Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 27

Episode 27


ADI's


Every story deserves to be told.


Ito ang nabasa ko na nakapaskil sa pader na nasa harapan ko. Sinusubukan ko kasi kung malinaw ba itong bago kong contact lens. Malabo kasi ang mga mata ko kaya kailangan kong magsuot nito. Hindi ko kasi trip ang magsuot ng glasses. Parang ang bigat sa mukha, nakakairita.


Nakaupo ako sa isang director's executive chair. Nautusan lang ako na magdala ng papeles dito pero nadatnan kong walang tao ang opisina. At habang inaabangan ko ang direktor na magre-receive nitong mga papers, natukso akong magpahinga dito sa executive desk ng direktor.


"Cut!" sigaw ko.


Kunwari ay may kausap ako.


"Anong klaseng acting yan?! Roll the camera! Again!" Mayamaya ay mahina akong napahalakhak.


Ang sarap sigurong maging direktor. Wala kang ibang gagawin kundi utusan ang mga assistant mo. Nakaupo ka lang ang pagmamasdan ng live ang screen. Ikaw ang magdedesisyon kung ano ba ang dapat gawin ng mga actors mo.


Sa tinagal-tagal ko na kasi sa pag-e-extra, bihira ako makaharap ng direktor. Kadalasan na nagpapagalit sa amin kapag palpak kami ay ang mga assistant directors.


Napabalikwas ako ng tayo nang biglang bumukas ang pinto. Isang matangkad na lalaki ang biglang pumasok.


Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito. Mukha siyang modelo. May hawak siyang mga folder.


"Saan ko ito pwedeng ilagay?" tanong niya sa akin matapos akong pagmasdan muna.


"Ahm..." Nilingap ko ang paligid. "Dito na lang." Sabay turo ko sa desk.


Lumapit siya sa akin at inilapag naman ang mga ito sa desk. 


Sa tancha ko ay nasa edad 30 lang siya. Guwapo at mukhang may kaya dahil maganda manamit at malinis ang kutis. Nakasuot siya ng white v-neck shirt at cargo shorts na black. Naka-tsinelas lang siya kaya nakalitaw ang malilinis niyang mga kuko sa paa. May suot siyang string bag sa kanyang likuran. Naamoy ko agad ang amoy ng kanyang shampoo mula sa wet look niyang buhok.


"B-bago ka lang dito?" wala sa sarili na naitanong ko sa kanya.


"Yeah. Bago lang." Kahit napakaseryoso ng mukha ng lalaking ito ay nagiging mabait ang dating niya dahil sa mahinahon at malamyos niyang boses. "How about you? Matagal ka na dito?"


"Oo," sagot ko rin. Naaliw ako dahil siya ang bukod-tangi rito sa set na mahinahon at magalang kumausap sa akin. Iyong iba kasing staff dito ay hindi ako sineseryoso. Paano ba naman ako seseryosohin, e bukod sa madalas akong palpak ay may sabit pa ako na dalawang lolang maliligalig at pasaway.


Napatingin ang guwapong lalaki sa desk ng direktor.


Nahalata ko ito kaya nagsalita na ako. "W-wala pa si Direk. Pero baka parating na yun." Bumalik muli ako sa pagkakaupo.


Pihadong malilintikan ako nito kay Mamala kapag may nakaalam na tinambayan ko ang upuan ng isang direktor. Lalo na't nabalitaan kong masungit daw ang bagong direktor na ito.



"So," pumungay ang kanyang mga mata. "Close kayo ng direktor?"


"H-ha?" Lumikot ang aking mga mata. "O-oo. Co-director niya ako."


Hala! Bakit ko ba nasabi iyon?


"Assistant director?"


"O-oo," pagsisinungaling ko na hindi ko alam kung bakit bigla kong ginawa. "D-direcktor na rin, ganun."


Since nakikita ko naman na parang baguhan lang ang isang ito, pwede ko siguro siyang pagsinungalingan. Seryoso lang talaga ang dating ng kanyang mukha, pero sa tingin ko ay mabait naman siya.


"Ah, direktor ka pala. Good morning, Direk," bigla ay magalang na bati niya sa akin. Nang ngumiti ang kanyang nakatiim na mga labi ay lalo siyang gumuwapo. Mukha yatang hindi siya basta bagong staff lang dito.


"Good morning din." Umayos ako ng upo. "Bagong artista ka dito?"


Umiling siya. "Hindi."


So utusan lang rin yata talaga siya rito tulad ko. "Ako nga pala si Adi. Direk nalang ang itawag mo sa'kin." Kinamayan ko siya.


Utusan lang din pala siya, akala ko artista na. Mas bagay kasi sa kanya ang mag-artista dahil guwapo siya. Siguro ay katulad ko'y umi-extra din siya kapag nakakakuha ng tsansa.


"Ako si Hermes." Kinamayan niya rin ako. "Nice to meet you, Direk."


"Pwede mo ba kong ipagtimpla ng kape?"


Matagal siya bago nakapagsalita. "Sige, Direk."


"Maraming cream ha."


"Sugar?"


"Marami rin."


Astig nito! Ang sarap ng ganito!


Tumayo ako sa aking kinauupuan. "Isunod mo na lang sa akin sa labas. Idi-discuss ko lang sa mga artista ko yung script nila."


"Okay po, Direk." Nagtungo na siya sa coffee brewer corner ng office para magtimpla.


Bago ako lumabas ng pinto ay lihim akong napapahalakhak nang mahina. Ganito pala ang feeling ng isang direktor.


...


ADI's


"Isa siyang director?!" nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Hermes sa magazine na ipinakita sa akin ni Hazel.


"You know him?" Umangat ang isang kilay niya.


Umiling ako. "H-hindi." Pero ang totoo ay siya iyong lalaking na-meet ko sa opisina kaninang umaga sa shoot.


"He's not just a director. He's a bachelor millionaire, a multi-awarded director. At his very young age, marami na siyang natanggap na awards as a director. Takot ang mga artista at mga nasa set kapag siya ang humahawak ng pelikula." Pagkuwan ay napabuntong-hininga siya. "They call him The Terror Director."


Siya ang tinatawag nilang The Terror Director? Napatigagal ako. Napalunok ako nang mariin. Kung alam ko lang, hindi ko sana siya pinagtimpla ng kape.


Sikat na sikat ang tinatawag nilang The Terror Director na ito sa movie industry. Lahat yata ng mga pelikula na ito ang direktor ay hindi pwedeng walang mapanalunang awards. Kahit indie film pa o low budget film, nagagawa niyang isang magandang pelikula. Mapa-comedy, action or drama, kapag siya ang direktor ay pihadong hahakot ng mga awards.


Pero lahat ng mga artistang nahawakan ng lalaki ay alam kung gaano siya ka-terror. Iyong iba nga ang tawag sa kanya ay Devil in the Set. Pero ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang mukha niya kahit sa screen dahil hindi naman siya nagpapa-interview or naggi-guesting man lang sa mga shows. Hindi ko pa siya makikilala kung hindi pa pinakita sa akin ni Hazel ang magazine kung saan naroon ang pagmumukha niya.


Kasalukuyan kaming nasa isang restaurant ng mga sandaling ito at naghahapunan. Nilibre lang ako ni Hazel dahil gusto lang niya na may makakwentuhan.


Kulang na lang ay batukan ko ang aking sarili. Kung bakit naman kasi hindi ko alam kung ano ang hitsura niya.


"They offered him the project." Sumimsim si Hazel sa wine glass na hawak niya. Naka-ethnic fashion red dress siya at high heels. Parang malalaglag na ang kanyang tainga dahil sa malaking hikaw na nakasabit dito. Ang kapal ng pula niyang lipstick.


"I-iyong book natin na gagawing movie?" Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita pa kami ng lalaking yun.


"Yup. Pero tinanggihan niya."


Nakahinga ako nang maluwag. "Mabuti naman."


"What?"


"A-ang ibig kong sabihin, mas mabuti nga iyong pag-isipan niya nang husto."


"He's the best director ever, Adi. Kapag tinanggap niya ang project, tiyak na magiging successful ang movie natin."


"Bakit ba ikaw ang namomroblema? Hayaan mo na ang mga producers ang gumawa ng paraan para mapapayag siya." Sabay lagok ko sa wine na hawak ko.


"Easy, Adi. Malakas yan, baka tamaan ka agad."


Nagsalin ulit ako at nilagok ito. Kailangan ko ito. Kung si Hermes pala ang The Terror Director na lalaking nakilala ko kanina, siguradong irereklamo ako nito kay Mamala. Kapag nagkataon ay baka hindi na ako mabigyan ng project nun.


Kilala ang direktor na ito sa koneksyon at kayamanan. Ang alam ko nga ay may sarili pang TV station ang angkan ng Hermes na ito. Stockholder din siya ng isa sa pinakamalaking commercial agency dito sa bansa. So easy lang sa kanya na patalsikin ako at ipatapon sa kung saan kung gugustuhin niya dahil pinagtimpla ko siya ng kape.


Hinuli ni Hazel ang pulso ko para awatin ako sa lalagukin ko pang wine. "That's enough. Hindi kita kayang buhatin."


"Malakas akong uminom, ano ka ba?" Tinabig ko ang kamay niya at nilagok ang wineglass. "Tuba at lambanog nga keri ko, ito pa kaya!"


Napapailing na lang siya.


"Teka, CR lang ako." Pagtayo sa upuan ay gumewang ako.


Nilapitan agad ako ni Hazel para alalayan. "Ang tigas kasi ng ulo mo!" reklamo niya.


"Nadulas lang ako, pero hindi ako lasheng." Pagkatapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.


Para akong tumatawid sa lubid habang humahakbang papunta sa comfort room. Pagdating ko dun ay panandalian lang akong humarap sa salamin at lumabas agad. Gusto ko lang mahimasmasan mula sa akin mga kapalpakan. Hindi mawala sa isip ko ang The Terror Director  na yun.


Bumalik ako sa table namin ni Hazel pero hindi ko na siya nadatnan.


Nasaan na ang babaeng yun?


Mukhang malakas nga talaga ang tama ng wine na yun. Naka-apat na baso pa lang ako ay para ng umiikot ang paningin ko. Umupo muna ako sa upuan. Baka may kinuha lang si Hazel sa sasakyan kaya hihintayin ko na lang siya.


"Excuse me?" Pares ng mamahaling leather shoes ang lumapit sa akin.


"Ha?" Tiningala ko siya pero hindi ko siya maaninagan dahil nanlalabo na ang aking paningin sa kalasingan.


"That's my seat." Isang boses ng lalaki.


"Ano ka hilo? Dito ako nakaupo kanina pa!" Dadamputin ko sana itong wine glass sa harapan ko nang awatin niya ako.


"Don't touch it."


"Ano naman kung hawakan ko 'to?" Natigilan ako.


"Galing ka sa banyo. Malay ko ba kung hindi ka nag-alcohol ng kamay mo."


Tiningala ko ulit siya. Saka ko lang na-realize kung sino ang lalaki nang maaninag ko ang berde niyang mga mata.


Pumamulsa ang kamay niyang may suot na gloves. "What the hell are you doing here? Are you alone?" Ang ganda ng boses niya. Buong-buo ang pagbigkas niya ng mga salita.


"H-hinihintay ko yung kasama ko."


"Sa table ko?" Umangat ang isa niyang kilay.


"T-table namin ito at hindi sa 'yo, 'no!"


Umigting ang kanyang panga. "You're wasted."


Bahagya siyang lumapit sa akin at winisikan ang kamay ko ng alcohol. Para iyong baril na may gatilyo dahil pinaikot niya pa ito sa kanyang daliri bago isuksok sa kanyang tagiliran.


Wow! Kabayo na lang ang kulang, cowboy na.


"Here." May inabot siya sa aking maliit na bote na hinugot niya mula sa kanyang brown na coat.


"Ano 'to?"


"Mouthwash. Magmumog ka muna kung gusto mong kausapin kita."


"H-ha?"


Ngumuso siya habang nakapamulsa. "Baka mamaya ay hindi ka pa nagtu-toothbrush," bulong niya.


Hiningahan ko tuloy ang aking palad para amuyin ang aking hininga. "Okay naman hininga ko ah, amoy pansit malabon." Ito kasi iyong inorder ko kanina.


"Gross." Napangiwi siya.


Nilaklak ko ang botilya ng mouthwash at saka iminumog ito. Pagkuwan ay nilunok ko ito.


Napaatras siya sa ginawa ko.


"Sa amin ang table na 'to," wika ko sa matigas na tinig.


"You're drunk. Baka dun sa dulo ang table mo."


"Hindi ako lasing." Tumayo ako. "Paano mapupunta dun ang table namin sa dulo eh wala naman dun si..." Natigilan ako nang makita ko sa Hazel sa dulong table. "Hazel?"


Napapatingin na ito sa wrist watch niya habang lilingap-lingap sa paligid. Mukhang kanina niya pa ako hinihintay.


Yari. Maling table nga itong napuntahan ko!


Bigla na lang sumakit ang tiyan ko na para bang may umakyat na hangin papunta sa aking ulo. Nabuwal ako sa pagkakatayo at natumba sa sahig. Nagdilim na lang bigla ang paligid ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.


...


ADI's


Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa malamig na sahig nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata.


Wow ang ganda ng ilaw na nakabitin sa kisame. Chandelier ang tawag dun.


Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nasaan ako? Anong lugar kaya ito? Kaninong bahay ito na obviously ay bahay-mayaman. Parang nasa isang malaking kuwarto ako, pero nakapagtataka kung bakit nasa sahig ako nakahiga at hindi sa kama.


Napadilat lang nang husto ang aking mga mata nang maalala ko ang nangyari kagabi. Oo nga pala, nalasing ako. Baka nag-aalala na sa akin si Hazel!


At saka ang huli kong natatandaan ay natumba ako at nasalo ni Rogue Saavedra. Kung ganoon siya ang nagdala sa akin sa lugar na ito!


Tatayo sana ako nang maramdaman kong may nakabalot sa akin. Ano 'to? Bakit nababalutan ako ng trash bag?


Patay na ba ko? Bangkay na ba ako? Bakit ako nasa trash bag?


Isang lalaki ang lumapit sa akin na may suot na hand gloves. Meron siyang face mask sa bibig at berde ang kanyang mga mata. "Don't move, or else babarilin kita!"


Napangiwi ako. "B-babarilin?"


Tinutukan niya ako... ng alcohol na de spray.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro