Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 42: Birthday of Sheillaisha

Together Again

SAVANNAH POV

BUKAS ko na makikita ang mga apat na gwapong nilalang. At kahit ramdam ko na naman ang kaba hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga ginawang effort sa akin kanina ni Jay. I know that was so surprising and the happiness that I have right now, ay talaga naman ang hirap ipaliwanag.

Kasalukuyan na akong nasa opisina ko, nakabalik din naman ako after ng 1 hour break. and yeah, all of us here in the company have  a 1 hour break. I check my phone para malaman kung may text ba o tawag. Ngunit mas nahagip ng mga mata ko ang date, at naalala ko na bukas na rin pala ang birthday ng matalik kong kaibigan na si Sheillaisha.

I message her immediately para naman malaman ko kung magiging busy ba siya bukas o hindi. Hindi na ako masyadong nakapagprepare dahil sa mga nangyari kailan lang at abala rin talaga kami pareho.

Mabuti na lang napansin ko ang date kung hindi baka nalimutan ko pa. Napahawak na lang talaga ako sa ulo dahil sa sobrang stress at kakaisip sa mga kumag na 'yon, ngayon ko lang talaga naalala na magkakaarawan na pala siya— Ang bestfriend ko na si Sheillaisha.

Kinuha ko na lang ang paper bag na binigay kanina sa akin ng staff pagkaalis ko sa cafeteria. I drink the coffee and eat the bread. And I can say na bagay rin pala siya sa kusina, while drinking it, I finish some random things at nakatulong para  mas mapabilis ang gagawin ko, dahil kailangan matapos para makapag isip ako mamayang gabi ng kahit simpleng effort man lang sa bestfriend ko.

We are both glamorous lady, so I can say that she didn't need some expensive things. Pinili ko na lamang munang at ayusin ang mga mahahalagang bagay para makapagplano ako mamaya.

At sa huling higop ko ng kape, mas naamoy ko ang aroma ng timpla. Hindi naman ito ang una na pag inom ko sa kape pero parang kakaiba ang lasa niya. Yung tipong bibihira at iisang tao lang ang gumawa.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang pangalan niya, walang iba kundi si  Jay.  Ano ba naman kasi ang ginawa niya para maging ganito ako ngayon?

Hindi naman ako galit, I just admire him for doing this dahil talagang ang sarap ng niluto niya pat itong kape na 'to na naubos ko na nga.

And he helps me a lot dahil hindi ko namalayan na habang iiniinom ko ang kape, i finished one of those papers na deadline ko rin this week.

Until someone knock on my door.

"Pasok!"

"Good afternoon, ma'am. May nagpapabigay po nitong cupcakes. Nasa kabilang room po siya," saad ng isa sa mga  secretary.

"W-who?"

Hanggang sa lumitaw ang isang lalaki na kanina lang bukambibig at laman ng isip ko.

"Hi milady!" Masiglang lapit nito at kumakaway pa.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko dahil ang alam ko ay umalis na siya kanina pa mula sa cafeteria at tsaka bukas pa naman ang schedule niya, nila rito sa kompanya.

"Nothing. Namiss lang kita agad, thank you miss." Kinuha niya ang mga cupcakes at umalis na nakangiti ang isa sa secretary ko.

"I'm full, you may go." Masungit kong tugon na akmang papasok na sana sa loob pero bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Huy wait lang, alam ko naman na hindi mo 'to aayawan. Sige na take it, I will make cake for your bestfriend." He said without thinking anything.

Wala ako sa sariling napaharap sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na birthday ni bestie bukas, pero ang mas ikinatuwa ko pa ay binibigyan niya na rin ako ng idea para sa magaganap kinabukasan.

"Paano mo naman nalaman?" tanong ko.

"I already know it since na malaman kong mag-bestfriend kayo ni Sheillaisha syempre inalam ko na rin ang tungkol sa kanya."

"Mahirap na, kailangan bawat koneksyon na may kinalaman sayo ay alam ko.

"Ano ka detective? Napaksegurista mo naman."

Bigla na lamang siyang pumasok sa opisina ko, wala akong nagawa kundi ang sundan siya dahil sa ginagawa niya.

"Relax, gusto ko lang naman tingnan ang lagay mo rito. Ohh, the coffee and bread naubos mo na pala." Nakita niya na nga dahil nagpaka-detective na naman ang lalaking ito.

"Okay, I loved your coffee and the bread that you made. Pero ano ba talagang sadya mo?" Inis kong tanong sa kanya.

"Ikaw, ikaw milady." Diretsa niyang tugon sa mga mata ko.

Halos tumigil ang mundo ko sa ginagawa niya. Ano raw? Ako? Hindi ba siya nagsasawa kakasabi ng gano'n?

"I want you to be safe so I am here. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga security guards mo rito. Namiss lang talaga kita at kasalanan mo 'to, Savannah." Niyakap niya ako nang mahigpit pagkatapos niyang banggitin ang mga katagang iyon.

Halos hindi ako makahingi, hindi dahil sa pagkakayakap niya kundi dahil pakiramdam ko kakaibang Jay ang kaharap ko ngayon.

Hindi ko tuloy alam kong gaganti ba ako sa mga yakap niya o hahayaan ko na lang ba siya sa ginagawa niya.

"Ayos lang sa akin Savannah kung hindi ka pa handa, pero huwag mo naman akong gantuhin. Sa bawat araw at kahit  segundo o minuto ng oras ay namimiss kita kaya hayaan mo muna akong gawin ang mga ito sayo."

"J-Jay..."

"I know hindi lang ako ang nag eeffort para malaman mo na mahalaga at kamahal-mahal ka, pero sa aming apat ako ang mas lamang."

Halos tumatagal na ang yakap niya habang nagpapaliwanag sa akin, subalit hindi ako kumawala sa halip hinayaan ko siya at nakinig ako.

At ilang saglit pa ay kumawala na rin siya, binitawan niya na rin ako sa mga bisig niya. "Salamat, Savannah. Payapak na rin ako. Basta kainin mo yung cupcakes ha, huwag ka na rin mag alala. Stress na ang mga mata mo oh, I will help you tomorrow for her birthday. Just relax because I am with you."

Halos maihi ako sa mga pinagsasabi niya at dahil na rin sa kilig. Ito na ba talaga ang totoong Jay? He is really a good man with too much doing a lot if efforts.

"Sure ka ba?" Hindi na ako nakapagtimpi para tanungin siya.

"Oo naman, ako pa ba? I know it. Just trust my actions." He said with his husky voice.

Napangiti na lang ako dahil hindi lang kasi kayabangan ang pinapairal niya ngayon, I can say that he knows what to do tipong alam niya talaga, pero paano kung tatlong epal pero gwapo naman ang manggulo bukas?

"About the three boys, hayaan mo sila baka nga tumulong pa ang mga 'yon."

"Okay sige na alam mo na, you always read my thoughts." Sumimangot ako at hinampas-hampas siya.

Kinurot niya ang pisngi at ilong ko, "Silly girl! Of course not, I am not detective nor being a smart guy. Sadyang halata lang sa awra mo, basta maghanda ka lang. I will prepare some delicious food and I bake cake para sa bestfriend mo."

Tumango na lang ako at niyakap siya. At sa ganoong pagkakataon, pakiramdam ko mas naging lamang siya at mas nakilala ko na rin kung sino nga ba siya.

"Thank you, Jay." Matamis na ngiti ang pinakawalan ko pagkatapos kong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"Always welcome, Savannah. Sige na, finish your works. Kita na lang tayo bukas, smile and stop worrying okay?"

"Opo, salamat talaga. Ingat ka pag uwi."

"I will, mas mag-iingat ka."

Lumabas na nga ito ng opisina ako habang ako ay nakangiti pa rin na tinatanaw ang pintuan.

I liked his attitude. I liked the way he make this kind of efforts. At sana lang, mas makilala pa kita.

At pagkaalis ni Jay, naisip ko na kailangan ko na munang matapos ang last folder na mayroon ako. Para kinabukasan ay kahit less ang magawa ko atleast hindi ako matatambakan.

Salamat din sa kanya dahil mas nagkaroon ako ng ideya sa gagawin ko bukas. Kahit na panigurado ay maraming kaganapan bukas, talagang maghahanda ako dahil bukas ay hindi lang basta kaarawan ni Sheillaisha kundi pagsubok din para sa apat kong manliligaw.

Nagising ako ng pasado saktong alas otso. Nagmadali na akong bumangon at maghanda dahil ngayon na ang kaarawan ng bestfriend ko. Hindi naman ako puyat, sadyang naging maganda lang ang pagkakatulog ko.

Sino bang hindi magiging maganda ang tulog kung bago ka pauwiin ay papakiligin ka pa? Kahit naman yata sino, magiging maganda talaga ang magiging gising.

Bukod doon, kahit na late na nagreply kagabi si bestie sa message ko hindi naman ako nagsisisi sa reply nito, dahil sinabi niya na half day lang din siya sa work niya. Kaya sinabi ko na treat ko siya sa mismong cafeteria namin para sa kaawaran niya.

Hindi na ako nagmeal pa, kinain ko na lang ang natitirang cupcakes na ginawa ni Jay. Halos naubos ko na rin ito dahil masarap talaga ang gawa niya. At habang nag aayos ng aking sarili para makapasok na rin, kinuha ko muna ang selpon ko at nag message sa kanya, kay Jay.

Hi Jay! Good morning. Half day lang si Sheillaisha dahil she has busy for her work this morning. If you already prepare some foods and yung cake ipaiwan mo na lang sa cafeteria. Doon ang event natin later during lunch time. See you!

Sent.
8:10 A.M

At pakiramdam ko habang tinytype ko iyon ay namumula ako. Huwag lang sana umabot sa point na maging oa na ako. Naglagay na lang ako ng blush on sa pisngi ko at para matapos na rin ako.

Ilang saglit pa ay bumababa na rin ako para magpahatid sa isa naming driver. My mom and dad are not here because of having a business trip again sa London.

Kaya kailangan din pagkatapos nitong mini celebration with bestie and boys ay maasikaso  ko naman ang project. Ilang araw na lang at mai-lau-launched na rin ito.

Hinga nang malalim self, kaya mo 'yan. Bawal ka ma-stress, mababawasan ang ganda mo.

Tumingin lang ako sa salamin at pagkatapos ay nagpahatid na ako kay Mang Felix, isa sa personal driver ko.

I have lot of drivers, sinadya ko talaga 'yon para atleast magkaroon din ng trabaho ang iba, kumbaga give chance to others.

Inihatid na nga ako sa kompanya, halos smooth naman ang naging biyahe mabuti na lang din talaga at hindi masyadong traffic.

At malapit na ako sa parking lot, kitang-kita ko na agad ang mga sasakyan nila. Hindi talaga sila nagpapahuli, nauuna talaga silang dumating sa kompanya kahit noon pa.

"Ma'am nandito na po tayo," saad ng driver ko at itinabi na ang sasakyan.

"Salamat, Manong. Mag-me-message na lang ako sayo kapag susunduin mo na'ko."

Tumango naman ito at pinagbuksan na ako ng pintuan ng kotse. Bumababa na ako at dumiretso sa loob ng kompanya. Umalis na rin si Manong dahil alam niya naman na mamaya pa ang uwi ko.

At sa hindi inaasahan, talaga naman bubungad ulit ang lalaking kausap ko lang kahapon.

"Good morning, milady. I already prepared everything, regarding sa foods and her cakes nasa cafeteria na kanina pa." Ngiting pagpapahayag nito at pumasok na rin siya sa elevator.

"Oh hi Jay! Salamat, mamayang lunch pa naman nandito si Sheillaisha, kaya okay lang din nasaan na pala yung tatlong boys na ka-uri mo?" takang tanong ko rito.

Dalawa lang kami na nasa elevator, kaya nagtataka ako kung nasa opisina na rin ba kaya ang iba dahil syempre imbitado rin naman sila para sa mini celebration ng bestfriend ko mamaya. Hindi ko na kasi nagawang i-message sila dahil naging busy rin talaga ako kahapon.

"Yes, nasa office na sila. Halos sabay sabay lang kaming apat na nakarating kanina lang. They are waiting for you, pero sorry sila ako laging nauuna." Ngumiti ito dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko.

Ngunit hindi ako nagpahalata baka kasi isipin niya na tama siya o hindi kaya nagagwapuhan ako sa kanya. Well, I agree naman sa mind ko hindi lang siya talaga gwapo, may ibubuga rin talaga.

"Ohh, I see. Anyway, see you later Jay. Salamat sa foods and cakes, babawi na lang ako next time." Ngumiti ako at saktong bumukas na ang elevator at dumiretso na ako sa office ko. Naramdaman ko ang yapak niya kaya nakatitiyak ako ng sumunod din ito pero lumiko ito at dumaan sa opisina nila.

Magkakasama kasi ang mga boys, inihanda talaga ni daddy ang place na iyon para sa kanilang apat.

Naghanda lang ako ng kaunti at para mamaya, wala ng magiging aberya pa. Ginawa ko na muna agad ang mga kailangan kong tapusin para after the event, makausap ko na ulit ang apat na gwapong nilalang na mga 'yon.

Finally, natapos rin. Teka, anong oras na ba? Oh shems! 11:30 a.m. na pala. I forgot the gifts nasa kwarto ko pala.  Nasapo ko na lang ang sarili ko habang nag-cram ngayon.  I can't imagine na ngayon pa talaga, until someone knocking on my door.

"Bestie..." Sunod-sunod na katok ang ginawa nito.

"Ohh shems, she is here." Bulong ko at inayos ang sarili ko.

Tumayo na lang ako para batiin siya. Maybe later ko na lang sasabihin sa kanya na nasa bahay yung mga regalo ko sa kanya.

"Hi bestie! I miss you! Kanina ka pa ba? Anyway, happy birthday!" Masayang bati ko sa kanya at niyakap ito. Pinapasok ko na rin muna siya sa office ko, halatang kakagaling niya lang din sa work niya dahil mukha siyang stress at pagod.

"Ohh thank you, bestie. It's okay kakarating ko lang. Hindi ako magtatagal bestie ha, I know this is my day kaso I have 2 hours vacant dahil may mga biglaang meeting ako." Malungkot nitong tugon na siyang ikinalungkot ko rin.

"Sige bestie okay lang 'yon, hindi naman natin kasalanan ang mga ganyang ganap eh. Tara sa cafeteria, kumain na muna tayo. I prepare something for you!" Masiglang yaya ko rito sa kanya.

Dumiretso na kami sa cafeteria, nagmessage na lang din ako kay Jay na sabihan ang mga boys na dumiretso na lang din doon para kahit saglit na celebration lang din. At habang naglalakad kami papunta sa cafeteria, bigla akong may naalala. Pero imbes na isipin iyon, inalis ko na lamang dahil ayoko naman na mag isip pa ng kung ano-ano.

"Hey bestie? Are you okay? Andito na tayo sa cafeteria."

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami dahil sa biglaang naalala ko. "Ohh, sorry, y-yeah I'm good bestie. Sige na maupo ka muna. May kakausapin lang akong staff namin." Pag-iiba ko at hinayaan ko muna siyang maghanap ng upuan namin. Sakto naman na dumating ang mga boys.

Kumaway ang mga ito sa akin pero mas nahagip ng mga mata ko si Matthew. Hindi ako nagkamali, he know it already. Syempre ba naman ex niya 'yon. 

Nagpigil ako at inalis ang mga gumugulo sa isip ko. Kinausap ko muna ang staff ko na ilabas na ang cake at mga pagkain. Sumunod naman ito at pinauna ko na rin ang mga boys pero nagpaiwan si Jay.

"Ito oh cupcakes, sinabay ko sa pagbabake ng cake ni Sheillaisha." Sabay kumindat ito at ngumiti sa akin.

"T-Thank y-you, J-Jay." Utal kong sabi dahil sa ginawa niya, pero hinampas ko na lang ito at dumiretso na kami sa table ni Sheillaisha, andon na rin pala ang mga boys. Mukhang nauna na silang magpasabog.

At sa mga oras na iyon, even it is simple, but I make sure na magiging masaya ang kaarawan ni bestie. We eat togeher and have fun kahit saglit lang ang oras ni bestie.

"HAPPY BIRTHDAY, SHEILLAISHA!" Sabay-sabay naming bati habang nag-wi-wish ito sa hawak kong cake para sa kanya.

"OMG! thank you sa inyo lalo na sayo bestie. Hindi ko alam na may paganitong handaan pala ang ginawa ninyo," saad niya habang nagpupunas ng luha dahil talagang nasurpresa siya.

"Ano ka ba bestie! Biglaan din ito kaya huwag ka na umiyak pa, kumain na ulit tayo." Tugon ko.

Niyakap niya lang ako bilang tugon at pasasalamat na rin, nakita ko rin na nagpasalamat siya sa mga boys dahil din sa mga pasabog nila at pagbibigay ng regalo. Iba rin talaga si Jay sinabihan na rin niya pala kahapon, pero mas nabigla ako sa mga sumunod na nangyari. Hindi naman ito bago sa akin pero yung inabot ni Matthew ang regalo niya kay Sheillaisha ay kakaibang kirot sa puso ko ang naramdaman ko.

Bakit...

"Salamat, love." Kinuha niya ang regalo at niyakap ni bestie si Matthew.

Teka anong mayroon  sa kanila?

Bakit ako yata ang mas nasurpresa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro