Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One Shot Challenger #1

Title: My Yellow Flavour

My most memorable valentines celebration ay noong binigyan ako ng crush ng valentines rose noong 3rd year college po ako. Syempre kinilig po ako kasi first time ko po makatanggap ng rose kasi NBSB po ako. After nun ay palagi na po ako binubully ng fangirl niya with her friendship kasi naiinggit siguro. Nag mala-Rapunzel po yung hair ko. Charaught! Pero totoo po yun, walang halong biro. Hanggang ngayon ay NBSB parin po ako kasi I'm an ugly potato. Saklap! 😢😭 Pero okay lang kasi forever naman po ang relationship ko kay God. ☺🙂

Back on my highschool days, there was this top one on our campus whom I really admired. He was 2 years older than me and I loved everything he did, even just breathing. And the opposite of it, he hated everything I did. I was then on the other hand, a troublemaker- making so much mess and almost lived at the guidance office whom the cold him told me to change. And I did change. You know what's interesting? I can't speak and understand english before but now I'm passing this english essay to him; my first love, my inspiration, and now my professor in english.

Codename: The Freshman

"Woooow! Sino yan? Sir totoo ba yan?" Isa isang nagtanong ang mga kaklase ko sa narinig nila.

Kasalukuyan kasi kaming nagbabasa ng essay slash confession na ipinasa kay sir.
At kakatapos lang basahin, ang essay ko.

"Hoy alexa ikaw to no? Ikaw lang naman may crush kay sir eh," Malakas na tanong ng kaklase kong nagbasa ng essay KO, sa karibal kong si alexa.

Yes, karibal.

Luh kinilig naman tong burikat na to. Kayo?!?! Kayo??!!

Pabebe amputa.

Jombagin kita eh.

Nagtuloy ang ingay at tuksuhan habang ako eh patay malisya at nakikingiti lang para hindi halata.

Wala kasing nakakaalam ng nangyari sa pagitan namin ni sir noon.

"What do you think of the confession? Is it interesting?" Tanong ni sir sa amin kaya nanahimik ang lahat. Umiiwas naman akong tumingin sa kanya kasi mahirap na.

"Opo sir sobra! Nakakacurious kung sino yun," Sagot ng isa kong kaklase.

"You guys are so easy to be tricked," Sabi ni sir at saka ngumiti ng tipid.

TIPID LANG YUN PERO TANGINA.
ANG GWAPO SHET.

HE HE.

"It was more like a story. And to make it interesting, she, obviously, did a great twist that has to do something with me," Dagdag nya pa.

Story talaga yun, pero confession din. Napaka sinungaling nito! Hindi mo na ba maalala ang nangyari satin? Charaught. Alam kong alam nya na ako yun.

Charaught lang ulit, di ko din alam kung alam nya at tanda nya pa. Basta yun yon.

"Eh pano kung totoo po yun? Sino po sa tingin nyo ang 'she' na yun?" Tanong ng isa kong kaklase.

Wala akong narinig na sagot ng ilang segundo at nagsalita sya, "Joan Everth Relojas,"

Nagulat ako at nangatog nang malambing nyang banggitin ang pangalan ko.

Napaawang ang mga bibig ng kaklase ko at halos lahat ay napa-gasp.

"Please bring those essays to my desk and... class dismiss," Dagdag nya kaya napamura nalang ako ng mahina.

"Si sir talaga! Akala namin si joan!" Sigaw ng mga kaklase ko kay sir.

T A N G I N A

Halos mamatay na ko sa upuan ko kanina. Akala ko ako talaga hinala nya, nangyan.

"Mag-excuse ka at mag greet sa mga teachers sa faculty ha," Sabi nya pa sa akin kaya tumango lang agad ako at saka kinuha yung mga papel.

"Yie joan, type ka ata ni sir!" Sabi sa akin ng kaklase ko nang makalabas si sir ng room.

Type nya ko? Lul asa.

Lul di ako kinikilig.

Lulnyo.

Hehe.

"Gago wag ganyan, baka maniwala ako," Sagot ko at nagtawanan kami. Hindi naman kasi ako obvious na may gusto kay sir.

Actress kaya to :>

Di tulad ng iba dyan, burikat. Masyadong bulgar papansin pabebe pa pwe.

"Joan! Patabi naman sa locker mo be," Tawag sa akin ng kaklase ko nang palabas na ako ng room.

Tumango nalang ako bilang senyas na pumayag ako.

Nagulat ako nang pagbalik ko sa room eh may tumpukan. Pagkakita nila sa akin eh nagtakbuhan sila lahat.

"Be oh may sunflower dun sa locker mo taraaay!" Sabi ng kaklase kong nagpaalam kanina sakin at inabot ang sunflower NANAMAN na nakuha nya sa locker ko. Tangina ha, magrereport ako sa guidance nangingialam sila ng locker ng may locker. Charaught, mag iiwan ako ng note sa locker natatakot na ko sa kanya eh.

'Congrats for maintaining your rank 1. I saw it yesterday' -ProXX

Diba? Ka-school ko sya ganun? School board lang naman ang unang source na pwedeng kuhanan ng ranks eh, kahapon lang din sya narelease.

Hindi naman din pwedeng outsider tapos nakibalita agad agad about rankings. Sa school na to, hindi na bago ang pagiging rank 1 ko. So why would they bother talk about it outside?

At ang malupet pa don?

Galing nanaman sya kay ProXX. Halos mag iisang taon na din tong nagpapadala ng sunflower sa akin eh.

Minsan nga ang creepy na, pero wala pa namang harm na nangyayari sakin kaya tinatanggap ko pa rin sya.

• • •

"Hindi pa rin sya tumitigil," Bulong ko nang makakita nanaman ng sunflower sa locker ko.

Makipag-meet kaya ako no? Usap lang naman. Ang creepy kasi eh.

Makapag-iwan nga ng note.

Naglakad ako pabalik ng room dala yung sunflower at inilagay sa bag ko.

"Guys nag-leave si sir 1 week mag a-out of town daw," Sabi ng president namin sa pagitan ng magulong classroom.

Napa-awww talaga kaming lahat. Walang pogi ng 1 week aruy.

"Tao po, sino po dito si Joan Everth?"
Natigil ang lahat sa chikahan nang may kumatok sa room.

"Bakit po?" Tanong ko sa naghahanap sa akin. Dalawang lalaki sila, kapwa may maliliit na ngiti sa labi.

"May nagpapabigay po," Sagot nung isa sa kanila.

Lumapit ako at may inabot silang papel. Umalis kaagad sila kaya yung mga kaklase ko hala sige usyoso.

Don't open it yet. -ProXX

Ayan yung nakalagay kaya sinunod ko naman. Yung mga kaklase ko naman akala mo ngayon lang nakakita ng papel eh.
Shet nakakatakot talaga, alam nya na pag nakakatanggap ako ng galing sa kanya pinagkakaguluhan ako sa room.

Stalker ba to? Huta.

Pasimple kong binasa yung note sa ilalim ng desk.

Saturday, 5:30 pm. Sa basketball court malapit sa inyo. I will be wearing uniform.
Yun ang nakasulat sa note. Watdapak?! Kakalagay ko lang ng note dun sa locker ko nabasa na nya agad?

Ang creepy na talaga ah. Pero dito nga din sya nag aaral.

At nga pala, saturday bukas.

Natatakot ako makipag-meet shuta.

• • •

Nagbihis ako ng maayos, naka tokong at t-shirt lang ako dahil malapit lang naman yon dito.

First time ko mag meet ng nagkakagusto sa akin. Tss o anuna Professor Kim? Di ka pa rin ba gagawa ng move? May kaagaw ka na oh, bahala ka mauunahan ka. Luminga linga ako sa paligid nang makarating ako sa sinabing place.

Pumasok ako sa loob ng court at nakita kong ang daming naka uniform na kagaya sa school na pinapasukan ko. Mga may saturday classes.

Ang dami nila, sino sa kanil-

"Hi," Pagbati at kalabit sa akin ng isang pawisang lalaki na naka-uniform.

"Ji Chang Wook," Sabi nya sa akin ng nakangiti at naglahad ng kamay.

"Ah, i-ikaw yung.. nagpapadala ng bulaklak sa akin?" Tanong ko sa kanya at inabot yung handshake.

"Ako nga," Sagot nya sabay hawi ng buhok nyang pawis.

Wooow in fairness ang gwapo ni kuya.

"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyong dalawa?"

Nabigla ako ng makarinig ako ng boses sa likuran ko, agad akong lumingon at shete lang! Nandito si Soohyun!

"Ah p-prof, ano pong ginagawa nyo dito?" Utal kong tanong sa kanya.

"Ah s-sorry po," Sabi nung Chang Wook at saka umalis.

Nakatitig naman sa akin si soohyun kaya napayuko ako.

"Sumunod ka sakin," Utos nya kaya sumunod naman ako.

Bat ako kinakabahann!?

"Anong sya, bakit kelan pa ako naging sya tss,"

Narinig ko ng malinaw yung mga sinabi nya kahit pabulong lang.

"Anong kelan naging ikaw sya?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya.

Napaatras naman ako ng humarap sya sa akin ng naka-cross arms at nakabusangot.

"E-eh sir diba po nag leave kayo?" Awkward kong tanong sa kanya.

"You wanna know the truth? Nag leave ako for our upcoming dates," Sagot nyang ikinabigla ko.

Dates? D-a-t-e with matching s? As in maraming date?

"Wag ka nang magtanong sa isip mo," He smirked. "Ako yun," Nangunot ang noo ko and it is more confusing.

"Ano po? Hindi ko magets sir," He immediately shut me up.

"Don't call me sir, call me anything you want but not that," Napangiwi ako sa pinagsasabi nitong unggoy na to eh. Anything ano???

"Hi anything," Awkward na sambit ko.

"Are you playing with me?" Biglang nag iba ang aura nya. Nakakatakot super.

"E-eh ano?! Babe ganon?!?!?" Bulyaw ko para di mahalatang kinakabahan.

Ngumiti sya.

"Yes babe. What I mean earlier, is that.. Ako yung naglalagay ng sunflower sa locker mo,"

Putang????

"So, are you ready for our upcoming datesssss," Dagdag nya pa.

Teka, bago ako kiligin, diba bawal yung estudyante at teacher na relationship?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro