One Shot Challenger #3
Title: FLR on Valentines Day
Intro:
Wala akong memorable na Valentine's Day dahil NBSB ako at hindi rin naman ako nagpapaligaw, so techinacally, walang magbibigay ng something red sa akin or mag-aayang makipag-date sa Valentine's Day. Kaya wala pa po akong most memorable na mailalagay. I wrote "FLR on Valentine's Day" based from what I think about love and life. I wrote it so I can relate from it. Every characters na mababanggit sa story ay 'ako' mismo, I have shared my self to them. So enjoy 'reading' me. :)
If ever na mapansin at matanong niyo kung ano ang ibig sabihin ng 'FLR' sa title, well, bahala na po kayong mag-decipher. Nasa laman naman iyon ng story. Haha. It's my first time to write using 3rd Person's POV, I really dunno if I wrote effectively using it (but I guess, I really don't.😅)
Thank you Glimpse Society sa opportunity na makasali sa One-Shot wricon niyo and special thanks to Miss Marge for inviting me to join. Nag-enjoy po ako. God bless!
Title: FLR on Valentine's Day
"We had the right love at the wrong time. Guess I always knew inside, I wouldn't have you for a long time." Dinig ni Jane na kinakanta sa videoke ng kapit-bahay nilang feeling singer.
Napailing na lang siya at itinuloy ang liham na kan'yang ibibigay para sa future ex-boyfriend niyang si Vince na ibibigay niya bukas mismo sa araw ng mga puso.
Right love at the wrong time raw? Tss. Walang gano'n. Para kay Jane, right love at the wrong time is still wrong. Paano mo masasabing tama 'yong nararamdaman mo, eh mali nga ang pagkakataon? Ibig sabihin lang no'n ay hindi tama ang nararamdaman mo dahil mali ang taong pinag-aalayan mo ng puso mo. Gaya na lang ng mga nagdaang relasyon ni Jane, nagustuhan naman niya ang mga ito pero parating may mali at may kulang kung kaya't hindi niya magawang mahulog ng tuluyan. She's always having the wrong love.
"Pasok," aniya ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
"Ang babaeng obsess sa Valentine Break-Up, hindi man lang magawang patapusin ang araw ng mga puso bago makipag-hiwalay." Pang-aasar na may halong pag-iling na sabi ng ate Nina niya habang nakikibasa sa mga salitang nakasulat sa liham.
"We weren't just meant to be, I'm really sorry." Basa niya sa isang linya na parati niyang nababasa sa mga liham na isinusulat ng nakababata niyang kapatid.
"Kailan naman kaya magiging, "Baby, you're my destiny. You and I are meant to be..." ang mababasa ko sa mga love letters mo, este, break-up letter pala?"
Itinupi na ni Jane ang kakatapos lang na liham at ipinasok na iyon sa itim na sobre.
"Kapag bati na kami ni Kupido." Natatawang sagot nito sa Ate.
"Hay naku, Jane. Kailan ka kaya magseseryoso--?
"Seryoso naman ako ate, kaya nga umaabot kami ng Valentine's Day ng mga exes ko 'di ba?"
Napabuntong-hininga na lamang si Nina at umupo sa kama ng kapatid. "Hindi kayo umaabot, Jane. Pinapasakto mo lang para mahiwalayan mo na."
"Exactly! At least nagtatagal kahit papaano." Pabalang na sagot nito dahil naiinis na siya sa pangaral ng Ate niya.
"Are you really sure na hihiwalayan mo si Vince? I never saw you smile the way you smile at him. I never saw you this happy, you looked in love--"
"Huwag mong bigyan ng malisya iyon Ate, gano'n din naman ako sa iba."
"Ang inaalala ko lang naman kasi ay baka karmahin ka, baka bumalik lahat sa'yo 'yang mga pinaggagagawa mo." Nag-aalalang usal ng Ate.
"Bakit Ate? Ano bang mali sa ginagawa ko? Nananahimik ako tapos bigla silang darating at magpapa-alam na liligawan ako, papayagan ko naman dahil baka isa sa kanila ang 'the one', hindi ba? Anong mali ro'n? Binibigyan ko naman sila ng pagkakataon but they're not doing it right, and here I am; I'm still Jane and I'm still not in love."
Napailing na lamang si Nina at tumayo. Ipinatong niya ang isang kamay sa tiyan niyang malaki na at ang isa ay ipinatong sa balikat ng nakababatang kapatid. Nag-aalala ito rito dahil parang umiikot na lamang ang buhay nito sa paghahanap ng lalaking mamahalin niya, wala na itong pakialam kung sa paghahanap niya ay may masaktan siya. Hindi naman niya masisi ang kapatid dahil nasaksihan nilang dalawa kung paano saktan ng ama nila ang kanilang ina at kung paano sila iwan ng ama. Idagdag pa na iniwan din ang Ate niya ng kan'yang nobyo kahit na nagdadalang-tao na ito. Mula no'n ay namulat na si Jane na mahirap hanapin ang lalaking tunay na magmamahal sa kan'ya.
"Life is not all about finding the right one for us, Jane. And as the old saying goes, 'true love comes to those who patiently wait' at alam ko na alam mo din na nasa huli ang pagsisisi. I hope you won't have the same ending I had. Sana hindi ka rin iwanan ng taong mamahalin mo. But remember though, whatever may happen, Ate is always here for you." Nakangiting usal niya kay Jane.
Ngumiti na lang din si Jane sa Ate. "I'll keep that in mind. Thanks Ate Ninz."
Tinanguan lang siya ni Nina at lumabas na. Napasandal naman si Jane sa upuan at napatitig sa labas ng bintana.
It was never been easy to broke up with them, kung alam niyo lang. I hated myself whenever I see the pain in their eyes. I hated myself for being selfish.
Tumayo na lamang si Jane at pinatay na ang lamp shade niya. Napabuntong-hininga na lamang siya nang maalala ang mga paalala ng Ate niya. Bigla ay nakaramdam siya ng takot, takot na baka masaktan siya sa oras na mahanap na niya ang lalaking mamahalin niya ng totoo.
Ngunit hindi, hindi siya pwedeng matakot. Lalaki lang iyon. Tama! Hindi ka basta-basta masasaktan ng mga lalaki kung uunahan mo na silang saktan. Gano'n nga, Jane. Gan'yan na ang ikot ng mundo at wala ka nang magagawa pa ro'n kaya itulog mo na lang iyan. Sabi niya sa isip-isip niya. Itutulog na lamang niya ang mga bagay na bumabagabag sa kan'yang isipan.
-
Kinabukasan ay mabigat na naman ang kan'yang pakiramdam, ganitong-ganito ang nararamdaman niya sa tuwing sumasapit ang February 14. Alam kasi niya na kailangan na naman niyang tapusin ang relasyon na mayroon siya. Wala eh! Gano'n talaga, hindi niya talaga magawang mahalin si Vince. Mas maganda nang hiwalayan na niya ito ngayon katulad ng mga nagdaan niyang relasyon.
"Ano ba kasing mayroon sa Valentine's Day at bakit sa tuwing ganitong okasyon mo naiisipang makipag-hiwalay sa mga lalaki mo?" Maka-ilang beses na tanong sa kan'ya ng matalik niyang kaibigan na si Cera.
Nasa eskwelahan sila ngayon, may pasok dahil natapat ang Valentine's Day sa Wednesday. Hindi naman special holiday ang araw ng mga puso kaya't wala naman dahilan para maantala ang klase ng mga kolehiyo.
"Basta," sagot lang ni Jane habang nagmamasid-masid sa paligid dahil hinahanap nito ang nobyo niya na magiging ex na rin naman niya mamaya maya.
"Bakit nga kasi? Ha? Ha? Ha?" Pangungulit sa kan'ya nito na parang batang maliit.
Napatingin tuloy sa kanila ang ibang estudyante at nawiwirduhan na tiningnan si Cera. Wala naman pakialam ang isa at patuloy lang ito sa pangungulit.
"Ano ba? Nakakahiya ka na Cera, ha!" Bulyaw nito sa kaibigan.
"Ikaw kasi eh..." Nakangusong sagot nito. Simula high school kasi sila ay panay tanong na nito kung ano ang dahilan kung bakit obsess siya sa pakikigpag-hiwalay tuwing Valentine's Day. Ngunit napaka-masikreto minsan ni Jane at wala kang mahihita sa kan'ya kapag ayaw talaga nito magsalita.
Ngunit desperada na talaga si Cera na malaman ang dahilan dahil nakaka-curious na talaga ha?! Wala na siyang pakialam kung kailangan niyang gumawa nang eksena at mapahiya pa siya ng bonggang-bongga, ang mahalaga ay malaman na niya ngayon din ang sagot sa tanong na 'bakit'? Charooot! The truth is, curiosity is really killing her now.
Pikit-matang sumalampak si Cera sa sahig at nagwawala kung kaya't muli na naman nilang naagaw ang atensyon ng karamihan. Ang iba'y natawa, ang iba'y nag-ikot ng mata dahil sa childish act na ginagawa niya, samantalang ang iba ay kinukuhanan siya ng video.
Biglang nakaramdam ng sobra-sobrang kahihiyan si Jane kung kaya't hinihinila niya patayo si Cera, ngunit ayaw talaga paawat ng isa.
Cera talaga, oh! Ani Jane sa kan'yang isip.
"Sabihin mo na kasi kung bakit?! I'm dying inside-- este, I'm dying to know na~" pamimilit ni Cera sa kan'ya.
Kilala ni Jane ang kaibigan, hindi na ito titigil sa pagro-rolling in the deep-- este, pagngangawa habang hindi niya sinasabi ang dahilan niya.
Ayaw na ayaw talaga ni Jane na sabihin sa iba ang dahilan niya, baka kasi i-judge rin siya ng iba kagaya ng ate niya na akala'y pinaglalaruan lamang ang puso ng mga lalaking nakakarelasyon niya. Wala naman talaga kasing nakakaintindi sa kan'ya kaya mas maganda na sana na wala nang makaalam pa, ngunit wala rin naman siyang magagawa dahil nababaliw na naman si Cera sa kakatanong.
"Sige na, sasabihin ko na! Tumayo ka na r'yan! Nakakahiya ka talaga." Pabirong aniya sa kaibigan.
Nagngiting-aso naman si Cera dahil nakuha na naman niya ang gusto. Tumayo na ito at pinagpagan ang kan'yang p'wetan. Parang kung kumilos siya ay wala siyang kahihiyan na ginawa. Kung magkaroon ka nga naman ng kaibigan na takas sa mental. Hay naku! Napasapo na lamang si Jane sa kan'yang noo sa kunsomisyon na dinusulot sa kan'ya ni Cera.
-
"Gano'n lang?! 'Yon lang ang dahilan mo?!" Galit na may halong gulat na tanong ni Cera sa sinagot ni Jane.
Sabi na nga ba ni Jane, wala talagang makakaintindi sa kan'ya. Mas maganda na talaga na hindi nalang niya sinabi sa kaibigan ang dahilan at hinayaan na lamang sana niya itong ipahiya ang sarili kanina.
"You don't understand, Cera." Buntong-hiningang sagot ni Jane.
"Hiniwalayan ng Dad ang Mommy ng Valentine. Mom's heart got broken into billions of pieces on that day, kaya naman hindi ko hahayaan na ako ang masaktan tuwing Valentine's Day." Paliwanag na naman niya. Jane hates explaining dahil kahit anong explain niya minsan ay hindi rin naman nila naiintindihan, but here she is; still explaining herself, hoping Cera would understand.
"I can just let someone hurt me on Valentine if he's the right guy," nakangiting sagot nito. "But I guess, Mr. Right Guy won't hurt me because he loves me, right? He won't be the right one if he has the intentions to hurt me, right? Kaya naman hinahanap ko siya, in this kind of way."
Napailing na lang sa kan'yang isipan si Cera. Very wrong ang perspective ng kaibigan tungkol sa love. Who ever told her friend that true love won't hurt you? Hindi ba alam ni Jane ang kasabihang, "True love hurts?" Hindi ba niya alam na kalakip ng pagmamahal ang salitang 'sakit'?
Pagsasabihan pa niya sana ito ng biglang may tumunog na pamilyar na kanta sa mga speaker na nakakalat sa campus. Bigla ay napatigil din si Jane nang ma-realized na ang kantang iyon ay ang madalas na inaawit ni Vince para sa kan'ya.
"What if I told you
That it was all meant to be,
Would you believe me?
Would you agree?"
Ayon na naman ang malungkot na pakiramdam para kay Jane, nakakalungkot dahil minahal naman siya ng mga lalaking naging karelasyon niya ngunit hindi naman niya magawang maibalik ang pagmamahal na ibinibigay nila.
"It's almost that feelin'
That we've met before.
So tell me that you don't think I'm crazy
When I tell you, Jane babe, love has come here and now..."
"So sabihin mo sa akin ngayon, Jane. Papakawalan mo na naman ba ang isang lalaking katulad ni Vince? You won't find someone like him, he's the only stupidest one who will love you like this. " Pangongonsensya ni Cera.
"Vince loved you even he knew your breakup obsession during Valentine's Day, yet here he is, doing his best so you won't leave him. Isn't he touching? Wala ka ba talagang nararamdaman na pagmamahal para sa kan'ya? Kahit konti?"
"A moment like this,
Some people wait a lifetime.
For a moment like this,
Some people search forever.
For that one special kiss,
Oh, I can't believe you're mine now, baby.
Other guys would always dreamed
For a moment like this."
Napangiti na lamang si Jane dahil narinig na naman niya ang part ng chorus na pinalitan ng lyrics ni Vince. Mas bagay daw kasi ang kantang iyon na pangkasal, pero dahil hindi pa sila kasal kaya pinalitan na lamang niya ang lyrics.
Sa lahat ng naging boyfriend ni Jane, si Vince lang ang kaisa-isang nagbanggit ng kasal. Ito lang ang may plano para sa future at nakakatuwa na palaging kasama si Jane sa 'future' na pinapangarap ni Vince. Vince was a dream guy, but not for Jane.
"I will always like Vince," sagot nito habang inaalisa ang nararamdaman niya. Bigla kasi ay nakaramdam siya nang sunod-sunod na pagkabog sa kan'yang rib cage.
"Like lang?" May panghihinayang na tanong ni Cera. Gosh, ha? Ang arte ng Ate niyo! Pang 'like' lang daw ang fafa Vince? Ang choosy, ha? Gwafo-gwafo kaya ni Vince, mahal pa siya. Oh, sa'n pa siya hindi ba? Eh 'di kay Vince Florente na!
"He's not the right one." Sagot ni Jane at tumayo na. Aalis na lang siya. Parang bigla ay nawalan siya ng gana ngayong oras na 'to na makipag-hiwalay. Masyadong maganda ang atmospera, nanghihinayang siya kung sisirain niya lang iyon bigla. Mamayang hapon na lang siguro sila mag-uusap ni Vince.
"How did you knew that he's not the one? Binulong sa'yo ni Kupido, ganern?" Habol sa kan'ya ni Cera.
Patuloy lang ang madamdaming pagkanta ni Vince sa radio station ng university habang si Jane naman ay naguguluhan. Aminado naman siya na sa lahat ng naging boyfriend niya ay si Vince lang talaga ang saksakan ng effort at pati mga bagay na hindi niya ini-expect na gagawin nito ay ginagawa niya, na sa lahat ng dumaang lalaki sa buhay niya; si Vince ang pinaka-nagustuhan niya, sadyang hindi lang talaga si Vince ang Mr. Right Guy niya. Naguguluhan siya ngayon dahil ayon na naman ang pagkabog ng dibdib niya sa tuwing nag-e-effort si Vince na mapasaya siya. Naguguluhan siya, hindi niya alam kung bakit. Kaya tatakasan na muna niya, baka sakaling magkapag-isip ulit siya.
"I just knew--"
Napahinto bigla sa paglalakad sina Jane ng dahil sa sumunod na sinabi ni Vince.
"Jane, babe. I had always dreamed to be with you and if I only just--" biglang nag-piyok ang boses ni Vince.
Is he crying?
"If only just... If only I can, I will prove to you everyday that I really love you and I will never get tired of proving to you that I am the right man for you. Just only if I can. But I know, I can't. Even if I badly wanted to, I can't."
What is this feeling? Why is her heart aching? Why does Jane suddenly felt a little pain in her chest? Little? Little lang ba talaga? Pero bakit lumuluha ang mga mata niya? Nasasaktan ba siya? No! She can't be hurting! Wala naman siyang nararamdaman para kay Vince. Sigurado siya, wala talaga! Pero... bakit? Bakit... bakit masakit?
"Alam ko naman na hihiwalayan mo na ako and I just wanted to sing that song for you for the last time. Jane, I am very happy that I became your man for these past seven months. I really am. Kung pwede lang sana, kahit hiwalayan mo 'ko ay kukulitin pa rin kita. Pero hindi pwede, baka kapag ipinilit ko ay ikaw naman ang masaktan. Okay lang kahit ako na lang, 'wag lang ulit ikaw."
Everyone felt silent, parang tumigil ang mundo ng lahat dahil sa madamdaming mensahe ng binata sa kan'yang kasintahan.
"This is bullshit." Natatawa ngunit lumuluhang pinunasan ni Jane ang kan'yang pisngi. Gusto niyang puntahan mismo si Vince ngayon do'n sa station at pingutin ang tenga nito katulad ng palagi niyang ginagawa kapag ang kulit-kulit ng nobyo. Ano ba kasi 'tong kadramahan ng lalaking iyon? Dapat ay makikipag-hiwalay lang siya nang matiwasay ngayong Valentine's Day at hindi ganito! Dapat ay si Vince ang nasasaktan ngayon at hindi siya! Pero bakit?! Bakit?!
"Don't worry, tanggap ko na talo ako sa laban na ito. Gusto kong lumaban, trust me, gustong-gusto ko. Pero alam kong wala ring kwenta at matatalo pa rin ako sa dulo. Pasensya na kung dito ako nag-drama, alam kong gustong-gusto mo na akong pingutin ngayon." Saka tumawa si Vince, ngunit ramdam mo na nasasaktan din siya.
'Pero bakit?' Tanong na naman ni Jane. 'Ang labo, ah? Hindi talaga si Vince ang Mr. Right Guy niya, siguradong-sigurado na siya ngayon. Mr. Right Guy won't hurt me, remember?' Natatawang aniya sa sarili at muli na lang naglakad.
"Baka kapag sa harap mo ko ito sinabi ay maiyak na lang ako at hindi na makapag-salita, baka hindi ko masabi lahat ng ito. Baka hindi ko kayanin kapag harap-harapan mo akong hiwalayan. Magmumukha na naman akong bading kapag nagkataon, sayang ang kagwapuhan ko. Hahaha!"
"Jane! Hoy bruha, wait lang!" dinig niyang sigaw ni Cera.
Ngayon kasi ay tumatakbo na siya. Saan siya pupunta? Pupuntahan lang naman niya ang nobyo at tatanungin ito kung bakit siya nasasaktan sa mga sinasabi nito? Dati naman ay hindi ganito si Vince sa kan'ya, parating masaya iyon kapag kausap siya. Pero bakit ganito siya ngayon? Bakit niya sinasaktan si Jane ngayon sa mga sinasabi niya? Bakit ngayon lang?
Bakit ngayon lang na-realized ni Jane na mahal pala niya si Vince? Bakit ngayon lang na balak na niya itong iwanan? Bakit? Pero hindi siya si Mr. Right Guy, okay lang ba kay Jane 'yon?
Bahala na! Bahala na kung sa magiging desisyon niya ngayon ay masasaktan siya kinabukasan. Bahala na kung hindi si Vince ang Mr. Right Guy niya. Bahala na! Tss. Bakit kasi kailangan pa niyang maramdaman na iiwanan siya bago niya ma-realized na may nararamdaman na talaga ito para sa nobyo? Bakit kasi ang tanga lang ni Jane at hindi niya pinapansin ang madalas na pagkabog ng dibdib niya kapag malapit si Vince? Bakit kasi and manhid niya? Tss.
"Lastly, I want to greet you a Happy Valentine, babe. I loved you, I love you and I will love you forever. Be happy."
Do'n nagtapos ang mensahe ng binata at nagpatugtog na ulit ang radio station ng mga love songs.
Mas binilisan ni Jane ang pagtakbo dahil baka maka-alis na ni Vince. Gosh! Kainis naman! Bakit kasi nasa third floor ang radio station? Tuloy ay pagod na pagod na siya!
"VINCE!" Buong lakas niyang sigaw pagkabukas ng pintuan ng radio station. Bakas ang pagka-gulat at pagtataka sa mga mukha ng mga taong nandoon.
Iginala ni Jane ang paningin ngunit wala siyang makitang kahit anong bakas ni Vince, ni kahit amoy nga ng pabango nito na maaaring naiwan sa hangin ay wala. Nakaalis na kaya ito?
"Miss," tawag sa kan'ya ng isa sa mga staff ng radio station at inabot sa kan'ya ang isang pulang flash drive na may nakasabit na silver na keychain ng pangalan ni Jane.
Nagtatakang kinuha iyon ni Jane. Kilalang-kilala kasi niya ang flash drive na iyon dahil pag-aari iyon ni Vince. Ayaw pa nga ipahiram iyon ni Vince sa kan'ya nang minsan niya itong hiramin. May mga napaka-importante raw na laman ang flash drive na iyon na hindi pa niya pwedeng makita.
"Last week pa po ito sa amin, iniwan ni Vince. Sabi niya ay i-ere namin sa mismong Valentine's Day at pagkatapos ay paki-bigay iyan sa iyo." Nakangiting aniya kay Jane.
Ibig sabihin... voice record lang ang lahat ng narinig niya? Bakit? Nasaan ba si Vince?
"Na-nasaan si Vince?" Nagbabakasakali niyang tanong.
Nagkibit-balikat lang ito at ang iba ay umiling lang.
-
"Napaka-labo mo naman Vince," umiiyak na ani Jane ng sa wakas ay nakita na rin niya si Vince.
Napa-upo nalang ito sa damuhan at umiyak nang umiyak. Napagod siya sa kakahanap maghapon, natakot din siya na baka hindi na niya makita si Vince at hindi niya masabi ang nararamdaman.
"Ano 'yong kadramahan mo kanina ha? Bwisit ka! Bwisit ka talaga!" Pinaghahampas niya ito nang pinaghahampas. Nakakainis kasi siya! Bakit kasi ngayon pa?
Bakit ngayon pa na alam na ni Jane sa sarili niya na mahal na niya si Vince.
"Ano ha? Bakit? Bakit?! Letse ka!"
Walang tigil sa pag-iyak ang mga mata ni Jane, naninikip ang dibdib niya at halos hindi na siya makahinga. Ang labo talaga ni Kupido, hindi man lang siya binalaan na tinamaan na pala siya. Sana ay maaga palang ay naiparamdam na niya kay Vince na mahal niya rin ito, hindi ngayong ganito, huli na ang lahat.
"Hoy... sumagot ka naman... Vince... Vince..."
Humiga si Jane sa damuhan sa mismong tabi ng puntod ni Vince at niyakap ito at doon umiyak at ibinulong ang lahat nang pagsisisi. Muli ay naalala na naman niya ang sinabi ng ina ni Vince kaninang dumiretso ito sa bahay ng binata.
"Wala na si Vince, Hija." Malungkot na balita sa kan'ya ng Mommy ni Vince.
Her heart skipped a beat after hearing those words. Nanlambot ang mga tuhod niya at muntikan na siyang matumba, buti na lang ay nakahawak siya sa kaagad sa Mommy ni Vince.
"Sorry hija if we didn't informed you, it was Vince's wish. Para kasing nararamdaman na ng batang iyon na malapit na siyang kunin sa atin. He kept on telling me and his sisters that he loves us. Palagi rin niyang sinasabi na this past few weeks ay panay ang panaginip niya na parang nahuhulog siya sa kawalan. I guess, God's giving him the signs. Then, on Sunday evening, he walked to my room and hugged me, he told me he's tired and he wants to take a rest from everything. He said na nakapag-book na raw siya ng flight niya papunta sa Dad niya sa California at doon muna siya for a while." Kwento pa nito habang lumuluha habang si Jane ay walang ibang magawa kundi umiyak at sisihin ang sarili.
"He even joked that if ever the plane he was riding got into an accident and everyone, including him, died, we shouldn't be sad because that will make him sad too. Pinalo ko pa nga siya sa braso niya dahil kung anu-anong lumalabas sa bibig niya pero tumawa lang siya at sinabihan ako ng 'I love you'. Palabas na siya ng kwarto ko no'ng lumingon ulit siya at ngumiti, sabi niya, "If ever, Ma. Kung sakali lang naman na mangyari nga iyon, please don't let Jane come to my wake. I don't want her crying in front of my coffin. Alam mo naman Ma, mahal na mahal ko 'yon. Ayokong umiyak siya ng dahil sa akin.''
That made Jane cry even more. Nakakainis dahil kahit gano'n na pala ang nararamdaman ni Vince, kahit na parang alam na niya na mawawala na siya ay kapakanan pa rin ni Jane ang iniisip niya. Tuloy ay nakokonsensya siya dahil wala siyang inisip kundi ang sarili niya, hindi man lang niya nabigyan ng oras ang sarili na analisahin ang naradamdaman. 'Di sana ay nasabi niya no'ng nabubuhay pa si Vince na mahal niya rin ito. Pero wala na. Kahit magsisi siya ay hindi na niya maibabalik si Vince.
Bigla ay naalala niya ang paalala ng Ate, ito na ba 'yong karmang sinasabi niya? Grabe naman! Bakit si Vince ang binalikan niya at hindi ako? Sa isip niya'y sana siya na lang ang namatay dahil siya naman itong maraming nasaktan na tao, pero bakit si Vince pa? Bakit si Vince na walang ginawa kundi ang mahalin siya?
"Kinabukasan, nagtataka ako dahil hindi ako ginising ni Vince. Sabi kasi niya ay 7am ang flight niya. I asked the maids if Vince left already, but they said he didn't yet so I rushed to his room, baka kasi tulog pa. Tulog mantika pa naman 'yon 'di ba?" Natatawang pinunasan ng naghihinagpis na ina ang kan'yang mga mata.
"Pagbukas ko ng pintuan niya ay nakahiga pa rin ito at nakangiting natutulog, sabi ko pa nga sa sarili ko ay baka napanigipan ka na naman niya kaya ayaw pa niyang bumangon. Gano'n kasi ang dahilan niya kapag tinatanong ko siya kung bakit minsan ay ang hirap niyang gisingin. Pero kailangan ko na siyang gisingin dahil baka ma-late siya sa flight niya but he just won't wake up. Kinabahan na ako kaagad at bigla akong nataranta, I checked his pulse and there, I knew, kasit masakit, wala na siya. But I couldn't accept it that my precious son is dead? No! It couldn't be! Hindi ko matatanggap na wala na siya kaya ni-rush namin siya sa hospital, hoping he could be revived but then the Doctor pronounced that he was dead upon arrival. We asked if there were chances that he committed suicide, but thanks to God, he didn't. Maybe it his time already. Mahirap tanggapin hija, but try to be strong and please don't blame yourself. Vince love you and he doesn't want to see you crying."
"Oy Vince! Hindi ako umiiyak dahil nasasaktan ako sa pagkawala mo ha? Baka lumungkot ka r'yan!" suminghot si Jane at tahimik na itinago ang sakit sa bawat pag-hikbi. Ayaw kasi niyang makita ni Vince na nasasaktan siya.
"Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan kaya huwag kang iiyak d'yan!" Pagsisinungaling niya.
"Vince," nag-piyok na naman ang boses niya at marahang hinaplos ang puntod ng nobyo. "I know it's too late to say this, but babe, I love you. I really do. You're my first love. You're my Mr. Right Guy. You're the one. God! Ba't ang tanga ko at hindi ko kaagad napansin? Wala ng kwenta lahat ng sinasabi't pagisisi ko dahil wala ka na. Ang daya..." hindi na napigilan ni Jane na umiyak nang malakas. Ang sakit sakit sa dibdib! Punong-puno siya ngayon nang pagsisisi at paghihinagpis. Pero wala na eh, nasa huli talaga ang pagsisisi. Tama na naman ang Ate Nina niya. Bakit ba kasi hindi niya ito pinakinggan? Now she's full of regrets, her 'what if's' will never have their answers and these will hunt her thoughts forever.
It's February 14, 2018 today. It's Valentine's Day. Vince died without knowing how Jane truly felt for him. Sudden death took him away from her and for the second time around, she got her heart broken and regretting on this very day.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro