Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 49: Who is your lover

The Sweet Chef of my life

Savannah POV

TULUYAN na ngang nakaalis si Sheillaisha, my truly bestfriend. Muntikan pa nga kaming magkaiyakan dahil biglaan ang lahat, at nagpresenta rin kasi akong ihahatid siya sa airport.

Ganito pala talaga ang totoong pakiramdam ng maiwan ka ng taong mahalaga sa buhay mo–masakit at malungkot.

At dahil Monday ngayon, abala na naman ako ulit sa trabaho. Balik stress na naman ulit. Kasalukuyan na akong nandito sa office ko, napakaaga pa lang ay pumasok na ako, coffee nga lang ang naging almusal ko dahil wala akong gana kumain. Pagkagising ko rin kanina wala na si Mommy and Daddy kaya hindi na ako nag almusal pa.

Nag-focus na lang ako sa gagawin ko ngayon dahil natambakan na naman ako ulit. At habang binabasa ko na ang isang folder na nasa unahan, may sumagi sa isip ko na siyang ikinatigil ko.

Naalala ko ang sinabi ni Daddy, kung sakaling wala pa rin akong mapili sa kanila hindi Niya naman raw ako pipilitin pero mas matutuwa siya kung kahit man lang sa isa ay nakahanap na ako.

Sa totoo lang, iba ang pinaparating ni Daddy sa oras na 'yon, magulo pero makahulugan ang punto niya. Itinabi ko muna tuloy ang ginagawa ko at nag isip-isip muna. Sino nga ba sa apat ang mas matimbang dito sa puso ko? Ang gulo naman.

Sino ba kasi talaga? Ang hirap naman kasi, kailangan ko ba talagang pumili?

Sa kalagitnaan nga pag-iisip ko ay biglang bumukas ang pintuan ko. Napatayo ako nang wala sa oras dahil sa iniluwa ng pintuan ko. Walang iba kundi si Jay.

Nakangiti ito sa hindi ko malaman na dahilan. May dalang paper na siyang ikinataka ko. "J-Jay? Teka bakit nandito ka ano ba 'yang dala mo?"

"Hi milady! Pasensiya na pumasok na'ko agad, sayang kasi 'tong champorado na ginawa ko kung hindi mo matitikman. Sorry hindi na pala ako kumantok, baka kasi hindi ka pa nag aalmusal eh." Pagpapaliwanag nito.

Una ay naguluhan ako pero sa huli, naitindihan ko na rin. Palagi siyang ganito tila batid niya na hindi ako nakakain sa umaga. Nilagay niya na sa table ko ang dala-dala niya.

"Salamat, Jay. Lagi mo naman akong dinadalhan nito. Baka naman hanap-hanapin ko 'to."

Natawa ito at sumilay ang magkabilaan niyang dimple sa pisngi. "Mas pabor sa'kin 'yan para sayo ko mismo marinig ang mga katagang ipagluto mo naman ako, Jay oh." Pagbibiro nito na siyang ikinangiti ko.

"Alam mo ikaw, napakamaimahinasyon mong lalaki, sabayan mo na lang kaya ako kumain?" Pag-aalok ko sa kanya.

"Sure ka ba? Pero mas okay na tikman mo muna." Tugon nito.

Hindi ko alam kung bakit niyaya ko pa siyang sabayan ako kumain ng dala niya. Mabuti na lang na break time muna iyon ng 30 minutes. Every morning kasi we have 30 minutes break before lunch, at dahil gutom na rin naman ako ginamit ko na ang oras kong iyon.

"Sige na ako muna, doon muna tayo sa malaking table ko kumain."

Tumango naman ito at tinungo na nga namin ang yung place na madalas kong gawing kainan. Kinuha ko na nga ang champorado sa loob ng paper bag. Nakalagay iyon sa isang bilog na tasa. Sakto lang naman ang laki niya pero pakiramdam ko ang dami 'non kaya tama lang na nag alok ako kahit na niluto niya ito at natikman na.

Sumubo na nga ako ayon sa gusto niyang mauna ako na tikman iyon. "Ano masarap ba?" takang tanong nito habang inaantay ang sagot ko.

"Oo ang sarap mo este yung champorado mo," pag aayos konng paliwanag ko dahil nadulas pa ako. Ano ba naman kasi itong nababanggit ko para naman akong nawawala na sa sarili ko.

"Kahit hindi mo sabihin alam ko at huwag mo ng ibahin pa dahil tama ang una mong sinabi." Pagbibiro muli nito sabay kindat sa akin.

"Alam mo Jay, kumain na lang tayo. Alam kong may trabaho ka pa, sige na kumain na tayo baka hindi ko maubos 'to eh."

Pumayag naman ito na nakangiti, at aaminin kong mas lumalabas ang kagwapuhan niya. Nagsalitan na lamang kami ng subo, hindi naman ako maarte at tila na-enjoy ko pa nga dahil para kaming mga bata na naglalaro pa.

"You know what Milady Savannah, I didn't expect this, may kulit ka rin palang tinatago."

"Kasi naman ikaw, salitan nga tayo sabay susubuan mo'ko."

Para akong batang nagsusumamo sa kanya. Pinisil pa ang ilong ko dahilan para mapahinto ang ikot ng mundo namin dahil sa ginawa niya. "Ang ganda-ganda mo." Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang nakatingin siya sa mga butuin.

"Sus Jay! Bolero ka pa, salamat sa champorado ha! You always make me full." Pag iiba ko sabay hinimas ang tiyan ko. Naparami kasi ang kain ko dahil sa kakulitan niya at pakiramdam ko pati hangin nakain ko dahil sa kakatawa.

Pero mas nagulat ako sa ginawa niya at sunod-sunod na tibok ang pinakawalan ko. "I love you, milady sabay hinalikan niya ang harap ng kanang kamay ko.

"Jay..."

"I will wait, and make sure I will be your chef. Mahal na mahal kita, Savannah." he confess.

Halos mapipi at mabingi ako dahil sa mga sinambit niya at pagpapakilig.

"I know our situation is really complicated, hindi ko nga rin alam bakit nakipagsabayan ako sa tatlo para lang mapansin mo rin. Well, matagal na talagang partner ni Daddy ang father mo kaya siguro marami na rin akong alam sayo. I am not sacrificing everything dahil nag iisa kang anak, lilinawin ko lang 'yon. I am here kasi every single day I found out myself falling for you more." Pagkukuwento nito na tila ngayon ko lang nalaman na matagal niya na pala akong kilala.

"So when the times my Dad insists me to stand with him muna, I grab it kasi gusto kitang makasama, makilala at magawa ko na ligawan kita." Dagdag nito.

Napangiti naman ako sa pag amin niya, hindi ko tuloy alam ang itutugon ko dahil naman biglaan din ang confess niya. Para kanila lang gulong-gulo ako. Lately din, hindi ko masyadong napapansin ang pagkilos ng kasabayan niya. Well, I can say Jay is really a great man at talagang ma-effort sa kanilang apat.

"Jay..." pangunguna ko. Tumingin ito sa mga mata ko na para bang hinihintay ang susunod ko pang sasabihin.

Ngunit hindi agad ako sumagot, pinagmasdan ko ang kabuoang mukha nito. Sobrang perpekto nito, ang puti at napaka kinis ng maamo niyang mukha. Ang makapal niyang kilay, ang mga mata niyang nagiging singkit kapag ngumingiti at ang labi niyang... ang sarap titigan at hali...kan

"Savannah, okay ka lang ba? may dumi ba sa bibig o mukha ko?" takang tanong nito para bumalik ako sa reyalidad at mapagtantong natagalan pala ang pagkakatitig sa kanya.

"N-Nothing. Nabigla lang ako sa mga sinabi mo. You mean matagal na talaga?" Pagtatanong ko para maiba naman ang iniisip niya.

Hindi ko nga alam kong over break time na ba ako, kung oo ang sagot hahayaan kong bawasan ni Daddy ang sahod ko. Yes, kahit anak ako I follow his rules. Because for me, everyone deserve equality.

Hanggang sa magsalita na siya ulit, "Yes, it almost 3 years since naging interesado ako, sayo until now. I don't have any second girlfriend since she was died because of an accident." Panimula nito na siyang ikinagulat ko. Namatayan pala siya ng girlfriend kaya pala grabe na lang ang pag iingat niya sa akin. Masyado kasi akong naging abala lately, hindi ko man lang sila nakausap isa-isa.

At sa oras na iyon, pinili ko na lang muna na kausapin si Jay. I don't want to miss the opportunity na mag open up siya sa akin. "I am really sorry, Savannah to disturb you. But all of I want right now is to take care of you. Wala na akong pakialam if you choose me or not basta wala akong pagsisihan sa huli." Dagdag muli nito dahilan para mapangiti ako. He is not only a prince but a real man for me.

"Alam mo rin Jay, siguro kung buhay pa yung ex mo. She is really proud to have you... Lahat naman ng ginawa mo kasi pure at sincere. Kaya salamat ha, salamat sa lahat-lahat." Tugon ko at pinagmasdan muli ang mga mata niya.

Ngayon ko lang din napansin na sa malapitan kakaiba ang taglay niyang kagwapuhan, lalo na sa mga mata niya kapag pinagmamasdan.

"Milady, you're too much." His serious reaction.

"W-What?" I asked.

"Too much for looking at me, do you have already feelings on me?"

Napalunok ako dahil sa tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. Tila humanap ako ng mga salita na tutugma sa tanong niya, pero nauuwi sa pananahimik.

Do I have a feelings on him already?

"It's okay I know your answer." Biglang tugon nito na siyang ipinagtaka ko.

Ngumiti pa ito nang nakakaloko sa harapan ko dahilan para maisip ko rin ang punto niya. He thinks that yes is my answer for being a quiet for the mean time.

"Jay?" takang tanong ko na tila naging seryoso rin ito sa pagharap sa akin.

"If ever I am falling in love to you, will you take care of my heart?" I said without thinking anything. Even I act now like an obvious, I just want to clarify anything–everything. Alam kong simpleng tanong lang ang binigay ko pero seryosong usapan naman ito.

Hinawakan niya ang kamay ko. "I will assure it, I will not promise to hurt you but remember my words. As long as, I am here you will be safe and I will always love you until I breath." He kiss my right hand and come little closer to kiss my forehead.

"I love you my future girlfriend, Savannah."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro