Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 46: The Secrets

This is all for you

SAVANNAH POV

AFTER that night with four boys, mas nakita ko roon yung katotohanan ng pagsugal nila sa ngalan ng pag-ibig. Mabuti na lang talaga at walang alak doon, kung hindi ewan na lang ako ngayon.

But their efforts are really priceless, sa ginagawa nila mas gumugulo at hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong gawin. Mabuti na nga lang din at pagkatapos ng celebration namin sa isang restaurant kagabi, wala naman masyadong nangyari na gulo. Nagkasayahan lang kami at nagkuwentuhan. At mabuti na rin at Wednesday ngayon, this day is another day off for me.

Halos anong oras na rin akong nagising at pasado 10 a.m. na rin,  pero mas pinili ko munang mag-stay rito sa kwarto ko. Hindi naman sa mag eemote ako ulit pero parang gano'n na nga 'yon, at isa pa busog naman ako at baka mamaya na lang din ako magpahatid ng pagkain dito.

Napabutong-hininga na lang talaga ako dahil hindi ko alam kung ano na ba ang mangyayari at talaga bang may napili na ba ako?  O ano na utak, handa ka na ba mag isip nang bongga? At ikaw naman puso, please lang maging konektado ka sa isip, para tama ang pagtibok ha? Halos mukha akong tanga sa pagkausap ko sa aking sarili.

Halos maging baliw ako dahil sa mga nasasabi ko ngayon. Dahil sa totoo lang, habang tumatagal mas gumugulo at habang mas nakakasama ko sila ang daming nagbabago. Napahiga na lang ako ulit at napatingin sa kisame, hindi ko na alam pa ang dapat kong isipin pa. Hindi man lang din ako dalawin ng gutom, ang hirap pala ng ganito.

Habang ako ay nagmuni-muni ay may kumatok sa'king pintuan.

"Anak, si Mommy mo 'to. Anong oras na oh, hindi ka pa ba nagugutom? Hindi ka pa kasi nakain eh," saad ni Mommy mula sa pintuan.

Tiningnan ko kung anong oras na sa selpon ko at 11: 30 a.m. na rin pala. Inayos ko na lamang ang sarili ko para harapin si Mommy, ayoko naman na mag aalala pa siya sa kalusugan ko at lalo na sa sitwasyon ko ngayon.

"Hi Mommy! Sorry po busy lang po kasi ako at medyo na-late po ako ng gising. Kakain po ako ng lunch mamaya po. 'Wag ka na mag alala sa akin, Mommy." Niyakap ko ito para maging kampante siya.

Tumugon naman siya at tinapik ang likuran ko, ang yakap talaga ng isang ina ay kakaiba– nakakagaan kapag naramdaman mo. At ilang saglit ay kumawala ito sa pagkakayakap, "Alam ko anak na may problema ka, huwag mahiyang magsabi. Day off ko naman eh, tsaka alam kong kailangan mo rin ng kausap."

Kahit kailan talaga ang galing ni Mommy maghula, siya kasi yung manghuhula na tagos na tagos yung tama dahil totoo naman. Halos bumagsak ang mga balikat ko at napaupo sa sofa na mayroon ako rito sa kwarto. Pumasok naman si Mommy at dinamayan ako. Hinawakan niya ang magkabilaang kamay ko at sinabing, "Sige anak, ilabas mo lahat ng mga nararamdaman mo. Makikinig si Mommy,"

Halos madurog ang puso ko dahil kailangan ko talaga si Mommy ngayon, hindi na ako nagpatupik-tupik pa. Bahala na kung umiyak man ako o hindi ang mahalaga ay masabi ko ang lahat ng ito. Mahirap dahil hindi ko alam ang gagawin ko at kailangan ko rin ng gabay para maging maayos ang mga magiging desisyon at kilos ko.

Wala akong pinalampas, naging detalyado ang mga sinambit ko kay Mommy ngunit nakita kong nalungkot siya dahil sa pag iiba ng itsura nito. Mabuti na lang din sa bawat pagkukuwento ko, hindi ako umiyak kundi nandoon yung lakas ng loob ko na magsabi sa kanya.

Ilang araw na rin kasi akong pilit tinatanggap ang salitang "ayos lang ako," kahit sa totoo lang gustong-gusto ko na rin pakawalan itong mga kabigatan na dinadala ko. At salamat kay Mommy dahil nandito siya ngayon, pinapakinggan at dinadamayan ako.

"Naiintindihan kita, nak. I am really sorry kung halos ilang araw akong wala talaga sa bahay. Alam mo naman na busy kami ng Daddy mo, don't worry nak ngayon nandito na ako. Lahat ng problems and secrets mo p'wede mo ng sabihin sa'kin at makikinig ako."

"Sa ngayon, kumain muna tayo at mamaya pag usapan ulit natin 'yan. Kakausapin ko rin ang Daddy mo patungkol diyan." Dagdag nito at sabay tinapik at hinawakan ang mga kamay ko.

Halos maiyak ako sa sinabi ni Mommy, I am so thankful that she is my mom. "Thank you so much, Mommy. Sige po sasabay na po ako sa inyo." Niyakap ko ito ng ilang segundo at sabay kaming bumababa para kumain.

Kasalukuyan na kaming nasa baba, inihahanda na rin ng mga maids namin ang mga pagkain. Nandito rin si Daddy kasama namin. Wala rin pala siyang pasok ngayon. Pero hindi ko alam if dapat ko rin bang sabihin sa kanya ang pinagdadaanan ko, natatakot ako at naguguluhan ako.

Ayoko kasing madismaya siya sa akin, ayoko siyang suwayin pero hindi pa talaga ako handa at hindi pa ako sigurado kung sino ba talaga.

"Daddy, may pag uusapan sana tayo mamaya kasama ang anak natin si Savannah. Okay lang naman sayo 'diba?" Pangunguna ni Mommy na siyang mas ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Sandali itong tumingin sa akin, at halos pagpawisan ako ng malamig dahil sa mga tinginan ni Daddy. "Sure! Kumain muna tayo, Sweetheart, be open later. Makikinig ako." Ngumiti ito at tsaka nilatag na ng mga maids ang mga pagkain namin.

Ngumiti ako, "Salamat po, Daddy."

At sa kaliwang bahagi ko si Mommy, hinawakan ang kaliwa kong kamay at ngumiti rin ito. Tila ang pinupunto nito, huwag kang kabahan o matakot anak, andito kami ng Daddy mo.

Naging kampante naman ako at bago kami kumain ay sabay-sabay muna kaming nagpasalamat at tuluyan ng pinagsaluhan ang mga pagkain na nasa harapin namin.

Sobrang nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal dahil hindi lang basta karangyaan ang ipinagkaloob Niya sa akin, kundi. mga magulang na responsable at marunong magmalasakit sa nararamdaman ng kanilang anak.

At kahit naman abala sila sa kani-kanilang mga trabaho, alam kong hindi nila ako papabayaan. Naglalaan pa rin naman sila ng panahon at oras para sa aming tatlo.

Kalahating oras kaming kumain, naging komportable na rin ako dahil nawala na rin ang kabang nararamdaman ko kanina lang. Nag usap-usap kami at pinuri pa ako ni Daddy dahil sa nangyari kahapon sa discussion para sa project namin.

"Daddy talaga, alam mo naman na I will do my best para naman po sa company natin." Buong inam kong tugon.

"I remember Daddy na ganyan ka rin noong binata ka pa, super active and responsible kaya nga noon pa lang ikaw na talaga ang gusto kong mapangasawa eh." Sabat naman ni Mommy na siyang ikinangiti ni Daddy.

"Mommy talaga, pinapalaki mo naman ulo ko eh." Malambing na boses ni Daddy.

Halos mapalunok na lang ako nang sunod-sunod gamit ang  tubig na iniinom ko ngayon.

"Ehem po Mommy and Daddy, andito pa po ako." Pagsingit ko sa usapan nilang dalawa dahil tuwing may ganito para silang may sariling mundo.

Napuno ng tawanan ang mga oras na iyon hanggang sa magpasaya na kaming magpahinga muna bago mag usap.

At napagtanto ko na ito pala ang sikretong hindi malalaman ng iba: Ang pagmamahal at unawaan sa isang pamilya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro