Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🎉WINNING PIECE🎉

" Responsableng KABATAAN tungo sa PAMBANSANG KAUNLARAN"

               Ang ating mundo'y unti unti nang sinasakop ng teknolohiyang tila ba'y nagsisilbing duyog na syang sumiklab upang maguho ang ating mga diwa't isipan. Naglaho ang lahat- lahat ng kinagisnan ng ating Inang Bayang nagsusumamo ng kanlungan mula sa mga kabataan.

                Nasaan na nga ba ang mga kabataan? Mga munting suwi na syang umusbong sa mundong ibabaw para lumikha ng pagbabago. Ngunit, mga kabataan ngayo'y makasarili't, nagpapasimuno ng makabagong pamamaraan ng pamumuhay. Mga anak ng bayan na para bang ikinagagalak na sumabay sa mga banyagang uso. " Annyeong!, Konnichiwa!, Hi Fellas!" , pamungad ng mga "menor de edad" na pawang mga gahaman sa kasikatan. Wastong paggamit ngunit Maling
Bayang Pinupuri. Mga dalaga't binatang maghapong nakahilata na para bang mga Señorito't mga Señorita. Datapwat,Ang ating pagkakakilanlan at wika'y ginahasa ng iilan.

                  "Responsableng Kabataan, hanggang panaginip na lang ba? Ang tanging mga daan upang makamtan ang kaganapan ng ating pagka-responsable ay tungo sa pagmamalasakit sa ating kapwa, pagtanggap sa ating kultura at pagkalinga sa ating wika't bansa. Wala nang mas nakalulugod pa sa pagbabalik alindog ng ating Wikang Filipino. Masdan nating lahat ay nagkakapit-bisig tuwing may delubyo mang ihain sa atin ang Poong Maykapal o di maman kaya'y lahat ng mga kabataan ay nag-aambag ng kasaganahan at kaayusan sa ating bayan. Hindi ba't kasiya-siya?

                   "Ang Responsibilidad natin sa mundo'y wag nating takasan bagkus ito ay ating taus-pusong gampanan." Ating puksain ang bahid ng poot sa ating mga puso at huwag na huwag nating hayaang mawala ang Alab ng pagmamahal natin sa ating Lupang Tinubuan dahil dito nating makakamtan ang pagkabuo ng ating pagkatao at kaunlaran na ating pagka-Filipino.

By JJcaisX22

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #wattys2017