Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 23

Episode 23

ADI's


Nakangiting mukha ng isang babae ang napagbuksan ko ng pinto kinagabihan. Siya si Hazel, siya ang dahilan kaya nakalipat kami nila Granny J at Lola Imang dito sa mas matinong apartment mula sa barong-barong na dati naming tinutuluyan. Dahil din sa kanya kaya nakapag-enroll ako sa ALS program, isang Alternative Learning System para sa mga katulad kong hindi nakapag elementary o high school.


"Adi, my angel!" masayang bungad niya sa akin. Naka-off shoulder siya na blue blouse at fitted high waist skirt.


"Hazel, gabi na, anong kailangan mo..." Nagulat ako nang bigla niya akong sugurin ng yakap.


"Oh, Adi! I just can't wait to tell you some big news." Maligayang-maligaya pati ang tono ng boses niya. "I've got something for you!" May binalikan siya sa labas, at nang bumalik siya ay may inaabot na siya sa aking mga paper bag na halatang mula sa mall. "New clothes, and other supplies! I hope magustuhan mo lahat!"


"Bakit–"


"Because the book signing went well!" aniya habang kinikilig sa tuwa. "Dinumog ako ng readers and medias!"


Oo nga pala. Bigla kong naalalang nagkaroon nga pala siya ng book signing kanina at hindi ako nakapunta. Nagkaroon kasi ng quick shoot sa set kaya hindi ko na nasagot ang tawag niya.


"You won't gonna believe this." Kinuha niya ang aking kamay at saka ito pinisil. "Adi, the book sold a hundred thousand copies in just half a year!"


Kumirot ang puso ko habang nakatitig ang aking mga mata sa kanya. "T-talaga?"


Nagtatalon siya na parang bata. "Yes!" Pagkuwan ay niyakap niya ulit ako nang mahigpit.


Napakabango niya. Mahahalata mo agad na nagmula siya sa isang mayamang pamilya dahil sa amoy niyang dahil sa mamahaling pabango. Kaya niyang bilin ang lahat ng kanyang gustuhin. Sunod sa lahat ng karangyaan si Hazel dahil nag-iisang anak lang siya ng kanyang mga magulang. Siya na rin ang nagsabi sa akin na spoiled brat daw siya.


Si Hazel ay matanda lang sa akin ng dalawang taon, ngunit kung pagmamasdan ay parang hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Para siyang artista dahil sa kutis niya. Kumbaga sa isang pelikula, siya iyong leading lady na laging pinag-aagawan ng dalawang bidang lalaki.


"Congrats, Hazel." Sabay talikod ko sa kanya para ayusin ang mga nakakalat sa sahig.


"Grabe talaga, Adi! Hindi ko akalaing sa maiksing panahon, sisikat ako nang ganito!"


"Oo nga, hindi ko rin akalain..." Humarap muli ako sa kanya matapos sipain ang huling kalat na nakita ko papasok sa ilalim ng sofa.


Mahina siyang napahalakhak. "I know. Dad will be proud of me." Lumamlam ang kanyang mga mata.


"Sigurado yan." Nginitian ko siya.


"But, hey, listen." Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Kahit ang pagkilos niyang iyon ay napaka-sophisticated.


"Ano iyon, Hazel?"


Tumiin ang pagkakatitig niya sa akin. "There's a book two, right?"


Nanigas ako sa aking pagkakatayo.


"Adi, tumawag sa akin ang publishing company. Over million of readers na raw ang naghahanap ng kasunod ng book ko. Sobrang trending na raw kasi sa social media at sumisigaw na ang mga fans ng book two."


Napayuko ako.


"Adi, I don't like that look!" Pumait ang tono ng boses niya.


Palihim kong naikuyom ang aking mga palad.


"I know you wrote this book, but I'm the author, Adi!"


"Hazel, kasi–"


Padabog siyang lumapit sa akin. "I don't want to disappoint my fans! Ayokong mapahiya sa kanila, do you hear me?!"


Pero paano ko dudugtungan ang isang kwentong humantong na sa katapusan? Tapos na iyon, bakit kailangan pang dugtungan? Nang isulat ko ang novel na iyon ay wala talaga iyong happy ending, kaya anong gagawin ko ngayon? At hindi rin ako sumusulat ng may masasayang wakas. Gusto ko kasi talaga ang mga tragical stories kaya nga nagtataka ako kung paano nagustuhan ng mga readers ang kwentong iyon.


Nakilala ko si Hazel dahil pamangkin siya ni Mamala. Minsan niyang nabasa ang mga short stories na ginawa ko at nagustuhan niya ang mga ito. Binili niya sa akin ang ilan sa mga ito at ipinost niya sa social media. Nagkaroon ang short stories ko ng maraming shares at dahil dito ay dumami ang kanyang followers.


Natuwa siya sa akin kaya binilhan niya ako ng laptop. Pagkatapos ay ni-encourage niya ako na gumawa ng isang novel. Babayaran niya raw ako as her ghost writer. Hindi ko naman aakalain na kukunin ng isang malaking publishing company ang isinulat kong novel at gagawing libro. Sumikat kasi ito sa mga Internet forum at nag-trending social media. Dahil din dito ay mas dumami ang followers ni Hazel kaya sikat na sikat na siya ngayon.


"Please, Adi, make a book two of that book. You know how much I want to be a writer, right? Pangarap kong maging sikat na writer. Besides, gusto kong maging proud sa akin ang family ko. Alam mo naman ang istorya ko, di ba?" Para siyang bata na nagmamaktol nang umupo sa aming maliit na sofa. "I don't want to be a politician like my dad."


Isang politiko ang ama ni Hazel. Ang gusto ng ama niya ay sumikat siya sa lugar nila dahil bubuo raw sila ng political dynasty. Ayaw ni Hazel ng ganoon. Iyon nga lang ay wala pa siyang mapatunayan na kahit ano sa kanyang pamilya. Aminado siyang hindi matalino, palpak pa siya sa pagnenegosyo, at ayaw rin niyang mag-artista kung di lang din siya agad ang bida. In short, ang gusto niya ay easy successful career. At nakamit niya iyon mula nang biglang sikat ang mga stories na isinulat ko para sa kanya. Ngayon ay ang goal niya na ay maging sikat na author.


"Kung hindi ako magiging writer, siguro mas maigi na mamatay na lang ako, Adi! Sana makaya ng konsensiya mo!"


Napabuntong-hininga ako nang makita ang kalungkutan sa mga mata niya. Nilapitan ko siya. "Hazel, wag ka nang malungkot."


Tumingala siya sa akin. "So you will do the book two na?"


Hinimas ko siya sa balikat. Nasa mga mata niya ang ningning dahil siguro nakita niyang unti-unti na akong bumibigay.


"You know I could pay you, right? If you want, sa' yo na lahat ng kikitain sa book. I just need the book two, Adi. Pangako, ibibigay ko na sa 'yo lahat ng kikitain ng book na iyon."


Napalunok ako. Malaking bagay na nga ang limos lang niya sa akin galing sa royalties ng book one, ano na lang kaya kung buong kita na ng book two ang ibigay sa akin ni Hazel? Tiyak na hindi ko na poproblemahin ang pera kapag nagkataon. Maipapa-check up ko na si Granny J at Lola Imang, makakapagtabi na rin ako para sa mga plano ko sa hinaharap.


"Adi, kapag ginawa mo ang book two, makakalipat na kayo ng mas maayos pa na tirahan kaysa dito sa apartment niyong ito. Ibibigay ko sa 'yo ang buong kita ng libro sa pagkakataong ito."


Lalo akong napalunok. Alam ko na tutuparin ni Hazel ang pangako niyang ito. Mabait naman kasi talaga siyang tao, famewhore nga lang. Aminado naman siyana famewhore siya. Gusto niyang sumikat sa paraang ayaw niyang mahirapan. Gagawin niya ang lahat upang maging sikat na writer kahit gamitan niya pa ito ng pera at koneksyon ng kanyang pamilya. Siya na nga ang nagsabi na kayang bilhin ng pera ang lahat ng bagay sa mundo.


Nakay Hazel na talaga ang lahat mula sa pera at kagandahan. Kung gugustuhin niya talagang sumikat ay pwede siyang mag-artista. Maganda siya at mukhang modelo. Tiyahin niya si Mamala at kayang-kaya siya nitong bigyan ng extra role na maraming exposure. Ang kaso lang ay ayaw ni Hazel na maghirap at magsimula sa mababang role, kahit gaano pa iyon kaganda. Ang gusto niya kasi ay bida agad siya. At mangyayari lang iyon kung marami siyang fans na magre-request na gawin siyang bida sa isang palabas o pelikula.


Nakakalungkot lang isipin na kung gugustuhin ni Hazel ay puwede naman talaga siyang sumikat sa pag-aartista. Nakahanda si Mamala na ibigay ang lahat ng magagandang extra role sa kanya, at paghuhusayan lang niya ay maari na siyang ma-discover. Isinusubo na sa kanya ang oportunidad ay inaayawan niya pa. Samantalang ako ay nagpapakahirap mag-audition sa pinakamababang role ng mga extra, mapapelikula man, teleserye o kahit commercial. Nagsisikap ako at nagtatiyaga upang ma-discover at palaring maging tunay na artista. Gustuhin ko mang hilingin kay Hazel na mabigyan ako ng magandang role dahil tiyahin niya nga si Mamala ay hindi ko naman magawa. Para sa akin kasi ay cheating iyon.


Gusto kong magtagumpay sa buhay nang walang tulong ng iba. Kung tumanggap man ako sa kanya ng pera ay dahil may pinagtrabahuhan ako sa kanya – as her ghost writer. May sarili kasi akong prinsipyo sa buhay.


"Please, Adi, gawin mo iyong book two," pagmamakaawa niya.


Tumango ako. Malaki na ang naitulong ni Hazel sa akin kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan ngayon na kailangan niya ang tulong ko. Pero huli na ito. Huling beses ko na siyang pagbibigyan, at pagkatapos ay quits na kami.


Napayakap ulit siya sa akin. "I owe you so much, my angel."


Napabuga ako ng hangin. "S-sige na..."


"Oh, by the way." May hinugot siya sa branded niyang shoulder bag. "Here. You need to sign this." Inabutan niya ako ng papel.


"Ano 'to?"


"It's a contract." Nagdilim ang kanyang mukha. "For the confidentiality."


Ngayon niya lang ako pinakitaan ng kontrata dahil lahat ng trinabaho ko sa kanya ay verbal lang, ni text message ay wala, dahil ayaw niya ng may ebidensiya. Subalit ngayon ay gusto niya na ng kontrata?


"Adi, kailangan kong siguraduhin na hindi mo ako ilalaglag pagdating ng panahon."


...




ROGUE'S


"A movie?"


"Yes. A movie." Napasandal si Rix Montenegro sa pader matapos magcross ng mga braso nito. He's wearing a black jersey jacket and fitted white jeans. He's the youngest brother in our fraternity. He's a genius with an IQ level of 205+, that's why I hired him as my band's manager.


I arched a brow. "And you want me to be the lead actor? Are you fucking with me, Montenegro?"


"People want you to be the lead actor," walang emosyong sagot niya.


"No."


"It will be a great movie, Rogue."


Napamulsa ako habang sumisimsim nang wine at nakatanaw sa bintana. "How can you say that it will be a great movie?" At saka ano bang nakain niya at gusto niya akong pag-artistahin?


"The movie is from the bestselling novel this year. This book sold a hundred thousand copies in just half a year. The biggest film production in the country is investing their money just to make this book into a movie. And they want you in this movie. They want you to lead this movie." Nag-aalab ang asul niyang mga mata.


I threw him a glance. In our fraternity, even in his very young age, Rix is the wisest and the smartest amongst us. Alam niya ang pasiku-sikot sa artist industry. Actually, hindi lang sa industry na ito siya magaling, kundi sa lahat-lahat. Magaling siya sa pagnenegosyo kaya nga advisor ko rin siya sa mga business na ipinapatayo ko.


Sumimsim muli ako sa alak ng hawak ko. "I'm not an actor, Rix."


"You've done this before."


"It's just a commercial," I reminded him.


"It's almost the same. Parehas lang ang set, Rogue."


"Yeah, that's why."


His brows furrowed.


"Marumi sa set. Germs are everywhere."


Bumagsak ang balikat niya. "Are you taking your medicine?"


Hindi ako kumibo. Nilagok ko ang laman ng hawak kong wineglass bago ako sumandal sa malinis at puting-puting sandalan ng aking sofa. Yes, I am guilty. I'm not taking my meds these past few weeks kahit pa importanteng part iyon ng aking therapy. At hindi na rin ako bumabalik sa doktor ko.


"Fans are dying to see you in a movie, Rogue. They want you to be a leading actor."


Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. "Can't you imagine the setting of the place? Mainit, maalikabok, minsan maulan. Aren't you aware how flawless my skin is?" Napailing ako. "Baka mamaya ay magasgasan pa ng make up brush ang makinis kong mukha. Hindi mo ba naiisip 'yun? Hindi ka ba nag-iisip? Akala ko ba matalino ka?!"


Napailing si Rix habang nakatitig sa akin. Hindi siya natitinag sa mga sinasabi ko.


"I don't need money, you know that! Kaya lang naman ako nagbabanda ay para malibang." Ngumuso ako.


"And you must know that you are the most famous artist with multiple platinum albums right now. No one here in this country doesn't know about you. In fact, you're famous not only in this country, kundi pati abroad. Kahit nga yata iyong mga kasisilang pa lang na sanggol ay kilala ka na." He went to the fridge pulled out one bottle of beer and popped the top of it. "Black Omega Society band craze is like an epidemic. People are going crazy about the band. And imagine the leader of BOS in a movie?" Tumungga siya sa hawak niyang bote. "I bet your first movie will be the highest-grossing film ever."


"I'm flattered, but still no."


Mahina siyang napamura. "You don't understand the real reason why I'm pushing you in this project, do you?"


"Huh?" Wala yata siyang balak sukuan ako.


"This project may run for five months and it will make you occupied, Rogue. This project will make you busy."


Sumimangot ako. "We've got a lot of concert this year, remember? Ikaw ang gumawa ng sched ng mga iyon."


"We could work it out. Isa pa, iba ang movie sa gig. Mas magiging busy ka kapag nagshoot na ang film na 'to."


Napapikit ako. "Still a no."


"All right." Bahagya siyang lumapit sa akin at inabutan ako ng isang book. "At least you read this."


Sinimangutan ko siya. "You know I can't touch that. That might be dirty!"


"What do you want me to do with that book, buhusan ko ng alcohol? You've got gloves in your hand, for Pete's sake!"


"Just put it in there!" Inginuso ko ang drawer malapit sa akin.


Inilapag naman niya ito rito. "This is the book I'm telling you. You must read it. Baka sakaling mabago nito ang isip mo." Pagkuwan ay sinimot niya ang laman ng beer.


"What it's all about?"


"Juts read it." Tinalikuran na niya ako para lumabas ng pinto.


"You know I hate reading. Kwento mo na lang!"


Napahinto siya sa paglalakad at napamulsa. "It's about an egoistic young billionaire guy who got lost in the middle of the ocean and became a prisoner of Amazonas tribe in a secluded island. There, he will meet an illiterate jungle woman and—"


Napabalikwas agad ako ng tayo at wala sa sariling dinampot ang libro. "W-what's the title of this book?"


Nilingon ako ni Rix gamit ang kalmado niyang asul na mga mata. "The God Has Fallen."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro