
Episode 24
Episode 24
ADI's
Kandahaba ang leeg ko sa paghahanap kay Granny J dahil nagkalat ang mga props men at camera men sa set. Ginanap ang shooting dito sa isang tabing-ilog kung saan bahagyang mataas ang tubig at batuhan.
Nilapitan ko agad si Granny J nang matanaw ko siya.
"A-Adi, hija, anong ginagawa mo dito?" Parang gulat na gulat siya nang makita ako. Aligaga ang mga mata niya. Basang-basa ang suot na blouse ng matanda at puro putik ang kanyang buhok. May make up siyang itim sa ilalim ng kanyang mga mata kaya lalo siyang nagmukhang puyat na unggoy.
"Dinalhan ko po kayo ng pagkain." Ngumiti ako sa kanya.
"S-sayang, hija, di mo ko nadatnan. Kung inagahan mo, madadatnan mo ko na isang serena na lumalangoy dun sa ilog."
"Granny J, sinabi na po sa akin ni Mamala ang role niyo."
"S-serena ako, Adi," pagdidiin niya.
Mapait akong ngumiti sa kanya. "Bangkay raw po ang role niyo na nagpalutang-lutang sa ilog."
"Baka siya ang gawin kong bangkay!"
Napakamot ako sa ulo. "Granny J, baka po magkasakit kayo niyan. Hindi po dapat kayo tumatanggap ng ganyang role."
"Hindi ko naman tatanggapin 'to kung hindi malaki ang bayad. Isa pa, gustung-gusto ko ang role ko dito." Napangisi siya. "Pinagsamantalahan ako dito ng isang pogi."
"Tapos ikaw paslang tapos tapon ilog," singit ni Lola Imang na nasa likuran na pala namin.
Napasimangot si Granny J. "Talaga 'to si Imang parang timang."
"Ganon. Di ba. Talaga. Naman. Nangyari," putol-putol na naman ang salita nito.
"Eh, teka lang po. Ano naman po ganap ni Imang?" Pumagitna na ako sa dalawa bago pa sila mag-away.
"Ah, yung katawan ko kasi sa ilog nagdecompose," sagot ni Granny J. "'Tas si Imang na yung gaganap nun. Siya naman yung magpapalutang-lutang dun sa ilog."
"Po?"
Nakangiti lang sa akin si Lola Imang na parang gustung-gusto rin ang kanyang role.
"Pero mga Lola, gumaganda na po ang kita ko kay Hazel. Hindi niyo na kailangan magpakahirap pa sa pag-e-extra para kumita."
Nalukot ang mukha ni Granny J nang marinig ang pangalan ni Hazel. Hindi niya kasi gusto si Hazel kahit pa nakakatulong ito sa amin nang malaki. "Anong ibig mong sabihin, hija, na lumalaki kita mo?"
"Lumakas po kasi yung benta ng book niya kaya mas malaki na ang sahod ko sa kanya."
"Sus! Dapat lang dahil hindi niya naman talaga libro yun. Ikaw ang nagsulat at lumikha ng laman ng librong inaangkin niyang depungas siya." Pinandilatan niya ako kaya naglaglagan ang kanyang mga muta.
"Pero nagsulat po ako para sa kanya dahil gusto ko pong kumita ng pera. Pinagtrabahuhan ko po sa kanya iyon at nababayaran niya po ako ng tama. Kaya sa kanya na po iyon. Ghost writer niya po ako."
"Ewan ko ba sa'yo, bata ka. Maganda ang mga akda mo, at sana ay ikaw ang sikat ngayon at hindi siya!"
Hinimas ko siya sa likod. "Granny J, hayaan niyo na po. Hanggang book two na lang naman po yung gagawin ko."
"Aba, at may book two pa!" may lumabas na langaw sa bibig niya. Ewan ko ba!
"Nakiusap lang po siya sa akin. Pinagbigyan ko na dahil tumatanaw lang po ako ng malaking utang na loob." Pero ang totoo ay sumama ang loob ko kay Hazel.
Bakit kaya kailangan niya pa akong papirmahin ng contract about sa ghost writing confidentiality? Wala ba siyang tiwala sa akin? Sa tingin niya ba ay isisiwalat ko sa buong mundo na ako ang nagsulat ng gawa niya at hindi siya? Hindi ko kayang gawin iyon sa kanya.
"O, hija, babalik na kami sa set, ha. Extra rin ako sa isa pang pelikula." Bumingisngis na siya.
"Po? Hindi po ba muna kayo kakain?"
"Mamaya na lang baka magalit si Direk. Start na ng shoot."
"Teka po," awat ko sa kanya. "Ano pong role niyo diyan?"
Kumamot si Granny J sa ulo. "Ah, bangka."
...
ROGUE'S
"Geez! Do you know what time is it?" reklamo sa akin ni Rix matapos niyang sagutin tawag ko. Halatang kakagising niya lang sa kanyang boses dahil garalgal pa siya. I've been calling him the whole night, pero ngayon niya lang nasagot.
"I read the book." Napalunok ako nang malalim. "I'm in."
"What?" Parang biglang nawala ang antok sa boses niya.
"I said I'm in."
"Are you sure?"
"Yes."
"I'll set you an appointment tomorrow with the film company."
"Rix, there's one thing I want you to set for me before anything else."
"Name it and consider it's done."
Napahugot muna ako nang malalim na paghinga. "I need to see the author."
"Huh?"
"Set me a meeting with her as soon as possible."
...
ADI's
Pumasok ako sa pinto habang bitbit ang isang tray na may lamang pagkain at isang baso ng lemon juice. Lumapit ako sa isang lalaking naka-sando na parang kanina pa naghihintay sa akin. Prente itong nakaupo at nakatanaw sa pool malapit sa amin. Nang makita nitong papalit na ako ay napabalikwas agad ito sa pagtayo.
"Sir, ito na ho ang pagkain niyo," nakangiting bungad ko sa kanya—sa lalaking amo ko.
Dinaluhan niya agad ako at sinalo ang tray na hawak ko. "Thank you."
"Enjoy your meal po, Sir." Akma ko na siyang tatalikuran nang hulihin niya ang aking pulso.
"Wait!"
Napaharap ako sa kanya. "B-bakit po?"
"Dito ka muna." May naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
"E-eh, sir, may gagawin pa po kasi ako sa loob."
"Easy, Inday. Dito ka muna sa tabi ko. Magkuwentuhan muna tayo."
Nilingon ko ang pinto palabas. "Sir, baka po magalit si Ma'am. May inuutos pa po siya sa akin"
Hinila niya ako at ikinalong sa kanyang mga hita. Pagkuwan ay niyapos niya ako. "Don't worry about my wife, akong bahala—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang pumiksi ako para makawala sa yakap niya at sampalin siya.
"How dare you!" Nanlisik ang kanyang mga mata habang sapu-sapo ang kanyang pisngi.
"S-sorry, sir. Aalis na po ako."
"No!" Hinablot niya ako sa bewang.
Nagpumiglas ako kaya nakawala ako sa kanya. Mabuti at nagawa ko pa siyang sipain kaya natumba siya. Pagkatapos ay nanakbo ako palabas ng pinto.
Hinabol niya ako pero huli na nang maisara ko ang pinto. Ngunit dahil malakas siya ay nagawa niyang hilahin ang pinto kaya bumukas ito. "Where do you think you're going, huh?"
Tatakbo pa sana ako pero maling pinto ang napasukan ko. Pader na ang natatanaw ko sa dulo.
"S-sir, maawa po kayo..." Napaatras ako.
Hinubad niya ang suot niyang sando at ibinato ito sa kung saan. "There's no way you could run." Nagtatagis ang kanyang panga at makikita ang pananabik sa kanyang mukha. "Ang ganda-ganda mo, mas maganda ka pa sa asawa kong kulubot na!"
Kakaatras ko ay may nakapa akong kahoy sa likuran ko kaya dinampot ko ito. Kaya nang sunggaban niya ako ay pinukpok ko siya sa ulo.
"S-sandali—"
Hindi na siya nakailag nang pagpupukpukin ko siya sa ulo.
"Cut!" sigaw ng direktor.
Nagtakbuhan sa amin ang ilang staff at inawat ako.
"What the hell, Adi? Anong ginawa mo?!" nag-aasik na lumapit sa akin ang assistant direktor at tiningnan ang kalagayan ng lalaking pinukpok ko.
Napangiwi ako. "S-sorry, nadala ako masyado..."
Puro bukol ang ulo ng lalaki nang alalayan nila ito papunta sa medical van. Siya si Ralph. Kakaumpisa pa lang niya na mag-artista matapos niyang manalo sa isang contest sa noontime show. Pihadong malilintikan ako nito dahil napuruhan ko ang kanyang ulo.
"Ano bang nangyari, ha?!" Nanggagalaiti ang assistant director sa akin at kulang na lang ay pukpukin niya rin ako ng kahoy sa ulo. Naka-simple white shirt lang siya at pawisan na ang bakla. Nakailang take na kasi ang scene dahil ilang beses nagkamali sa dialogue si Ralph.
"D-di ba po pupukpukin ko siya?" paliwanag ko habang nanliliit. "I-iyon po yung nasa script."
"Pukpukin mo. Pero hindi sinabi sa script na patayin mo."
"S-sorry." Napayuko ako.
"Saka acting lang ang lahat, bakit mo naman tinotoo?"
"N-nabigla lang po ako."
"Ano kaya't mabigla lang din ako at pukpukin kita sa ulo, ano?"
Napakamot na lang ako.
"Adi, ayusin mo naman. Galit na si direk kasi kanina pa tayo sa scene na 'to." Namimilipit siya sa inis.
"Opo, aayusin ko na po."
"Break daw muna sabi ni Direk," sigaw ng isa sa mga camera man.
Inirapan niya ako. "Umayos ka, Adi."
Tinanguan ko na lang siya. Pagkuwan ay umupo ako sa isang upuan na nakita kong malapit sa akin. Nananakit na kasi ang mga talampakan ko dahil sa paulit-ulit na paglalakad ko sa scene. Hinilot ko ang likuran ng aking binti.
Tumunog ang cell phone ko sa aking bulsa kaya hinugot ko ito. Sinagot ko agad ang tawag nang makita ang pangalan ni Hazel sa screen. "Hello?"
"Adi, please don't scream," bungad niya sa akin.
"Ha?"
"You're not gonna believe in this." Napahugot siya nang malalim na paghinga. "The book is going to be a movie!" napatili siya.
Ewan pero parang may hapdi akong naramdaman sa aking dibdib. Dapat ay masaya ako para sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. "Yey..." ani ko na walang-buhay.
"I already signed the contract. It's big time, Adi! The God Has Fallen is going to be a movie!" impit siyang napasigaw.
"Congrats..." Pilit akong ngumiti kahit nasa kabilang linya siya. Di ba nga't dapat naman talaga ay masaya rin ako. Kung magiging movie ang gawa ko, it means mas malaki na rin ang kikitain ko as ghost writer ng book na ito.
"But, Adi, I need a favor." Biglang sumeryoso ang kanyang boses.
"A-ano yun?"
"I'm trapped in a traffic. I have an appointment sa leading actor na nakuha nila para sa movie na 'to at hindi ko alam kung makakapunta ako sa meeting place namin on time." Bahagya siyang natigilan. "Pwede bang ikaw ang pumunta since malapit sa'yo ang place?"
"H-ha?" Napatayo ako sa aking pagkakaupo. "S-seryoso ka?"
"I already called his manager to set two seats for us. Mauuna ka lang doon, pero parating naman na ako. I heard that this actor is arrogant at ayaw ng pinaghihintay. Besides, he's an important person. Isa pa, you can entertain him while I'm on my way. They know you as my editor."
"Pero, Hazel—"
"Please, pretty, please! I know it's such a short notice. Kahit ako ay nabigla rin. Napakabilis ng pangyayari. Pinapirma nila ako ng contract and then I suddenly have an appointment sa isang billionaire actor. Hindi ko rin alam kung bakit nagmamadali ang lead actor na ito na ma-meet ako. May mga questions daw siya sa akin."
"H-ha?"
"And since you wrote this story, and as my editor," pinagdiinan niya iyong word na editor. "Masasagot mo ang mga tanong niya. Just tell him na it's because you read the story over and over since you always do the editing, right? That might work on him."
Napapikit ako. "Hazel, nasa shooting ako."
"Please, Adi. I'm begging you, please. This is so important to me."
Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. "Saang place ba ang meeting?" Sa huli ay bumigay na rin ako.
"Montemayor Restaurant, diyan sa Global Plaza. It's just one ride para marating mo yun. I already made a reservation for you."
"N-ngayon na ba?"
"Actually, you should run now! Baka nandoon na sila."
"H-ha?" Napapakamot na lang ako sa ulo. "Teka. Sinong lead actor nga pala itong ime-meet ko?"
"He's the hottest lead vocalist ng Black Omega Band." Puno ng excitement ang kanyang boses. "His name is... Rogue Saavedra!"
Napahigpit bigla ang kapit ko sa telepono.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro