maruong magpatalo ayon sa kwentuhan ng mga staff dito. Para kasing mali na tawagin ko siya sa pangalan niya. Ano na lang ang iisipin ng ibang mga artista at staff na nandito kapag narinig nilang tinatawag ko siya sa pangalan niya?


"Eat." Sinandukan niya ako ng kare-kare at inilagay sa kanin ko.


Gusto ko siyang awatin na ako na lang ang gagawa nun pero hindi ko na nagawa. Ayokong mapahiya siya at tanggihan siya sa kanyang ginagawa.


Bakit kaya parang ang bait niya ngayon sa akin? Parang noong nakaraang linggo lang ay sinabi niya sa akin na disappointed siya sa akin. Masakit siya magsalita at diretso. Walang paliguy-ligoy at totohanan.


Nakita ko rin siyang magalit nang sigawan niya si Hazel dahil sa script. Para siyang halimaw na nagtatago sa gwapong mukha at magandang katawan. Nakakatakot pala siyang magalit. Kaya pala siya tinawag na Terror Director.


"Congratulation nga pala kanina," mayamaya ay sabi ko sa kanya. Gusto ko lang basagin ang katahimikan.


Nagsimula na kasi ang shoot kanina at naging successful ang lahat ng scenes. Walang palpak at naulit na take kanina.


"I'm lucky 'coz Rogue is a great actor," aniya habang sumasandok sa kanyang plato.


Halos lahat kasi ng scene na na-shoot kanina, karamihan dito ay sa point of view ni Rogue. Ayoko man aminin pero magaling talaga ang hinayupak na yun. Masyadong organized ang lalaking iyon at kabisado na nito ang script kaya hindi ito nagkamali. Walang film na nasayang dahil hindi na nagkaroon ng another take kapag ito na ang nakasalang.


"If this will continue, mabilis matatapos ang shooting na ito. In fact, I'm kind of unsatisfied in this set. This place is unrealistic. I'm planning to go to the real island."


"S-sa totoong isla?"


"Yeah."


Napaisip ako. So pupunta kami sa totoong isla. Hindi katulad ng set dito na man-made lang na isla? Bigla akong nasabik na makatapak sa totoong isla.


"The production is setting a meeting with the Deogracias."


"Deogracias?"


"We're planning to rent their island. The one and only Isla Deogracia."


Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko ang islang iyon. Madalas na naf-feature iyon sa mga magazines and commercials. Iyon raw ang pinakamagandang isla sa buong mundo. Pati ang mismong hotel and cabins ay worldclass ang pagkakatayo. Pag-aari iyon ng mga Deogracia. Wala raw ibang nakakapunta doon kundi mga mayayamang afford ang lugar. Kung doon na nga gaganapin ang shoot ay malamang na malaki ang magagastos ng production.


"Imagine, it's like a vacation, right? Isla Deogracia is the best place where our set should be. It's a perfect island to film this movie."


Hindi na ako kumibo. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya sa plano niyang ito. Assistant slash helper slash extra lang naman ako dito sa set. Wala rin namang kwenta kung magsa-suggest ako sa kanya.


Magastos ang pag-rent sa Isla Deogracia at baka mahirapan silang itawid ang lahat ng gamit papunta doon. Kakailanganin ng jetski o chopper para sa mabilis na biyahe. Lalo na't araw-araw ay may catering sila kaya siguradong hindi biro ang presyo nun. Kung tutuusin kasi ay pwede naman silang humanap ng mas murang isla.


Pero kung malaki talaga ang budget sa movie na ito, hindi problema ang pera. Balita ko nga na marami ang nag-invest para lang mabuo ito. Sana nga lang talaga ay malaki ang kitain ng pelikulang ito para mabawi ang lahat ng expenses.


Magaling na direktor si Hermer kaya sigurado akong naiisip niya rin ang naiisip ko. Kung ituloy niya man ang planong ito, tiyak na may galit siya sa pelikulang ito. O di kaya ay malaki ang kompiyansa niya sa sarili na magiging blockbuster ang movie na ito.


"I'm sorry about what I said to you last week," pukaw sa akin ni Hermes. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.


"A-ako nga ang may kasalanan sa'yo. Ibinida ko sa'yo si Hazel, hindi ko naman alam ganun pala ang gagawin niya sa script."


"I thought you were her editor? You should have warned her before she gave me the script."


"H-hindi ko pwedeng gawin yun sa kanya. Siya kasi ang nagdedsisyon," pagsisinungaling ko.


Pero ang totoo ay sinadya kong babuyin ang script na yun at itinapat sa deadline bago ko ibigay kay Hazel. Pinagmadali ko siyang ipasa ito kay Direk para hindi na niya mabasa.


Actually, hindi lang iyon ang plano ko sa kanya. Marami pa akong balak para sa impaktang iyon. Punong-puno na ako. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya sa akin. Oo at natutulungan niya ako, pero napakatanga ko na para magpauto pa sa kanya. Itinuring ko siyang kaibigan pero mukhang hindi naman talaga kaibigan ang turing niya sa akin.


Umasa lang talaga ako na kapag naging mabuti ako sa isang tao ay magiging mabuti rin ito sa akin. Hindi pala ganoon ang buhay. Nakalimutan ko na ang mundo ay isang malaking unfair na bilog.


"By the way, Adi." Napahugot nang paghinga si Hermes. "Do you mind if I take you out for dinner tonight?"


Hindi agad ako nakasagot. "S-sige. Pero may kapalit."


"Sure. Name it."


"Mag-o-audition kasi yung dalawang lola ko para maging extra sa movie na 'to. Pwede mo ba silang ipasa?"


"Consider it done, Adi."


"Saka meron pang isa." Napangiwi ako.


Pinaningkitan niya ako ng kanyang mag mata. "What else?"


"P-pwede mo ba akong ipagtimpla ulit ng kape?"


....


ROGUE's


Anong ginagawa ni Adi? Why is she up there? Nakatungtong lang siya sa ladder at may kinakabit siyang props sa kisame.


Isn't that dangerous? Baka mahulog siya or mag-slip ang kanyang paa. I think I should warn her.


Lalapit pa lang sana ako kay Adi nang madulas nga siya sa isang baitang ng ladder. Nahulog siya at bumagsak sa sahig ang balakang niya. Napakapit siya sa hagdan kaya natumba ito at bumagsak sa kanya.


Nagtilian ang ibang staff dahil sa nangyari. Lalapit sana ako sa kanya para tulungang alalayan siya pero namayani sa akin ang takot.


She might have a lot of germs. Paano kung hindi pa pala siya naliligo? Paano kung puno siya ng pawis? Paano kung marumi pala ang suot niyang damit? Paano kung nabagsakan siya ng alikabok mula sa kisame?


I must be stupid to think about that first. Iisipin ko pa ba ang mga bagay na yun kaysa sa kaligtasan niya?


Hahakbang na sana ako nang maunahan ako ng isang lalaki. Lumapit ito sa kanya at binuhat siya nito. "Adi, are you all right?"


This guy again?! His name is Hermes. He's our director in the movie.


"O-okay lang ako." Nagtangkang bumaba si Adi mula sa bisig ng lalaki pero hindi niya kinayang tumayo. Masakit yata ang balakang niya.


"It's okay, I'm gonna carry you." Binuhat ulit siya ni Hermes gamit ang kanyang mga braso.


It should be me who's doing that to Adi if I fought my fear to germs. Hindi sana nagtatagis ang bagang ko habang pinagmamasdan na hinahawakan siya ng lalaking ito.


"Call a medic. Now!" utos ni Hermes sa mga staff.


Why the hell is he looked so concern to Adi? Kung makaasta akala mo kung sinong guwapo sa suot na salamin at hinas na hinas na hairstyle. And he's overreacting! Kapag nainis ako, guguluhin ko ang buhok niya!


"Stay still," he softly said to Adi.


"M-maglalakad na lang ako."


"No. Let me carry you."


Lahat ay nakamasid sa kanila hanggang sa madala niya si Adi sa nursing station. Napansin ko si Hazel sa di kalayuan na umiikot ang bilog ng mga mata habang nakamasid din sa kanila.


Napapansin na siguro ng lahat na ang special treatment ni Hermes kay Adi. They were always together even at lunch. And I heard rumors that he took out Adi for dinner.


Is he courting Adi? Should I tell him na idol ako ni Adi, so he'll stop courting her?


Damn it, why am I being so mad about this?! Hindi ko alam kung bakit ako naiinis dito kay boy labo.


Hindi ako mapakali kaya sinundan ko sila. Baka mamaya ay kung anong gawin niya kay Adi doon sa medical room sa nursing station.


Pagdating ko doon ay nadatnan ko siya na kalalabas ng pinto sa room. Napamulsa siya nang makita niya ako. "I called her grandparents. They should be here any minute."


"The hell I care." Naglakad ako at nilampasan siya. Maliligo na lang ulit ako mamaya since lumapit ako sa kanya. I'm sure na sangkatutak ang germs niya sa kanyang shirt.


"Let her rest," kalmadong sabi niya sa akin. "You should get back to work, Rogue."


"I'm not taking orders from anyone. I'll do whatever I want to do."


Umigting ang kanyang panga sa sinabi ko. "I'm the director of this movie and I own this set."


"And what the fuck do you mean by that?"


"It means you're in my territory!" dumagundong ang matigas niyang boses.


Tinitigan ko siya nang masama. "Don't you even know who you're talking to?"


"Of course, Rogue Saavedra. I know you." Ngumisi siya. "A spoiled brat billionaire, I must say."


"I must be impressed by how brave you are, Director."


"Is that a threat?" Ngumisi ang mga labi niya na lalong ikinaasar ko. "Sadly but I'm not afraid of you. Kung kinakailangang putulin ko ang sungay mo, Saavedra, gagawin ko."


Napakuyom ako sa aking kamao. This is the first time I met someone like him. Knowing that he already knew about me. This guy was so brave and confident. How come he's not afraid of me? Pwede ko siyang ipatapon sa malayong bansa. I got a lot of connections everywhere. Kahit nga ipasalvage ko pa siya ay pwede.


Humugot siya ng cell phone at nagtipa. Mayamaya ay may sumagot ng tawag niya sa kabilang linya.


"I need a replacement for my lead actor."


My eyes widened upon hearing what he said.


"Good," pagkasabi niya niyon ay ibinaba na niya ang kanyang phone. "Say your goodbyes to Adi." Tinalikuran na niya ako at naglakad na siya palayo. "Surrender your script to my new lead actor."


Damn this guy!


Gusto ko siyang sunggaban ng suntok, pero alam kong marami siyang germs sa katawan. Ako lang ang talo kapag dumikit ang kamao ko sa kanyang mukha.


Hinayaan ko na lang siya na makalayo sa akin. I must think of best strategy para patalsikin ang lalaking iyon. But right now, I'm gonna let myself first to see if Adi is okay.


Akma ko ng hahawakan ang doorknob nang matigilan ako. Bigla akong napaisip kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya. Last time we met, naging awkward kami sa isa't isa. Simula noong yakapin ko siya nang mga sandaling umiiyak siya ay naging awkward na kami sa isa't isa. Hindi ko tuloy alam kung kaya ko bang buksan ang pintong ito.


"Ekskyus me, hijo. Nandyan ba sa kwartong yan ang apu namin?"


Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. I know that voice. It was so familiar!


Nang lingunin ko ito upang mapagsino ay napatigagal ako. Dalawang matandang babae ang nakatayo sa harapan ko. Ang isa ay mukhang puyat na unggoy, at ang isa naman ay negrang mukhang engkanto.


Hindi ako pwedeng magkamali. Ang dalawang ito ay sina... Jamod at Durat!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro