Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One Shot Challenger #3

Title: The Next Time
Author:

"I was inspired to write this story despite the hectic schedule of my college life because I want to show and tell everyone reading this to stop depending on the words “next time”. I am afraid that maybe there won’t be a next time. Do everything that makes you happy, now, especially the things with the person you love."

Bawat yabag na naririnig ni Mari ay siya namang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa kanyang ina. Ibinaon niya ang mukha sa likod nito. Sa ritmo ng paghinga ng kanyang ina ay alam niyang gising pa ito. Ngunit kagaya rin niya ay nakapikit ang mga mata nito at nagmamatyag lang sa maaaring mangyari.

“Melinda!” Sigaw ng kanyang ama habang ang mga yabag ng paa nito ay nagsasabing papunta ito sa kanila. Halata sa lakad na lasing na naman ito dahil sa pasuray-suray nitong lakad. Kahit tinawag nito ang kanyang ina ay hindi pa rin ito kumilos.

Madilim na sa loob ng kanilang barong-barong. Pinatay na kasi ng kanyang ina ang munti nilang lampara dahil nagtitipid sila ng gas. Isa lang ang kwarto ng kanilang kubo at maliit lang ito. Maliit lang din ang kanilang sala na ginagawa pang tulugan ng kanyang ama kapag ito’y lasing.

“Melinda, buksan mo ang pinto. Putang-ina ka,” sigaw muli ng kanyang ama.

Halos hindi na siya humihinga sa takot na makagawa ng ingay at malaman ng kanyang ama na sila’y gising pa. This had happened countless of times. Nang wala pa ring matanggap na anumang sagot mula sa kanyang ina, tinadayakan na ng kanyang ama ang pinto na siyang naghiwalay sa kanila mula rito.

“Natutulog na kayo? Mahimbing kayong natutulog diyan habang ako ay nandito at nagsisisi kung bakit kita naging asawa. Hindi sana ako naghihirap ngayon kung pinili ko siya,” wika ng kanyang ama.

Naramdaman ni Mari umupo ito sa lapag dahil lumangitngit ang kawayang sahig. Mula sa kanyang kinahihigaan, langhap niya ang mabahong amoy ng alak na ininom ng kanyang ama doon sa kanto ng kanilang baranggay.

Sa tuwing nalalasing ito ay wala itong ginawa kung hindi ang isisi sa kanyang ina ang hirap na dinaranas nito. Mayaman ang pamilya ng kanyang ama ngunit itinakwil ito ng mga magulang nio dahil pinili nito ang kanyang ina. Mula noong bata pa siya ay hindi niya natandaang pinakilala siya nito sa kanyang lolo at lola kahit sa litrato man lang. Siguro, malaki ang galit ng kanyang ama sa mga ito o ‘di kaya’y nahihiya itong lumapit.

Hindi niya maiwasang lumuha. Nasasaktan siya para sa kanyang ina. Nagdadalang-tao na kasi ito noon at napilitan ang kanyang ama na panagutan. Alam niyang wala siyang kasalanan pero hindi niya maiwasang masisi ang sarili. Dahil kung wala siya, masaya sana ang kanyang ama at ina ngayon sa piling ng iba’t ibang mahal nila sa buhay.

Mula sa nakapikit na mga mata, may kaunti siyang liwanag na naaninag. Sinindihan ng kanyang ama ang gasera.

“Melinda, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?” Saglit itong huminto upang tumawa ng sarkastiko. “Hindi ako makapaniwalang naloko mo ako noon, mahigit na dalawapung taon ang nakalilipas! Hindi ako makapaniwalang napunta ako sa isang babaeng hindi edukada! Hindi ako makapaniwalang naging ganito ang buhay ko ng dahil sa iyo! Galit ako sa iyo pero mas galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari lahat ng iyon!”

Marahang yumugyog ang balikat ng kanyang ina. Walang siyang marinig na hikbi ngunit alam niyang lihim itong umiiyak. Maybe, she inherited that trait on her mom. She mastered the art of pretending that she was okay. She mastered the art of crying silently. Just like now, nakikinig lang siya sa sinasabi ng kanyang ama at naghihintay kung kailan sasagot ang kanyang ina rito.

“Rolando, patayin mo ang lampara. Sa makalawa pa ibibigay ni Ceding ang sweldo ko sa paglalabada kaya kailangang makaabot iyan ng isa pang gabi,” mahinahong wika ng kanyang ina na nanatili pa ring nakapikit.

Sa sinabing iyon, mas lalong nagalit ang kanyang ama sa narinig. Sumigaw ito at pinaghahampas ang lampara sa sahig. Nabasag ang bote nito at nagkalat ang gas sa kawayan.

“Putang-ina ka! Iyan pa ang inaalala mo,” sigaw ng kanyang ama.

Hindi na napigilang silipin ni Mari ang nangyayari dahil nakaramdam siya ng init at nakasisilaw na liwanag. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita at napabalikwas siya ng bangon. Kinain ng apoy ang nagkalat na gas sa kanilang sahig at dahil kawayan ito ay madali rin itong nilamon.

Ang kanyang ina rin ay napabangon na. “Anong ginawa mo, Rolando? Papatayin mo ba kami ng anak mo?”

Humalakhak ang kanyang ama. “Mas mabuti ng mamatay tayong lahat dito kaysa maghirap tayo. Ultimong gas, hindi tayo nakakabili.”

Unti-unti nang lumaki ang apoy. Tumayo ang kanyang ina at hinigit siya. “Wala na sa katinuan ang ama mo kaya umalis na tayo rito.”

Napahagulgol siya ng iyak. Tiningnan niya ang kanyang mga gamit pang-eskwela. Tuluyan na bang masusunog ang mga iyon? Hindi na ba siya makakapag-aral? Binaling niya ang kanyang tingin sa kanyang ina. Umaagos ang luha nito ngunit halata sa mukha nito na pilit itong nagpapakatatag.

“Walang aalis sa bahay na ito ng buhay!” Mahigpit na hinawakan ng kanyang ama ang braso ng kanyang ina. Kahit anong piksi nito ay hindi ito nakakawala.

“Bitiwan mo ako, Rolando. Kung wala ka ng ganang mabuhay, puwes ikaw na lang ang magpakamatay.  Huwag mo kaming idamay ng anak mo.”

“Hindi, Melinda! Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito kaya ako rin ang magiging dahilan kung bakit ka mamamatay ngayon.”

Nanatili lang na palipat-lipat ang kanyang tingin sa mga magulang. Sandaling natigilan ang kanyang ina. Mainit na ang kanyang talampakan dahil sa apoy. Hindi na rin siya nakakahinga ng maayos dahil sa usok.

Napapikit siya ng halikan siya sa noo ng kanyang ina. “Tama ang ama mo, Mari. Umalis ka na rito.”

Umiling siya habang panay ang agos sa kanyang mga luha. “Mama, tayo na po. Halika na,” pagmamakaawa niya. Hinihigit niya ang braso ng kanyang ina pero hindi ito natinag.

“Sige, Rolando. Kung iyan ang ikakapanatag ng loob mo. Mamatay tayong dalawa rito pero huwag na nating idamay ang anak natin sa mga pagkakamaling ginawa natin.”

Binitawan ang braso ng kanyang ina kaya nagawa siya nitong itulak ng paulit-ulit hanggang sa makalabas siya ng bahay. Napapailing siyang nagmamakaawa rito. Pilit siyang makabuo ng salita ngunit tanging iyak lang ang kanyang magagawa. Hindi kaya ng kanyang katawan ang puwersa ng kanyang ina kaya nagawa siya nitong ialis sa loob ng bahay.  Masakit na lumagapak ang kanyang katawan sa mabatong lupa. Pabagsak na isinara na rin ng kanyang ina ang kanilang pinto.

Kung tutuusin, matagal na siyang nadamay sa sinabing pagkakamali ng kanyang mga magulang. Hindi niya maintindihan kung bakit siya inabandona ng kanyang ina. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa ng mga ito na pilit siyang paalisin sa kanilang nag-aapoy na barong-barong. Siya ang pagkakamali kaya siya dapat ang mamatay.

Kahit masakit ang katawan at nanghihina dahil sa pag-iyak, pinilit niyang makabangon para pumasok ulit ng bahay. Kailangan din niyan mamatay. Kailangan din niyang mawala. Hindi lang ang kanyang mga magulang ang dapat na mamatay.

“Mama! Papa!”

Hindi niya alintana ang masasakit na mga batong tumutusok sa kanyang talampakan nang siya ay tumakbo papasok ng bahay. Makapal na ang usok at malaki na ang apoy. Wala siyang naririnig na kahit anong sigaw na nasasaktan ang kanyang ama at ina. Mukhang tinitiis lamang ng mga ito ang sakit na dulot ng apoy.

Pinunasam niya ang kanyang luha. “Tulong! Tulungan ninyo kami! Tulungan ninyo sina mama at papa!”

Ngunit kahit anong sigaw niya ay imposibleng may ibang taong makakarinig. Ang pinakamalapit na bahay ay ilang kilometro pa ang layo mula sa kanila. Malalim na rin ang gabi at paniguradong mahimbing na ang tulog ng mga iyon.

Ramdam niya ang init sa buong katawan paglapit niya sa kanilang bahay. Pagtapak niya sa hagdan ay tuluyan na itong bumigay. Pati ang mga alaga nilang manok sa ilalim ay nagpuputak-putak na rin dahil naiinitan na sa apoy.

Muli siyang natumba sa lupa. Hindi na niya nakayanan ang pagod. Marami rin ang nalanghap niyang usok. Kahit anong pilit niyang bumangon muli ay hindi na talaga niya kaya. Umalingawngaw ang una at huling sigaw ng kanyang ina at ama bago muling natahimik ang paligid. Mula sa bumibigat na talukap ng kanyang mga mata ay nakita niyang tuluyan ng nilamon ng apoy ang kanilang bahay.

Pinagpawisang bumalikwas ng bangon si Mari. Labinlimang taon na ang nakakalipas magmula noong insidenteng iyon ngunit hanggang ngayon ay sinusundan pa rin siya ng bangungot na iyon.

Beintesiete anyos na siya ngayon at isang nurse sa isang malaking hospital sa siyudad. Pagkatapos kasing mabalitaan ng mga magulang ng kanyang ama ang nangyari sa kanila ay agad siyang pinuntahan ng kaniyang lolo at lola upang dalhin sa mansiyon ng mga ito. Kahit malamig ang trato ng mga ito sa kanya ay pinag-aral pa rin siya ng mga ito sa kanyang nagustuhang kurso.

Matagal na ring patay ang kanyang lolo at lola. Umalis na rin siya sa poder ng mga ito para hindi na siya mapagdiskitahan ng mga iba pang anak at apo ng mga ito.

Nasa kanilang quarter siya sa ospital. Pansamatala siyang nagpahinga sa buong maghapon na rounds na kanyang ginawa. Hindi niya inaasahang makatulog siya at mapanaginipan ang nangyari noon.

Bumangon na siya at pinusod muli ang nagulong buhok. Alas cinco na ng hapon at kailangan niyang gumawa ng isa pang round sa ika-anim palapag ng ospital para tuluyan na siyang makauwi at doon na ipagpatuloy ang pahinga.

“Mari, nakapagpahinga ka ba ng maayos?” Nakangiting bati ni Hilda sa kanya nang makalabas na siya sa kanilang quarter. Nakapuwesto ito sa information counter.

Ngumiti siya at tumango. Kinuha niya ang clipboard na naglalaman ng detalye ng mga pasyente na kanyang titingnan. “Nakatulog naman ako ng maayos.”

“Off ka na mamayang six o’clock, hindi ba? Punta tayong bar? Kasama rin sina Kira at Memai.”

Mga nurse din ang binanggit nito at pawang kaibigan din nila. Hindi siya nagdalawang-isip na umiling. “Next time na lang.” Kahit gusto niyang sumama, nananaig sa kanya ang kagustuhang magpahinga. Siguro may ibang pagkakataon pang makasama siya sa mga ito.

Lumabi si Hilda at bumuntong-hininga. “Lagi mo na lang iyang sinasabi. Kung sabagay, kailan pa mauubos ang next time?”

Natawa siya ng mahina. “Promise, next time na talaga.”

Napairap ito. “Ewan ko sa iyo. Lumayas ka na nga,” anito.

“Promise! Sige, bye,” wika niya habang natatawa.

Tumango naman ito at kumaway. Itinuloy na niya ang paglalakad patungong elevator. Mga ilang minuto pa siyang naghintay bago bumukas ang elevator. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang sakay niyon.

Ngumiti ito sa kanya. Halata ang pagod sa mukha nito at magulo rin ang buhok. May bahid pa ng dugo ang berdeng ternong suot nito na halatang kagagaling  lang sa isang operasyon.

“You won’t get in?” Wika nito. Kahit boses nito ay kinakabahan siya.

“D-Doc Harvey!” Bati niya rito. Dinala niya ang clipboard sa dibdib at kahit nag-alinlangang humakbang papasok ay hindi niya ito pinakita.

Harvey Madrigal, the most sought-after bachelor in town. Makisig ang pangangatawan nito at gwapo. Bonus pa na isa itong magaling na doctor sa ospital ng mga magulang nito. Maraming nurse ang nagkakandarapa rito kahit na iyong iba ay may edad na. Lahat ng nginingitian nito ay halos mahuhulog ang puso sa tuwa.

Pinindot nito ang 6th button ng elevator. Napatingin siya rito.

“You’re going to do your last round, right?” Nakangising wika nito.

Lalong humigpit ang kapit  niya sa kanyang clipboard. Tumikhim siya at tumango. Isa pa ito sa kinaiinisan ng karamihan ng mga nurse sa kanya. Hindi ito nagdadalawang-isip na ipakita sa kanya na gusto siya nito. Pati schedule at kung kailan ang kanyang night shift ay alam nito.

“Yes, d-doc,” wika niya.

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nasa ika-apat na palapag na sila dahil paiguradong ilang minuto na lang ay hihimatayin na siya dahil sa presensiya nito.

“Do you want me to accompany you?”

Napatingin siya sa repleksiyon nila sa salamin. Hindi niya alam kung bakit nagustuhan siya nito. Ni hindi nga sila bagay sa kanyang paningin. Kay gwapo nito at siya, pang-ordinaryo lang ang kanyang ganda. Hindi naman siya kagaya ng mga nili-link ditong mga babaeng nasa alta-sociedad.

“Dahil ang iyong ganda ay tunay na pang-Filipina,” naalala niyang wika ni Kira minsan nang magtanong siya sa mga kaibigan kung bakit ganoon na lang ang trato sa kanya ni Doctor Harvey Madrigal. Sinabayan nito ng hagikgik kaya natawa na rin lang sila ni Memai at Hilda.

Agad siyang umiling sa tanong nito. Tumunog ang elevator na hudyat na nasa ika-anim na palapag na sila. “N-Next time na lang, doc.”

Bumukas na ito at agad siyang lumabas ngunit hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pagbuntong-hininga nito. Pagod na ito ngunit inalok pa rin nitong samahan siya. Minsan naaawa na siya rito dahil halata namang iniiwasan niya ito. Ngunit kapag naalala niya ang sinapit ng kanyang mga magulang ay babalik ang takot sa kanyang dibdib.

Mayaman si Harvey at isa lang siyang hamak na nurse. Kaya habang maaga pa ay pipigilan niya ang anumang nararamdaman para rito. Ayaw niyang maging tulad ng kanyang ina. Ayaw niyang pagdating ng araw, sisisihin siya sa anumang maling desisyon na ginawa nito. Malabo ring magustuhan siya ng mga magulang ni Harvey dahil nasa middle class lang ang status niya.

Huminga siya ng malalim at pinigilan ang luhang tutulo sa kanyang mga mata. Ipiniksi na niya sa isipan iyon at nag-focus na lamang sa kanyang trabaho. Matapos ang isang oras ay nasa puwesto na ulit siya ni Hilda. Naghahanda na rin ito sa pag-out dahil malapit nang dumating ang ka-relyebo nito.

“Heto nga pala,” wika nito at ipinatong ang isang VitaMilk at isang box ng doughnut sa counter.

Napakunot ang noo niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa pagkain at sa mukha nitong may ngising-aso.

“Bumaba si Doc Harvey para ibigay sa iyo iyan. Sagutin mo na kasi ang taong iyon. Aba, dalawang taon din iyong nagpapalipad-hangin sa iyo. Ang haba-haba ng hair mo, girl, ah!”

“Ano ka ba? Ayaw ko nga sa lalaking mayaman,” wika niya. “At saka, iyo na ang mga iyan. Ibigay mo kay Kitty at Dustin,” dagdag niya. Sina Kitty at Dustin ay mga tatlong taong gulang na kambal na anak nito.

“Mari... si Doc Harvey pa nga mismo ang nagbilin nito para sa iyo. Kung tutuusin ay pwede itong mag-utos ng ibang tao. Huwag mo namang saayangin ang effort niya,” wika nito.

“Hilda, kung tatanggapin ko iyan, baka isipin noon na gusto ko rin siya.”

“Eh, hindi nga ba?”

Natigilan siya. Nakatitig lang siya sa mga mata nito. Wala siyang maisagot. Hindi siya makatanggi.

“Kung ang inaalala mo ay baka maulit ang nangyari sa nanay mo noon, hindi naman lahat ng lalaki ay kagaya ng tatay mo. Why don’t you give it a try? Gusto mo bang tatanda kang dalaga?”

“Hindi naman! Gusto ko lang makapangasawa ng ka-lebel ko. Ayoko ng lalaking sobrang mayaman.”

“Kung isang hamak na doktor lang iyang si Doc Harvey at wala ang katotohanang anak siya ng nagmamay-ari ng ospital na ito, sasagutin mo ba siya?”

“Oo!” Sandali siyang natahimik sa nasagot. Hindi niya iyon pinag-isipan at kusa lang na nabitawan ng kanyang bibig. Huminga siya ng malalim. “Pero hindi ganoon iyon, eh.”

“Bakit ka umiiyak?”

Kinapa niya ang pisngi. Basa nga ito sa kanyang mga luha. Mas lalo siyang humikbi. Hindi man lang niya namalayang umiiyak na siya kagaya nang hindi niya namalayan na tuluyan na pala siyang nahulog kay Doc Harvey.

Umikot si Hilda sa counter nito para hagurin ang kanyang likod. “Umiiyak ka dahil sabi ng iyong puso ay gusto mo si Doc Harvey ngunit ang iyong isipan ang humahadlang?”

“Shut up! Pinapalala mo ang sitwasyon,” wika niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay.

“Oy, anong nangyayari diyan?”

Kahit hindi niya nakikita kung sino ang nagsalita, alam niyang si Memai iyon. Tapos na rin pala ang rounds nito.

“Si Kira?” Tanong ni Hilda.

“Nandoon na sa parking lot. Anyari diyan kay Mari? Sasama ba siya sa night-out natin?”

Agad siyang umiling. “Ayoko!”

“Sasama siya. Umiiyak nga ito dahil diyan kay Doc Harvey,” wika ni Hilda.

“Ano? Kung ganoon, dapat iyang isama natin.”

Wala na siyang nagawa ng higitin siya ng dalawa at sapilitang ipasok sa kotse ni Kira. Tuwang-tuwa naman ang tatlo dahil nagawa na siyang isama. Mabuti na lang at napalitan na niya ang kanyang uniporme bago pumunta sa puwesto ni Hilda.

Maingay pagdating nila roon. Kahit alas seis pasado pa ay marami na ang mga tao. Nakahanap naman ng puwesto si Kira. Naupo sila sa sa couch at agad na nag-order ng alak. Hindi niya alam kung ano iyon dahil hindi naman siya mahilig sa ganitong lugar. Kulay blue ang laman ng kanilang mga baso.

“Huwag kang mag-alala, Mari. Hindi ito nakakalasing,” wika ni Memai.

“Oo nga. Cocktail lang ‘to,” dagdag ni Kira.

Tipid lang siyang ngumiti habang sinimsim ang naturang cocktail.

“Ano bang problema ng babeng ito?” Tanong ni Kira na tinutukoy siya.

“Tuluyan na yata itong nahulog sa ating makisig at matalinong doktor. Eh paano, binigyan siya ng VitaMilk at isang box ng doughnut,” wika ni Hilda na natatawa.

Sinamaan naman niya ng tingin ang kaibigan. Napaigik siya ng biglang hinugot ni Memai ang kanyang tali sa buhok. Magkatabi kasi sila ng upo habang si Kira at Hilda naman ay nasa couch na tapat ng inupuan nila.

“Ilugay mo muna ang buhok mo. Palagi na lang iyang nakapusod, eh!” wika ni Memai. Itinaas nito sa ere ang tali habang pinapakita sa kanila. “This hair tie symbolizes fear.”

“Ayan na naman ang pagiging makata niya,” rinig niyang sabi ni Kira.

Siniko naman ito ni Hilda. “Hayaan mo nga.”

Napairap si Memai. “People nowadays are not doing something new because of fear. They didn’t have the courage to fight that strong emotion they felt and their minds are full of ‘what if’s’. What if I fail? What if I mess up? What if some people will not love me? What if I will be hated? What if I will die? You see? Because of fear, their thinking went ahead a thousand miles. They haven’t even tried it yet. You’ll say, those people are just thinking about the outcome of the things they’re about to do? No, that’s way more like fearing about what will happen if they’ll do a certain thing.”

Sandali itong napatingin sa kanya. “And those people including you, my dear Mari, are like this hair,” wika nito. Habang tinatali nito ulit ang kanyang buhok ay nagsalita ito, “controlled by fear not to excel, controlled by fear not to do anything, controlled by fear to just stay put.”

May ilang buhok ang hindi nasali sa pagtali nito. Some landed on her face. “But there are some people that are like these loose hairs. They have the courage to fight. Even if they felt fear, they didn’t let it consume them. The kidnappers, snatchers and killers belong in this group. I am sure they have fear but they also have the courage to do hideous things. Even bad people have courage, how much better it is if all good people will gain courage out of the fear they felt? Then, everybody will surely live their lives to the fullest.”

Pagkatapos niyon ay tinanggal ulit ni Memai ang pagkakatali ng kanyang buhok. Napanganga silang tatlo. Ang ininom na cocktail ni Kira ay nanatili lang sa bibig nito at hindi pa nalulunok dahil sa narinig nito sabi mula kay Memai.

“Ang galing ko, ano? Kaya ikaw, Mari, kung anong idinidikta ng puso mo, gawin mo,” wika ni Memai na hindi man lang hiningal sa sinabi nito.

“Saan mo nakuha iyan, aber?” Hindi makapaniwalang tanong ni Hilda.

Nagkibit-balikat si Memai. “Naisip ko lang!”

“Ang hangin talaga ng babaeng ito,” wika ni Kira.

Napaisip siya sa sinabi ni Memai. Tama nga naman ito. Hindi naman niya hawak ang hinaharap kaya mas mabuti ng hindi na lamang mag-isip ng masama. Ang kailangan lang niyang gawin ay pagbutihin ang kasalukuyan. Tama na ang next time-next time niya. Alam niyang magiging masaya siya sa piling ni Harvey kaya hindi na niya ipagkakait sa sarili iyon.

Tumunog ang cellphone ni Kira. “Hello?” Sandali itong nakinig sa kabilang linya pagkatapos ay pinatay na nito ang telepono.

“Bakit?” Tanong niya.

“M-May na-aksidente at k-kailangang operahan. Kailangan ng isang scrub nurse,” kinakabahang wika nito.

“Halika na. Lumabas na tayo rito,” yaya ni Memai.

“Si Doc Harvey ba ang mag-oopera?” Tanong ni Hilda.

Malungkot na napasulyap si Kira kay Mari. Bigla tuloy siyang kinabahan. Huminga muna ito ng malalim.

“Doc Harvey got into a car accident. Ito ang kailangang operahan,” anunsiyo ni Kira.

“Ano?” Bulalas nilang tatlo. Halos rinig na niya ang tibok ng kanyang puso dahil sa narinig.

Nanghihina siyang naupong muli sa couch. Ang maingay na tugtog ng bar ay hindi na niya narinig. It seems like her ears shut off every external noise because it just focused on the sound of her heart.

Dinaluhan naman siya ng mga kaibigan. Walang nagtatanong sa kanya kung okay lang ba siya dahil alam ng mga ito na hindi siya maayos. Inalalayan siya ng mga ito na makalabas ng bar. Panay ang kanyang iyak habang binabaybay ulit nila ang kahabaan ng kalsada patungong ospital.

Nang makarating na sila ay agad pumunta si Kira sa operating room habang siya ay naghihintay lang sa labas. Minsan kapag nababagot na siya sa pag-upo, sisilipin niya kung nasaan ang operating room kahit hindi naman niya nakikita o ‘di kaya’y pabalik-balik siyang naglalakad sa hallway habang kinakagat ang kuko. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang kanyang pisngi.

Napalingon siya sa magkasunod-sunod na yabag na papunta sa kanyang kinaroroonan. Nakita niya ang mga magulang ni Harvey kasama ang dalawa nitong kapatid. Umiiyak ang ina nito habang akbay ito ng asawa. Ang mga kapatid naman ay kalmado lang pero halatang kagagaling din sa pag-iyak at ngayo’y kinakabahan.

“Anong nangyari sa anak ko?” Tanong sa kanya ng ama ng binata.

Napaawang ang kanyang mga labi. Hindi niya alam ang buong detalye kaya hindi niya masasagot ito. At mas lalong hindi niya masasagot kung tatanungin nitong bakit siya nandito. Pinagsalikop niya ang mga palad at tumingin sa ibaba.

“K-Kasalukuyan po s-siyang ino-operahan dahil n-naaksidente ang kanyang sasakyan,” sagot niya.

Mas lalo napahagulgol si Doktora Madrigal kaya inalalayan niya itong maupo muna.

“Oh? I remember you!” Puna sa kanya ng kapatid na lalaki ni Harvey.

Napaangat naman siya ng tingin. “Po?”

“Yes, Kuya. Me, too. She’s the woman in the picture that Kuya Harvey showed us, right?” Hindi makapaniwalang saad ng babaeng kapatid nito.

Napabaling naman sa kanya ang tingin ng dalawang matanda.

“Mom, Dad, don’t you remember her? Kuya Harvey showed us a picture of this woman. He said we would better be prepared because one day he will bring her home and make her as his wife.”

Pinunasan ng doktora ang luha nito gamit ang panyo at tinitigan siyang mabuti. Pagkuwa’y muli itong napahagulgol ng iyak. Agad naman siyang naalarma. Nalilito siya kung anong dapat na gawin kaya hinagod na lamang niya ang likod nito.

“My poor son! Alam mo hija, sinabi niya iyon sa amin last year pa,” wika nito.

“P-Pasensiya na po t-talaga... H-hindi ko alam ang bagay na i-iyan,” wika niya habang tinitingnan ang mga ito isa-isa.

Hindi gaya ng sa inakala niya, mabait naman pala ang mga ito. Akala niya, tatanungin siya kung bakit siya nandito pero hindi ginawa ng mga ito ang bagay na iyon. Mga ilang oras pa silang naghintay sa labas ng operating room bago lumabas ang doktor. Hindi na nito kailangang magtanong kung sino ang pamilya nito dahil kilala naman ng lahat ng nagtatrabaho sa ospital na ito ang mga magulang ni Harvey.

“Maghintay lamang po tayo kung kailan siya magigising. Saka pa lamang natin masasabing okay na talaga siya,” wika ng doktor.

Kahit papaano ay nabawasan ang kanilang kaba at pag-alala.  May iba pang pinag-usapan ang mga magulang ni Harvey at ang doktor pero hindi na siya nakisali pa. Ang mahalaga ay nalaman niyang tapos na sa critical state ang binata.

Kinabukasan ay agad niyang pinuntahan ang binata sa private ward nito. Siya ang ini-assign ng mga magulang nito bilang private nurse. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Pinagpapawisan ang kanyang kamay. Marahan siyang pumikit at dahan-dahan niyang itinulak ang pinto sa kwarto ni Harvey upang ito’y mabuksan.

Naluluha na naman siya nang makita ang binata. Kung bakit hindi na lang kasi hindi pa ito natulog sa quarter nito. Hinawi niya ang buhok na napunta sa noo ng binata. Napangiti siya. Kahit natutulog ito, kaygandang tingnan ng mukha nito. Hindi siya makapaniwalang nabighani sa kanya ang lalaking ito. Nagawa ba niyang iligtas ang mundo sa kanyang past life? Lumapad ang kanyang ngiti sa naisip. Ano ba ang kahibangan na iyan?

Hinawakan niya ang kamay ng binata. His palm was slightly calloused dahil siguro sa araw-araw nitong paghawak ng mga surgical equipments. Tumambol ang kanyang puso nang biglang humigpit ang kamay nitong hinawakan niya.

“D-Doc Harvey...”

Unti-unting bumuka ang mga mata nito.

“A-Ayos lang po ba kayo?” Palihim niyang binatukan ang sarili. Siya ang nurse, dapat siya ang nakakaalam. Pero mas mabuti lang din kung sa binata na mismo manggagaling.

“Mari?” His voice was hoarse when calling her name pero hindi pa rin nabawasan ang pagiging manly nito.

“Yes, doc. I’m here...”

Inangat nito ang kamay nito habang nakahawak ito sa kamay niya at pagkuwa’y dinala nito iyon sa dibdib.

“Don’t leave me,” nanghihinang pakiusap nito. Halatang pinipigilan nito ang antok.

“I won’t...” wika niya.

“Promise?”

“Promise.”

“I love you...” Pagkasabi noon ay muling pumikit ang binata. Naging banayad ang paghinga nito at natulog na ulit ng mahimbing.

Hinaplos niya ng paulit-ulit ang buhok nito. Sa tingin niya’y hindi siya magsasawang tingnan ito habang-buhay. Wala siyang pakialam kung tuluyan na siyang nahulog rito. Dahil alam niya, kahit gaano pa kalalim ang babagsakan niya, nasa dulo ito, nakataas ang mga kamay at handa siyang saluhin.

Hindi na uso sa kanya ang salitang ‘next time’ dahil gagawin niya ang bagay na siguradong ikakasaya niya ngayon.  Taos-puso ang kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil binigyan pa siya ng isa pang pagkakataon na makapiling ang lalaking kanyang minamahal. Pangako niya sa sarili na hindi na niya ipagpaliban ang mga oras na gustuhin nitong samahan siya.

Yumuko siya at hinalikan ito sa noo, sa tungki ng ilong at sa labi nito. “I love you, too, Harvey!”

WAKAS!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro