Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 28

Episode 28


ADI's


Ilang beses kong hinilamusan ang aking sarili sa harap ng salamin at saka pingmasdan muli ang kulay abo kong mga mata. Medyo namumula pa rin ang mga ito. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog sa loob ng trashbag.


Kinabahan ako. Akala ko ay mabubulag na ako dahil nakatulugan ko na may contact lens akong suot. Hinding-hindi na talaga ako maglalasing. Pakiramdam ko ay dumikit sa mga mata ko ang aking lens. Mahapdi kasi dahil natuyuan. Ibinabad ko muna ito sa contact solution bago ko muling gamitin. Nagpatak din ako sa aking mga mata ng eye drops para mawala ang hapdi at pangangati.


Napangiwi ako. Kapag nalaman ito ni Granny J ay pihadong malilintikan ako sa kanya. Paulit-ulit niya akong pinapaalalahanan na tatanggalin ko ito bago ako makatulog. Sumalok muli ako ng tubig mula sa gripo gamit ang aking mga palad para ihilamos sa aking mukha. Mayamaya ay napanguso akong mag-isa sa aking naalala.


Ano bang tingin sa akin ng Rogue Saavedra na yun? Basura? Ganun ba ako karumi sa paningin niya para balutin niya ako ng trash bag? At nung magising ako, basta na lang niya akong pinalayas. Para bang ayaw niyang mag-stay pa ako nang matagal sa bahay niya.


Kung malalaman lang ng mga fans niya kung anong klaseng tao siya, tiyak na headline news ito kinabukasan. Siguradong magiging trending sa social media at baka ikasira ng career niya.


Napabuntong-hininga ako. Ano bang problema ng lalaking yun? May sakit ba siya? Kung hindi pa ako nakawala sa trash bag na ipinambalot niya sa akin ay balak niya pa yatang suklayin ang aking buhok.


Napatingin tuloy ako bigla sa aking buhok sa salamin. Hindi ko na rin maalala kung kelan ko ba ito sinuklay. Naliligo nga ako araw-araw, pero hindi ko na pinagkakaabalahang suklayin ito dahil magugulo rin naman.


Pagkuwan ay sa palad ko naman ako napatingin. Nang singhutin ko ito ay amoy alcohol pa rin. Ganito rin ang amoy ng kili-kili ko. Binaril kasi ako ng alcohol spray ng lalaking yun.


Ipinilig ko ang aking ulo at tumitig ako sa salamin.


Focus, Adi. Kaya ka nandito ay dahil kakaharapin mo ang "The Terror Director".


Nakareceive ako ng text galing kay Mamala na ipinapatawag daw ako ni Hermes dito sa conference room. Nang moment na mabasa ko ang message niya, tumigil ang aking mundo.


Paniguradong mamawalan na ako ng trabaho dahil inereklamo na ako ni Hermes kay Mamala. Actually, maswerte pa nga kung ganun lang. Paano kung mas malala pa rito ang gustong mangyari The Terror Director na yun? Hindi ko afford mawalan ng kita.


Nabatukan ko ang aking sarili. Bakit ba kasi inutusan ko pa siyang ipagtimpla ako ng kape?


Napabuga ako at nag-boxing sa hangin. Isinuot ko na muli ang aking contact lens na ibinabad ko sa contact solution. Paglabas ko ng comfort room na ito ay dumerecho na ako sa conference room. Napahinto lang ang aking mga paa nang tumapat na ako sa pinto.


Naririnig ko sa likod ng pinto ang malakas na boses ni Hermes. Parang may pinapagalitan siya na kung sino. Kasunod pa nito ang ilang kalabog na para bang may nagdadabog.


Mariin akong napalunok. Mukhang hindi maganda ang mood ni Direk. Lagot.


Napapikit muna ako bago ko kinatok nang mahina ang pinto. Marahas naman na bigla itong bumukas. Bumugad sa akin si Hermes na halatang kagagaling lang sa galit. Hinihingal pa siya habang nakatitig sa akin. Salubong ang makakapal niyang kilay.


"M-magandang araw po, Direk." Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso.


Naka-long sleeves siya na sky blue at nakatupi ang sleeves nito hanggang sa kanyang siko. Agaw pansin sa paningin ko ang high-tech niyang relo sa kanyang kaliwang pulso. Parang connected yata ito sa kanyang cell phone at device na nakakabit sa kanyang tainga.


"Get in," aniya sa matigas na tinig. Sinalubong agad ako ng mabango niyang amoy.


Humakbang ako papasok para lang matigilan pagpasok ko. Nadatnan ko si Mamala at ibang producers and directors na nakaupo seat apart at nakaharap sa akin. Katabi lang ni Hermes ang whiteboard with stand at mukhang may dini-discuss siya sa mga ito. Para akong nasa stage at sila ang audience, si Hermes ang may concert at ako ang guest.


Pinagpawisan ako nang malapot. Para kasing nasa conference meeting ako ng mga presidente ng iba't ibang bansa at hindi simpleng conference meeting lang.


Maghahanap sana ako nang mauupuan, pero natigilan ako.


"Stay there," utos ni Hermes.


Napayuko ako. So bago pala ako matanggalan ng trabaho ay mapapahiya muna ako. Kung bakit kasi naimbento ang kape sa mundo?


"They offered you the best." Biglang nagsalita ang isa sa mga direktor na nakaupo. Parang continuation yata ito ng pinag-uusapan nila bago ako pumasok.


"It's just a book. A simple story." Hawak pala ni Hermes ang book na ginawa ko. Kulang na lang ay lukutin niya ito.


"It's a best-selling book," apila ng isang producer.


"This book does not deserve to be a movie." Napatitig si Hermes sa book. "People knew the story already. What else would they expect from this? This is like a script that na binasa na ng lahat. This book is the complete spoiler. Para saan pa kung gagawing movie ito kung nabasa naman na nila?"


"Fans wanted to extend their imagination. They have read this book, but the characters exist only in their mind. And if we make this a movie, we could fulfill that imagination."


"For what?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Hermes. "For them to criticize the movie?"


Nagkatinginan ang lahat.


"Kesyo ang layo ng istorya sa book, kesyo mas maganda pa rin yung nasa book?" Ibinato ni Hermes ang book na hawak niya. "Kesyo iba ang description ng bida sa book kesa sa artista?!"


Lalo akong napayuko sa pagkakatayo.


"We can never satisfy the fans! Hahanap at makakahanap lang sila ng ipipintas sa pelikula!"


Napayuko ang lahat.


"Why would I risk my career in this simple story? I don't even know how the author wrote this?" dugtong pa ni Hermes. "Is this based on her experience? Or it's just her boredom?"


Wala ng nagsasalita bukod sa kanya. Para bang ang lahat ay takot sa kanya.


"Why would I waste my time for this book?" Bigla siyang lumingon sa akin. "Adi?!"


Napaangat ang aking mukha. "P-po?"


Napatingin sa akin ang lahat. Ang mga mata nila ay para bang nagsasabing ikaw ang aming pag-asa.


"I read the book. It's not a script. It's just a story. Why would I bother to make this into a movie?"


Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. Pakiramdam ko tuloy ay pasan ko ang buong mundo.


"It's a simple story. Why do you think I should accept this project?"


"Because..." Bakit nga ba? Narinig ko ang lahat ng sinabi niya at lahat iyon ay may point siya.


Pero alam kong may tamang sagot sa lahat ng tamang tanong. Kailangan kong masagot ito dahil kung hindi ay ito na ang huling araw ko sa movie industry.


Napapikit ako habang nag-iisip. Mabuti na lang at may naalala ako.


"It's just a simple story. Why would I risk my career for this, Adi?"


"Because..." Natigilan ako. "Because... every story deserves to be told."


Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.


Nakatitig lang ang lahat sa akin at para bang hindi makapaniwala sa naisagot ko. Naalala ko lang ito dahil ito iyong nabasa kong nakapaskil dati sa pader ng kanyang opisina.


Nagsalita ang isa sa mga producer. "The fans badly want this book to be adapted into a movie. We don't care if this is just a simple story as long as we, the producers, will earn from this. Because that is how the business works."


Nagdilim ang kanyang mukha. "Get out."


"H-ha?"


"Everyone." Humarap si Hermes sa lahat ng tao sa conference room. "Get out!"


Isa-isang nagsitayuan sina Mamala kasama ang mga producers at directors.


Sasabay sana ako sa paglabas nila nang hulihin niya ang aking pulso. "Stay."


Napahinto ako sa paglalakad.


Sinulyapan pa ako ni Mamala bago siya tuluyang nakalabas ng pinto. Nang mawala na silang lahat ay isinara ni Hermes ang pinto. Pagkatapos ay pumamulsa siya at humarap sa akin.


Hindi ko naman siya magawang tingnan dahil kailangan ko pa siyang tingalain. Matangkad siya. Halos kasing tangkad niya yata si Rogue Saavedra.


Bakit bigla ko na naman naisip ang baliw na lalaking iyon? Dapat hindi ko siya isipin!


Mukhang hinihintay ni Hermes na mag-sorry ako kaya nagsalita na ako. "S-sorry, Direk, pinagtimpla kita ng kape." Kumamot ako sa ulo ko. "A-akala ko kasi—"


May hinugot siya sa kanyang bulsa at iniabot sa akin. Calling card iyon. "You owe me a dinner."


"H-ha?" Napatigagal ako nang tingalain ko siya.


Kalmadong lang ang kulay tsokolate niyang mga mata. "How about five-ish later? Text me," pagkasabi niya niyon ay nilampasan na niya ako at lumabas na siya ng pinto.


Anong nangyayari? Bakit niya ako biglang niyaya mag-dinner? Nilingon ko siya pero hindi na siya naabutan ng aking paningin.


...


ROGUE's


I smiled for the first time in a while.


Bakit nga ba hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi? Ano bang nakakatawa sa nangyari kanina?


Right. Adi must be so mad at me. Tama ba naman kasing ilagay ko siya sa trashbag. Kahit si Rix ay nasermunan ako dahil mali raw iyon.


It's not like that I see her as a garbage. Hindi ko lang talaga malaman ang gagawin kanina kung paano ko siya hahawakan. She was so drunk. I panicked, kaya ibinalot ko na lang siya sa trashbag. Ayoko rin pating marumihan ang floor ko dahil baka magsuka siya sa kalasingan.


Napahilot ako sa aking sentido. Mali ba talaga ang ginawa ko? I just wanted to protect myself from germs, that's all.


At first, sobrang naguguluhan talaga ako nang una kong makita si Adi. Her face is so identical to Jane. It's just the color of her eyes that's  bothering me. Kulay blackish brown kasi ang mga ito at hindi kulay abo. So I came up with the conclusion na hindi nga siya si Jane. Maybe it's just me being crazy after I read the book. Malaki kasi ang pagkakahawig ng istorya nun sa nangyari sa akin sa isla.


But I have to investigate. I know, it's crazy. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit umaasa pa rin ako na totoo ang lahat ng nangyari  sa isla kahit alam kong panaginip lang iyon.


I hired a private detective. The best one.


Nadiskubre ko na matagal ng extra si Adi sa mga ilang pelikula at teleserye. Minsan nga ay extra rin siya sa mga TV commercials. Lahat iyon ay pinanood ko. And how the hell that Adi moves and talks exactly like the Jane I know? How is that even possible?


Well, marami pa akong gustong imbestigahan sa kanya pero wala ng makita ang private detective na kinuha ko. I tried to hire another one, but the investigation end with the same result. They found nothing uncommon about her. Adi is just a commoner in this country. There's no information kung saan siya nakatira at kung sino ang mga kasama niya sa kanyang tinutuluyan.


Maybe it's time to give up. I should stop right there. Kailangang ko nang i-set aside ang imagination ko sa reality. Eh ano ngayon kung may kamukha si Jane dito sa real world? It doesn't mean anything, right? Nagkataon lang siguro talaga.


The best thing I should do now is to enjoy life. After I met Adi, I kind of started to feel well.


May mga narinig ako ng yabag na nagtatakbuhan sa aking likuran kaya nanakbo agad ako at pumasok sa isang pinto. Nagtago ako sa isang bakanteng room.


Finally, natakasan ko rin ang mga bodyguards ko. Gusto ko namang ma-experience ang maglakad-lakad nang walang nakapalibot na mga bodyguards sa nilalakaran ko.


Mayamaya ay lumabas ako sa kabilang exit na pinto. Napadpad ako sa isang malahawak na hallway ng building. Para itong museum dahil nakadikit sa mga pader ang malalaking posters ng mga sikat na artista. Kabilang na rito ang poster ng aming banda.


Pero sino kaya ang babaeng iyon na nakatanghod sa poster ng Black Omega Society band?


Nanlaki ang mga mata ko nang makilalang si Adi iyon.


What the hell is she doing here? This is like the last night. Nagulat na lang ako nang madatnan ko siya sa table na ipina-reserve ko. Nagkakataon nga lang kaya ang lahat? Bakit lagi yata kaming nagkakatagpo?


Nandito ako dahil nagkaroon ng pirmahan ng kontrata sa isang conference room. Pero ako pa lang ang artista nila dahil magkakaroon pa raw ng audition para sa leading lady ko. Ang mga kasama ko lang sa contract signing ay mga directors.


Nilapitan ko siya nang marahan. We should be five meters apart. No, pwede na ang four. Bahagya pa akong lumapit.


Okay, fine. Three meters.


Napailing ako. Two meters, I guess. Bahagya pa akong lumapit.


I should be one meter away, this is final. Lumapit pa ako.


Mukhang hindi niya alintana ang paglapit ko. Nakatingala lang siya sa malaking poster ng Black Omega Society band at nakatitig dito.


Hmn, sino ba ang hindi mapapatitig sa banda ko? Lalo na sa akin? And to think na isa siya sa avid fans ko ay nakakataba ng puso.


Tumikhim ako. "You must be a fan," nakangiting sabi ko. Iyon lang ang paliwanag kung bakit ganoon na lang siya ka-engrosses sa pagtitig sa poster ng banda ko. Hindi naman puwedeng hater siya dahil napakaimposible niyon. Perpekto ako kaya malamang na perpekto rin ang banda ko.


Napailing siya nang hindi ako nililingon. "Actually, hindi ko nga alam kung bakit sikat ang mga tarantadong ito."


"Huh?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.


"Tingnan mo itong isang 'to." Itinuro niya si Phoenix Laz Sandoval na nasa  dulong kanan. "Kaka-tumbling lang siguro kaya ganito ang buhok nito. Ang gulo!"


Alam ba niya na ako ang nasa likuran niya?


"At ang isang ito, nag-sando pa. Ang laki nga ng braso, pero liit naman ng binti?" si Ryder Vito Deogracia ang tinutukoy niya na katabi ko sa picture. Pero hindi naman maliit ang binti ni Ryder, ah? Exaggerated lang siya! "May hawak pang drumstick, mukha tuloy manunungkit ng alatiris."


Napakuyom ako ng kamao.


"At bakit naman dito nakasabit ang headset ng isang ito?" Si Voss Damon Montemayor ang tinutukoy niya sa poster na nasa kaliwa ko. "Sa tainga dapat, hindi sa leeg. Sana kwintas na lang binili niya hindi headset. 'Tapos iyong ngiti pa akala mo pinayagan ng nanay niyang maglaro sa labas kahit umuulan. Papansin din, eh."


Umigting ang aking panga.


"Itong isa naman na 'to..." si Lion Foresteir naman ang tiningnan niya. "Ito lang pogi sa lima e. Ang kaso mukhang may saltik so ekis din."


Nagdilim ang aking mukha. Kumibot yung ugat ko sa noo.


"At itong nasa gitna, ito ba leader nila?"


Konti na lang at masasabanutan ko na ang babaeng ito.


"May face mask pa sa mukha, kala mo naman ikinaguwapo niya. Naka-gwantes pa, ano hardenero lang? Magtatanim ng monggo, ganun? Husay din nito, eh nuh?! Kainis talaga to sa totoo lang. Banas ako dito e."


"Actually, that's me." Hindi ko na napigilan ang aking sarili.


Kamuntik na siyang mapalundag pagharap sa akin. "O-oh... Idol, ikaw pala."


Idol? Parang kanina lang ay nilalait niya ang banda ko, ah!


Bakas sa mukha niya ang takot kaya humakbang ako palapit sa kanya.


Napaatras siya. "H-hindi ko naman sinasadya iyong mga sinabi ko..."


Lumapit pa ako sa kanya kaya umatras pa siya. Hindi niya namalayan na napasandal na siya sa pader. "At bakit banas ka sa akin, ha?"


Nakatingala lang siya sa akin habang habol niya ang kanyang paghinga. "Ha? May sinabi ba akong ganun?"


Isinandal ko sa pader ang aking mga palad na may gloves para ikulong siya. "Bakit banas ka sa akin? Anong ginawa ko sa 'yo? Tell me."


Ang takot na mga mata ni Adi ay unti-unting tumalim habang nakatingin sa akin.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro