
Episode 21
Episode 21
"BATHALA?"
I woke up from a deep slumber. The breeze was cool, and the waves were crashing on the shore. Where exactly was I? I was taken aback by what I saw around me.
Isla Potanes...
Is this real? Nasa isla ako? Dito mismo sa buhanginan kung saan ako kanina nakahiga. Naririto na ba ako ulit? Ano bang nangyari? Ang alam ko lang, pinipilit kong mahanap ang lugar na ito para makabalik ako. Halos baliktarin ko ang buong Pilipinas mahanap lang ang isla na ito.
"Bathala!" muli ay ang inosente at malamyos na boses.
Bumalikwas ako ng tayo mula sa aking pagkakaupo. Medyo malabo ang malalayong tanawin pero nakikita ko na may paparating. Siya iyong may ari ng boses na kilala ko... iyong tumatawag sa akin...
"Bathala, ikaw ba yan?" A silhouette of a woman appeared in front of me.
Nanlaki ang mga mata ko. "J-Jane?" Halos marinig ko ang malakas na tibok ng aking puso. Sabi ko na, kilala ko siya!
"Bathala." Jane smiled at me. Lumapit siya sa akin at tiningala ako. "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala!"
Naestatwa ako. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.
"Bathala?" Ang maamo niyang mukha ay kababakasan ng pagtataka.
Nananaginip ba ako? Kulang na lang ay sampalin ko ang aking sarili. I just couldn't believe that I am seeing her right now. "I-ikaw ba talaga yan, Jane?"
Pumaling nang bahagya ang kanyang ulo. "Ako ito, Bathala." She pouted her pinkish lips. "Ayos ka lang ba?"
Napapikit ako at muling napahilot sa aking sentido. "Nothing. Nanaginip kasi ako nang masama." Ang totoo ay hindi ko na alam kung alin ba ang panaginip at ang hindi. Ito bang nangyayari ngayon o iyong nagising ako mula sa coma.
Sinilip ni Jane ang mukha ko. "Anong napanaginipan mo?"
Hindi ko magawang tumugon sa tanong niya. Is this for real? Is she for real?
"You're real, right?" usal ko.
"Ha?"
"Y-you a-are real." Damn me for stuttering.
Kumiling ang kanyang ulo "Bathala, anong problema–"
Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang kabigin ko siya palapit sa akin. Napakahigpit ko siyang niyakap. I can't believe she's real!
"U-umiiyak ka ba–"
"I-I missed you." Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Sininghot ko ang bango ng kanyang buhok. I missed her smell. Her warmth.
"Bathala, ayos ka lang ba?"
Kumalas ako sa kanya nang bahagya upang pagmasdan ang kanyang mukha. Totoo siya. Totoo siya... Hindi pa rin ako makapaniwala!
"Nag-aalala na ako. Ano bang nangyayari?" Malamlam ang kanyang mga mata nang ngumiti sa akin.
Umiling ako. "W-wala. Nanabik lang ako sa'yo." Hinawi ko ang ilang hibla ng kanyang buhok na magulo.
Pinigil niya ang ngiti sa kanyang mga labi. "Talaga?" She made a face. "Ano nga iyong napanaginipan mo?" pag-iiba niya ng usapan.
Napayuko ako. "Nagkahiwalay raw tayo sa karagatan dahil sa isang bagyo." Nagdilim ang aking mukha.
"Bagyo?"
"Nasira raw ang bangkang sinasakyan natin kaya nilamon tayo ng karagatan." Kinuha ko ang palad niya. She's really warm.
"Tapos?" Ngumuso siya.
"Nagising ako mula sa matagal na pagkakatulog. Pagmulat ng mga mata ko, nasa city na raw ako. At..." natigilan ako. "Wala ka sa tabi ko."
"Nasaan daw ako?"
Napabuntong-hininga ako. "W-wala ka. Na hindi ka totoo. Na isa ka lang panaginip."
She burst into laughter. "Nakakatawa naman ang panaginip mo, Bathala."
"I know." Mapait akong napangiti.
"Hindi ako mawawala." Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.
Hinila ko siya nang marahan at ikinulong sa aking dibdib. "Wag mo kong iiwan." Nilanghap ko ang mabango niyang amoy.
Yumakap din siya sa akin at tiningala ako. "Hinding-hindi kita iiwan, Bathala."
Napapikit ako habang pinapakinggan ang boses niya.
Pagkuwan ay napalingap ako sa paligid. "Nasaan sila?" tanong ko.
"Sino?"
"Si Jamod? Si Kreed at si Cassandra? Nasaan sila?"
Ngumiti siya sa akin at hinuli ang aking kamay. Hinila niya ako para makapaglakad.
"S-saan tayo pupunta?"
"Basta sumama ka na lang."
Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang aking talampakan na lumulubog sa buhanginan. Naglakad lang kami nang naglakad.
Everything was real, so there was nothing to worry about.
Natanaw ko na ang karagatan ilang hakbang ang layo sa amin. Huminto kami sa tapat ng isang bangka na nasa pampang. Sinilip ko kung ano ang nasa loob niyon.
"Naglagay ako ng maraming prutas diyan, Bathala," paliwanag ni Jane sa akin habang nangingislap ang mga mata. "Nanghuli rin ako ng maraming isda."
"Nasaan sila Jamod? Sasama pa ba sila?" Kandahaba ang aking leeg sa paghahanap.
Namuo ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi siya kumibo.
"J-Jane?" pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Bumitaw siya sa kamay ko at bahagya siyang lumayo sa akin.
"Anong nangyayari?" Kinuha ko muli ang kamay niya. "Aalis tayo dito sa isla, di ba? Sasama pa ba sila? Si Jamod? Si Kreed? Si Cassandra?"
Hindi siya sumagot.
"J-Jane... sasama ka sa akin, di ba?" Kinutuban na ako nang masama.
Tumingala siya sa akin at iniangat niya ang kanyang palad upang hawakan ang aking mukha. "P-patawad, Bathala."
Bumitaw ako sa kanya at mabilis ko siyang tinalikuran. Napahilamos ako sa aking mukha. "A-akala ko ba, hindi ka na mawawala. Ang sabi mo pa ay hindi mo ko iiwan. So ano 'to?" My throat tightened.
Lumapit siya sa akin at inilapat ang kanyang palad sa aking dibdib. "Hindi na ako mawawala sa'yo, Bathala. Hinding-hindi kita iiwan dito." Itinuro niya ang dibdib ko. "Dito..."
Bumagsak ang aking balikat. "I-I can't lose you." Isa-isa nang nagpatakan ang mga luha ko sa mata.
"Kailangan mo nang umuwi, Bathala. Sumakay ka na sa bangka."
Napamura ako nang ilang ulit. Ramdam ko ang pagkadurog ko habang nakatingin ako sa kanya. "I-I'm in a dream, right?" Nanginig ang mga palad ko. Bakit nga ba na umasa akong totoo ang lahat ng ito?
"Bathala–"
Nanghina ang aking mga tuhod kaya napaluhod ako. "P-panaginip lang ang lahat ng ito, di ba?" Nanginig na ako nang tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng aking mga luha. Wala na akong pakialam kung mukha akong gago na umiiyak dito sa harapan niya.
Umupo siya upang magpantay kami. Hinawakan niya ang aking mukha at ininangat ito. "B-Bathala, lakasan mo ang loob mo." Namasa ang kanyang mga mata.
"N-No." Umiling-iling ako bago ko siya niyakap. "H-hindi ko kaya... mahal na mahal kita..." napahagulhol ako.
"M-mahal na mahal din kita, Bathala. Pero kailangan kitang palayain, e."
Lalo akong nadurog nang iwasan niya ang hapdi sa mga mata ko. Ang sakit! Nakakagago lang! Akala ko okay na. Akala ko sasaya na ulit ako. Ang tagal-tagal ko nang nagdudusa, ayoko nang mamatay ulit nang paulit-ulit kapag nawala na naman siya.
"Bathala, hindi ka para dito..."
"Please... gusto kong manatili dito. Ayoko ng magising, dito na lang ako..." Umuga ang balikat ko. Namaos ang boses ko habang hirap na nagsasalita.
Kumalas siya sa pagkakayap ko para punasan ang aking mga luha. "K-kailangan mong maging matapang. Kailangan mong magpatuloy sa buhay."
"H-hindi ko alam kung kaya ko..." Hinagkan ko ang likod ng palad niya. "H-hindi ko kayang mawala ka..."
Itinuro niya ulit ang dibdib ko. "H-hindi naman ako mawawala sa'yo, di ba?" Nasa mga mata niya ang lungkot pero pilit niya pa ring itinatago. Pero siya si Jane e. Kilalang-kilala ko siya. Alam ko kapag nalulungkot siya. Hindi siya makakapagtago sa akin.
"N-no..." I felt the water creeped out of my eyes. Hinila ko ulit siya para yakapin. "M-maawa ka... Please, don't leave..."
Pumiksi siya. Umangat siya at saka kumalas sa akin. Tinalikuran niya ako at lumakad siya palayo.
Tumayo rin ako mula sa pagkakaluhod at hinabol siya. Niyakap ko siya mula sa likuran niya. "J-Jane, please... hindi ko talaga kaya..."
"K-kailangan mo'ng kayanin, Bathala. Kailangan mong tanggapin." Napayuko siya.
"N-na ano?"
Humarap siya sa akin at muling tiningala ako. "N-na panaginip mo lang ako."
"G-God, hell, no." Kandailing ako. Hindi ko kayang tanggapin ito. Hinding-hindi.
"K-kailangan, Bathala. Kung talagang mahal mo ako, kailangan mo rin akong palayain." Umiiyak na rin siyang katulad ko.
At habang nakikita kong dumadaloy ang kanyang luha mula sa malamlam niyang mga mata ay unti-unti akong nanghihina. Mas hindi ko pala kaya na siya ang mahirapan sa sitwasyong ipinagpipilitan ko.
Damn. Ganito ba talaga iyon? Nasaan na iyong para sa akin? Bakit mas importante na ngayon ang nararamdaman niya kaysa sa sarili kong pakiramdam? Ganito pala ako magmahal? Ganito pala talaga iyon.
Yumuko ako. "I-I know, Jane. Tanggap ko na hindi ka totoo, pero ayos lang. Ayos lang iyon. Kahit joke lang ang lahat ng ito, okay na ito. Okay na basta makasama lang kita. Ayoko nang magising, dito na lang ako."
"H-hindi ako panghabang-buhay dito sa panaginip mo, Bathala. Hindi magtatagal ay maglalaho rin ako at ayaw kitang iwang mag-isa rito."
"Jane..."
"P-pero dito..." Itinuro niya ang dibdib ko. "D-dito, panghabang-buhay tayo." Her eyes bleed with pain.
Kinabig ko siya palapit sa akin at niyakap siya nang mahigpit. My bottom lip quivered as I dropped my shoulder in resignation. Naninibugho ang damdamin ko.
"I-I see..." I whispered.
Gumanti siya nang mahigpit na pagyakap sa akin. "M-mahal na mahal kita, Bathala."
"M-mahal na mahal din kita, Jane..." Mabilis akong kumalas sa kanya at tinalikuran siya. Naglakad ako papunta sa bangka at sumakay dito. Ayoko na siyang lingunin dahil nasasaktan lang ako.
Dinampot ko ang panagwan para paandarin ang bangka na nasa di kalayuan. Pero hindi rin ako nagtagal sa bangka dahil lumundag ako kaagad pababa.
I got to feel her again even for the last time. Ngayon na lang ulit. Kahit sa huling sandali, kahit isa pang muli.
"B-Bathala..." may pananabik sa boses niya habang patakbo rin siya sa akin.
"J-Jane..." At nang makalapit ako sa kanya ay nilundag ko siya nang yakap.
Mahigpit ko siyang niyakap. Streams of tears flowed faster than my hearbeat. The suffering was too much to bear. Ikinulong ko agad ang kanyang mukha sa aking palad at pinagmasdan ito. My vision was blurry that it was difficult for me to see her clearly. But I managed myself. Marahang lumapit ang aking mukha sa kanya at saka ko siya siniil ng halik. Tears spilled over the sides of our eyes. Kapwa kami hinihingal nang magkalas ang aming mga labi.
"M-mangako ka, Bathala." Her lips were shaking. "M-mangako ka na hindi mo pababayan ang sarili mo."
"I-I don't know..."
"M-mangako ka." Hinimas niya ang pisngi ko. "I-ipangako mo na magpapakatatag ka."
Tumango ako habang naglalaglagan ang aking mga luha. "P-pangako..." I closed my eyes.
Then she enveloped her arms on my shoulder and sealed me with a kiss. "P-paalam... Bathala..." her voice echoed.
Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. But I have to accept it, hanggang dito nalang kami. There's no way in hell she could live in reality. I have to let her go for the better.
Pagdilat ko ay natagpuan ko na lang ang aking sarili sa sahig na nakaratay. Katabi ko ang isang bote ng alak.
"J-Jane..." I covered my face with my shaking hands. Napahagulhol ako.
Jane never exist. She's just a dream. Pero bakit ang hirap tanggapin?
Bumangon ako upang pagmasdan ang mga boteng nakatumba sa paligid ko. Araw-araw na akong lasing matapos kong lumabas ng ospital. Pero kahit lango ako sa alak, hindi pa ako nakakatulog nang mahimbing, maliban ngayon. I couldn't recall when I had slept like that. Meeting her in my dreams was better than reality.
Oo bumalik na ako sa dati kong buhay. Bumalik na ako sa banda, sa negosyo at sa frat ko. Bumalik na ako pero hindi ako kompleto. Mas sabog na ako ngayon kaysa noon. Mas pariwara. Parang hinihila ko lang ang aking sarili, para akong robot lang na naka-schedule ang mga gagawin. Para akong buhay na patay. Nagbalik nga ako, pero bumalik naman akong wala ng pakiramdam. At sa tuwing mag-iisa ako dito sa aking condo, ito namang mga alak ang aking libangan.
Niyakap ko ang aking sarili at muling napalupagi sa sahig. Halos maglupasay ako sa sakit ng aking dibdib. Para akong mababaliw kapag wala akong kasama. Hindi ko kaya ang katahimikan. Hindi ko kaya ang reyalidad. How I wish I could die.
But I have to live. I have to move on...
Bumalik sa alaala ko ang panaginip kanina. Dinalaw ako ni Jane kahit sa panaginip lang. Nalulungkot siguro siya sa ginagawa ko sa buhay ko ngayon. I promised to Jane na aalagaan ko na ang aking sarili. I promised to her na magpapakatatag ako. I will be okay from now on because that was my promise to her.
Napahawak ako sa aking dibdib. She promised me, too, that she'll stay here forever.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro