Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 43: Coffee with You

Destiny or Not?

Sheillaisha POV

KINABUKASAN na ulit ang inaantay ko, ang birthday ko. At sa kalagitnaan ng meeting namin ay nakatanggap ako ng isang mensahe.

Hi bestie. Free ka ba bukas? If yes, pumunta ka sa office ko. See you! Lovelots!
Received.
8:25 A.M.

Inaasahan ko naman na ito, kahit hindi niya pa sabihin I know her dahil birthday ko iyon. Mabuti na rin pagkatapos ng message niya ay saktong nag-end din ang aming meeting. Sunod-sunod na event kasi ang naganap sa company namin to the point na kailangan na talaga asikasuhin. Actually biglaan talaga ang lahat, at dahil nandito ako sa France nagstay nadala ko na rin dito ang ilang bagay na dapat ginagawa ko sa Canada.

"Okay dismiss. Thank you everyone!"

At isa-isa na rin na umalis ang mga officers and employee ko.Dumiretso na ako sa office ko para magreply ka bestie pero bago ko isend iyon, sinigurado ko muna na okay ang schedule ko kinabukasan. At mukhang free ako, nagdouble check ako para sigurado at oo nga, I make it free talaga dahil this is my birthday.

Ngunit sa kalagitnaan ng saya ko, nagkaroon ng kaunting pagkalito dahil sa natanggap ko mensahe. Hindi ko muna tuloy nireplyan si bestie. Nilagay ko muna ang message ko sa kanya sa draft. Hindi lang kaba ang nararamdaman ko ngayon pati kaunting pagkalito, pero mas nangingibabaw yung excitement. Nakatanggap kasi ako ng mensahe mula sa kanya, oo walang iba kundi kay Matthew.

Binati niya lang naman ako pero he ask about morning coffee, nakakainis naman kasi yung pinsan niyang nakabunggo ko. Oo, yung pinsan niyang si John Leo.

Akala ko naman there is something in us, pero sa bawat galaw niya pala ang magiging dahilan para mas malapait kami ulit ng pinsan niya. Hindi ko pa nasabi kay bestie na ilang araw na rin kaming lumalabas ni Matthew, hindi ko ba alam bakit kailangan pa pero pakiramdam ko mas magiging okay ako, kapag ganito nagpatuloy kasi ang ganito feeling ko tuluyan ng maalis lahat ng nga tanong sa isipan ko at syempre kapag nabigyan niya nang tugon ang lahat.

Hindi ko naman na binigyan ng malisya pa ang mga effort na ginagawa niya, dahil hindi ko naman makita sa kanya na ako ang gusto niya. I know gusto niya lang ako maging close para isipin niya na napatawad ko na siya at syempre para sa bestie ko.

Napapikit na lang talaga ako sa mga naisip ko na kung ano-ano. Masyado ko na naman iniistress ang sarili ko. Bumalik ako sa message niya, at kusang gumalaw ang mga kamay ko.

Sure! See you tomorrow at 9 a.m.

Sent.
9:30 A.M

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa bilis ng desisyon ko, napabutong-hininga na lang din ako pagkatapos at nagreply na rin sa bestfriend kong si Savannah.

Bestie, I am so sorry if I lied. Ngayon lang 'to. Gusto kong hanapin ang sagot ng mag isa.

Sure bestie. Kaso nga lang mga lunch pa sa sobrang dami kong aayusin sa morning. Anyway, see you too.

Sent.
9:32 A.M.

Alam kong mali ang gagawin ko, pero alam kong sa huli mauunawaan niya rin naman ako. Wala naman masama kung susubukan ko. Alam ko naman na ako lang din ang makakasagot sa tanong ko, aminado rin naman kasi ako na kulang pa ang pagpapagal ko sa U.S. Inasikaso ko na lang ang sarili ko, dahil ayoko naman mag isip-isip pa. Masyado ng stress ang araw ko para isipin pa ang kinabukasan.

Sandali muna akong nag-unat at niligpit ang mga gamit ko sa lamesa. Nakaramdam ako ng antok kaya pinili ko muna ang  umidlip muna ako rito sa opisina ko.

RING! RING! RING!

Nagising ako sa tunog ng telepono. Dali-dali akong bumangon at sinagot ito, "Hello? Sino 'to?"

"Good day, beautiful lady. Nandito ako sa ibaba, can we talk. This is Matthew."

Walang ano-ano at ibinababa ko ang telepono. I check the time at gabi na pala. Napasarap pala ang tulog ko. Inayos ko muna sarili ko at mabilis na bumababa para puntahan siya.

At habang naglalakad na ako papunta sa elevator, napaisip ako. Ano ba naman kasi ang gagawin niya at gabing-gabi na pumunta pa talaga siya rito? Sabi ngang bukas na lang eh, talaga naman oh.

At nang makarating na ako sa elevator, nakasabayan ko na rin ang mga staffs ko kaya punuan din talaga. Huwag na lang sana nilang makita pa ito, yung pagkikita namin ni Matthew, dahil ayoko pa magkaroon ng kahit anong issue.

Ewan ko ba naman kasi 'ron, at gusto pa niya kong makita ng ganitong oras. Alam ko naman ang sadya niya, dahil nitong nakaraan puro si Savannah naman talaga ang palaging bukambibig niya. Nakakainis nga eh, pero sino ba ako para magsabi na tama na? At sino ba ako sa buhay niya.

Hanggang tuluyan na ngang magbukas ang elevator, hindi ko na napansin dahil sa kung ano-ano na naman kasi ang mga tumatakbo sa isipan ko.

Sumabay na ako sa mga lumabas dahil ang destino nito ay ay sa ground floor din naman  kung saan naghihintay naroon siya. Hinanap agad siya ng paningin ko, at nakita ko sa bandang unahan, naghihintay ito at nakaupo sa sofa na nakalaan para sa mga bisita.

Mabuti na lang at wala ng masyadong tao banda roon. "Hey Sheillaisha! Nandito ako!" Sigaw nito na hindi naman ako nasa kalayuan para hindi siya marinig. Gusto ko sanang sumigaw rin, Oo nakikita kita, hindi mo kailangan kumaway pa.

Huminga na lamang ako nang malalim at inisip na ibang bagay ang pakay niya at nagkataon lang ang lahat ng ito. Hindi planado o sadya, biglaang punta lang gano'n.

Hanggang sa makalapit na ako sa kanya, at ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Hi! Sorry pala binababa ko ang tawag, may ginagawa kasi ako 'non, bakit pala?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nothing, gusto lang sana kita bisitahin tsaka birthday mo na rin kasi bukas sure ka ba na free ka sa umaga?" takang tanong nito na siyang ikinagulat ko.

Nakakapagtaka kasi na pumunta talaga siya rito para lang itanong sa akin ang ganoong bagay, nakakaloka naman kung gano'n, pero may kaunting bahagi sa akin ang umaasa na sana nga iyon na lang talaga ang pinunta niya.

Nako self, naka move on ka na diba? Paano ka pala mas magiging okay kung palagi mo ng hahayaan na makausap kayo? Ano marupok ka pa?

Kung ano-ano na naman ang sinisigaw ng isipan ko. Hanggang sa... "Hey Sheillaisha, are okay?" he asked.

"Oh, yes! May iniisip lang, sure okay naman ako sa umaga pero bandang lunch time hindi na. Saglit lang naman ang date natin diba? este yung coffee time natin."

"Yes! Don't worry if you can't go with me kahit magkita na lang tayo sa office ni Savannah, I and the boys will be there for one week para sa project naming lima."

Halos nawindang ako sa mga sumunod niyang sinabi, pero syempre I have words naman at hindi naman siguro aksidente na magkaroon ulit kami ng oras sa isa't-isa. What I mean, this simple conversation is having a new memories again.

"Ohh, I see. Yeah, I am totally sure for tomorrow. Nagsabi naman na ako bestie. Ano pa ba ang ibang sadya mo?" paglilinaw ko.

"Y-You, what I mean for clarification. Dumaan lang kasi ako sa malapit na shop dito for some reason so ayun naisip ko na daanan na rin kita. I am with my cousin din. Ito na pala siya, may binili lang din." Pagpapaliwanag nito at turo sa pinsan niyang papalapit sa amin. May dala ito nga bulaklak.

"Hi Sheillaisha! Ito oh para sayo, advanced happy birthday."
He greet at tsaka niya pinaabot ang mga magagandang bulaklak kasama ang isang malaking tsokolate na nakalagay sa loob ng bouquet of flowers.

"Oh, JL thank you so much for this. Bukas pa naman ang birthday ko pero salamat agad kasi nauna ka." masayang saad ko na siyang ikinangiti nito.

"Ohh, that's great! Inunahan ko talaga 'yan. Baka kasi may mauna pa este mas maganda ng ako yung nauna." Tumingin ito sa pinsan niyang si Matthew at nagpakawala ng mapang-asar na ngiti.

Nagulat naman ako dahil parang may kakaibang sa pagitan nilang dalawa at biglang nagsalita si Matthew, "Sige Sheillaisha, mauuna na ako. See you tomorrow." Pagpapaalam nito at binigyan ng masamang tingin ang pinsan nito.

"Anong nangyari 'ron?" tanong ko kay JL na bahagyang bumulong.

"Ah wala lang 'yon. Anyway, are free tonight? Coffee lang tayo, tapos ka na rin naman sa work mo 'diba?" tanong nito.

"Yes, sure! Tara?" Pagyaya ko rito dahil gusto ko na rin kumain sakto rin naman na nagyaya siya. Tila iba pala ang nasa isipan ko sa totoong mangyayari. Si JL na pinsan niya pala ang makakasama ko ngayon, mas okay na 'to para atleast wala na rin akong iisipin pa.

Lumabas na nga kami ni JL, at doon ko naisip na mali pala ang mga akala ko. Nagkakataon lang pala na lumalapit ulit sa akin si Matthew pero ang totoo, ang pinsan niya talaga ang may gusto sa akin. Napangiti naman ako 'ron.

At habang naglalakad na kami malapit sa restaurant na sinasabi niya. Nakita ko rin na may dala siyang paper bag, pero imbes na isipin iyon, pinili ko na lamang mas intindihin ang magiging resulta nitong paglabas namin.

Knowing each other na ba ito? Feeling ko oo. At nakapasok na nga kami at nag order na rin. At sa mga oras na 'yon kakaibang pakiramdam ang binibigay niya.

At habang inaantay na namin ang orders namin, may inabot siyang paper bag. Ito yung hawak niya kanina pa.

"Ito oh, para sayo. Simula ng makita kita, iba na yung pakiramdam ko. Until I have a chance na mas makilala kita. I hope magustuhan mo yung simpleng gifts ko for you."

"I know you have relationship to my cousin before, hindi naman ako magmamadali na maging tayo o ano. I am here para malaman mong totoo ako and gusto pa kitang makilala.

Halos mapipi ako sa mga pinakawalan niyang mga salita. Hindi ko inaasahan na mag oopen siya ng ganito, but then mas bumilis ang tibok ng puso ko. I accept his gift and ngumiti muna ako sa kanya. I open the paper bag at namangha ako sa laman nito.

I get box inside of it and the book.

"I give it for you para kapag suot mo yung bracelet ako ang maalala mo, na maisip mong nandito ako palagi para sayo at yung libro. I actually wrote my poem for you. Last year ko lang ginawa 'yan. Sinama ko na kasi it's all about love baka magustuhan mo." Yumuko ito at tila ba namula sa kanyang pag amin.

Binuksan ko na nga ang box at ang laman nga ay bracelet. I also get the book and title of it  is "The Rythms of Love" hindi ko akalain na writer din pala siya. Napangiti naman ako at kasabay din 'non ay dumating na ang pagkain at ang kapeng inorder namin.

And the night is amazing. Nagkausap kami at narealized kong how effort he is. And this coffee date with him is the best gift that I have this year.

At habang masaya kaming nag uusap sa mga bagay-bagay. ay siyang sumunod na gulo sa isipan ko.

I want this story to tell to my bestfriend tomorrow. Pero sana dalawa lang kami dahil ayokong may makarinig pa, pero ang mas ikinagulo ko ang tanong na siyang nagbibigay kirot ngayon sa puso ko.

Handa na nga ba ako sa bagong pag-ibig?

Totoo bang wala ng nararamdaman sa akin si Matthew?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro