Judge#2 Scores and Feedback
Here's the scores and feedback from JUDGE #2
Challenger #1: My Yellow Flavour
Content: 15%
Creativity: 20%
Cleanliness: 10%
Total: 45%
Feedback:
Matutong alamin kung saan at kailan dapat gamitin ang capital letter. Mas gawing unpredictable ang isinusulat mong kwento, iyong tipong hindi kaagad mahuhulaan ng mambabasa ang susunod na eksena.
Nevertheless, this is just the beginning of your journey in writing stories. Goodluck! Gawing inspirasyon ang lahat ng feedback sa iyong mga isinusulat! Keep on writing!
Challenger #2: Kalidasa
Content: 32%
Creativity: 20%
Cleanliness: 18%
Total: 70%
Feedback:
Maayos ang pagkakalahad ng kwento. Kaunti lang ang mapupuna ko sa iyong grammar. Detalyado rin ang bawat sinasabi ng bida. Ang kaso, nabitin talaga ako sa kwento.
Keep writing stories! Goodluck! Fighting!
Challenger #3: FLR on Valentines Day
Content: 35%
Creativity: 22%
Cleanliness: 18%
Total: 73%
Feedback:
Karma is a b*tch nga naman talaga. Pinaiyak mo ako sa sinulat mo, akala ko kasi happy ending tapos nasaktan ako kasi hindi pala. Hindi ko ine-expect ang mangyayari.
By the way, wala naman akong ibang masasabi sa way ng pagsusulat mo. Maganda ang pagkakalahad ng kwento at maayos din. May kaunting mali lang, typo at punctuation marks pero kung hindi papansinin, hindi mapapansin. Good luck and keep on writing! Fighting!
Challenger #4: The Legend of Cupid’s Arrow
Content: 40%
Creativity: 24%
Cleanliness: 16%
Total: 80%
Feedback:
Nakakatuwa ang writer ng kwentong ito. She has a great imagination. Parang may pinaghuhugatan lang, eh. By the way, kahit na ang broken heart ni Cupid ang ikinuwento n'ya, refreshing pa rin. Nakakatuwa na makabasa ng kakaibang storya.
Good luck in your writing journey! Keep it up! Fighting!
Challenger #5: Usapang Lasing
Content: 35%
Creativity: 25%
Cleanliness: 17%
Total: 77%
Feedback:
Ang smooth ng pagkakalahad ng kwento. Parang ikaw na ikaw talaga 'yong nagsasalita. At ang galing ng pagkakahalo ng pagka-bitter at sweet ng kwento mo. Kaya lang, walang forever talaga. Wala naman akong masabi masyado, konti lang ang pagkakamali mo.
Good luck to you! Keep on writing! Fighting!
Challenger #6: My Only MVP
Content: 20%
Creativity: 18%
Cleanliness: 18%
Total: 56%
Feedback:
Masyadong mabilis ang ganap ng storya. Pati iyong characters, mabilis din. Siguraduhing linisin ang mga typos at grammatical errors. Iyon lang! Dagdagan ang nilalaman ng kwento, sa susunod. Naniniwala ako, na kaya mong pagbutihin pa ang iyong pagsusulat, keep on writing! Good luck! Fighting!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro