Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Episode 16


EPISODE 16


Rogue's POV


"Buntis si Jane."


"W-what?!"


"Buntis ang alaga ko."


"Paano mo nalamang buntis siya sa paghawak lang sa pulso niya? Pinagloloko mo ba ko?"


"Alam ko kapag buntis ang isang babae!" giit niya. "Kaya alam kong buntis ang alaga ko."


"You mean, you press her pulse and that's it?"


"Buntis ang alaga ko." Pinandilatan niya ako. Nagmukha tuloy siyang sinakal na palaka.


Kinuha ko ang kanyang pulso at kinapa ito. "Is this how you did it? Huh?" I pressed her pulse. "How you do it? Ganito ba?"


"Bitawan mo ko!" Tinabig niya ang kamay ko. "Wag mo kong pagsamantalahan!"


"'Tado! Mas masarap kang bugbugin kaysa pagsamantalahan."


Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Ser, maniwala ka. Buntis ang alaga ko." Kahit seryoso ang mukha niya ay mukha pa rin siyang joke.


"I got to go. Kailangang matapos ko na ang bangka natin." Tinalikuran ko na siya.


Inawat niya ako. "Ser, kaya ko tinatanong kung tinokhang mo ang alaga ko, kasi kung hindi ikaw eh sino? Kasi buntis nga siya."


Natigilan ako. Bigla tuloy akong pinagpawisan. What if Jamod was telling the truth? What if Jane is really pregnant? Anong mangyayari? Handa na ba akong maging daddy? At bakit ganito? Bakit parang ang bilis ng kabog ng dibdib ko? Is this excitement?


"Tinokhang mo ba ang alaga ko, Ser?" tanong niya muli. "Dahil kung hindi mo tinokhang ang alaga ko, si Dakila naman ang tatanungin ko. Pero kung tinokhang mo ang alaga ko..." 


"H-hindi ko tinokhang si Jane." Kamuntik ng magbuhol ang dila ko.


"Ganun ba? Sige si Dakila na lang ang tatanungin ko."


"Siraulo ka ba?! If you do that he'll catch us. Nakalimunatan mo na yatang tumakas lang tayo sa kanya."


"Paano ko malalaman kung sino ang tumokhang sa Pukangkang–"


"Jane is not pregnant, okay?"


Napayuko si Jamod. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa. "Kinapa ko ang pulso niya. Iba ang pintig nito kaya alam ko na buntis siya."


"Tigilan mo na ko, Jamod. Kailangan ko ng matapos ang bangka bago pa tayo mahuli ng mga katribo mo." Tuluyan ko na siyang tinalikuran.


If Jane is really pregnant, what am I gonna do?


I love her but... I'm not yet ready to be a father.


Paano kung kamukha ni Panther ang maging anak namin? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.


Napatingala ako at napatingin sa maitim na kalangitan. Mukhang uulan. I got to move quickly. I need to finish our boat or else they'll gonna find us. Habang nagtatagal ako sa paggawa ng bangka ay lumiliit ang aming mundo dito sa isla. Dakila isa smart guy. Imposible yatang hindi niya kami matagpuan sa loob ng sampung araw.


Isa pa kung talagang uulan at mababasa si Durat, mawawala ang pulbos sa kanyang katawan. Madidiskubre niya na maitim pa rin siya at hindi talaga maputi. Pihadong bibitayin niya ako kapag natuklasan niya 'yon.


Jane's POV


"Jane, anong ginagawa mo?" Dinaluhan agad ako ni Bathala nang makita niya akong may bitbit na mga prutas. Kinuha niya ang mga iyon sa akin. "Ang bigat ng mga ito. Hindi ka dapat nagbubuhat ng mabigat."


Nakatingala lang ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ako bawal magbuhat ng mabigat.


"Maupo ka lang dyan," utos niya.


Sumunod naman ako at umupo ako sa isang malaking bato.


"Wag ka dyan maupo at baka malamigan ka." Hinila niya ako at iginaya paupo sa isang sanga ng puno.


"Ako na ang maglilinis ng mga prutas na 'to. Hindi ka na pwedeng kumilos dahil bawal kang mapagod." Inilubog niya ang mga prutas sa tubig at isa-isa iyon hinugasan.


Nagtataka ako sa inaasal niya. "May problema ba, Bathala?"


Umilap ang kulay dahon niyang mga mata. "Huh? A-anong problema? W-walang problema."


"Bakit ang daming bawal sa'kin?"


Napakamot siya sa kanyang sentido. "A-ah, wala lang. Kasi babae ka. Hindi maganda sa babae ang napapagod."


Napalingon ako bigla kay Jamod. "Eh bakit si Jamod? Hayun oh at pinagbubuhat mo ng mga kahoy." Kandalawit ang dila ni Jamod sa pagod matapos ibaba ang mga kahoy na binuhat niya.


Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "At ano ba 'yang nasa daliri mo?!" Napasimangot siya.


Napatingin ako sa daliri ko na at saka ko lang din napansin na may dugo ito. Baka natusok ako ng tinik sa mga halamanan. "Wala ito. Maliit na sugat lang ito."


"Let me see." Kinuha niya ang kamay ko. Nang matunton niya ang daliri ko na may dugo ay sinipsip niya ito.


Napalunok ako. Bakit ganito ang pakiramdam ko nang isubo niya ang daliri ko? Ang init ng kanyang bibig. Sa ginagawa niyang ito ay tila may kumikiliti sa mga kalamnan ko.


Mayamaya ay idinura niya ang dugong nasipsip niya mula dito. "Di ba sinabi ko sa'yo na alagaan mo ang sarili mo?"


"B-Batahala?"


"Ano?" Salubong ang mga kilay niya.


"H-hindi ka nandidiri?"


"Huh?"


"Dati kasi noong nagkasugat ako sabi mo gross. Parang diring-diri ka noon."


Lumikot ang mga mata niya. "S-sinabi ko ba yun?" Bigla niyang iniba ang usapan. "K-kumain ka na ba?" Hindi na siya makatingin sa akin. Naroon ang mga mata niya sa kanyang ginagawa. "Bawal ka rin malipasan ng gutom."


"Kumain na ako, Bathala."


Tumayo siya at lumapit sa akin. Kinapa niya ang ang leeg ko. "May nararamdaman ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"


"Hindi."


"Hindi ka ba nasusuka?"


"Hindi."


"Hindi ka ba nahihilo?"


"Hindi."


Bigla siyang ngumiti, hindi ko maintindihan pero napakaguwapo niya sa paningin ko lalo ngayong titig na titig siya sa mga labi ko.


Pinisil niya ang baba ko. "Nanggigigil ako sa'yo."


"Ha?" Umawang tuloy ang bibig ko.


Umigting ang kanyang panga. "Kasalanan mo yan kapag bigla kitang hinalikan."


Ano bang pinagsasasabi niya? Bigla tuloy akong pinamulahan.


"Bathala, kumain ka na ba?" Biglang sumulpot si Diwata mula sa likuran. "Heto ipinag-ihaw kita ng isda."


Nilingon ni Bathala si Diwata. "Amina yan. Gutom na ako." Pagkakuha niya nun ay kinain niya agad ito.


"Nauuhaw ka ba? Kailangan mo ng tubig." Napakaamo ni Diwata.


"Hindi na. Umalis ka na sa harapan ko at magtrabaho ka."


Napayuko na lang ang babae. "Umh, Bathala, I need Jane to be with me. Ayos lang ba na isama ko ang girlfriend mo sa paghahanap ng prutas?"


Lalong sumimangot si Bathala. "Hindi siya sasama sa'yo. Kailangan niyang magpahinga."


"I don't think it'll work. Kailangan ko ng kasama sa paghahanap ng pagkain."


"Bakit hindi na lang si Jamod ang isama mo."


Napahalukipkip si Diwata. "Ayokong kasama ang unggoy na yun. Kung anu-ano ang kinukwento sa'kin."


"Fine. Ako na lang ang sasama sa'yo."


Parang hindi yata gusto ang isip ko na magkasama sina Bathala at Diwata. Hindi ko alam kung bakit bumibigat ang pakiramdam ko. Parang may kumikirot sa dibdib ko sa isiping baka maging masaya silang dalawa. Hindi ko ito gusto.


"Much better. Kung ikaw ang kasama ko ay mapapabilis ang trabaho ko." Iba ang ngiti sa mga labi ni Diwata.


"Pero paano ang bangka?" sabat ko. "Sino ang gagawa?" Parang tutol ang damdamin ko sa plano nila.


"Wag kang mag-alala. Kayang-kaya ni Jamod talian pansamantala ang ilang bahagi nun." Sabay sigaw ni Bathala kay Jamod. "Di ba, Jamod, kaya mo na yan?! Jamod, nasaan ka bang lintek ka?!"


Sumagot ang matanda, pasigaw. "Sandali at umiihi ako!"


"See?" Kinuha ni Bathala ang kamay at pinisil ito. "Sandali lang kami. Magpahinga ka na lang dyan." Pagkuwan ay tinalikuran na nila ako.


Kakaiba ang mga ngiting naglalaro sa mga labi ni Diwata nang lingunin niya ako.


Masama ang pakiramdam ko dito kay Diwata. Pihadong may hindi magandang mangyayari. Kailangan ay maghanda ako.


...


Rogue's POV


"I think this would be enough. Let's go back," I told Cassandra after I counted the fruits. Isinalansan ko ang mga 'yon sa bayong na gawa sa dahon ng buko.


"I have a question for you, gorgeous." Pumamewang siya bigla sa harapan ko. "Are you mad at me?"


Hindi ko siya kinibo. Binitbit ko na ang bayong at tinalikuran ko na siya.


"Oh come on, Rogue. You think this will work if ganito tayo?"


Napahinto ako sa paglalakad. "I don't like you being around with Jane."


"Seriously? Why? Dahil ba sinusulsulan ko siya?"


Nilingon ko siya at tinitigan nang masama. "Just stay away from my girlfriend."


"But we're totally okay. Magbest friend na nga kami."


"Best friend? Who are you kidding?" Nagpatuloy muli ako sa paglalakad. "Ilang araw palang kayong nagkakakilala."


Nakasunod lang siya sa akin. "Jane is a good woman. Hindi siya mahirap kaibiginanin. I like her. Kaya nagkakasundo kami."


"Well, that's good to hear kung totoo nga."


Humarang siya sa dadaanan ko. "Listen. Kung iniisip mo na may masama akong plano, nagkakamali ka. So don't be mad at me. I'm not your enemy."


"Fine." Nilampasan ko siya.


Napabuntong-hininga siya. "Galit ba sa'yo si Jane?"


Hindi ko siya pinansin.


"I think she's mad at you."


"Why do you think that?" Patuloy ako sa paglalakad.


"Because she told me."


Napatigil ako at napalingon sa kanya.


"She told me that she's mad at you." Humalukipkip siya sa tapat ng malulusog niyang dibdib.


Galit na naglakad ako papalapit kay Cassandra. Sinakal ko ang kanyang braso. "Anong pinagsasasabi mo? What the hell is wrong with you?!"


"R-Rogue, nasasaktan ako." Kandangiwi siya.


"Anong sinabi niya sa 'yo?!" mariin kong tanong kay Cassandra.


Nagsimula na siyang maluha, halos pilipitin ko na pala kasi ang braso niya. Binitawan ko siya.


"What if I tell you na nagpapanggap lang siyang mahal ka niya?"


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Para akong nabilaukan.


"She has a plan, Rogue. Galit na galit pa rin siya sa'yo kaya balak ka niyang gantihan at... saktan."


Naestatwa ako sa mga pinagsasasabi niya.


"She told me na madaling bilugin ang ulo mo. Madali ka raw niyang mapapaikot sa mga palad niya. Sinabi pa niya sa akin na tanga ka at uto-uto."


Ako, uto-uto?


Bakit ganito ang nararadaman ko? Bakit bigla yatang kumulo ang dugo ko? This was not good. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ni Cassandra, pero dahil dito ay biglang sumisikip ang dibdib ko.


"Please don't mind her, Rogue. Di ba hindi mo naman siya ganun kamahal? Hindi ka naman siguro masasaktan kahit malaman mo sa huli na umaarte lang siyang mahal ka rin niya, di ba?"


Kumuyom ang mga kamao ko. "I don't believe you, Cassandra."


She rolled her eyes. "I don't care if you won't believe me. Ang importante ay nasabi ko sa 'yo." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I'm just worried about you kaya sinabi ko na sa'yo ito. Please don't tell her na sinabi ko sa'yo ito. Just pretend na hindi mo alam ang plano niya."


Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.


Damn it! Bakit ganito ang epekto ng mga sinabi ni Cassandra? I knew that I shouldn't trust her. Kaya lang, nasasaktan pa rin ako, natatakot ako na baka totoo ang lahat ng sinabi niya.


Napasentido ako. Hindi ko na tuloy alam ang totoo at hindi totoo. And if Cassandra was telling the truth, siguro okay lang din sa akin. Kung talagang niloloko lang ako ni Jane, okay lang. Ang importante ay ang ngayon na masaya kami.


Nanlilisik ang aking mga mata nang lingunin ko muli si Cassandra.


"D-don't look at me like that." Namutla siya. "N-nagsasabi ako ng totoo, believe me."


"You better be. Because if you're not, I'm gonna send you to hell."


...


Rogue's POV


Where the hell is Cassandra? I thought she was following me. Bakit bigla na lang siyang nawala?


"Cassandra." Lumingap ako sa paligid. It looked like she suddenly disappeared.


Damn that woman. Bakit ngayon pa kung kelan gustung-gusto ko ng umuwi. I needed to see Jane and I wanted to see in her eyes if Cassandra's accusation about her was true. Wala akong plano na sabihin sa kanya ang mga nalaman ko kay Cassandra, kung totoo man ang mga 'yon.


Napalingon ako nang makarinig ako ng kaluskos mula sa di kalayuan. Nang lapitan ko ito ay natanaw ko ang isang malalim ng hukay.


"Rogue."


Cassandra's voice!


Nilapitan ko agad ito. I found her in that hole. Sinilip ko siya. "Anong ginagawa mo dyan?"


"N-nahulog ako."


"Hindi mo alam na may hukay dyan?"


Umiling siya. "P-patibong ito." Bakas sa mukha niya ang takot.


"Patibong?"


Biglang may lumundag sa akin paibabaw. Dahil sa weight niya at impact, gumulong kami sa damuhan. Nabitawan ko ang bitbit kong mga prutas na nasa buslo.


Mabuti at nakabalanse ako kaya nagawa ko siyang itulak palayo. Pinagmasdan ko aagad ang mukha niya upang mapagsino siya. Namilog ang mga mata ko.


It was Dakila!


"Nasaan ang Pukangkang?!" asik niya sa akin.


Damn it! Paano ko maliligtasan ang supot na 'to?!


Mabilis kong nilingap ang paligid. Mukha namang nag-iisa siya at walang kasamang iba. Kailangan ko siyang takasan.


"Nasaan siya?" tanong niya muli. "Nasaan si Pukangkang?"


"A-aba malay ko. Hanapan ba ako ng mga nawawalang pukangkang?" Tinaasan ko siya ng kilay.


"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo."


"Nagsasabi ako ng totoo. Tumakas ako sa kulungan mo pero hindi na kami nagkita," pagsisinungaling ko pa. Sana maniwala siya, tutal sa aming dalawa, mas mukha naman siyang uto-uto.


"Sinungaling!" Pinalagutok niya ang kanyang kamao. "Magsabi ka na ng totoo bago kita ilampaso."


"Baka ikaw ang ilampaso ko." I grinned. "Hindi na ko papayag na mabulok sa kulungan mo."


"Sino naman may sabi sa'yong ikukulong pa kita?"


Nangunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin?"


May hinugot siya sa kanyang likuran. It was a swiss army knife! Meron ba sa gubat non?!


Where the hell did he get that?!


Ngumisi siya. "Because I'm going to kill you."


Nagulat ako sa sinabi niya. He knew how to speak english?!


Nanakbo siya papaunta sa akin in zigzag steps. He was fast and hard to dodge. It was too late when I realized that he already got me. Nang matumba ako sa lupa ay nasa ibabaw ko na siya. Nakatutok na sa leeg ko ang swiss army knife niya.


Goddamn it!


"Finally, the thrill that I have been looking for." 


"W-who are you, really?" I asked him. Hindi ako makagalaw dahil ang magkabila kong kamay ay nadadaganan ng tuhod niya.


Nagdingas ang bughaw niyang mga mata kasabay ng pagtama ng talim ng hawak niyang swiss knife sa leeg ko. "I am... Kreed Montenegro and my mission is to kill you." 


JF


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro