Author:
Title: Take Two
~ This story is an inspiration to our young people our there that no matter what disposition you gave in life, as long as you know that you are doing the right thing, chances will always be bountiful. Everyone deserves a second chance. As long as we breathe, mingle and create our life in this world, we always have our chances.
Do you believe in Serendipity?
Iyong tipong sa hindi mo inaasahan pagkakataon ay magtatagpo kayo ng isang taong matagal mo nang gustong makita?
Opportunity rains when you got the unexpected happenstance with the person you want to be.
Will your heart continue the feeling that was abrupted too many years ago when you saw her?
Or he will just return the stolen heart that was taken from you?
Mabilis na pinatakbo ni Ailester ang minamanehong sasakyan. Papunta siya sa event ng Montesa Hotel, ang hotel ng kanyang ama. Inimbita siya roon kaya naisipan niyang dumaan. Tila parang si Flash kung magpatakbo itong Ailester. Ayaw kasi niyang ma-late at baka malilintikan na naman siya sa Papa niya.
Napadaan ang tingin ni Ailester sa harapang salamin ng sasakyan. He saw his reflection from that mirror. Napabuntong-hininga nalang siya at umiwas ng tingin mula roon. Hindi niya maintindihan kung bakit pa siya dadalaw doon. Hindi niya naman ugali ang um-attend sa mga ganitong mga social gatherings. Mas ninanais pa niyang magdamagang uminom sa bar than wearing a plastic personality on that crown. It was not his game after all.
But this time, he needs to attend. Nabanggit kasi ng ama niya na doon sa event na yun niya babanggitin kung mapapasakanya ba ang Montesa Hotel. He is interested on it kaya siya dadalo.
The road was smooth until he reached EDSA. Bumper to bumper na ang nangyayari. Ailester shook his head.
Pucha! How can I get there that fast if this traffic wont move.
Napayuko nalang ang binata sa manebelang kanina pa hawak at nag-isip-isip siya. Hanggang sa inangat niya ang ulo niya nang tumunog ang cellphone nito. Agad niyang binasa ang text na mula kay Sheree-his fling. She is monitoring at Ailester. Agad naman niyang binitawan ang cellphone at muling nakatingin sa labas.
Kung kailan ako nagmamadali, saka pa naglululuko ang EDSA. Kakainis." Malakas niyang hinampas ang manebela at para itong foam na inilundag ang kamay niya ng konti.
Wala choice na nakikita si Ailester kundi ang maghintay. Maghintay? He hates that word. Iyong ipinahihintay ka sa wala? Iyong gagawin kang gago? Graduate na siya diyan. Matagal na si Ailester na nakikipaghabulan ni hintay. Kaya ngayon, ang mga babae na ang pinahihintay niya.
May naalala si Ailester, ang taong pilit niyang inilibing sa kanyang isipan. Ang taong ayaw niyang maalala. Ang babaeng iyon ay si Jastine. The one who kill his heart.
Pressured noon si Ailester at si Jastine sa kanilang mga magulang. Ang mga magulang ni Jastine ay gusto ipakasal siya sa isang matandang negosyante para mabayaran ang mga utang nila samantalang itong si Ailester naman ay pilit na ipapahawak sa kanya ang mga negosyo na hindi naman niya gusto. Hanggang isang araw, naisipan ng dalawa na magtanan.
"Ailester mahal, hintayin mo ako sa plaza, sa may malaking mangga. Sa lugar kung saan tayo nagkikita. Please Magdala ka ng Flash Light!" Utos ni Jastine habang kausap niya ang binata sa telepono.
"Okay! Pero Jastine mahal, Aanuhin ba natin ang flash light?" Buong pagtataka ni Ailester.
"Al, natatakot ako sa madilim. Hindi ako nakakatulog kapag walang ilaw."
"Pangako, hindi kita pababayaan sa dilim. If gumabi man, I will make sure that you will get through that night na hindi mararamdaman ang takot. I love you Jastine ko."
"I love you too Ailester ko."
Dala ang tatlong libong piso na tanging pera ni Ailester noon ay maingat itong umalis. Dumaan pa ito sa likod ng bahay nila para hindi siya makita ng Papa niya. Bitbit ang bag na may kaunting damit sa loob ay walang pagdadalawang-isip niyang nilisan ang tahanan niya.
Sumakay si Ailester ng jeep at tinungo kaagad ang tagpuan nila ng dalaga. Kinakabahan man siya sa maaring mangyari noon pero mas nangingibabaw ang pag-asang magiging okay sila. Hanggang sa dumating siya sa punong mangga na kanilang tagpuan.
Naghintay at naghintay si Ailester doon. Hindi niya inalintana ang pagod, gutom at takot. Iniisip lang niya na sa simula lang ito. Gumabi na at naghintay pa rin si Ailester. Hanggang sa nag-umaga nalang, hindi pa rin dumating si Jastine.
Sa puntong iyon, sumuko na si Ailester. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ni Jastine. Nainis siya kay Jastine. Sa inis ni Ailester ay itinusok niya ang Swiss Knife doon sa puno at isinabit ang Flashlight na para sana kay Jastine.
Umalis na si Ailester. Iniwan niya ang lahat ng sakit at pagmamahal doon sa puno na iyon.
JASTINE, MAGNANAKAW KA. NINAKAW MO ANG PUSO KO.
Bumalik sa huwistyo itong si Ailester nang may nagsirbato sa kanya. At nang tingnan niya ang mga sasakyan ay nagsitakbuhan na ang mga ito. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ailester at agad nanitong humarurot ng pagtakbo.
Nasaan ka man ngayon, Jastine, sana ay masaya ka. Sana ay maligaya ka sa ginawa mo sa akin.
Mas lalo pang namawis itong si Ailester nang makarating siya sa event. Marami nang naka-park na mga sasakyan. Hindi na rin mabilang ang mga taong pumapasok sa loob. Agad na siyang lumabas sa sasakyan at inayos ang suot na itim na Tuxedo. Tiningnan din niya ang buhok at baka nagulo ito. Hanggang sa maisipan na niyang lumakad papasok. Hindi na siya pinapila pa ng mga staff marahil kilala siya ng mga ito. Inabutan siya ng maskara at agad naman niya itomg isinuot. Magara ang nasa loob. Parang nasa isang masquarade ball itong si Ailester. Marami kasi siyang napapansin na nakamaskara. Hindi nga niya nakikilala ang mga taong nasa loob.
Pumasok pa siya at hinanap ang ama na sigurado siyang nasa loob lang din katulad niya.
Napahinto si Ailester sa paghahanap sa ama niya nang may kumalabit sa kanya. Isa itong babae na may blonde na buhok at may suot na berdeng cocktail dress. Napangisi nalang ang binata. It was Sheena.
"Tagal mo, Babe," turan ni Sheena habang nakasabit ang dalawang kamay sa leeg nito.
"Hell to the traffic," nakakunot-noong sagot ni Ailester habang pinababayaan lang ang dalaga.
Sheena is a very beautiful woman. Malalaki ang hinaharap nito, makinis ang balat na parang gawa sa gatas, maganda ang pigura ng mukha at maganda ang hubog ng katawan. Siya ang pinapangarap ng mga kalalakihan. Napansin ni Ailester na nakatingin ang mga lalaki sa kasama niya. Napangiti nalang ang binata.
She's my pet! Get lost dude!
Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang malaking mesa sa gitna. Andoon pala ang ama ni Ailester. Nakaupo ito at abala na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito sa negosyo.
Umupo si Ailester katabi ng ama niya. Hindi pa siya pinansin ng ama pero kalaunan ay tumigil na ito sa pakikipagkwentuhan at agad na hinarap ang guwapo niyang anak.
Tumikhim muna ang ama niya bago ito nagsalita sa kanya. Halata ang pananabik sa mukha ng ama na makausap ang anak. Hindi rin kasi sila masyadong nag-uusap ng anak niya dahil na rin sa kasalungat parati ang kanilang ideya.
Anak, are you ready to manage this? Are you ready to own this Hotel?" Tanong ng ama ni Ailester, may hawak itong baso na may alak at pagkatapos ay sinimsim ito.
"Oh! That... Ofcourse!" At tumawa itong si Ailester. Na-distract siya dahil may nakita siyang isang dalaga na kapapasok lang. May mahaba itong buhok. Nakasuot ito ng white long dress. Bilugan ang mukha. And the eyes, hindi siya nagkakamali, kulay asul ito.
Is that you, Jastine?
"You seems distracted. What's your problem anak?" Buong pagtatakang tanong ng ama niya.
"Wala dad. Excited lang."
"You should be. Hindi biro ang ibibigay ko sayo. Nakasalalay rito ang buong buhay ko."
Tinapik ng ama ni Ailester ang balikat nito. Ngumiti ito sa anak na kausap.
"Oo, Dad. Pangako ko na lalo ko pang palalaguin ang negosyo mo." Seryoso itong nakatingin sa kanya.
"Sige anak, mag-enjoy ka sa party na 'to. Go, explore, mingle and make friends." At ikinumpas ng Daddy niya ang kamay nito sa ere bilang pahiwatig na tapos na ang usapan nila at puwede na siyang umalis at sumali sa party.
Iginala muli ni Ailester ang mata sa kumpol ng tao na nasa loob. Nagbabakasali siyang mahanap niya amg babaeng tumawag ng kanyang atensyon. Pero wala siyang nakita na ganoon. At dahil nabaggot itong si Ailester, nagpunta nalang ito sa isang mini bar ng event. Everyone is dancing except him.
Nakaramdam si Ailester ng pangungulila sa nakita. Sa hindi niya maipaliwanag ay parang nanunumbalik ang nararamdaman niya sa dalaga. Wala na siyang balita rito pero parang hindi pa rin niya magawang makalimutan si Jastine. Napailing-iling nalang siya.
Lumapit siya sa may mini bar ng event at doon humingi ito ng maiinom. Naisipan niyang lumagok ng Gin and Tonic kaya iyon ang inurder niya sa bartender.
Ilang segundo rin siyang naghintay hanggang sa lumapit na ang bartender.
"Here's your Gins And Tonic sir." At agad na inilapag sa mesa yung baso.
Straight na ininom ito ni Ailester. Mapait ang lasa nito at singpait ito ng pakiramdam ni Ailester nang iwan siya ni Jastine. Hindi siya umiyak noon, hindi rin siya nagsisisi. Itinago lang niya iyon sa kaloob-looban niya.
Nang maubos niya ang laman ng isang baso ay itinaas niya ang kamay at umorder pa ng isa pang alak na nasa baso. May nakikita si Ailester na mga babae na nagpapakita ng motibo sa kanya pero isang tango lang ang itinugon niya rito.
Playing with them is not fun anymore. Andito na ako sa punto na I want to settle down. Sheena is good pero hindi ko nakikita sa kanya ang hinahanap ko sa isang babae.
At dahil sa naparami ng inom itong si Ailester, he felt tipsy. Kaagad itong tumayo at pumunta sa maraming tao. Naisipan niyang sumayaw at libangin ang sarili.
He grind. He dance and followed the beat of the music. Hindi na niya alam kung sino ang naisayaw niya. All he knows, kailangan niyang nang maialis itong bagay na nagbibigay dilim sa puso niya.
Hanggang sa nagpalit na ng music ang operator. Ang STOLEN by Dashboard Confessional.
Our favorite ni Justine.
Maraming tao, maraming nakakabanga ni Ailester but that girl who wears a red velvet dress caught his attention. Bukod sa pamilyar siya sa tingin ng binata, litaw na litaw ang taglay niyang kagandahan sa suot. Lumapit siya rito at nakipagsayaw.
There is something on the way she touches me.
May naalala na naman siya sa pagkakahawak niya sa kamay ng binata. Napakagat nalang siya sa labi at matamang pinagmamasdan ang magandang dalaga.
"What's wrong?" Her voice is familiar to me. Maganda at para itong kanta na tumtugtog sa tainga ko.
"Wala. Gusto ko lang makalimutan ang bangungot ng kahapon. Anyways, you look familiar, Have we meet before?." Umiikot sila sa gitna na para bang wala silang pakialam sa nangyayari. He sway her like she is his.
"Maybe," Pumakawala ito ng isang napakatamis na ngiti.
Hanggang sa nawalana pang-aalipin ng alak kay Ailester. He finally had the chance to scan her. Her eyes. Her blue eyes. He suddenly remembered Jastine.
"Jastine Mij Williams?"
Biglang tumulo ang luha mula sa mga asul na mata ng dalaga.
Shit! Justine? Ikaw ba talaga?
Parang balloon itong si Ailester, malapit na malapit nang sumabog. Hindi niya inakala na dito pa sa negosyo ng ama niya si Jastine makikita. Ngumiti ito at kinakagat ang labi para maiwasan na maiyak ng husto.
"I was about to leave when.."
Napatigil si Justine. Tears are streaming down her face. Pati rin si Ailester. He doesn't care if they will see him weak. This is his chance. Malalaman na niya ang lahat ng mga sagot na noon pa sana niya alam.
Why Justine, why? Mahirap bang sagutin yan ha?" Hindi na siya nakatiis. Binulyawan niya ang dalaga.
"Dahil sa na-hospital ako. Muntik na akong mamatay. Lumabas ako noon at tinakasan si daddy nang may bumungo sa akin. Kaya nang gumaling ako ay ipinadala ako ni daddy sa America." At napahagulgol si Jastine.
Hindi. Parang muling sinaktan ang puso ko. Pinukpok ng husto hanggang sa durog na. She was hospitalized. Hindi ko alam yun. Hindi ko alam. Nakadarama ako ng panlulumo sa sarili ko. Bakit napakatanga ko.
"Eto lang ang tanging kinapitan ko sa mga panahon na namimiss kita." At ipinakita niya ang flashligt na isinabit ni Ailester doon sa mangga.
"Ito lang Ailester ang nagpapaalala sa akin ng mga maliligayang araw natin. Ito lang ang nagbibigay ng ilaw sa madilim kong sandali. Dinadala niya ako sa liwanag na para bang kasama kita."
Hindi napigilan ni Ailester ang sarili ko. Niyapos niya ito nang pagkahigpit. Ang babaeng minahal niya. Ang taong hindi niya binitiwan. Sinaktan man siya nito dati pero may pinagdadaanan pala ito. Naging malinaw na sa binata ang lahat. Para siyang nasa kweba na unti unti nang nasisinagan ng araw.
"Hindi dumaan ang isang araw na hindi kita iniisip Jastine. You are this light of this flash light, you always give light to my day."
At hinalikan niya ito. At then their eyes just met. Kitang-kita niya ang mala asul na langit niyang mata.
"Me too. Time may ends. Batteries may die, but this light inside here will never die. And this be will fueled by love na nanggagaling diyan." Itinuro ni Jastine ang dibdib ng binata at naramdaman niya ang bawat salita na binibigkas ng dalaga.
Tumigas man ang puso pero pag nabubuhusan ito ng pagmamahal ay lumalambot ito.
"Mahal pa rin kita Justine." Dahan-dahan niyang tinaggal ang maskara na kanina pa niya sinusuot. At laking gulat ni Ailester sa nakita. Her face, may peklat siya sa kaliwang pisngi.
"Will you still love me kahit ganito pa ako? Kasi ako I still love you."
Hinawakan ni Ailester ang pisngi niya at hinalikan niya ito ng walang pag-aalinlangan.
"Yes Jastine. I will still love you."
Love is very wise, it will find its way to find its perfect match. Kahit gaano katagal, basta may pag-ibig, mangyayari ang dapat mangyari. Oh! Pagibig!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro