Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 32

Episode 32

ADI's


"Adi, I'm here." Kinawayan ako ni Hazel nang matanaw ko siya sa kabilang table.


Nilapitan ko siya matapos kong humugot nang malalim na paghinga. Kaya ko ba siyang harapin pagkatapos ng lahat?


"Are you all right? Bakit namumugto ang mga mata mo?" sita niya sa akin.


Green crop top and white long skirt ang outfit niya. Meron siyang suot na diamond earrings. Nagbago rin siya ng hairstyle niya dahil nagkaroon na siya ng bangs. Nanliliit tuloy ako dahil lalo siyang nagmukhang modelo.


"N-napuyat lang ako," sagot ko sa tanong niya.


Pero ang totoo ay umiyak ako buong magdamag. Napakasakit kasi para sa akin na malamang siya pala ang kukuha ng lead role na dapat ay sa akin. Pakiramdam ko ba ay trinaydor niya ako. Hanggang ngayon ay mahirap pa rin paniwalaan ang nangyari.


"Here's you list." May inabot siya sa aking folder pagkatapos naming maupo.


Kinuha ko ito. Nakasulat sa papel ang mga schedules at details ng movie. Kahit ang mga listahan ng mga cast ng movie ay nandito rin.


"Come on, turn the page. There's a check there."


Nang buklatin ko pa ito ay may cheke nga sa likod nito.


"It's the advance payment. Sa 'yo na lahat yan." Sumimsim siya sa hawak niyang wine glass.


Napayuko lang ako at kinuha ito. "Congrats nga pala," ani ko sa mahinang boses.


"Thanks. Pero wag na nating pag-usapan yun."


"So sumali ka sa audition?"


"I don't have a choice. Fans were chanting my name."


"A-anong ibig mong sabihin?"


"Gusto ng mga fans na ako ang gumanap na leading lady ni Rogue. Besides, ako ang napili ni Direk."


Nakakapagtaka lang na wala akong nakikitang excitement sa boses niya habang nagkukwento siya. Nararamdaman ko sa mga pananalita niya na gusto niyang iwasan na pag-usapan namin ito.


"Let's not talk about it, okay? Nangyari na ang mga dapat mangyari. Let's just work together, Adi."


So ganun nalang ba yun? Habang ako ay naghihimutok ang damdamin, ang gusto niya ay balewalain ko na lang yun? Gusto niyang isipin ko na kalimutan ko na lang ang lahat. Ni hindi niya man lang ako binigyan ng magandang paliwanag kung bakit kinuha niya sa akin ang role dahil ayaw niya na itong pag-usapan?


Kung ito ang gusto niya, wala na akong magagawa. A-acting na lang ako na parang walang nangyari kahit nasasaktan ako.


"Okay." Tumango ako. "Let's work together."


Ngumiti siya sa akin ngunit ang mga mata niya ay mailap na. Alam kong alam niya kung ano ang nagawa niya. Hindi na dapat pang sabihin o ipaalala sa kanya. Hindi niya makukuha ang role na yun kung pinayagan niya lang sana ako mag-audition.


"Thank you, Adi." Kinuha niya ang palad ko. "And I swear to you, I will be a good actress as Rogue Saavedra's leading lady in our movie."


Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.


"Hazel?" isang lalaki ang nagsalita sa likuran ko.


Napabalikwas siya ng tayo nang makita ito. "D-Dad?"


"What are you doing here?" Lumapit sa kanya ang lalaki na sa tancha ko ay nasa sisenta na ang edad. Puti na ang buhok nito at naka-tuxedo.


Hinalikan nito si Hazel sa pisngi.


"I-I'm just having dinner," tugon niya. Halatang may kaba sa kanya.


"Congratulations, by the way. I'm proud of you."


Nagluha ang mga mata ni Hazel. "T-thank you, Dad."


Saka lang ako napansin ng dad niya. "Who is she?" Pinagmasdan nito ako mula ulo hanggang paa.


Tumayo ako at kakamayan sana ang lalaki nang matigilan ako sa sinabi ni Hazel.


"I don't know her, Dad."


Nanlaki ang mga mata ko. Bakit niya ako itinanggi?


Tinitigan tuloy ako nang masama ng dad niya. "Then why is she here?"


"S-she's... just soliciting money."


Seryoso ba siya?


Mukha ba akong nanlilimos ng pera? Siguro bumatay siya sa suot kong damit. Kung itatabi nga naman ako sa mga taong nandito ay mukha nga akong nanlilimos.


"Soliciting?" Lalong nalukot ang mukha ng lalaki. "This is an elite restaurant, hija." Bumaling siya sa akin. "You're not allowed to solicit here."


"P-po?"


"Guard!" tawag niya.


May lumapit sa amin na mga waiters.


Umawat si Hazel sa dad niya at pumagitna. "Dad, it's fine. You don't need to call the guards. Lalabas na siya nang kusa." Sabay harap niya sa akin. "Right, Miss?"


Nagdilim ang aking mukha habang nakayuko. "L-lalabas na po ako."


"Hindi ka dapat nakikipag-usap kung kani-kanino," narinig ko pang sinabi ng dad niya sa kanya. "You're soon to be a star. You have to choose who you should talk to."


Mahinhin na napahalakhak si Hazel. "Understood, Dad. Don't worry too much about me, okay?"


Humakbang na ako palabas ng restaurant. Wala sa sariling nilingon ko pa si Hazel kasama ang kanyang dad.


Masayang-masaya siya habang kausap ang taong kinatatakutan niya. Ngayong nakuha niya ang lead role sa isang bigating movie ay tiyak na magbabago na ang trato ng kanyang dad sa kanya. Pero bakit kailangan niya pang itago na kaibigan niya ako? Ikinahihiya niya ba ako?


...


ROGUE's


Nadatnan ko si Clio na mahimbing ang pagkakatulog sa aking kama. She's like a cute angel when she's asleep. Hindi ko tuloy maiwasang hindi siya pagmasdan nang mga sandaling iyon.


I can't remember when was the last time I saw her like this. It felt like I missed her so much since I've been busy with my rehearsals and acting lessons for the past few weeks. And it was so often to see her around the house these days and it's odd.


Lumapit ako sa kanya at hinagkan ang kanyang noo. Hinimas ko ang kanyang buhok at sinuklay ito gamit ang aking mga daliri. Bahagyang gumalaw ang mahahaba niyang pilikmata kaya huminto ako sa aking ginagawa.


I don't want to wake her up. Maybe it's good timing that I don't need to say goodbye to her. Parang hindi ko rin kayang magpaalam sa kanya.


Lumayo ako sa kanya matapos kong humugot sa akin bulsa. Inilabas ko ang medecine na bigay sa akin ng aking doctor. And if I take this medecine, Clio will disappear permanently, I guess. I will live normally, and I will face the reality without her. Starting from now, I have to take this.


Kumuha ako ng tubig at nagsalin sa baso. Naglaglag ako ng isang caplet sa aking palad at pinagmasdan ito.


Can I do this? But it's better to do it. Hindi ko na maibibigay kay Clio ang mom niya. The truth is, her mom was just in my dream. But how can I tell her that? Ayoko siyang saktan.


Akma kong iinumin ito nang matigilan ako.


"Dad?"


Napalingon ako sa likuran ko.


It's Clio! Nakaupo siya sa edge ng kama habang nakatingin sa akin ang magkaibang kulay niyang mga mata.


"D-did I wake you?" Itinago ko sa aking likuran ang gamot.


Umiling siya kaya tumalbog ang maambok niyang pisngi.


"W-why don't you go to sleep again, baby?"


Lumabi siya. "I just had a nightmare."


Lumapit ako sa kanya at lumuhod upang magpantay kami. Hinimas ko ang kanyang buhok. "What is it, honey?"


"I'm scared, Daddy." Lumundag siya at niyakap ako. "I-I thought you're leaving me."


"Huh?"


"I-I'm happy it was just a dream." Umuga ang balikat niya.


Nagblangko ang aking mga mata. "I will never do that." But I have to. Hindi ko na maibibigay ang isang bagay na gusto – ang ma-meet ang mom niya.


Kumalas siya sa akin at pinunasan ang kanyang mga mata. "Did you see Mom?"


Napayuko ako at hindi nakakibo.


Nagulat ako nang bigla niyang halikan ang pisngi ko. "Don't be sad. If ever we never meet Mommy, at least I have you. We have each other, Dad..."


Bigla na lang nagtubig ang aking mga mata. "C-Clio." Pagkatapos ay niyakap ko siya nang mahigpit. "I-I'm so sorry. I can't bring your mommy home."


"I have you, Dad. And when Mommy comes home one day, I'll tell her you did everything you could and you tried your best."


Lalo akong nalungkot sa sinabi niya. "What if... I might not gonna bring her home... ever."


Napasinghap siya bago siya kumalas sa akin. Humarap siya sa akin at hinimas ang aking mukha. "T-then we have to be strong, Daddy."


"I know." Kinuha ko ang kanyang kamay at winisikan ito ng alcohol. Hinagkan ko ito pagkatapos.


"And wherever Mommy is, I'm sure she's thinking she has to be strong, too. So we should do the same."


I never thought that she was stronger than me. Kaya pinagsisisihan ko na na tinangka ko ang mag-take ng aking gamot just to make her disappear bago ko harapin ang real world. I'm being selfish and I'm ashamed of myself. I felt so sorry for trying to eliminate her in my life. Para ko na rin siyang aabandonahin kapag ginawa ko iyon.


Sa huli, na-realize ko rin na hindi ko pala kaya ang mawala siya. I love her so much and I will never try to leave her again.


"But you know what, I met someone who looks like your mom." Binuhat ko siya at inihiga ulit sa kama.


"Really?" Puno ng excitement ang kanyang mga matang berde at abo.


"Her name is Adi."


"Maybe she's my mom."


Umiling ako. Itinuro ang kanyang kaliwang mata. "Her eyes are not gray. So she's not your mom."


"I see." She is supposed to be sad but she's smiling.


"You're not sad?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"When you are telling me about Adi, I see how happy you are. That's why I'm happy."


Ngumiti ako sa kanya. "You should sleep now." Hinagkan ko ang kanyang pisngi at kinumutan siya.


Mayamaya ay narinig kong malalim na ang kanyang paghinga. Pinagmasdan ko muli ang mahimbing niyang pagkakatulog. If only I could bring Jane here from my dream, hindi sana mangungulila si Clio sa kanyang ina. But sadly, Jane said her goodbyes to me four years ago, and I never saw her again in my dreams after that.


If only I could see Jane again in my dreams, I would tell her about Clio. In that way, I might be able to bring her here.


If only I could...


Nagulat ako nang biglang hawakan ni Clio ang kamay ko. "You know I will not give up on Mom, Daddy." Nagsasalita siya pero nakapikit. I thought she's asleep. O baka nananaginip siya.


Bahagya kong pinisil ang palad niya.  "I-I know, baby."


"So don't give up on finding her, please?" May maliliit na mga luhang lumitaw sa pilikmata niya.


"I won't give up, sweetie." Nabasag ang tinig ko. "E-even it's impossible..."


...


ADI's


Hinintay ko munang lumabas ang mga nurse sa ICU room bago ako pumasok. Malungkot ko siyang pinagmasdan muna mula sa aking kinatatayuan bago ako lumapit sa kanya. Hinila ko ang isang upuan palapit sa kanyang hospital bed.


"Kumusta ka na?" Umupo ako.


Walang ibang tugon mula sa kanya kundi ang tunog ng ventilator machine. May nakakonektang tubo rito na nakakunekta din sa kanyang bibig. Ito na lang daw ang bumubuhay sa kanya sabi ng doktor niya na nakausap ko kanina.


"Ilang taon na nga ba?" Napatingala ako. "Apat na taon na..."


Humigit kumulang apat na taon na siyang comatose. Kahit sinabi sa amin ng doctor na machine na lang ang bumubuhay sa kanya ay hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa nila Granny J at Lola Imang. Hindi pa rin namin siya isinuko.


Lumamlam ang mga mata ko habang tinititigan siya. Kung pagmamasdan ang nakaratay niyang katawan ay para bang wala siyang kalaban-laban. Lalo yata siyang namayat nitong mga nakaraang buwan.


"Pero wag kang mag-alala. Hinding-hindi ka namin isusuko. Wag ka nang mag-alala sa mga hospital bills dahil kami na ang bahala dun."


Pilit akong ngumiti kahit nasasaktan ako.


"B-basta lumaban ka lang diyan at wag mo kaming susukuan, okay?" gumaralgal ang boses ko.


Kinuha ko ang kanyang kamay.


"S-sorry kung naistorbo kita. Wala lang kasi talaga akong mapagsabihan ng problema ko."


Napabuga ako ng hangin.


"M-mali ba ako sa mga desisyon ko? Mali ba na may sarili akong prinsipyo?"


Isa-isa ng nalaglag ang mga luha ko.


"Dahil sa prinsipyo ko, naghihirap tayong lahat. Dahil sa prinsipyo ko, hindi kita maipagamot nang maayos. At dahil din sa prinsipyo ko, hindi ko naabot ang pangarap kong maging bida sa isang pelikula. Sorry talaga kung bakit napakahalaga sa akin ng prinsipyong ito... ito lang kasi talaga ang meron ako."


Wala pa ring imik ang nakahimlay sa hospital bed. Pero gumagaan ang pakiramdam ko dahil nailalabas ko ang mga mabibigat sa dibdib ko. Kahit tulog siya at walang malay, patuloy pa rin ako sa pagve-vent out na para siyang kaibigang may buhay at nakikinig.


"Saka nga pala... dinalaw kita dahil gusto kong ilabas ang bigat sa dibdib ko. Isang bagong kaibigan na akala ko ay totoo sa akin ang nanakit sa damdamin ko. Pakiramdam ko trinaidor ako ng pinagkakatiwalaan kong tao. Bakit niya nagawa sa akin ito sa kabila ng mga pabor na ginawa ko sa kanya? M-mali ba na nagtiwala ako sa kanya?" Pinunasan ko ang aking mga luha.


Ngumiti ako sa kanya kahit puno ng luha ang aking mga mata.


"S-sorry talaga ha? Kailangan ko ng mapaglalabasan nito kaya sorry kung sa 'yo ko naibubuhos lahat ng ito..."


Humugot ako ng suklay sa aking bag at sinuklayan ko siya.


"Alam ko na ang nasa isip mo..." Ngumisi ako. "Naiinis ka na sa akin, 'no? Ang tingin mo malamang sa akin ay uto-uto. Bakit nga ba kasi hindi ko magawang tumanggi kay Hazel? Siguro dahil kaibigan ko siya. Siguro dahil marami na siyang naitulong sa akin, marami akong utang na loob sa kanya kaya hindi ko magawang magrebelde sa mga gusto niya."


Kinuha ko ulit ang palad niya matapos ko siyang suklayan.


"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ano kayang gagawin mo? Malamang hindi ka papayag sa ginagawa ni Hazel. Alam ko kung gaano ka ka-strong. Alam ko na hindi ka magpapaapi."


Napayuko ako dahil naglandas na naman ang mga luha ko.


"K-kung nandito ka, ipagtatanggol mo ba ako? Sana kasi gising ka na lang para masabunutan mo ako sa mga kagagahan ko sa buhay."


Bahagyang gumalaw ang daliri niya.


"Kaya sana gumising ka na..." Iniangat ko ang kanyang kamay at hinagkan ito. "Bangon ka na... Cassandra. Bangon ka na riyan, BFF."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro