
Episode 33
Episode 33
ADI's
ANO bang nangyayari kay Direk Hermes? Bakit hindi pa rin nagsisimula ang shooting hanggang ngayon?
Napailing na lang ako pagkatapos kong pagmasdan ang mga staff na abala sa kani-kanilang ginagawa. Tatlong araw na kasing nagaganap dapat ang shooting pero wala pa ring nangyayaring ni isang shoot. Marami na ang nasayang sa loob ng mga araw na iyon dahil kahit isang scene ay wala pang nakukunan ng camera.
Sayang ang rent dito sa built-in island na inupahan ng production. Pati ang mga make-up ng cast, costumes at props ay sayang din dahil hindi pa rin nagsisimula shooting. Kung hindi nga lang dahil sa catering araw-araw ay baka matagal ng nagrebelde ang mga staff dito. Pati ang ilang mga artista ay nayayamot na rin dahil nasasayang daw ang oras nila.
Kahit ako ay napapagod na rin dahil hindi lang ako assistant ni Hazel, assistant din ako ng lahat dito. Naging utusan na ako ng lahat kaya nananakit tuloy ang katawan ko sa pagpapari't parito. Umupo muna ako sandali dahil nangangalay na ang aking mga binti. Pinukpok ko ito nang mahina gamit ang aking kamao. Nanakit din ang likuran ko at balakang dahil sa sobrang pagod.
"Coffee?" Isang lalaki ang nagsalita mula sa aking likuran.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ito. "D-Direk." Napabalikwas agad ako ng tayo.
Nakasuot siya ng sportshirt na ang sleeves ay nakatupi hanggang siko. Fitted ito kaya nakahubog ang malapad niyang dibdib. Stretchy blue pants at loafers naman sa kanyang pang-ibaba. Wet-look ang kanyang buhok na bumagay sa suot niyang glasses na itim ang rim, ayun kamukha niya na si Superman.
"It's all right." Inawat niya ako sa pagtayo. "Sit down."
"S-sige." Bumalik ako sa pagkakaupo.
Umupo siya sa tabi ko. "Here." Inabutan niya ako ng kape na nasa paper cup.
Wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon. Nang mahawakan ko ang cup ay hinihipan ko muna iyon bago tinikman. Hmn masarap...
"It's tiring, right?" aniya habang pinagmamasdan ang mga abalang staff. Humigop din siya sa kanyang tasa.
"D-Direk, matanong ko lang sana... bakit din pa rin nagsisimula ang shoot?"
Umigting muna ang kanyang panga bago siya sumagot. "Because the script sucks."
Nabigla ako sa sinabi niya.
"The story is great, actually. But I don't like the script." Humigop ulit siya sa kanyang tasa. "Every line there is full of crap."
Napayuko ako. "Pwede ba akong mag-suggest, Direk?"
"Yeah, sure."
"Pwede niyo pong pagawain ng script ang author, kung gusto niyo. Siya lang po ang alam kong pwedeng makagawa ng script ng story niya. Sa tingin mo, Direk?"
"How long do you think would she be able to finish the script?"
Kaya kong tapusin ang script na yun sa loob lang ng dalawang araw.
"Bigyan niyo lang siya ng dalawang araw. Kaya niyang tapusin yun."
"Good." Nilagok niya ang tasa na hawak niya. "Tell her about the script."
"Sige po, sasabihin ko na po ngayon." Tumayo ako at aalis na sana nang hawakan niya ang pulso ko.
Natigilan ako at tiningala siya.
"I'm disappointed with you, by the way." Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ikaw ang nag-suggest sa akin ng audition despite the fact na ikaw ang gusto kong maging leading lady. And then you didn't show up. Why?"
Napayuko ako. "Pasensiya na, Direk. Komplikado po ang lahat."
Napabuga siya ng hangin. "I see." Binitawan niya at saka niya ako tinalikuran.
"Pero ayos na rin yun, di ba? At least maganda naman ang kinalabasan."
"And do you really think I like that woman?" Napamura siya nang mahina. "She's a total famewhore." Si Hazel ang tinutukoy niya. "Without her fans, I'm not gonna end up choosing her for the role. It's just I ran out of options."
"S-sorry, Direk."
Pumamulsa siya. "I want you to be a part of this movie, but you disappointed me."
Parang may pumiga sa puso ko sa sinabi niya.
"I thought you're something else." Nilingon niya ako at kitang-kita sa mga mata ang disappointment. "I was wrong."
Pinigilan ko ang luha dapat sana ay papatak na. Kung alam niya alng ang pinagdadaanan ko, masabi niya pa kaya ito?
"I'll see you around." Pagkuwan ay naglakad na siya palayo sa akin.
Wala na akong balak ipaliwanag sa kanya ang lahat dahil balewala na rin naman. Hahayaan ko na lang siya sa kung ano ang isipin niya sa akin.
"Adi, what's wrong?" Nasa likuran ko na pala si Hazel at nakalapit na sa akin. "Why are you with Director Hermes? Close ba kayo? Anong pinag-uusapan niyo?"
Umiling ako. "H-hindi. M-may tinanong lang siya sa akin." Pinigilan ko ang mga luha ko.
"What did he tell you?" Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat. "Is it about me?"
"Hindi niya gusto ang script."
"Damn that script!" Napahilot siya sa kanyang noo. "That's the reason kung bakit wala pa tayong nasisimulan, right?"
"Gusto niyang ikaw na ang gumawa ng script."
"What?" Namilog ang mga mata niya. "That can't be."
"Bibigyan ka niya ng credentials dito sa movie kapag nagawa mo ang script."
"Really?" May gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi. "So you're gonna do the script, right? That's a ghost writer would do."
Tumango ako. "Kaya kong tapusin ang script ng dalawang araw lang. Then ibigay mo sa kanya. Sabihin mo na ikaw ang gumawa ng script."
Napayakap siya sa akin. "Thank you, Adi. You're the best!" Puno ng excitement ang boses niya.
"M-movie naman natin 'to. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong dalawa lang."
"I know." Kumalas siya sa akin. "But you have to remember that no one should know about this, okay?"
Tumango ako sa kanya. "Basta ikaw ang bahala sa sweldo ko." Dahil kailangang-kailangan ko ang pera.
Ngumisi siya. "Akong bahala sa 'yo, Adi."
....
Dahan-dahan akong gumilid sa pader para maglakad papunta sa isang pintong nakabukas. Patago akong nanakbo doon dahil pinagtataguan ko si Hazel. Kukulitin na naman niya ako tungkol sa script. Nagawa ko na ang kalahati niyon pero hindi ko pa rin natapos. Tatapusin ko na lang iyon mamaya pag-uwi ko.
Tiningnan ko muna ang ibang staff na abala sa mga costumes at props bago ako pumasok sa pinto. Pagpasok ko ay isinara ko agad iyon. Nakahinga ako nang maluwag at napapikit nang mariin.
Buti na lang at natakasan ko si Hazel. Balita ko ay kanina pa raw ako nito hinahanap. Bukas pa naman ang deadline ng script, bakit ba nagmamadali siya? Kaninang medaling araw pa siya nagpa-follow up sa akin. Akala mo naman tatakasan ko siya.
"What are you doing here, messy girl?"
Napapitlag ako nang marinig ko ang malagom na boses. Nagulat ako nang makita ang isang lalaki sa harapan ko. "O-oh, idol, ikaw pala."
Anong ginagawa niya rito? Bakit wala siya sa van niya? Since ayaw niya ron sa tent na inilaan sa kanya ay dapat nandoon siya sa van niya, di ba?
Nakasuot siya ng blue sweatshirt na fitted at branded jogger pants. Meron siya gloves na black sa magkabila niyang kamay at branded white sneakers naman sa pang-ibaba. Wala siyang suot na facemask kaya kitang-kita ko ang kanyang histura kahit madilim ang kuwarto. Maputi kasi at makinis ang kanyang mukha. Mabangong-mabango rin siya sa amoy na parang naghahalong mamahaling shower gel, expensive perfume at – alcohol?
Napansin ko na may hawak siyang folder. Sigurado na iyon ang script ng TGHF movie.
"N-nagpa-practice ka ng script mo rito, Idol?"
Itinago niya sa kanyang likuran ang folder. "What the hell are you talking about?"
Natigilan ako sa na-realize ko. Iyong ibang artista kasi sa labas ay kanya-kanyang rehearse sa kani-kanilang script ka-partner ang ibang artista. Samantalang siya ay nagtatago dito sa madilim na storage at nagpa-practice mag-isa. Siguro nagtatago siya rito dahil nahihiya sa pagpa-practice. Hindi naman kasi talaga siya artista kundi isang model at vocalist ng banda.
"What are you staring at?"
"H-ha?" Napansin niya yatang nakatitig lang ako sa kanya. "K-kung gusto mo, Idol, tulungan kita sa script mo."
"I don't need your help. Besides, I don't need to rehearse because I already memorized the script." Nagtaas siya ng kanyang noo.
"Hindi pa rin sapat na kabisado mo lang script, Idol. Importante rin na ma-ideliver mo ng maayos ang mga words na sasabihin mo."
"I know that. I took my acting lesson last week. That's why I don't need to rehearse."
Ang yabang talaga.
"E bakit ka ba nag-iisa dito, Idol?" Alam kong itinatago niya sa lahat na nagre-rehearse siya.
"Y-you know... ayokong pinagkakaguluhan ako sa labas." Pumamulsa siya at nagtaas na naman ng noo.
Sa tuwing dumarating nga naman kasi siya ay may mga nagtitilian at naghihiyawan na mga staff. Mukhang ganito nga yata talaga kasikat ang hambog na ito.
Bukod sa kanyang van sinasakyan, meron din siyang truck kung saan sa loob daw niyon ay may shower room ayon sa mga kwentuhan ng mga staff. Maya't maya raw naliligo ang lalaking ito sa tuwing mapapalapit sa kung sino.
Napansin kong napasulyap siya sa mga kuko ko.
"Wagkang mag-alala, idol, nagupit ako ng kuko." Ipinakita ko pa sa kanya ang mga daliri ko.
"Good." Napatingin siya sa buhok ko.
"Nagsuklay rin ako ng buhok ko." Bahagya akong lumapit sa kanya. "At higit sa lahat, naligo ako, nagshampoo, at nagconditioner."
Napaatras siya. "How may times?"
Napaisip ako. "Isang beses lang pero matagal ako maligo."
Napabuntong-hininga siya. "Good. But I still don't like the way you dress."
"A-anong mali sa suot ko, Idol?" Napatingin ako sa suot kong light green and white checkered longsleeves na pinapatungan ng red jumper na hanggang tuhod. Sa paahan ko ay lumang white highcut converse na green ang sintas. Ang medyas ko naman ay pula rin katulad ng jumper ko—all from U.K. or Ukay-ukay.
"Mukha kang trabahador ni Santa Claus."
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Here." Inilapag siya sa desk sa di kalayuan ang hawak niayng script. "I might need your help for a while." Pagkuwan ay lumayo siya.
Lumapit naman ako sa script at dinampot iyon. Ano bang problema niya? Bakit kailangan niya pang lumayo sa akin?
Napasinghot tuloy ako sa aking kili-kili. Wala naman akong amoy.
"Come on. Let's pretend you're Abari." Humarap siya sa hawak niyang script.
Iniangat ko rin ang hawak kong script. Binasa ko ang linya ni Abari. "Apollo, anong problema? Bakit ka nandito?"
"Kailan ba tayo magpapakasal, Abari?" aniya habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa script.
Tumikhim muna ako bagao nagpatuloy sa pagbabasa. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Napakamot siya. "Lagyan mo naman ng buhay, Adi!" reklamo niya. "Akala ko ba nag-e-extra ka sa mga movies?!"
"Ano bang buhay ang gusto mo? Okay naman ang pagde-deliver ko ng lines, ah!"
"Fine. Let's continue," utos niya bago humarap muli sa script.
Tumikhim ulit ako bago binasa ang script na hawak ko. "Maayos na ba ang pakiramdam mo, Apollo?"
"Maayos na ako. Hindi masakit ang..." natigilan siya. "Hindi masakit ang... rambutan ko."
Pigil akong natawa dahil sa script. Ito naman kasi talaga yung nakasulat.
Nagpatuloy ako. "Mabuti kung ganun, Apollo. Maari mo ng sipingan ang tribo bago tayo magpakasal."
"Hindi ko kayang sipingan ang tribo, Abari!" sigaw niya. "Ikaw lang ang gusto ko, at hindi ang tribo mo." Bigay todo siya sa pag-acting.
"Pero iyon nasa propesiya."
"Damn that prophecy!"
"May problema ba, Apollo? Bakit nag-aalinlangan ka?"
"Wala naman, Abari."
"Aminin mo. Masakit pa ba ang..." Napalunok ako. "R-rambutan mo?"
Hindi agad siya nakapagbasa. "H-ah... hindi na."
Napapikit ako bago binasa ang kasunod na script. "M-maaari bang makita ang rambutan mo kung walang problema." Bigla yata akong pinagpawisan. Siraulo ang gumawa ng script na 'to!
"H-hindi mo na kailangan tingnan. Malusog ang rambutan ko." Pinaypayan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang palad.
"P-patunayan mo, Apollo. Patunayan mo at ipakita mo sa akin ang–" Natigilan ako at parang hindi ko na kayang basahin ang kasunod. Tinalikuran ko siya para paypayan din ang aking sarili. "A-ang init dito, Idol."
"You bet, it is." Itinaas niya ang manggas ng kanyang sweatshirt hanggang siko. "Let's skip to this part. Dun na tayo sa dulong script."
Binuklat ko ang pages ng script. "Okay."
"Medyo dramatic ito, that's why I need your help."
Tumango ako.
Bumasa ulit siya sa hawak niyang papel. "Abari, sumama ka sa'kin. Aalis tayo sa islang ito."
Bumasa rin ako. "Hindi maari ang nais mo, Apollo. Hindi ko iiwan ang aking tribo."
"Kung ganun, wala na akong ibang pagpipilian kundi ang umalis mag-isa."
"I-iwan mo ako." Pumiyok ako.
"Kailangan kong umuwi sa amin, Abari. Hindi ito ang mundo ko."
"P-pero ikaw ang mundo ko, Apollo. Kung mawawala ka ay mawawala rin ang aking mundo."
"Pasensiya ka na. Pero kailangan ko nang umalis."
"Wag!" nabasag ang boses ko. "W-wag mo akong iwan. Hindi ko kaya kapag nawala ka."
"A-Abari..." Alam kong nakatingin siya sa akin kaya nanatili ang aking mga mata sa script.
"H-hindi ko kayang mawala ka, Apollo..." Naglandas na ang aking mga luha nang hindi ko namamalayan. "M-mahal na mahal kita."
"Pero hindi ko kaya ang manatili dito, Abari."
"A-ano ba ang gusto mo? Sumama ako sa'yo?" Sunud-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko. "K-kung iyan ang kailangan kong gawin, gagawin ko. B-basta wagmo lang akong iwan. M-maawa ka, Apollo, wag mo kong iwan..."
Tuluyan na akong nawala sa sarili at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nagsama-sama na kasi ang sakit na nararamdaman ko. Nagsimula sa ginawa sa akin ni Hazel hanggang sa huling mga salita sa akin ni Direk Hermes.
"W-wag mo kong iwan..." Laglagan ang mga luha ko habang nakaharap sa script. "N-nagmamakaawa ako sa'yo, Apollo... wag mo akong iwan..." hagulhol ko.
Natigilan lang ako nang maramdaman kong may kumabig sa akin pa. Nanlaki ang mga mata ko nang ikulong ako ni Rogue sa kanyang dibdib gamti ang kanyang braso. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin.
"Shh..." alo niya. "T-tahan na, hindi na ako aalis." Namalat ang tinig niya. "P-pangako ko sa'yo... hindi na kita iiwan..." Humigpit ang pagkakayakap niya. "D-dahil mahal namahal din kita..."
Wala sa sariling napasiksik din ako sa matigas niyang dibdib kahit alam kong parte ng script ang binabasa niya. Pero ang malamang may masasandalan ako nang mga sandaling iyon ay nakakagaan sa pakiramdam. Kahit paaano ay nawawala ang sakit na aking nararamdaman.
Lalo akong napahagulhol at napasubsob sa kanya.
"Iiyak mo lang... nandito lang ako." Napaka-husky ng boses niya. "Hinding-hindi na kita iiwan... Adi."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro