Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 44: I can't wait to be with you

I will do my best to choose me over them

SAVANNAH POV

AFTER that my bestfriend birthday, nakiusap ito sa akin na kung pwede ba raw kami mag usap. Halos kabahan ako nang matindi dahil sa tensyon na binibigay niya, para kasing sobrang importante ng pag uusapan. Pinabalik ko na rin muna ang mga boys sa opisina. Pagkatapos kasi namin kumain at kantahan siya, bigla siyang humingi ng request at ito nga ang mag usap kaming dalawa.

Ano naman kaya ang pag uusapan namin? At teka, patungkol saan naman kaya ito?

"Hey bestie, kinakabahan talaga ako at naguguluhan..." Pangunang paliwanag nito na siyang nagbigay lalo ng kaba sa akin.

Ngunit sa kabila ng kaba, mas nanaig yung pag-aalala sa kanya. Hindi naman siguro siya ginugulo ni Matthew diba? Kasi alam ko naman din na wala na siyang gusto 'ron at kaya nga siya umalis para mag move on, pero ang tanong ano ba talaga ang kinaguguluhan niya?

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita, "Dahan-dahan muna tayo bestie, kung anuman ang ikinagugulo ng isip mo ngayon. Sabihin mo, makikinig ako. Pwede naman 2 p.m. na lang ako magsimula, nandoon naman ang boys if ever they need to settle something."
Habang pinapakalawan ko ang ganitong kataga, naroon din ako sa puntong kinakabahan din.

Ramdam at nakita ko sa kanya yung tensyon na tila ba nahihirapan din siya, nagpakawala rin ito ng matinding butong-hininga at tsaka muling nagsalita.

"Kilala mo naman si John Leo diba, we talk last night. Hindi ko alam bakit sobrang bilis, but then he know that I am not totally ready for that.

"H-Ha saan?"

"He confess his feelings...

Halos mapatakip ako sa'king bibig, iba rin talaga ang ganda ng bestie ko dahil  dalawang Vosco na magpinsan pa talaga ang nagkagusto sa kanya. Well, she is a goddess too. Magbestie kami kaya talagang maraming magkakagusto sa amin.  Pero syempre,  wala naman na sila ni Matthew kaso lang nasa punto pa rin siya ng paghilom at para sa akin hindi iyong dapat madaliin.

"Oh really?" gulat kong tugon.

Tumango lang si bestie sa akin. "Ang bilis diba? But when he confess, naramdaman ko yung sinseridad niya. Aaminin ko rin pala bestie na pumunta si Matthew kagabi sa office pero umuwi rin naman siya. Nangamusta lang. He ask for coffee pero hindi rin naman kami natuloy. I am telling this para alam mo, pero wala na'kong gusto sa kanya ha." Pagpapaliwanag nito.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko pa kay bestie sa pagkakataong ito, biglang may kirot sa puso ko pero syempre hindi ako nagpahalata. Wala naman akong karapatan para magsabi ng kahit ano dahil manliligaw ko pa lang naman si Matthew at ayoko rin talaga magkaroon ng kahit anong ugnayan sa kanya.

"Hey bestie, are you with me? Bakit tulala ka? Anong nangyayari sayo?" takang tanong nito at tinapik ang balikat ko para bumalik ako sa reyalidad.

"O-Oh, yes! Sorry, sorry, may naalala lang naman. Pero let just focus sa concern mo bestie. Well, tama naman ang ginawa mo you are honest to say you feelings to him. Baka naman na love at first sight lang siya? Don't bother yourself too much bestie. Okay?"

She hugs me after I said it and she said, "Thank you bestie, birthday na birthday ko pero ganito kung ano-ano iniisip ko. Anyway, thank you sa ganito— sa kahit saglitang celebration. Lalo na sa cake at sa pagkain ang sarap."

"Ano ka ba, ayan na nga lang nagawa ko kasi alam mo na busy rin talaga ako. Pero thanks to Jay kasi talagang nagustuhan mo, ang sarap pa!"

"Omg! Siya pala nagluto nito at gumawa ng cake? Wow ha, chef din pala siya. Anyway, bestie salamat talaga. Maya-maya aalis na rin talaga ako. Uubusin ko lang 'to sayang kasi."

Hindi pa rin talaga siya nagbabago, gusto niyang nauubos ang pagkain niya. Isa talaga 'yon sa talagang hinahangaan no sa kanya, kasi kahit sa mayamang pamilya siya lumaki hindi siya sobrang masayang na tao.

"Nako bes, uso naman mag take out ka na lang, baka may aasikasuhin ka pa. Office ha, hindi date kay ano, pero bes may sasabihin din ako sayo..."

Halos mabuga niya ay pagkain sa gulat, pero anong nakakagulat sa sinabi ko?

"Ito oh tubig, dahan-dahan naman bestie." Inabot ko sa kanya ang isang basong tubig at tinapik- tapik ang likuran niya. Wala naman kasing nakakabigla sa sinabi ko.

"Okay ka lang?" takang tanong ko rito.

"Y-Yeah sorry, nakakabigla ka naman kasi, about sa boys noh? Ano sino na sa kanila?" Pagmamadali nito.

"Bilis mo naman malaman, yeah tungkol nga sa kanila pero wala pa. Kalmahan mo bestie."

Napatigil siya sa kinakain niya, sinabi ko na lang tuloy na i-take niya na lang kaya pinaasikaso ko muna sa isa sa mga  staff namin tsaka ko tinuloy ang pag uusap naming dalawa.

Sa totoo lang, hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko. Imagine ba naman kasi apat sila tapos isa ka lang, at natatakot din akong pumili dahil mamaya magkamali ako o hindi kaya may masaktan ako.

"Tell me bestie, makikinig ako. Para saan pa ang pagkakaibigan kung sasarilihin mo 'yan. Pero alam mo stress sila sa buhay pero mayroon ka na nga bang napupusuan?"

Halos maging yelo ako sa huling tanong niya sa akin, mayroon na nga ba? At handa na nga ba talaga ako na pumili at sabihin na may gusto na ako sa kanila?

"Okay bestie, chill. Sandali lang someone is calling." Napatigil din ang usapan namin ng may tumawag sa kanya. Nalungkot tuloy ako kasi baka umalis na si bestie at hindi ko man lang na-open sa kanya itong problema ko.

At habang may kinakausap siya sa selpon niya, hindi ko alam kung hahayaan ko na lang ba 'to at sasabihin ko sa kanya na wala pa rin talaga akong napipili.

Bakit ba ang hirap ng ganito? Kupido papana ka na nga lang sa kanila bakit apat pa?

Hanggang ilang saglit ay binaba na rin ni bestie ang selpon niya. Nakangiti ito na para bang pakiramdam ko ay may magandang balita siyang sasabihin. "Bestieeeeeee! May maganda akong balita, mamayang gabi pa ang meeting ko with my partnership. So we can continue our conversation."

Napangiti naman ako dahil tama ako sa hula ko. "So sino nga sa kanila bestie?" Pagpupumilit nito.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil kahit ako, magulo pa rin para sa akin ang lahat. "Ang gulo bestie, sobrang gulo. Ang hirap pumili eh," wika ko.

"Ang haba kasi ng hair mo bestie, NBSB ka nga pero wow yung apat ha, sabay agad-agad pa. Pero bago ka gumawa ng hakbang dapat pag isipan mo ng maraming beses. Payo ko lang piliin mo kung sino yung mas lamang para atleast wala kang pagsisihan."

"At kapag talagang mahal ka, kapag hindi ka pa handa maghihintay talaga siya. Pero sa case mo bestie, magulo nga." Dagdag nito.

Napaisip ako sa mga sinabi niya pero may tama naman siya. Hindi madali pumasok agad sa isang relasyon, lalo na ito yung una ko at nadala pa ng pressure.

Pinisil nito ang pisngi ko at sinabing, "Tama na 'yan bestie. Let's enjoy my day. You will know the answer kapag nasa panahon ka na rin. Sa ngayon, just go to the flow."

"Aray naman! Oo na bestie, kumain ka na ulit. No more alcholic drinks muna, work muna tayo bestie." Pilit na ngiti ang tinugon ko.

Kumain na nga siya at sumabay na rin ako at bahala na nga sa susunod na mangyayari pa.

NAKITA ko ang apat sa kanilang opisina na abala sa pagtatrabaho, hindi rin kasi nagtagal si bestie pa pero tuwang-tuwa naman siya dahil binaon niya ang iilang pagkain at cake. Marami din talagang naluto si Jay.

Pinili ko na lamang na dumaan lang sa opisina nila, dahil may tatapusin din naman ako. Pumasok na ako sa opisina ko at umupo.

Okay, let's focus Savannah. Malapit na ang launching kailangan mo ng maghanda.

At biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Sino 'yan?" tanong ko.

Hindi ito sumagot sa halip binuksan lamang ang pintuan at hindi ko inasahan ang papasok sa loob.

"J-Jay..."

"Hi milady, i miss you. Naistorbo ba kita? Sorry, I bring you some cupcakes again." Malambing nitong bungad at pinatong sa lamesa ko ang dala-dala niyang mga cupcakes.

Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko dahil nambibigla na naman kasi siya. "Anong ginagawa mo rito? Busog na ako, Jay. Pinapataba mo naman ako," masungit kong sabi.

Lumapit lang ito at hinawakan ang mukha ko, sa sobrang lapit pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko. Ano ba naman kasing trip nitong lalaki na 'to. Inalis ko ang mga kamay niya at tumayo. "Ano ba Jay! Pwede ba bumalik ka na sa trabaho mo?"

Akala ko may sasabihin siya dahil nagpanggap akong naiinis, pero niyakap niya lang ako at may binulong. "Namiss kita, pwede bang ako na lang? Ako na lang ang piliin mo. I can do anything just for you. Nababaliw ako, oras-oras kitang iniisip."

Halos makagat ko na lamang ang ibabang labi ko, sa ginagawa niya mas nakakaramdam ako ng kaba at hindi naman kasi madali na basta-bastang pumili. Kung alam niya lang, kung pwede lang din sana.

Ilang minuto rin yata ang pagkakayakap niya. At humarap ako sa kanya at nagpakawala ng mga katagang dapat niyang malaman, "Jay, magulo pa. Sobrang gulo pa, hayaan mo muna ako. Kapag alam at kaya ko na, gagawin ko."

Bumitaw siya sa pagkakayakap. "Sorry... Hindi naman ako nagmamadali, gusto ko lang makasama ka."

Hanggang sa dumating ang tatlo. At naputol ang usapan namin. Mabuti na lang hindi nila nakita na nakayakap sa akin si Jay, ayoko lang na ano pa ang isipin nila. Napalunok ako at inayos ang sarili ko.

"Okay boys, tutal nandito na rin naman kayo. Be prepare bukas na ang launch ng project natin. You can now go back to your office."

"Yes beautiful!"

"I got it!"

"I am totally ready."

Sunod-sunod nilang sagot except si Jay, nanatiling tahimik at ngumiti lang bilang tugon. Lumabas naman ang tatlo, pumunta lang talaga sila dahil nandito si Jay sa office ko at bago tuluyang umalis si Jay nagpasalamat ako. At sa oras na iyon, pilit na ngiti muna ang naging tugon niya.

Nakaramdam ako ng kirot, bakit ganito? Ikaw na ba talaga ang nilalaman nito? Sabay turo ko sa puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro